Holy Mama Mary

Mama Mo Multo
Please Subscribe to read the full chapter

Ang sakit ng ulo ko.

 

Paano ba naman itong si Ning, ginising ako para lang magJebs! Alas kwatro palang ng madaling araw! Duwag kasi si tanga. Every time nalang na aabutan siya ng ganito, ako palagi ang ginigising niya. Nasa kabilang kwarto din naman si Giselle, hindi ko alam bat ako ang paburitong gisingin nito, eh isa din naman akong duwag!

 

Konti nalang talaga masasabunutan ko na siya. Isang gising nalang talaga!

 

Aaminin ko naman na duwag din ako sa mga multo. Pero kasi ibang level kaduwagan ng best friend kong ito.

 

Yung takot niya ay nasa Higher Level talaga, yung tipong pag nagkwento ka ng nakakatakot, ‘alam mo ba’ palang nasasabi mo, tinatakpan na niya agad yung dalawang tenga niya at nagsasalita ng kung ano ano, para lang hindi marinig ang kwento.

 

Matatawa ka nalang talaga, pero nakakainis din at times kasi kahit naman duwag ako, may mga kwentong nacu-curious parin ako.

 

Tulad nalang nung nauso yung Paranormal Activity, kahit na takot na takot ako, naglakas loob akong panuorin yun. At take note, Paranormal Activity 1-2 and 3 ang pinanuod namin.

 

Ilang gabi akong hindi makatulog dahil sa putanginang palabas na yun. Dumating pa sa point na kahit sa pagligo ko, kasama ko si Giselle or si Ning.

 

Ilang lingo ko ding napanaginipan yun. Buti nalang occupied din ang utak ko sa mga ibat ibang bagay sa trabaho kaya eventually Nawala din sa utak ko.

 

 

Nakapikit pa ang isa kong mata, habang naglalakad papunta sa pintuan ng banyo habang nakasunod kay Ning, hinila ko din ang isang upuan namin sa kusina para maghintay sakanya sa labas ng banyo.

 

Oo, nakaupo ako sa labas ng banyo habang hinihintay siya. As in nakatapat ang upuan ko paharap sakanya habang nakabukas ang pinto ng kubeta. Nahihilo pa yata talaga ako sa sobrang antok, halos kakatulog ko lang kasi dahil may tinapos akong report na naiwan kong trabaho.

 

Nakaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan, kaya nagpaalam ako kay Ning na iinom lang ako ng tubig. Sinamaan naman niya ako ng tingin, “Dalian mo ah.” Agad nitong sagot..

 

“Kung tusukin ko kaya yang mata mo?” Inis na sagot ko.

 

“Iyy Winter naman eh. Bilisan mo na, di ako makakapag concentrate kapag di kita nakikita.”

 

“Mukha ba akong inidoro Ning?” Sagot ko, “Sa ating dalawa ikaw yung mukhang inidoro.” Dagdag ko pa. ang sarap niyang sabunutan. Ginawa niya pa akong inspirasyon para lang sa pagtae niya.

 

 

 

Tamad na tamad na tumayo na ako, bagsak ang balikat ko habang  naglalakad. Para akong Zombie sa totoo lang. Si Ning naman kasi eh. Dyosko patulo na yung laway ko tapos biglang mang gigising.

 

Wala sa sariling binuksan ko ang pintuan ng ref, at kumuha ng pitsel ng tubig.

 

Tinatamad akong kumuha ng baso, binuksan ko yung pitsel  kaso parang biglang narinig ko yung maarteng boses ni Giselle, “oh my gosh Winter you’re so gross. Just get the baso and drink. You’re so tamad talaga!” Napatawa akong magisa.

 

“Winter ikaw ba yung tumatawa?” mahinang sigaw ni Ning. “Wag kang tanga diyan, ako lang to.” Sagot ko.

 

“Para ka naman kasing gago, madaling araw na madaling araw tumatawa kang magisa. Malay ko ba kung nasaniban ka na diyan.” Di ko na ito pinansin at tinitigan ko nalang yung pitsel.

 

Lutang pa nga talaga ako.

 

Pero gusto ko talagang tunggain yung pitsel, kaya natawa nanaman akong magisa.

 

Ako lang ba gumagawa nito? Yung pag inatake ako ng katamaran sa mismong pitsel na ako iinom lalu na pag walang nakakakita?

 

Nakakatawa kasi ang dugyot. Pero bakit ba? May sari sarili naman kaming mga pitsel dito sa apartment. Sakin naman yung iniinuman ko. Dugyot man sa inyong paningin, sariling laway ko parin naman ang aking lalasapin.

 

Oh diba? Rhyme na rhyme!

 

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Tumalikod na ako para kumuha ng baso ng biglang may nakaputing babaeng nakatalikod saakin. Napahinto ako sa aking nakita, tatakbo na sana ako kay Ning ng unti unti itong humarap saakin. Agad ko naming nabitawan ang pitsel at napaupo “MAMA MULTOOOOOOOOOOOO!!!!”

 

Sobrang lakas ng sigaw ko, kahit ako yata nabingi sa sobrang lakas ng tili ko.

 

Nagdasal ako ng malakas para mawala ang multo sa harapan ko.

 

 

 

 

Hail Mary, full of grace,

the Lord is with you.

Blessed are you among women.

and blessed is the fruit of thy womb, Jesus.

 

 

 

 

Nakatakip parin ang mga kamay ko sa ulo ko, na akala mo ay may babagsak mula sa itaas ko. Basta ganon yung pwesto. Imagine niyo nalang.

 

Pasigaw ang pagdadasal ko kaya di ko na halos narinig ang paglabas ng kwarto ni Giselle at pag labas ng banyo ni Ning. Feeling ko hindi pa to nakapag hugas ng pwet dahil agad agad ng lumabas ng banyo sa sobrang takot.

“Ahhhhhh!!! Winter ano yun?! Ano yun?!”

 

“What happened?” tanong ng Conyo girl na si Giselle at ni Ning ng sabay.

 

Unti unting nagtaas ang aking mukha para pagmasdan ang paligid. Andiyan parin yung white lady! Agad akong tumakbo papalapit kay Giselle.

 

“Gigi, may multoooooo!” mangiyak ngiyak kong tugon.

 

“Im not a ghost!” biglang may nagsalitang hindi ko kilalang boses.

Holy Mama Mary! Nagsasalita yung multo!!!

 

 

Lumipat ang mata ko sa pinanggalingan ng boses.

 

Nakakunot ang nuo nito at nakasalubong ang dalawang kilay.

 

Namula ako ng makita ko ang babaeng nakaputi sa harapan ko. Nakatalukbong ito ng puting kumot. 

 

 

 

Syet hindi siya multo! Si Mama Mary to!

 

 

 

Natulala ako.

 

 

 

Di ko alam kung anong sasabihin ko dahil narin siguro sa ganda ng babaeng nasa harap ko, isa pa yung pagkapahiya ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang magtatalukbong ng puting kumot habang nasa kusina?

 

 

Apparently si Mama Mary yun.

 

 

Napakawirdo, pero napakaganda niya.

 

 

Parang kahit ganito kawirdo ang magiging Jowa ko, Kebs lang, parang matutulala ka nalang kasi palagi sakanya at wala ng magiging pakialam sa iba pang bagay basta matitigan mo siya. Ganon siya kaganda!

 

 

Natauhan ako ng biglang nagsalita si Ning.

 

 

“Tangina naman kasi Winter! Hindi ako nakapag hugas sa sobrang takot ko!” dumako ang tingin ko sakanya.

 

 

Napangiwi ako sa kaitsurahan ng best friend ko.

 

 

Alam mo yung sa sobrang pagmamadali mong makalabas ng banyo tapos tinaas mo pajama mo. Pero sa harap lang yung nakatakip? Litaw pa yung pwet dahil di mo mataas ng tuluyan dahil alam mong hindi ka pa nagapaghugas?

 

 

Ganon!

 

 

Ganon na ganon itsura niya!

 

 

 

“Kadiri ka bes! Maghugas ka muna ng pwet mo! Amoy kang E-AT!”

 

Nagsabi sabi na si Ning at hindi ko nalang ito pinansin. Bumalik ang tingin ko sa babaeng nakaputi. Nakakunot parin ang noo nito habang nakatingin saakin.

 

Napanguso naman ako dahil bumali

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
kwinterrr_
#2
Chapter 2: ud
kangintobae
#3
Chapter 2: Reading it at midnight...not I can't sleep .hahahah..
Dami ko tawa + kelegs
yukimin
#4
Chapter 1: cutieee ahkckxkxkxkx
Hiccups_ #5
Chapter 2: Ang funny mo talaga Win!
13luvsfriday
#6
Chapter 1: Bold nga ahahahahaha
howdoyouknowmee
552 streak #7
UPVOTED
TakuyaKen
#8
Chapter 1: cute nila lahat