Chapter One
Got Me TangledNaka-kapit ako sa strap ng bag ko habang tumatakbo papunta sa third floor ng building, kung saan ang room ng mga Grade 11.
Na-late ako. 6:30 na 'ko nagising. Sa sobrang kaantukan ko kagabi hindi ko nakita na 6:30 pala ang napindot ko sa alarm imbis na 5:30.
Sumilip ako sa may pintuan para makita kung sino-sino na ang mga nasa loob, nakita ko kaagad sila RJ na nasa dulo na nagkukulitan. Ang aga aga parang mga gago. Napadako ang tingin ko sa harapan ng room.
Puta. Andiyan na 'yung prof. Si Ma'am Mercado, bagong prof namin.
Bago pa magpasukan ay naka-post na sa portal ng SMU yung section namin at mga prof. Sa 11-STEM A ay kami nila Ning, Rj, at Renjun, samantalang nahiwalay sa 11-STEM B sila Yuna, Chaer, at Jisung. Kainis lang, 'di pa kami pinagsama sama, paniguradong si Sir Alvarez may pakana nito, siya lang naman ang inis na inis samin eh.
"Ma'am may aso po sa labas!" Sabay turo ni Ryujin sakin, sinamaan ko siya ng tingin at kumatok ng maayos.
"Good morning po," Bati ko pag-bukas ng pintuan, "Sorry po na-late." Magalang na sabi ko.
Tumango si Ma'am Mercado, "Dahil ikaw naman ang late, why don't you start the introductions?" Nakangiting tugon niya.
.
Nakita ko ang ngisi nung mga unggoy sa likod, at ang tawanan ng mga kaklase ko ng pinakitaan ko ng kamao sila Ning. Halos yung iba naming kaklase nung Grade 10, ay sila din ang mga kaklase namin ngayong Grade 11.
"My name is Winter Kim," Simula ko, "18 years old."
Bumaling ako kay Ma'am, "Tapos na?" She asked, tumango ako.
"Opo."
Tumawa si Ma'am, "How about your hobbies, Ms. Kim?"
Napaisip ako. May hobbies ba 'ko? Parang wala naman.
Nagtaas ng kamay si Ning, "Ma'am mahilig po mag videoke 'yan!" Sigaw nito, at tumawa ng malakas.
Agad naman akong umiling, "Hoy! Hindi po!"
Pinilit nila akong kumanta pero nagmatigas ako. Aba, baka ma-discover ako bigla dito. Muntikan na nga 'ko mag-walkout buti nalang tinigilan na nila at pinaupo na 'ko si Ma'am sa tabi nila RJ.
"Tangina mo." Bungad ko kay Ning, at umupo sa tabi niya, tinawanan niya lang naman ako.
Sunod sunod na kaming tinawag hanggang sa natapos ang buong klase. Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang may mga message sila Yuna sa GC.
Lumipad and aming team
Yuna: Gago ang tahimik sa room namin huhu
Chaeryeong: Legit langs.
Yuna: Tapos adviser namin si Sir Quijano parang tanga talaga eh.
Jisung: KJ ni sir. May seating arrangement amp.
Ryujin: HAHAHAHA DESURB INGAY NIYO KASI
Renjun: (2)
Yuna: Itong dalawang RJ na 'to eh.
Yuna: San si Win?
Ning: Katabi ko, lumbay HAHAHAHA
Chaeryeong: Bakit? HAHAHA
Jisung: (2)
Ning: Wala na 'yung crush niyang Grade 12 last year. HAHAHA
Renjun: Buti 'di nagbubukas ng phone 'to HAHAHA LAGOT KA NING
Yuna: HAHAHAHA SINO BA DON?
Chaeryeong: Si Ate Sana ba? O si Kuya Doyoung?
Ning: Both HAHAHAHA
Ryujin: HAHAHAHA AYAN NA NING LAGOT KA
Winter: Tangina mo talaga Yizhuo.
Winter: MGA BACKSTABBER KAYO
Chaeryeong: HAHAHAHAHA
Jisung: So sino nga? HAHAHA
Winter: Wala. Shut off nalang kayo.
Pinatay ko ang cellphone ko at tinignan ng masama ang mga katabi ko na nanginginig ang mga balikat sa pagpipigil ng tawa.
Nagulat kami ng may kumatok sa pintuan, bumungad samin ang mukha ni Lia na galing sa Grade 12-STEM.
"Ma'am, sumabay na daw po ang Grade 11 samin sa pag-kuha ng ID." Sabi niya, "Pila nalang daw po kayo, tas sabay sabay na daw po bababa." Pagtatapos niya at nagpaalam.
Pinapila na kami ni Ma'am Mercado, alphabetical. Katabi ko sa pila si Minju, at Chaewon. Nakakaloka, napag-gitnaan pa 'ko. Landian ng landian.
"Hanap ka na kasi jowa, Win." Natatawang sabi ni Chaewon ng makita ang inis na itsura ko.
Inirapan ko silang dalawa, "Wala akong time."
Nakapila na kaming lumabas, at gumilid para may makadaan pa sa corridor. Nakita kong naglabasan na din sila Yuna sa kabilang room, kinayawan nila kami. Lumabas na din ang mga Grade 12 sa kanilang room, at kapansin pansin ang pag iingay nila Aeri doon dahil nasa dulo sila kasama nila Chenle.
Ay sino 'yon?
Feeling ko biglang nag-mala hugis puso ang mata ko sa nakita ko. Jusko po. Ang ganda naman. Nasisilaw ako. Para akong hihimatayin ng bigla siyang tumawa at halos mawala ang mga mata niya.
Nawala ako sa iniisip ko ng tinulak ako ni Minju, "Lakad na uy." Natatawang sabi niya sakin, pagkaharap ko ay nababa na ng hagdan sila Chaewon. Agad ko itong hinabol.
-
Hinihintay kong matapos magpa-picture sila Ryujin. Dahil mas nauna kami ni Ning ay naka-upo lang kami sa labas at nilalantakan ang gummy bears ko.
"Init." Sabi ko habang nagpapaypay gamit ang kamay, "Tagal naman nila." Inip na sabi ko.
Sumubo si Ning ng gummy bears, "Bago 'yon noh?" Turo niya sa kanina ko pa tinitignan na panibagong mukha na galing sa Grade 12.
Tumango ako, "Ngayon ko lang nakita eh."
Tahimik kong pinagmasdan si Ate. Ang ganda niya talaga. Ang tangkad pa. Tuwing tumatapat sa araw yung buhok niya medyo nagiging kulay blue yung ilalim nito. Grabe ang layo ko, pero kitang kita ko dito yung pinkish niyang lips. Mukhang malambot.
"Hoy!" Napatalon ako sa sigaw ni Ning.
"Oh?" Masungit na tanong ko.
Tinuro niya sila Aeri, "Tawag tayo kamo, punta ba tayo?"
Ay . Pakshet. Yes sure, why not?
"Bahala ka." Pakipot na sagot ko.
Tumayo siya, "Tara."
Lumapit kami sa pwesto nila Aeri, mga naka-sandal sila sa pader, dahil nag-iintay sila matapos ang section namin.
"Hi Winter!"
"Sungit!"
"Oi Kim!"
Inirapan ko lang sila. Kainis.
"Bakit?" Masungit na tanong ko kay Aeri na nakangisi sa akin.
"Balik ka na don." Pang-aasar niya.
Inirapan ko siya, "Pisti ka."
"Bago ka lang po?" Tanong ni Ning kay Ate.
Ngayong malapitan para akong hihimatayin. Jusko! Ang ganda lang talaga. Parang nagti-twinkle yung mata niya huhu. Tapos ang liit pa ng mukha. Ay may nunal siya sa may labi? Ganda.
Tumuro siya sa sarili niya, "Ako?" Tanong niya. Jusko po. Ang lalim ng boses.
"Opo." Natatawang sabi ni Ning.
"Sus! Kunwari mabait si Yizhuo." Biglang lapit samin ni Yeji at Lia, at umakbay sakin si Yeji, "Hello bebe, kumain ka na?" Tanong sakin nito.
"Libre mo ko." Sabi ko dito, "Sandwich lang." Turo ko sa may cafeteria.
Tumawa siya, "Sige. Intayin mo 'ko ah." Tumango ako.
"K." Sabi ni Aeri na nakatingin samin at umirap, "Oo, Ning, bago 'yan." Turo niya kay Ate, "Kars, sila Ning, at Winter mga kinder 'yan." Sinamaan ko siya ng tingin, "Hahaha, si Karina pala guys."
Pati pangalan maganda.
"Hello po." Mahinang bati ni Ning.
Ngumiti ako ng tipid, "Hello..."
She smiled back, "Nice to meet you."
I do agad!
-
Puro introductions lang ang ganap sa buong araw, halos naka-tambay nga lang kami nila Ning sa cafeteria eh. Inuuto ko na si Yeji kanina na bilihan niya na din ako ng milktea kaso biglang pinatawag ang mga Grade 12 students. Kawawa naman.
"Ganda nung transferee noh," Sabi ni Ryujin na nilalantakan ang sandwich ko.
Tumango ako, "Mas maganda sana kung 'di mo uubusin sandwich ko." Sagot ko sa kaniya at nilahad ang kamay para ibalik niya ang sandwich sa akin.
"Hahaha, pa-simple si Rj eh." Tawa ni Renjun.
Inabot niya sa akin ang sandwich at inirapan ako. Aba! Siya na nga ang nanguha.
"Maganda naman talaga eh!" Sabi pa ni Rj.
"Sino ba nagsabi na hindi?" Tanong ko.
Maganda naman talaga. Sobra pa nga eh. Hehe.
-
Yuna Shin
Yuna: Win! Sabay tayo uwiiii.
Winter: Ayaw.
Yuna: Parang gago.
Yuna: Parang 'di kaibigan ah! Parang wala tayong pinagsamahan ah huhu
Winter: Sasabay lang ako kay Yeji.
Yuna: Ako din kamo hehe. Love u.
Winter: EW
Yuna: :*
Kaloka naman 'to si Yuna. Lunch palang, uwian na agad ang nasa isip. Magka-lapit lang kasi ang bahay namin ni Yuna at Yeji, iisang village lang naman kami. Kaya kung hindi si Yeji ang kasabay ko, si Yuna naman.
"First day na first day wala na 'kong pera," Bungad samin ni Yuna pagka-kita namin sa cafeteria, "Libre niyo naman ako."
Inabot sa kaniya ni Chaeryeong yung C2, "Gusto mo ba?"
"'Wag na 'yan! Ako na lang, Chae!" Sabi ni Ningning, at inagaw ang C2.
Jusko. Biglang hinablot pabalik ni Yuna 'yung C2. Nagka-away na nga. Tumayo na ako bago pa ako ang mabuhusan dito. Napatingin kami sa kamay na kumuha ng C2 mula sa dalawa, at walang pakialam na binuksan at tinungga 'yon.
"Away-away pa kayo, pangit niyo." Sabi ni Ryujin at umupo sa kaninang inuupuan ko.
"Kung ako
Comments