Chapter 1

Secretly Hers
Please Subscribe to read the full chapter

YEAR 2022

 

 

Winter's POV

 

 

"Winter! Gising na! Male-late ka naman! Winter! Kim!"

 

Ano ba naman yan?! Kay aga-aga binubulabog tayo!

 

Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos kong naligo ay chineck ko muna ang aking bag at siniguradong wala na naman akong naiwan. Last time kasi naiwan ko yung book ko at since alam naman na natin ang usual line ng mga teachers "Bakit bahay ba yung nag-aaral?" edi pinalabas ako ng class par! Nakakahiya talaga and ayaw ko nang maulit!!! Pagkatapos kong nasigurado na wala na talaga akong naiwan ay bumaba na ako.

 

"Ma bat naman ganun kayo kung makagising sakin? Hindi ba pwedeng kumatok na lang kayo?"

 

Reklamo ko sa aking mader dear atsaka umupo na para kumain. Uyyy pancakes!

 

"Aba't nagrereklamo ka pa hah. Kung sa ganoong paraan kita ginising malamang sa malamang nasa panaginip ka pa. Last week nga ginising kita ng ganoon at anong nangyari? 8 na pero maliligo ka palang."

 

Dili na lang ako mag-talk. Kasalanan ko bang maganda ang mga napapaginipan ko?! Like nagiging 6th member ako ng Red Velvet at secretly mag-jowa kami ni Irene dun. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mama at pumunta na sa iskul!

 

Malapit lang naman yung SM High sa amin, 15 minute walk lang and nag-suggest na din si mama na gamitin ko na yung motor ni papa pero ayaw ko kasi gusto kong mag-exercise kahit papano at mahal na ang gas ngayon. 12-STEM student ako at plano konng maging engineer pero kung dih papalarin baby dear mo nalang yiiiiieeee..

 

Namatay si papa last year dahil sa sakit kaya dalawa na lang kami ni mama. Okay naman kami although kahit gusto kong pag-usapan si papa ay hindi nalang kasi nakikita ko sa mga mata ni mama na hindi pa talaga siya nakaka-move on. Medyo okay din kami financially at may trabaho naman si mama pero naiisipan ko na din maghanap ng part-time job para hindi na siya mahirapan masyado.

 

 

Pagkapasok ko ng gate ay nakita ko na agad sina Giselle at Ryujin na nagbabangayan. Daily routine kasi nilang laitin ang isa't-isa.

 

"Oh My God Ryujin! Stop ruining my hair! I woke up early just to get it perfect!"

 

Conyong pagreklamo ni Giselle.

 

"Char kung ang iba nagigising ng maaga para sa assignments, ikaw para sa buhok. Grabe ka na talaga Uchinaga!"

 

Tuloy na pang-aasar naman ni Ryujin.

 

"Nye nye atleast ako nag-aayos! Ikaw kasi not making assignments na nga tapos hindi din naliligo!"

 

Sabat naman ni Giselle.

 

"Hoy! FYI naligo ako ngayon at-"

 

And that's my cue para umawat

 

"Hoy! Ano ba naman kayo! Early in the morning nag-aaway na"

 

"Si Ryu kasi eh inggitera porket mukhang phragmites ang kanyang hair!"

 

Hindi ko yun alam kaya oo nalang.

 

"Tara na nga at baka ma-late pa tayo sa first class"

 

Sabi ko nalang at sabay hawak sa kanilang kamay para hilahin papuntang classroom.

 

Pagkapasok namin ng building ay napansin naman naming maraming tao ang nagkukumpulan sa hallway.

 

"Gagi ayan na naman na sila!"

 

Excited na saad ni Ryujin.

 

Gumawa sila ng space sa gitna at tsaka namin nakita kung ano ang pinagkakaguluhan.

 

Karina Yu.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
quisaij
WALA BANG BIBILI SAKIN NG LIGHT STICK DIYAN? KAILANGAN KO NG SUGAR DADDY!

Comments

You must be logged in to comment
Bluestick
#1
Chapter 12: Haha hello po when cb po hehe curious ako sa 250 msgs ni karina 😭😭😭 nakalimutan mo po ba yung password mo 😭😭😭
_alitaptap #2
Chapter 12: UD po, pls huhu
jaiiaaa
#3
Chapter 12: Tor, yung 250 messages ni Karina. Ano mga 'yonnnnn 😭😭😭😭😩😩😩😫😫😫😫😫
Jhanesyll #4
Chapter 11: hello po?
MyJMJTY
#5
Chapter 12: when po kaya UD neto
Jhanesyll #6
Chapter 11: Hi??
Joaqxuine
#7
Hello beh.. 2024 na 😭😣
fifth_
#8
hi po
forhyu
#9
Chapter 12: hello po
a_n_d_martha #10
Chapter 12: Teh san ka na?