Sss...secret

Sa Dula't sa Musika
Please Subscribe to read the full chapter

"Nandiyan na si Miss!" In-announce ni Jimin, ang class president, habang nakadungaw sa bintana. 

 

Mula sa kinauupuan ni Yerim, narinig niya ang kalmadong yapak ng kanilang adviser hanggang sa nagbukas ang pinto at pumasok sa classroom ang kaisa-isang Miss Joohyun Bae. Nakaputi siyang cotton shirt, tinuck-in sa fitted pants niyang kasing itim ng buhok niyang nakahawi sa kanang balikat. Binaba niya ang dala niyang mga folder at binati ang section, suot ang ngiting lagi niyang binibiyaya sa 11 HUMSS-3 tuwing umaga.

 

"Good morning, class!"

 

"Good morning, Miss Bae!"

 

"Mabilis lang naman ang homeroom natin today. Just a few announcements," sinimulan niya at umupo. Binuklat niya ang isa sa mga folder sa mesa at naglabas ng nakasalansan na mga flyer. "Yeji, paki-distribute nga, please. Thank you," utos niya sa secretary ng klase.

 

Agad na napangiti si Yerim nang mabasa ang inabot sa kaniyang papel.

 

"Tatanggap na ng auditions ang SMHS Theatrical Society starting next week para sa school play natin this year. The details are right there."

 

'La Rouge: The Musical' ang nakalagay sa pinakagitna, kulay pula at may pa-calligraphy font.

 

Ako na 'to, ang umusbong sa utak ni Yerim. Matagal-tagal na niyang inaabangan itong school play, lalo na't pangarap niya maging artista.

 

Pero teka nga. La Rouge? Parang familiar. Nabasa na ba niya 'to somewhere?

 

"Kasama ng Theatrical Society ang Literary Circle sa production," pagpapatuloy ni Miss Bae. "And as club adviser, kasama ako sa magfafacilitate. So, if interesado kayo, pwede nang sa 'kin kayo lumapit."

 

Mahilig magbasa ng dula si Yerim. Hobby niya ang magkunwaring bida sa mga binabasa niya, binibigkas ang bawat linya na may halong pag-aarteng angkop sa eksena, kung saan ang tanging saksi sa kaniyang pagtatanghal ay ang We Bare Bears plushies niya sa kama.

 

Tumalsik pataas ang kamay ni Yerim. Naalala ko na!

 

"Yerim?" tawag sa kaniya ng guro.

 

"La Rouge. 'Di ba po ito yung tungkol sa rebolusyonaryong babae? From what I remember, nanalo rin po 'to ng Palanca last year?" Alam ni Yerim na hindi siya nagkakamali. Hindi siya namalik-mata nang nabasa niya ang pamagat kasama ang titulong English Division One-Act Play 1st Prize.

 

Napatigil nang bahagya si Miss Bae na para bang hindi niya inasahang malalaman ito ni Yerim––seryoso siya sa pangarap niyang maging artista at na-gets agad ito ng kaniyang guro. Ngumiti siya, yung tipong nahihila pataas pati ang kaniyang mga mata. 

 

"Looks like we have a future actress in this class." Tumawa si Miss. "Yes, ang school play natin this year ay nanalo ng first prize sa Palanca Awards kaya kung ako sa inyo, mag-aaudition na 'ko. 'Di niyo 'yan pagsisisihan."

 

"Sino naman po ang facilitator from Theatrical Society?" tanong ni Jimin.

 

"Ah, right. Nakalimutan kong sabihin," sagot ng guro. "Kasama ko si Coach Son. Siya in-charge sa music at vocal training ng leads."

 

Hindi alam ni Yerim kung iniimagine lang niya ang bahagyang pagkagat ng labi ng kaniyang adviser, pero mukhang hindi na niya matitiyak dahil naiba agad yung topic.

 

"Si Sir Oh po, di niyo kasama?"

 

Naghiyawan ang klase.

 

"Yieeeeee!"

 

"Kilig so much."

 

"Wahhhhhh!"

 

Pabirong gumulong ang mga mata ni Miss Bae habang sinisitsit ang mga nag-iingay na estudyante. "Ano namang gagawin niya do'n? Kayo talaga."

 

In other words, inutil si Sir Oh, natatawang inisip ni Yerim.

 

Si Sir Sehun Oh ang isa sa mga math teachers ng SMHS. Para sa HUMSS, hawak niya ang general math at statistics, and unfortunately, ang puso ng minority ng klase ni Yerim––ang mga straight girlies. Hindi alam ni Yerim kung bading lang siya o wala talagang appeal si Sir Oh. Bukod sa pagiging manghuhula ng grades at borderline kupal nito, gwapong-gwapo siya sa sarili niya at sa anit niyang binuhusan ng isang boteng hair gel. Naisip dati ni Yerim na siguradong magkakabukol siya pag nauntog man siya sa buhok ni Sir.

 

Hindi! 'Di niya deserve ang anghel, diyosa, at Mama Mary niyang adviser.

 

"Ica-calculate niya po yung probability na maging kayo!" rinig ni Yerim mula sa isa sa mga bida-bida niyang kaklase sa likod na sinundan ng isa pang round ng hiyawan.

 

Napabuntong-hininga siya. Sa totoo lang, hindi naman talaga niya sinasadyang maging pasimuno nito. Nagkataon lang, noong nakaraang buwan, habang pinagmamasdan niya ang disenyo ng polo ni Miss Bae ay napunta ang kaniyang titig sa kwelyo nito, hanggang sa umabot ito sa kuwintas na nakapalibot sa ilalim––isang maliit at kumikinang na titik 'S'.

 

S? Naisip ni Yerim sa sarili noon. Sino si S?

 

~ ~ ~

 

"Yes, Yerim? May sagot ka?"

 

Agad na tumalon ang paningin niya sa mukha ni Miss Bae na nagtatakang naghihintay ng tugon.

 

Shet, nasabi ko out loud.

 

"Ay, hehe. Wala po, sorry."

 

"Pero do you want to try?"

 

Ano yung tanong? Tumingin siya sa mga kaklase niya sa paligid. Limang kamay ang nasa ere habang yung iba ay kung makafocus sa sahig, akala mo naman may nakahigang AFAM.

 

Humarap siya kay Miss Bae habang tinuturo ang mga magagaling niyang classmates na nangangalay na kakataas ng kamay. "Sila nalang, Miss. Mukhang alam naman nila yung sagot." Ni-hindi ko nga alam yung tanong eh.

 

"Hmm, feeling ko kaya mo naman eh," tugon ng guro na naglakad paharap ng mesa at doon umupo nang naka-dekwatro. "What's the difference between interpersonal at intrapersonal communication?"

 

Psh, 'yun lang naman pala. Chicken.

 

Ngumisi si Yerim at tumayo. "Ang interpersonal communication, just by the term itself, ay tumutukoy sa communication between two or more

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ggprints
#1
Chapter 2: shocks bat ngayon ko lang nabasa tooo ang gandaaaa ng plot huhu
juhyuneeeee
102 streak #2
community promoted! congrats authornim 🫶🏻
WenRene_77 #3
Chapter 2: May nassmell Akong jelly lmao😂 good luck Sayo wan😂💙💗
hyehye29
#4
Chapter 2: OMG I LOVE THIS STORY HUHU kinikilig ako!!! aliw basahin sa pov ni yeri hahahaha pero shems yung last part may wentae #seated 😆 yeri sali ako maging data collector!!
jukkukee
#5
Chapter 2: HALA NAGULAT AKO SA CLIFFHANGER!!!
pero cute cute kasama si good boy zero 😭😭😭

paparating na ba tayo sa exciting part?
wishwishwish #6
Chapter 2: grabe kilig HDJSJS and oops taeyeon??
wenrenes
#7
Chapter 2: i love the story so far. thank you author! also hula ko lang sayo author, bedan ka po ba? i was surprised when i read the 'that in all things god may be glorified' line hahahaha na iimagine ko na tuloy yung school setting nila is the beda shs msrt building 😅 anyway, looking forward for the next chapters!
baejoonism #8
Chapter 2: Ahhh sobrang exciting!! 😍
mklarisse_ #9
Chapter 2: sobrang funny nito 😭 all d side comments skskdk also wahtttt si zero talaga ang cute tamang appear
Wanni_2921
#10
Chapter 2: Si zero talaga mvp hahaha