Chapter 6

Love Me
Please Subscribe to read the full chapter

Irene POV


Pinaupo ko siya doon sa bench na lagi naming tinatambayan ni Bogum. Para naman siyang robot na sumunod agad. Tinatanong ko siya pero laging opo ang sagot nya. Mahilig ba siya sa upo? Or ang cellphone ba nyang gamit ay oppo at ini-endorse nya? Dahil nagsasawa na ako sa kakaoopo nya, i decided to . 

"Maganda ba ako?"

"opo....huh? No... Ah I-I m-mean yes ...uhmm... "

Nanlaki naman yung mga singkit nyang mata at nataranta sa tanong ko, nauutal-utal pa siya at hindi makatingin sa akin at pulang-pula na ang mukha nya. Pinagmasdan ko siya kahit nakaside view lang siya. Tama nga yung mga gaga, super cute at ang ganda nga niya. Singkit ang kanyang mga mata, matangos na ilong, chubby cheeks pero bagay na bagay naman sa kanya, medyo pinkish ang labi nya, makinis ang kutis at maputi. Panigurado akong magiging crush ng buong department to baka pati ng buong school. 

"Well, thank you for your very honest answer. " natatawa-tawa kong sabi sa kanya. 
Napasobra ata yung panloloko ko sa kanya dahil ngayong mas mapula pa ang mukha nya sa kamatis na hinog. Dapat ko na atang bawas-bawasan ang pagsama sa mga gaga, nagiging bully na rin ako.

"Hey, I'm just kidding." kako ko sa kanyan.

"Sorry po. " sagot naman niya sa akin. Hala!  Siya pa ang nagsorry eh ako tong nang-titrip sa kanya. Napakabait na bata. Tumawa lang ulit sa isinagot niya. 

Sinabi ko rin sa kanya na wala dito yung swimming pool na hinahanap nya at nasa likod iyon ng CIT hindi CTE. Ang for the first time na nakaupo kami dito ay tumingin na rin siya sa akin. Take note hindi lang basta tingin kundi titig. 
Woah~kitang-kita ang ganda niya. Naks mukang hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng panlaban sa Ms. Intramural. 

"Bakit?" tanong ko sa kanya kasi nakatitig parin siya sa akin. 

"So-so-sorry p-po. " nauutal na naman niyang sabi. Ang cute niya talaga. 

"Hahaha! Cute. Pero mas maaappreciate ko ang sorry mo kung kakausapin mo ako ng maayos. " kako ko ulit sa kanya. Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero mapula parin ang mukha siguro dahil nahihiya pa siya o nagba-blush siya dahil sinabihan ko siya ng cute. 


Naalala ko naman bigla yung panyo nya, kinuha ko sa bag at iniabot sa kanya. Hindi ko naman nagamit eh kaya malinis parin siya. Halata na naman sa maganda niyang mukha ang pagkagulat. Siguro nagtataka siya kung paano ko nalaman na siya yun. 

Nakita ko sa relo ko malapit na ang next class ko pero bago ako umalis tinanong ko na ang pangalan niya. 

"Ah, Ka-Kang Seulgi po. "

Kang Seulgi! Pati pangalan niya ang cute. Tumayo na ako sa inuupuan namin samantalang siya nanatiling nakaupo. Nagpaalam na ako sa kanya pero bago ako umalis hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ng kaonti ang buhok nya. Wala lang super cute nya kasi e. At naglakad na ako paalis pero bigla kong naalala yung ginawa ng mga gaga kong kaibigan. Humarap ulit ako sa kanya at nakita kong para siyang bato na nakaupo sa upuan. Napangiti ako sa nakita ko. 

"Ah, muntik ko ng makalimutan. Sorry sa mga shunga kong kaibigan na nagbigay ng wrong direction sayo. Siguro napagtripan ka lang nila dahil cute ka. And hope to see you again Seulgi. "

At tuluyan na akong umalis. Sa loob ng maikling minuto hindi ko nabilang kung ilang beses akong ngumiti dahil sa batang iyon. At kahit papano ay nakalimutan ko ying sakit na nararamdaman ko. 

Kang Seulgi, thank you. 

 

 

 


Lumipas ang dalawang linggo pero hindi ko parin nakakausap si Bogum. Nagkikita at nagkakasalubong naman kami sa school pero sa tuwing nakikita niya ako ay lumamalayo o umiiwas siya sa akin. Napansin na rin ng mga kaibigan ko yung sitwasyon namin ni Bogum at tinanong kung ok lang kami at doon ko na inamin sa kanila na nakipagbreak na si Bogum sa akin. Ikinuwento ko lahat na nangyari sa kanila, simula nung bakasyon hanggang ngayon. Galit na galit sila sa ginawa sa akin ni Bogum at naiinis naman sila sa akin dahil ang TANGA ko raw. Para raw akong aso na habol nang habol pero sabi ko sa kanila "wala e, mahal ko yung taong yun e. " Umiyak ako sa harapan nila nung kinuwento ko yun. At bilang mga mabubuting kaibigan, nagbigay naman sila ng mga payo. 

"Hay naku bes, ibaon muna sa lupa yang nararamdaman mo sa hinayupak na lalaking yan,  kung gusto mo isama na rin sa hukay yung katawan nya. Gusto mo patambangan natin sa mga fanboys mo? At saka wala nang magbabago, HINDI KA NA NIYA MAHAL. " Tangina ni Yoona kailangan pang i-emphasize yung salitang 'hindi ka na niya mahal, ' sarap sapukin e. 

"Kung ako sayo bes, iiinom ko na lang yan ng alak." lasinggera talaga tong si Sooyoung.

"Gaga. Pero Irene, ok lang naman ang umiyak siyempre nasaktan ka sa ginawa sa'yo ni Bogum pero alalahanin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
broke_asf
#1
Chapter 31: Seulrene pa rin mga fokfok, kwek kwek nation mag ingayyyyyyy
seulrenety
#2
Chapter 31: goodluck na lang kay seulgi 🤧
gomtokki_23
#3
Chapter 31: forgot the story already. reread ko muna mula umpisa hehe
vanillacookiescream
#4
bigla akong nahiya bat puro jisoo comment ko rito
PineappleSeulgi
#5
re-read?
JiHyun12 #6
Chapter 30: Updaaaaate please!!
seulrenety
#7
Chapter 30: wag kang ghoster author-nim HAHAHAHAH uso mag update 🤧
vanillacookiescream
#8
Chapter 30: GRABE JISEUL ENDGAME JISOO LANG char lupet naman ni ate Jisoo first love naman pala
vanillacookiescream
#9
Chapter 29: Jisoo napakalakas
vanillacookiescream
#10
Chapter 27: Jisoo lang malakas