Mas matamis yung sayo( ͡° ͜ʖ ͡°)

Cookies

"Yuri sorry naaaa~" pilit na niyayakap ni Yena ang braso ni Yuri habang iniiling ito ngunit di parin sya pinapansin.


"Joyul naman eh, anonba yang kinagagalit mo?"


Wala paring imik si Yuri.


"Bakit ba di mo ako pinapansin? Dahil ba sa Goeun na yun?"


Biglang kumulo ang dugo ni Yuri nang marinig nya ang pangalan ng tagahanga kay Yena.


"Binigyan Lang naman nya ako ng cookies ah, alangan namang hindi ko tanggapin eh pagkain yun." Nakangusong pangatwiran ng bibe.


Tumalikod si Yuri sa kanya.


"Ahh, Hindi mo talaga ako papansinin?"


Wala syang may narinig sa tila bang hamster na girlfriend nya.


"Ayaw mo talaga akong kausapin, di ka magsasalita?"


Wala paring sagot si Yuri nang bumitaw siya sa braso nito.


"Eh kung ayaw mo edi si Goeun nalang kakausapin ko."


Aalis na sana si Yena nang naramdaman nyang may humila sa kamay nya. Tumalikod sya at nakita nya si Yuri na hawak hawak ang kanyang kaliwang kamay habang naka yuko at naka nguso ang bibig nito.

 

"Si kakausapin mo na ako?" Tanong ni Yena.


Tumahimik lamang siya hanggang ngayon at hindi gumagalaw sa pinagkakatayuan nya.


"Ah ayaw mo parin.." Tinitigan siya ni Yena. Huminga siya nang malalim tsaka pumikit.

 

 Nagtangkang umalis si yena nang hilain siya nito ulit.


"Yenaaa~" 

 

Unang salita ni Yuri na para bang bata na inagawan ng lollipop. Nanatiling nakayuko ang kanyang ulo.

 

*ngumiti saka humarap kay Yuri*

 

"Oh ayan naman pala eh. Alam mo di naman kaylangang mag selos kasi alam mo na ikaw lang naman ang laman nito oh" sabay turo ni Yena sa kanyang kaliwang dibdib.

 

 "Ang cute mo pa naman sa tuwing nagseselos ka."


Tumawa si yena at inangat niya ang mukha ni Yuri ng dahan dahan gamit ang kanang kamay nya.


"Eh kasi Naman eh—"

Wika sana ni Yuri nang putulin ito ni Yena sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya.


"Yuri, alam ko naman na ayaw mo na may lumalapit sakin na tagahanga ko lalo na si Goeun pero di mo talaga maiiwasan yun dahil sa kasikatan ko." Hinawakan ni Yena ang ilong nya na para bang nakakasilaw ang ora nya.


Tinulak siya ni Yuri at tinignan ito nang masama habang humalakhak naman ang bibe say kanyang sinabi.


"Pero seryoso masarap yung cookies na binigay nya ha, ang tamis."

 

Hinalukip ni Yuri ang kanyang mga bisig habang unti- unting nilalapit ni Yena ang kanyang mukha kay Yuri.

Ibinaling ni Yuri ang tingin sa kanyana nagsanhi ng pag pula ng kanyang mukha.

 

"Gusto mo bigyan kita nun?" Pangiting wika ni Yena


Ayaw sana ang isasagot ni Yuri pero hindidi nya alam kung anong plano ang nasa isip ngayon ni Yena kaya pinagpasyahan niyang sumakay nalang sa gimik nito.Tumingin sa kanya si Yuri.


"Ano?" Maikling sagot ni Yuri.

Umangat sa isang dulo ang labi ni Yena.


 "Yung kiescoo (kiss ko), gusto mo bigyan kita nu'n?" Nakangisi si Yena habang salita ito.

 

"B-baliw", utal na sagot ni Yuri.


Mas lalong namula ang kanyang mukha. Habang si yena naman ay  nag e-enjoy sa pag tutkso sa girlfriend niya kay kaya nagpatuloy pa ito.


"Pero alam mo kung ano ang mas matamis sa cookies na yon?" 


Alam ni Yuri na isa na naman ito sa mga gimik ni Yena pero ayaw nyang basagin ang ka cornyhan ng girlfriend nya.


"Alin?"


Ngumiti si yena.


"Edi yung kiss mo."


Binaba ulit ni Yuri Ang kanyang ulo upang maitago Ang muling namumula nyang mukha.


*Alam mo ang—*


" 'Corny ko talaga kahit kaylan'. Oo, alamm ko na yun Joyul. "


Niyakap niya si Yuri sabay kiss na noo.


"Buti alam mo, at alam kong alam mo na mahal kita dahil dun." Yinakap niya pabalik si Yena at sabay sila dalawang tumawa.

 

 


"Alam nyo ang cringey nyong dalawa!" Biglang sigaw ng isang anghel.

 

 

" Pake mo ba?!" Sigaw ni Yena pabalik.

 

 

 

"Ano ka ba Chaewon, hayaan mo nga sila. Bakit hindi mo gayahin yang si Yena ang sweet sweet nya sa girlfriend nya oh" biglang nagsalita ni Minju.

 "Oo na, sorry na po. Hali ka na nga dito nang masimulan ko na ang pagiging sweet ko sayo" 

Hinawakan ni Chaewon ang kamay ni Minju at hinila siya papuntang cafeteria habang nakaakbay siya sa girlfriend niya.

------

"Hay, mga kabataan nga naman ngayon." Pairap na wika ni Eunbi.

 

"Bakit babe? Anong problema?" Tanong si Sian sa girlfriend nya.

 


"Ah wala hehe" pangiti niyang sagot kay Sian.

 

"Ganun ba, hali ka na kumain na tayo siguradohg gutom lang yan." Patawang mungkahi ni Sian.

 

"Siguro nga hahaha, Hoy! Yuri! Yena! Kakain na tayo naglalandian pa kayong dalawa diyan!" Sigaw ni Eunbi sa dalawang patuloy na nagyayakapan na para bang hindi mo mapaghiwalay.

(totoo naman yun eh hahaha)

" Papunta na unnie!" Sabay nilang sagot tsaka sumabay kina Sian papuntang cafeteria Kung saan naghihintay ang iba pa nilang mga kaibigan, Ang Ayjwon (Izone).

-------------------------

Hohohoo~ Ang corny ko. First time ko kasing magsulat hahaha. Mahilig akong mag imagine kaya nabuo ko to sjsjjsj hilig kong tumawa. jk. Belated Merry Christmas sa inyo at advance happy new year! Mag ingat kayo palagi~

 

Twt:@Sontozaki_EM

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet