—Sa La Union

Sa Mga Mata Nina Kat at Win
Please Subscribe to read the full chapter

Oh, life could be easy if you get used to it, get used to the daily events in yours, having no doubts in making decisions each day because you’ll know what comes next, you know what will happen.

 

..but if you can’t get used to it, then you might be lucky.. 

 

Lucky that you could take on different challenges everyday,

 

Lucky that you can experience the rush of personal discovery from what was presented to you.

 

Lucky that you’re able to open up to development as you grow older.

 

“Anong ulam, Karina?” 

 

Pinatay na ni Katarina ang TV dahil hindi na natutuwa sa mahabang commercial. Ningning entered their unit din kaya napabalikwas siya sa pagkakahiga sa couch.

 

“Tagal nang walang natawag sa’kin nyan.” Bumalik sa pagkakahiga si Katarina at hinayaan ang kaibigan niyang maglakad papunta sa kusina.

 

“OA naman.” Natatawang sabi ni Ningning, hindi nga maalala kung kailan niya huling tinawag si Katarina sa nickname na yun.

 

Even Yeji who used to call her ‘Karina’ too, dahil yun ang tawag ni Seulgi, ay ‘Kat’ na din ang tawag sa kaniya.

 

“Karina Karina Karina.” Pang-aasar pa ni Ningning habang nakaupo sa stool sa dining area.

 

“Menudo!” Inis na sagot ni Katarina sa tanong ni Ningning kanina. “Kumain ka na, bahala ka dyan.” And then she went back to using her phone. 

 

Walang magawa si Karina ngayong araw. She woke up with a text from her fiancee this morning na nakaalis na ulit para magtrabaho.

 

“May caldereta sa ref, Ning. Iinit mo na lang.” Kakalabas lang ni Yeji mula sa kwarto at bagong ligo na. Wala ding work si Yeji ngayong araw—walang pasok sina Ningning at Giselle, tanging si Winter lang ang meron. 

 

“Ah, caldereta pala. Dala kasi ni Winter kaya ‘di ko tiningnan.” Kunwari pang walang pakielam si Katarina pero nakita na niya kanina yung ulam na iniwan nga daw ni Winter. 

 

“Magkaaway kayo?”

 

Hindi sumagot si Katarina, Yeji only grinned and shook her head as she joined Ningning on the dining table.

 

“Aba, 1 pala ngayon. Monthsary niyo, ‘di ba?” Tanong pa ulit ni Ningning, wala pa ding sagot si Katarina.

 

“Badtrip yan, hindi man lang daw ulit nakita si Winter ngayong araw.”

 

"Masakit kaya ulo ko!"

 

Yeji sighs, "As if na kay Winter yung gamot niya." 

 

It’s one of those days again.

 

Katarina could not get used to it. Iba naman kasi yung ngayon, it’s been a pretty rough week for everyone dahil malapit na ang holy week at pinupush na matapos ang ibang workloads para hindi malate sa deadlines. 

 

So everyone’s busy, even Katarina in the past few days. Ngangayon lang din sila nina Yeji nakapagpahinga. Supposedly, pahinga nilang lahat ngayong araw pero pumasok nga si Winter dahil may aasikasuhin ulit.

 

“Aww, kawawa naman ang Kat na yan.”

 

Hindi na lang niya pinansin ang pang-aasar ni Ningning na kumakain sa tabi ni Yeji.

 

“Puntahan ko talaga siya sa work niya.” Sabi niya with legs hanging on the backrest of the couch. Yeji chuckled. Kanina pa niyang sinasabihan si Katarina na hintayin na lang na makauwi si Winter pero ayaw magpaawat.

 

“True, para ‘di ka nagtatampo mag-isa dyan.” Samantalang si Ningning, support agad sa gustong gawin ng kaibigan. “Hindi ba kayo nagkikita man lang sa unit ni Win?” Tanong pa ulit ni Ning, umiling si Katarina.

 

“Hindi nga. Busy din ako sa work.”

 

Napailing si Ningning. “Hay, yang work talaga panira ng relasyon. Magresign ka na nga.” Pabiro niyang sabi kaya tumawa na naman si Yeji.

 

It’s almost 10 A.M. Ang usapan nina Winter at Katarina sa text kagabi, susunduin nila ang parents ni Winter mamayang alas dos tapos diretso na sa bahay ng ate ni Katarina sa North.

 

“Saan pala si Gigi?” Tanong ni Ningning habang patingin-tingin sa living room ng unit nina Yeji.

 

“Umuwi sa parents niya.” Sagot ni Yeji bago uminom ng tubig.

 

“Ah..”

 

Nakangising tumayo si Karina mula sa living room at lumapit sa dalawa. “Yie, hinahanap.” Asar niya kay Ningning na umirap agad sa kaniya.

 

“Nagtatanong lang.”

 

Sitting next to Yeji, Katarina poured coffee on her cup. Pampainit lang ng sikmura.

 

“Ano bang plano mo sa buhay, Ningning?” Ang sama na nga ng pakiramdam niya, dumadagdag pa sa isipin niya ang kumplikadong sitwasyon ng mga kaibigan niya.

 

Mag-dadalawang buwan na yata mula nang nagbreak sila ni Giselle and while things are smooth at work, sa unit ng friends nila, at sa hallways kung saan sila nagkakasalubong, there would still be times that they get distant from each other with the fear of relapsing to their broken relationship.

 

“Ewan. Hanap siguro ako ng roommate.” Ningning clicks her tongue, sighing.

 

Mahina siyang tinapik ni Katarina sa likod. “Lah, ayan si Gigi ha.” 

 

Yeji and Karina talk about Giselle and Ningning sometimes. Minsan, pinagtatawanan nila kapag nauutal-utal si Giselle tuwing makakatulog si Ningning sa balikat niya during movie nights. Madalas, pinaguusapan lang nila kung anong kwento ni Giselle kay Yeji pagkauwi mula sa trabaho.

 

Hindi naman for chismis purposes lang ang pagkukwentuhan nila. 


In Winter’s terms, more of keeping check and observing their friends. After all, pamilya sila dito. 

 

“Ih..” Kamot-ulo si Ningning.

 

“Arte.” Katarina sipped on her coffee. “Okay lang kay Gigi kung maghahanap ka ng roommate sa unit niyong dalawa?”

 

“Oo siguro?” Hindi din sigurado si Ningning.. wala pa ulit silang napapagusapan ni Giselle tungkol doon.

 

“Si Lia na lang sana.” Bulong ni Yeji na kanina pang tahimik, narinig naman ng mga katabi niya.

 

“Wow si lover girl nagiging clingy na.” Bahagyang kinulbit ni Katarina ang tagiliran ni Yeji para kilitiin kaya nahampas siya sa braso.

 

“Para daw hindi niya makita si Ryujin kapag bibisitahin niya si Lia.” Dagdag pa ni Ningning sa pang-aasar. 

 

Yeji shook her head and ignored them. Nagsusuggest lang naman siya.. pero tama si Ningning.

 

“Si Lia naman, mamimili na lang ng kaibigan, yung nasa blocklist ko pa.” Pailing-iling din na sabi ni Katarina, Yeji lightly pinched her side. “Aray!”

 

“Childhood friends nga sila.” Pagdedefend ni Yeji, tinawanan lang ni Ningning.

 

“Si Lia naman, mamimili na lang ng childhood friend, yung mapupunta sa blocklist ko pa.” Ulit ni Karina kaya natawa na lang si Yeji.

 

“Gaga ka talaga, Karina.” Sabi ni Ningning na kanina pa ding natatawa.

 

Katarina eyed them, glaring bago mahinang hinampas ang dulo ng lamesa sa tapat niya. “Ano ba, Karina kayo nang Karina!” 

 

Tinawanan lang siya ng dalawang nageenjoy kapag napipikon ang laging nangunguna sa asaran.

 

“Anong oras alis niyo ni Win?” Tanong ni Ningning pagkatapos nilang kumain ni Yeji.

 

Si Yeji na ang naghugas ng pinagkainan nila kaya bumalik sa living room si Katarina, katabi na ngayon ang nangungulit niyang kaibigan.

 

“Ewan, ayaw magreply sa’kin.” Katarina peeked on her phone na nasa center table, wala pa ding reply si Winter.

 

“May babae na siguro ‘to.” Ningning laughed sa comment ni Karina. 

 

“Baliw, baka kaya ‘di nagrereply kasi nagwi-Winter typings ka na naman.” 

 

Winter typings—a thing na tinatry ni Katarina tuwing may hindi sila napapagkasunduan ni Winter. She used to call it pogi typings pero mas bagay ang Winter typings dahil typing style naman ni Winter ang ginagaya niya.


“Gusto ko lang naman tapatan siya.”

 

Rina ko: hello winter

        Di ka talaga magrereply?

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Hi Rina, kakastart lang ng snack break ko pero isasabay ko na lang while loading ang analysis

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Hi Rina?

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Hi Katarina

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Ano ba yun, Rina?

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: 🤔❔

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Ayaw magseryoso.

Rina ko: Hello, Winter.

W ko: Sarap mo kausap baby

Rina ko: Kausap lang?

W ko: Hi Rina.

Rina ko: KJ!!

        Punta ako jan now na ha

W ko: Why? Busy kami. I told you kanina.

Rina ko: :( let’s have lunch together lang

        it’s our day

W ko: Magkikita naman tayo mamayang hapon pagsundo kina mama eh.

Rina ko: lunch :( 

W ko: Rina, busy nga.

Rina ko: lampas isang linggo na kitang hindi nakakasabay kumain

        kahapon yung first time ulit that I’ve seen you in the past four days

W ko: Sorry Rina.

        May tinatapos kami eh.

        Kita na lang tayo mamaya?

Rina ko: dalhan kita lunch 

 

Hindi na nakatanggap ng reply si Katarina, busy na siguro si Winter. They're usually like this, parang on the verge of fighting pero babawian ng asaran or parang nag-aasaran lang pero nag-aaway na talaga.

 

 

Just like her busy days, naiintindihan naman ni Karina ang sitwasyon ni Winter but since they’re supposed to meet later, naisip niyang paagahin na lang ang pagkikita nila. Yeji volunteered na isabay siya sa sasakyan dahil paalis din. Syempre, tuwang-tuwa ang Katarina.

 

Miss na kasi niya ang fiancee niya. Also, nagawa na niya itong pagpunta sa office nina Winter with food in hand kaya ayos lang naman sigurong isurprise niya ulit.

 

Although technically, hindi na surprise since nagsabi siya sa text kanina.

 

“Rina? Sabi ko busy kami.” 

 

But Winter didn’t seem to like her surprise.

 

“Kakain lang naman saglit.” Nakasimangot na sabi ni Katarina while placing the bag of food on top of Winter’s table.

 

“May pupuntahan kami in a few.”

 

Winter’s coat is hanging on her swivel chair, naka-white long-sleeved shirt lang siya na folded sa forearms, sinusuot ang ID na kaninang tinanggal dahil sa init.

 

“Saglit nga lang.” Pamimilit pa ni Katarina, tinanggal sa cup holder ang isang large sprite drink at hindi sinasadyang mapatakan ang ibabaw ng plastic envelope na nasa table ng isang butil ng tubig mula sa natutunaw na lamig ng sprite container.

 

“Rina!” Mabilis na kinuha ni Winter ang documents niya sa lamesa at pinunasan.

 

Katarina bit her lip nang mapansin ang pagtingin nina Seulgi sa lamesa ni Winter dahil sa lakas ng boses nito. She sighs as she takes the swivel chair na itinulak ni Winter papunta sa kaniya habang inaasikaso ang lamesang nililinis—inilalayo ang mga mahahalagang papeles sa pagkaing dala ng fiancee niya.

 

“Hindi naman nabasa ah?” Napipikon nang sabi ni Karina habang nakaupo. Winter didn’t say anything until she finished tidying her table at kinuha ang coat niya mula sa likod ng fiancee niya.

 

“Sorry. Paalis na kami nina ate Irene.” Paalam ni Winter, kissing Katarina’s forehead. Umirap lang yung isa.

 

“I’ll see you later sa unit, okay?” Malambing pang sabi ni Winter, giving a soft kiss on her fiancée’s lips naman. “I love you.”

 

Pero dahil ramdam pa din ni Katarina na nakatingin sa kanila sina Seulgi at Moonbyul, hindi mawala sa isip niya ang reaksyon ni Winter kanina. 

 

“Bahala ka.”

 

Winter kisses her once more, pilit na ngumiti dahil wala siyang oras sa ngayon para suyuin si Katarina.

 

Nang makaalis sina Winter at Irene, narinig ni Katarina ang paglapit ni Seulgi na kanina pang nakikichismis.

 

“Hi Karina.” Inirapan din ni Katarina ang kaibigan at bumaling sa kabilang direksyon.

 

Naiinis siya at nahihiya. Bakit ba kasi napakanatural na masungit ni Winter?

 

“Bakit ka galit?” Nakangiting tanong ni Seulgi na iginalaw ang swivel chair niya sa kabila ni Katarina para masundan ang tingin nito.

 

Si Karina—na ngayon ay kaharap na si Seulgi, has no choice but talk to her older friend. 

 

“Wala, dun ka na nga sa work mo.” 

 

Ang sabi ni Winter, busy daw sila sa work. Bakit parang hindi naman lagi busy si Seulgi?

 

“Naaalala mo ba nung college?” Katarina watched as Seulgi rested her cheek on her palm with elbow leaning against the edge of Winter’s table. Umirap ulit si Katarina, mas sumakit ang ulo dahil bigla pa siyang tinatanong ni Seulgi tungkol sa college days nila.

 

“Seul, crush mo pa din ba ako?” Mapang-asar niyang sagot. “May Irene ka na ha, loyal din ako sa tuta ko kahit galit ako ngayon.”

 

Napangiwi tuloy si Seulgi. “Baliw, yung time kasi na nag-ice cream tayo.”

 

Which one—Ah.. 

 

Noong sila lang ni Ningning ang naiwanan sa boarding house.

 

“Yung iniiwasan mo si Winter.” Paalala pa ni Seulgi, tumango na si Karina. “Busy din si Winter nun, ‘di ba?”


“Oo, may exams yata.”

 

“But she still tries to give some of her time sa’yo.”

 

Katarina immediately picked up kung anong gustong iparating ni Seulgi. 

 

“Hindi nagbago si Winter.” Sabi pa ni Seulgi. “I mean except nung hindi talaga kayo nag-uusap.. Winter right now, umuuwi pa din sa’yo kahit saglit lang. Kami nga ni Irene, halos dito na matulog.”

 

It’s still cute to think about how Winter ended up being this close to Seulgi and Irene. May ilang beses na ding nagtatampo si Katarina dahil parang may times na hindi agad maka-oo si Winter sa gustong gala nina Ningning dahil may plano daw sila nina Irene. But—hindi naman malalim na tampo, somehow nakakatuwa but still, Katarina likes to hear about Winter’s other friends. 

 

Wala naman kasing ikinekwento si Winter aside sa mga natututunan niyang kalokohan ni Seulgi. Ni hindi nga binabanggit ni Winter kung saan ba sila naghahangout nina Irene kung hindi pa magtatanong si Katarina.

 

“May three consecutive days yata na dito kami natulog pero pinilit ni Winter na umuwi sa’yo sa madaling araw.” Seulgi lightly patted the top of Karina’s head. “Kaya ‘wag ka nang magalit.”

 

“Hindi naman ako galit dahil dun, naiinis lang ako kasi..” Kasi miss na miss na niya ang fiancee niya at masama ang pakiramdam niya tapos nasigawan pa siya kanina.

 

Which was not entirely Winter’s fault dahil hindi naman sinabi ni Katarina ang kalagayan niya kanina.

 

“Kasi ano?”

 

“Ewan!” Tumalikod na naman si Karina at uminom na lang ng sprite.

 

“Ikaw talaga..” Seulgi chuckles, getting up as she pulled her chair in one hand. “Makipagbati ka na by today ha, may swimming pa tayo next week.” Sabi ni Seulgi bago iwan si Karina at bumalik sa pwesto niya.

 

Kung tutuusin, maganda pa nga ang ginawa ni Karina na pumunta siya sa office ni Winter para hindi na magpapabalik-balik ang fiancee niya mamaya, dala na din niya ang mga gamit nila para sa pagstay sa La Union. 

 

“Tara na?”

 

Magtatatlong oras din bago nakabalik si Winter. Tumayo lang si Katarina at nagdiretso palabas ng office dala ang mga gamit na bitbit niya kanina. Tanging ang pagkaing hindi nagalaw sa lamesa ang dala ni Winter sa pagsunod sa nagtatampo niyang fiancée.

 

Kahit sa sasakyan, sa byahe hanggang airport, hindi sila nag-uusap. Winter remained silent dahil pagod din siya sa trabaho at ayaw niyang nag-aaway sila ni Katarina kapag nagd-drive.

 

Fortunately, when they picked up Winter’s family, mukhang pinilit naman ni Katarina na magpaka-good mood. 

 

Dahil si Winter ang driver, si Karina ang nag’Welcome po mama at papa! Hi kuya Minhyuk!’ at tumulong sa paglalagay ng mga bagahe sa likod ng sasakyan.

 

Winter’s brother initially volunteered na makipaghalinhinan kay Winter sa pagmamaneho pero wala pang isang oras, tulog na agad sa byahe.

 

That left Winter with her oddly behaved fiancee and quiet parents na naninibago pa ulit sa itsura ng Pilipinas.

 

“Rina anak, anong oras ka naliligo?” Itinigil agad ni Kararina ang pagc-cellphone niya nang biglang magsalita ang mama ni Winter.

 

“Minsan po gabi na then sa madaling araw po ulit.” Sagot niya sabay silip sa itsura sa salamin ng sasakyan. Okay naman, nakapagblower siya kanina kahit medyo kumikirot ang sentido.

 

“Kaya pala ganyan ang buhok mo.” 

 

She heard Winter snorting. Napakunot ang kilay ni Katarina, remembering the many times na pinagsabihan siya ng mommy niya at mama ni Winter tungkol sa palaging mabilis na magulo niyang buhok.

 

It’s been long but it seems like yun pa din ang napapansin ng mama ni Winter.

 

Hindi tuloy alam ni Katarina kung nagbibiro ba o ano.

 

“Dapat magconditioner ka lagi.” Nakangiti pang sabi ng nakakatanda. 

 

“Nagc-conditioner naman po ako.” Katarina pouted.

 

“Kumain ba kayo bago umalis?” Tanong naman ng papa ni Winter.

 

“Kumain po ako kasama sina Ning.” Sagot ni Katarina, bumaling ang mag-asawa sa anak nilang kanina pang tahimik.

 

“Ikaw, Winter?” Her mom asked her, Winter shakes her head.

 

“‘Di po, galing po akong office.”

 

“Ah, dapat ipinagdala mo ng pagkain, Rina. Siya pa naman ang magd-drive.” Pinagsabihan pa ng mama si Katarina.

 

Honestly, it made her upset. Dinalhan niya naman ng pagkain si Winter, masyado lang workaholic ang bunso ng mga Kim.

 

“Ayos lang po.” Sabi pa ni Winter, napairap tuloy ang katabi niyang handa nang magsumbong.

 

“Ipinagdala ko po

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
stream supernova!

Comments

You must be logged in to comment
idkwhatnametouse 0 points #1
happy birthday!! i hope you're doing well, ka-bday mo lola ko hehe mbtc ((:🎂
jeongsilog 0 points #2
Chapter 14: ang katwin ko 🥹🥹 sobrang cute 🥺
ryujinie__
707 streak #3
Congrats 🎉
iamriou_
1174 streak #4
Chapter 14: Ang cute niyo talaga 🥺🥺🥺
glanishaaa
#5
Chapter 13: Ang daming ganap, nabusog ako hahaha
Burgerking_ #6
Chapter 14: gusto ko e point out winter's way of comforting Karina (tiny kisses) ☹️ manghihina talaga ako pag ganyan ako e comfort eh
hyuniedubdub
#7
Chapter 14: fluff bago angst HAHAHHA
franzii
#8
Chapter 14: alay ko na mga leaves ko para kay rina. baka umiyak nanaman eh.
Azikiel #9
Chapter 13: May balat siguro si ryujin sa pwet kskskskskkssk
MINJEONGIEWINTER
#10
Chapter 14: otor bibigyan mo naman kami ng behind the scenes ng ningselle diba 🥺 at kay yeji na din hindi ako naniniwalang cheater si ateko