Backward Advances

Estoppel

       Nakayuko si Karina sa kanyang desk habang paunti unti ng paparating ang mga kaklase nya sa kanilang first subject. 

       Martes ngayon at paniguradong may klase sya buong araw dahil ganitong araw sila madalas iniipit ng mga professor nila para sa madugong accounting subject.

 

 

Tama.

 

 

 

 

      Accounting student sya at maaga sya pumasok ngayon dahil bukod sa ayaw nyang malate, hindi sya nakatulog kagabi ng mabuti. 

        Naririnig nya ang mahinang chismisan, ang malakas na palo ng isa nyang classmate sa kausap nito dahil may sinabi itong masyadong makalat na nagpangiwi kay Karina.

    Hindi nya piniling makinig, pero no choice na sya dahil wala naman syang selective hearing. 

   Kaya, dahan dahan na ring nag unat si Karina pagkatapos ng very slight nyang tulog or tinatawag nyang power nap.

   Nag-angat sya ng tingin at tinignan ang mga iba't-ibang uri ng classmate nya, medyo full package kasi yung klase nila. May mga normal, may below normal at higit sa lahat ay may mga sayad. 

Okay naman kay Karina yung ganito, hindi naman sya gaanong naiibahan sa klase na to. Natutuwa nga sya kasi hybrid yung klase nya.

Kung tatanungin sya kung saan sya nafall na category. 

 

Well, nafall sya

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kay Winter. 

 


Oo, Kay Kim Minjeong. Ang resident bakla slash, maharot slash may nakakahawang ngiti slash may mabangong amoy.

Hindi alam ni Karina bakit nya nagustuhan si Winter eh napakalandi nito, at pag sinabi nyang malandi.

 

 


As in malandi talaga. 

 

 

 


Pang Olympics ang kalandian!

 

 

Pero, kung gaano kalandi si Winter, ganun din kalala ang pagkagusto ni Karina sa kanya.

Kaya nga, kasalukuyan syang nakatingin dito simula nung pagpasok hanggang pagupo nito. 

Malandi rin si Karina dahil hindi sya tumigil sa pagtingin dito at wala syang pakialam kung mahuli man sya nito.

 

Ganun na sya kalala. Iba talaga kamandag ni Winter sa kanya.

 

 

 


"Ayan tayo sa mga titig na yan eh" sabi ni Giselle

 

 

Dinig na dinig ni Karina si Giselle, alam nya ring nasa tabi nya ito pero wala.

 

Hindi nya pa rin kaya alisin ang tingin nya kay Winter na currently kausap ang bestfriend nyang si Ningning habang nakalugay ang itim nyang buhok na kakapalit nya lng dahil nakablonde ito nung nakaraan.

 

 

 

Ang ganda pa rin. Sa isip ni Karina.

 

 

 

 

 

No. Mas lalong gumanda.

"Jimin, para ka ng stalker kakatingin dyan. Tama na yan."

Hindi pa rin sana titigil si Jimin kung hindi lng dumating ang professor nila para sa first subject nilang Auditing Problems.

 

Paniguradong mahabang martes nanaman ang tatahakin nya. Hindi naman ganun kahirap kung nakikinig lng, pero wala eh. Ang hirap magconcentrate kung andyan yung taong gusto mo.

Napabuntong hininga na lng si Karina at nakinig sa pasakit na subject na Audit Prob.

 

 

 

 

 

 


--------------------------


"Hindi ko na talaga alam Giselle, I made myself clear na gusto ko siya pero bakit di nya magets!"

Sabi ni Karina na puno ng frustrations habang kinakain yung bulalo na sobrang dami ng sabaw. Napaisip din si Karina kung dito ba nalunod yung tatay nya dahil yun ang madalas na dahilan ng nanay nya kapag tinatanong nya kung nasan ang tatay nila. 

Kasalukuyan silang nasa isang karenderia malapit sa school, na madalas nilang kinakainan simula first year pa sila. Paborito kasi talaga nila dito dahil mura at masarap ang pagkain. 

Yun nga lng, medyo marami lang maglagay ng sabaw yung tindera. Di naman sila nagrereklamo dahil suki sila dito. Nagtataka lng talaga si Karina.

"In what sense na clear ba? Yung madalas mong titig? Yung pagpahiram mo sa kanya ng ballpen kada nawawala yung kanya? Feeling mo clear yon?"

Napasabunot na lang ng buhok si Karina dahil,  tama naman si Giselle, yun lng ang madalas na paramdam na ginagawa nya.

 

Lahat, normal interaction na. 

 

 

"Kahit na. You know, ang dali nyang makagets na nilalandi sya Giselle, pero kahit anong titig ang gawin ko. Wala. Nada. Zero Balance. Syntax error! Ate pa rin tawag nya saakin! Ugh!"

"Baka ayaw ka nya talaga girl. Baka di nya bet ang mas matanda sa kanya."

"That's impossible! Nakita ko sya nung monday na hinahawakan yung buhok ng repeater na si Ryujin! Mas matanda ng isang taon yun saakin Giselle" 

Sabi pa ni Karina na bigay na bigay na sa usapan nila. Ang gusto lang naman ni Karina ay landiin sya ni Winter pabalik. Titigan sya pabalik, katulad ng ginagawa nito sa mga babae nya.

"Karina, di mo pansin yung first sentence? Baka ayaw sayo?" Sabi pa nito habang kinakampay yung tinidor sa hangin

Narinig naman ni Karina yun, pero impossible dahil mahilig si Winter sa kauri nya.

 

 

 

 

 

Mahilig sya sa maganda ang future.

 

 

 

 

 

Mahilig sya sa busilak ang puso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Mahilig si Winter sa malaki ang s.

 

 

At meron sya non! Malaki pa! 


"Nooo, may alas ako. Alam kong belong ako sa mga natitipuhan nya. Pero bakit? Bakit ang dense nya pagdating sa mga advances ko."

Sabi ni Karina na parang maiiyak na sa frustration na nararamdaman nya.

Tinignan lng sya ni Giselle habang naiiling.

"Advances ka dyan! Sinasabi ko sayo Karina, ang galing galing mong isipin kung bat di ka pinapatulan ni Winter pero wala ka namang ginagawa! May pa sticky note ka pa sa upuan nya pero iba naman ang umangkin. Wala kang advances girl, wag kang feeling!"

Oo, nangyari yun. Grabe pa effort nyang magsticky note kada umaga tapos aangkinin lang ng iba, worst naniwala si Winter duon sa babaeng yon. 

Hindi na rin sya naglakas loob magsabi kasi parang ang saya saya ni Winter nung umamin yung impostor, kaya natamene naman si Karina at di na nakapagsalita.


"Pero G. Gusto ko sya."

"Alam ko. Magconfess ka na lng kaya. Pero impossible yun dahil hindi ka nga marunong lumandi ng tama!"

Sabi ni Giselle na mukhang stress na rin sa kaganapan sa buhay ng malandi nyang bestfriend. Well, counted pa rin ba na malandi kahit isa lang ang pinagkakainteresan?


"Paano ba kasi lumandi ng tama ha?"

Pang isang daan ng tanong ni Karina yan kay Giselle kada paguusapan nila si Winter. At pang isang daan na ring sagot ni Giselle ang

"I'll help you, but you have to do everything what I will say." Pananakot ni Giselle, hindi naman sya nageexpect na papayag ang bff nya, hello pang isang daan na nila to.

Pero mukhang may dalang mahika ang 100, dahil hindi akalain ni Giselle na marinig ang mga salitang ito galing kay Karina.


"Make sure that I will get her." 

sabi ni Karina at tinuloy ang paghigop sa bulalo na may konteng laman.

 

 

 

 

 

 

 

 

----------------

Medyo konte lng to, pero pang warm up pa lang. 

Please support the next chapters. Hehe

 

Winrinatics mag ingay!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Lisafallacy
Wag nyo masyadong tawanan si Karina! Haha. Pero bakit nga ba nagkagat labi si Winter? HAHAHAHA

Comments

You must be logged in to comment
BBSR23 #1
Chapter 2: Lt amp hahahaha xD yung mdami nman palang ballpen si besplen ning pero kay ate karina pa nanghihiram oo karina may usto si pareng winter sau xD
Awheat sa pakagat labi hule ka winter pero de kulong xD
TYTFshipper
284 streak #2
Chapter 2: Parang gusto ko na din sabunutan si karina? Char hahahaha at bakit maraming bolpen si ning pero ang bestfriend na winter eh kay karina pa nanghihiram? Bat din may kagat labi? Bat nga ganon winter anoba baka sabunutan ko nalang tong dalwa hahaha lol see you next chap otor! 👀😂
Maatt_booii #3
Chapter 2: Ahahahahahahahaha anu yun winter?? Bat may pakagat labi ha?
kang_ddeul
#4
Chapter 2: hangcuteeee!! HAHAHA lt lagi sa kariselle, ramdam ko frustrations ni giselle HAHAHAHAHAHAHAHAHA okie lang yan mareng kars, baby steps kumbaga wahaha :D kasi naman itong si winter may pagkagat-labi pa hahahahaha
laiguanlingual
#5
Chapter 2: bat may pagkagat labi HAHAHA andami naman palang ballpen ni ningning 💀
laiguanlingual
#6
Chapter 1: shuta tawang tawa ako sa bulalo 😭 akala ko naman literal na advances talaga, pero jusko normal interactions lang pala HAHAHAHA
Maple03
#7
Chapter 2: Si Ningning madamot sa ballpen🤭
yujiverse
#8
Chapter 2: Karina hopeless HAHAHHAHA
AhnWony
#9
Chapter 2: KARINA GALAW GALAW ABA HAAHHAHAHA