We Lost The Summer
Marilag.Another summer.
Ngayon ko lang na-realize na painit nang painit ang temperatura tuwing umuuwi kami sa La Union para magbakasyon.
"Ate!" I heard my brother called me. Nilingon ko siya mula sa labas.
"Sure kang dyan ka lang?" he asked.
Tumango lamang ako bilang sagot. I'm here outside the vacation house.
Mainit pero hindi naman alintana iyon dahil sa sariwang hangin na humahampas sa balat ko. Amoy na amoy ko rin ang dagat mula dito.
"May hiniwang watermelon si Dad. Nasa ref kung gusto mong ngumuya habang nakatambay dyan sa labas."
"How about you? You won't join me?" tanong ko sa kanya.
"Ate, kakarating lang natin dito. Gusto ko munang magpahinga. May ilang araw pa naman para i-enjoy ko ang view mula dito sa bahay." he explained.
I just chuckled at hinayaan siyang umakyat. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagkuha ng makakain habang nakatambay ako sa labas.
Kumuha ako ng ilang slice ng watermelon sa ref. Nagdala na rin ako ng coke in can para inumin.
Tuwing pumupunta kami dito sa vacation house ay pumapasok sa isip ko na hindi na umuwi sa siyudad. Ang sarap kaya sa pakiramdam manatili sa ganitong klaseng lugar.
Habang inaalala ang mga nagdaang bakasyon na ginawa namin dito ay bumalik din sa aking isipan ang taong nakasama ko dito noon.
We just arrived at ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pwetan ko mula sa ilang oras na pagkakaupo.
Pagka park ni Dad ng sasakyan ay agad kaming bumaba ni Sunoo para tumakbo papunta sa dalampasigan. Damang dama namin ang simoy ng hangin at ang amoy ng dagat.
Ang gaan sa pakiramdam.
Sulit naman pala ang pamamanhid ng pwetan ko.
Inilaan naming magkapatid ang ilang minuto upang pagmasdan ang paghampas ng dagat sa buhangin. Isama mo na rin ang mga ibon na nagliliparan.
"Winter! Sunoo! Get your things muna para makapag ayos na tayo sa loob!" Our Mom called us.
Agad naman kaming sumunod at kinuha ang aming gamit mula sa sasakyan.
"Wow! Ang laki, Dad!" Sunoo exclaimed nang makapasok kami sa loob ng vacation house.
It's our first time here. Kakabili lang din kasi ni Dad sa property na ‘to.
Manghang nilibot namang magkapatid ang tingin sa loob ng bahay. The interior design is very minimal. Bagay na bagay ang kulay na white at beige.
So relaxing.
Our parents informed us na pupunta silang palengke to buy our needs there. Hindi na interesado si Sunoo na sumama kaya ako na lang ang sinama nila Dad.
Dahil medyo pagod na ako ay nagpaalam na lang ako sa kanila na tatambay na muna ako sa souvenir shop na nasa bungad ng palengke habang namimili sila.
Agad din naman silang pumayag at pinaalalahanan ako na maghintay lamang sa kanila.
Abala ako sa pagtingin ng mga paninda nila dito sa shop nang mahagip ng mata ko ang isang babae.
Pretty.
<
Comments