CHAPTER 8 - Celebration Escapade PT2
FIX YOUIRENE's POV
Maaga kaming nagising dahil nga may sched ng Island Hopping and Cliff Diving ngayon at bukas uuwi na. Hindi naman din kami magtatagal talaga dito sa Pangasinan dahil nga kailangan pa din namin umuwi kasi bukas yung mismong 15th Anniversary ng Cafferene at madaming paandar na promos and kung ano ano sila Seungwan at Mina.
Natapos na akong mag-ayos at inaantay na lang sila, nasa may labas na din ako ng villa nakaupo at nakatingin lang sa dagat. Naalala ko yung kwentuhan namin ni Seulgi kagabi.
*SHORT FLASHBACK*
..... "Oo naman, sanay naman ako kahit saan matulog, kahit nga sa papag lang ako.." sabi ni Seulgi na, inalok ako na doon na lang muna sa kwarto na tutulugan niya ako matulog. Kasi hindi ako makatulog dahil din malakas humilik si Seungwan.
"Sus, oo na nga. Patingin naman niyan, okay lang?" turo niya ko sa sketch pad niya, napansin ko kasing may drawing ng dagat
"Okay lang.." abot naman niya sakin,
"Ang ganda.. kahit hindi pa tapos ang ganda na." Maganda talaga kahit hindi pa nga tapos. Parang point of view niya na may dalampasigan dagat at langit, moon and stars na nagkikislapan.
"Nambola pa.." natawa na lang kaming dalawa.
"Curious lang ako, Seulgi?" tingin ko sakanya.
"Ano yun?"
"Why you have so much work? Saka umaabot ka pa ng umaga, isn't it tiring?"
Napatigil siya, "Its okay kahit di mo sagutin, im just curious.." sabi ko naman.
"A-ayun ba? Siguro kasi kinailangan kong gawing busy yung sarili ko lalo pag pa-umaga na.." sabi niya lang habang naka-tingin sa dagat.
"Bakit naman, is there something---"
"S-sorry, sige una na akong pumasok.. m-matulog ka na din, Joohyun.."
At naiwan nga akong magisa dito. Hindi ko talaga yun maintindihan. Weird pero siguro hindi lang talaga siya sanay magsalita or kumausap sa tao.
*END OF FLASHBACK*
Nang makita kong lumabas na din si Seulgi galing villa.
"Tapos na sila?" tanong ko sa kakalabas lang na si Seulgi.
"Tapos na din sila, si Seungwan inaayos lang yung bag niya.."
"Uhm.. Seulgi?" lingon niya sakin, "About last night? Hindi ka naman galit, ano? or something na--" nakita ko siyang umiling,
"H-hindi. Okay lang yun, Joohyun. Pasensiya na din.."
"Okay.. that's fine. We're friends right? Friends?" ngiti ko sakanya.
Tumango naman siya, saktong labas nila Seungwan, Mina at Krystal na naka-ootd pa. Napailing na lang ako.
Habang nasa byahe na kami sa bangka papuntang kabilang island malapit sa Hundred Island,
"Joohyun, why I didn't saw you on your bed earlier? Maaga ka ba nagising or kila Mina ka natulog?" tanong ni Seungwan.
"Samin? Hindi ko naman siya napansin saka wala naman ng space dun eh?" sagot naman ni Mina.
"Dun ako sa kwarto ni Seulgi natul--"
"WHAAAAT?!" sabay-sabay nilang sabi. Gulat na gulat?
"O.A! Ang O.A niyo! Ano ba? Natulog ako doon kasi ang lakas mong humilik saka sa couch natulog si Seulgi, mga baliw!"
"Totoo ba yun, Seul?" singit naman ni Krystal na tinanong si Seulgi. Tumango naman ito.
"Akala ko nagtabi na kayo eh.." napailing na lang ako.
30 minutes nang makarating kami sa island na pagccliff diving-an namin. Well, sabi ko nga sila na lang at takot nga ako pero mapilit sila eh. Edi go. Muhka namang safe saka madami-dami din namang tao at may mga lifeguards naman dito sa isla.
Umakyat muna kami at halos ilang minuto din yung inakyatan namin.
"WAAAAAAAAAHHH!!!" sigaw ko nang tumalon ako sa edge ng kahoy na tatalunan.
Halos ilang feet din ang taas ng tinalunan namin at halos lahat walang takot na tumalon, ako lang ata jusko. Pero okay lang naman meron naman silang inaalok na lifevest if you want, so ako nagganun.
Ang gagaling pa nung iba may pa-tricks pa sila or pa-tumbling sa air. At napansin ko din si Seulgi nag-ganun din at halatang sanay sa dagat.
Nang makababa na ang lahat ay may lunch na inihanda sila para sa group namin sa may Island, kumain din muna kami bago bumalik ng villa.
Kinagabihan after kumain ng dinner ay nagsimula na silang magayos ng gamit sa may malapit sa dalam
Comments