When I Met You 2/3

When She Met Her
Please Subscribe to read the full chapter

"Kuya, kanino po 'yan?" ang bungad ni Karina sa isang kuyang nagdedeliver sa harap ng gate.

 

"Kay Winter Kim."

 

Kinuha na lang ni Karina ang package ni Winter at pumarada na sa loob na galing sa trabaho.

 

"Ano kaya ito?" Tumingin siya sa second floor kung bukas na yung ilaw.

 

Napangiti si Karina dahil positive na bukas yung ilaw, kaya malamang nakauwi na si Winter galing sa trabaho.

 

3 months...

 

3 months ng tenant ni Winter si Karina pero more than na doon yung relationship nila. Nagtataka na nga si Winter laging nasa bahay si Karina expect kapag uuwi sa probinsya para makipagkita sa mommy niya. Or magsisimba siya.

 

3 months na rin trinatrabaho ni Karina yung tiwala ni Winter.

 

And Friends... Yes, close friends na sila. Yun yung right term sa more than a tenant and landlord na turingan nila na according kay Winter.

 

Karina hasn't confessed yet. She's just taking it slow and waiting for the right time.

 

Naglinis lang ng katawan at nagpalit ng black tank top at gray sweatpants na pangkaraniwan pambahay niya para makatambay siya at makikikain doon sa place ni Winter.

 

Syempre nagaambag siya lalo kuripot si Winter baka hindi siya isali sa serving na niluluto ni Winter.

 

Kumatok si Karina at pinagbuksan naman siya ni Winter. Inabot ni Karina yung package na nakuha niya kanina at kasama nito yung binili niya na dumaan sa mall para bilhin bago umuwi. Kita na yung excitement ni Winter kasi hinihintay niya talaga yun pero nagulat siya ng may iba pang binigay si Karina.

 

"Hoy! Boset ka. Sa akin ito?"

 

Ang shocked na sabi ni Winter ng makita yung binili sa kanya ni Karina. Binili ni Karina yung pumukaw sa mata ni Winter na action figure.

 

"Dagdag mo sa collection mo."Karina replied with a grin na happy siya ibigay ito.

 

"Baliw ka. Hindi ko pa birthday."

 

"So what? Need ba birthday para bigyan kita. Araw-araw naman special day if kasama ka."

 

"Baliw. Anyway thanks pero last mo na ito ha. Mahal ito. Hindi ka apo ni Henry Sy para gumastos ng bongga."

 

Tumango na lang si Karina pero syempre maangas siya kaya hindi siya susunod. Bibili pa rin ng mga bagay na pwede magpaalala kay Winter at ibibigay niya.

 

Hinanapan ng puwesto ni Winter sa mga display rack niya yung binigay ni Karina.

 

"Thanks, Karina pero seryoso ako sa sinabi ko. Nakakahiya."

 

"Gusto ko lang bigyan ka," Karina said with a cute smile, her hands tucked into the pockets of her sweatpants as she stood by Winter's side.

 

Karina just subtly showing her feelings for Winter through her actions and expressions. Winter's heart fluttered at Karina's words, but she masked her emotions with a nonchalant smile. Tapos bumalik na yung attention ni Winter doon sa package niya para mabrush off lang yung nararamdaman niya.

 

"Yes, sana makapull ng god pack," ang bulong ni Winter na balik sa kusina na binaba sa table yung box. Pagkatapos, bumalik sa kusina para asikasuhin yung manok na dinefrost at maghiwa ng sibuyas at bawang para sa adobong manok na lulutuin.

 

Nacurious tuloy si Karina.

 

"Ano yun?" Ang lapit niya kay Winter at sandal sa counter then nakita ni Karina yung mga tupiin ni Winter na nakalagay sa sofa.

 

"Pokemon cards na japanese version. Ioopen ko mamaya," ang hiwa sa sibuyas at bawang.

 

Housemates...

 

Matuturing na housemates na sila Karina at Winter.

 

"I see. Tsaka pwede pa try maghiwa ng garlic. You like my mommy kasi maghiwa ng sibuyas. You know, my mom would be so impressed with your knife skills, parang chef levels! She'd be like, 'Oh my gosh, who's this amazing person who can slice onions just like me?" ang amazed na tingin ni Karina dahil ang bilis maghiwa ni Winter sa sibuyas

 

Mommy, mama, anything about sa isang ina ay dahilan para magopen ulit yung sugat na tinatago ni Winter.

 

Pinatry naman ni Winter kaso wala, bokya talaga yung cooking skill ni Karina. Nahiwa yung daliri niya.

 

Nakita ito dumugo ni Winter.

 

Mama, nahiwa po kamay ko.

 

Ano dapat gawin? Magpaparunggue ka. Hindi ka kasi mababais. Huwasan mu muna ita. Linisun mu. E gamutan mu. May bulak at bethadine ya ngeni. (Ano dapat gawin? Iiyak ka. Hindi ka kasi nagiingat. Hugasan mo muna tapos gamutin mo. May bulak at bethadine diyan.)

 

"Opo mama gagamutin ko yung sarili ko."

 

Isang alalang biglang tumakbo sa utak ni Winter.

 

Then Winter hesitated for a moment na kita sa mga kamay kung aabutin niya si Karina dahil torn siya between her desire to simply hand Karina some antiseptic and a band-aid, leaving her to tend to her own wound, and her instinctive urge to care for her.

 

But as if compelled by an unseen force, Winter found herself gently pulling Karina towards the sink, rinsing her injured finger under the running water.

 

"Alam mo, dapat talaga hindi ka pinapayagan sa kusina. Kung hindi mo susunugin yung bahay ay masasaktan ka," ang tawa ni Winter habang hawak yung kamay ni Karina habang nasa lababo sila.

 

"Grabe ka naman sakin," ang pout na nahihiya na sabi ni Karina.

 

Winter grabbed some gauze, Betadine, and a band-aid, carefully tending to the wound on Karina's finger. Despite the minor cut, Winter's touch was gentle and caring.

 

"Thank you," Karina murmured, her gaze softening as she looked at Winter.

 

Karina couldn't help but stare at Winter while leaning against the sink habang nilalagyan ng bandaid yung daliri niya. Winter shrugged nonchalantly, trying to downplay the moment at hindi matukso sa mga tinginan ni Karina. "Wala 'yon. Sa susunod, huwag ka na humawak ng kutsilyo sa kusina kasi hindi lahat binibigay ng diyos. Maganda ka, matalino, charming pa, so sobra-sobra na 'yun. Huwag kang daw abusado. Give chance to other," ang bitaw sa kamay ni Karina na titig sa mga mata ni Karina.

 

But Karina's gazes were like lures, enticing and mesmerizing, full of admiration for Winter. Her eyes sparkled with admiration, and her smile could melt anyone's heart.

 

Sadyang strong soldier lang si Winter para hindi tamaan ng mga titig ni Karina or naglalakas-lakasan lang siya?

 

Agad binaling ni Winter yung pansin niya sa pagluluto.

 

"Why pala so dami mong niluto na adobo?" Ang takang tanong ni Karina na tumabi kay Winter.

 

"Baon ko bukas. Ilalagay ko na lang sa ref then iinitin ko na lang bukas para baon ko. Hindi naman kasi basta-basta napapanis ang adobo," ang sagot ni Winter na busy magluto.

 

"Pwede rin ba ako magbaon as my lunch bukas?"

 

"Oo naman. Pagbaunan kit—" ang tigil ni Winter na parang may narealized siya.

 

"Okie!" Ang small happy bounce ni Karina.
 

Tapos naibaling ulit ni Karina yung tingin niya sa mga tupiin ni Winter na nabobother sa tupiin nito.

 

Alam naman ni Karina na hindi nagtutupi si Winter at tinatambak lang sa kwarto niya yung mga damit nito. Kaya nagpunta siya sa couch kung saan nandoon yung mga damit na tutupiin. Hindi pa kasi naiilagay ni Winter sa kwarto at hindi na siya nahihiya kung makita man ni Karina yung mga damit niya.

 

"Huwag mong gawin yan," ang pigil ni Winter kay Karina ng makitang tinutupi yung mga damit niya.

 

Laging nagoffer si Karina magtupi pero laging nirereject ni Winter. Pero mas kumakapal na yung mukha ni Karina at feeling at home na siya sa bahay ni Winter so pinagtutupi na niya si Winter.

 

"Let me na. Parang trade lang tayo: pinaglulutuan mo tapos ako magtutupi sa mga damit mo. What good deal diba? Also, tama nga ang mommy ko na pinagtatagpo talaga yung mga perfect match. Like hindi ako magaling magluto tapos natagpuan kita na super sarap magluto then ikaw hate mo naman magtupi so ako like ko siya kaya perfect match tayo,"

 

Karina's adorable smile na may kasamang nose scrutch na was something Winter couldn't resist. So hinayaan na lang, because she had feeling na comfortable and at peace whenever she was with Karina.

 

Even though hindi niya aminin na lumalaki na yung line or yung bubble niya na nakakapasok na si Karina.

 

Habang naghihintay na maluto ang adobo, tiningnan ni Winter ang kanyang package. Dasal niya na sana makakuha na siya ng mga cards na hinahanap niya.

 

Tumayo si Winter at kinuha ang kanyang sleeves at Pokémon binder dahil sobrang excited na buksan ang kanyang mga pack ng Pokémon cards. Nakatingin lang si Karina sa kanya habang tinutupi ang mga damit ni Winter.

 

"Cutie," ang nasa isip ni Karina habang pinagmamasdan si Winter.

 

"Hmmm mamaya na nga lang," ang kausap ni Winter sa sarili.

 

Nagbago yung isip ni Winter dahil kakain pa siya at baka mamantikan yung mga pokemon cards niya if bubuksan niya na kaagad kaya.

 

Kaya binaba niya yung mga pokemon cards packs sa table. Winter glanced at the packs of Pokémon cards resting on the table, stirring curiosity in Karina. Unable to contain her intrigue, she leaned in, her eyes alight with excitement. "Pokemon cards laman niya, diba? Saan ba nabibili yan? Pwede patingin?" she asked, her voice filled with anticipation.

 

"Yung ganyan kasi online pero may nabibili sa toy store na nasa mall."

 

Also Winter hesitated for a moment kung pagbibigyan niya magbukas si Karina ng isang pack, then she smiled and nodded. "Sure, pili ka," she replied, gesturing toward the packs.

 

Karina's eyes widened as she carefully selected a pack. Winter guided her on how to open it, injecting a sense of mystery and excitement into the process. With bated breath, they turned over the cards, revealing their contents.

 

Winter's jaw dropped in astonishment as she saw the first card, a holographic Pokémon card, revealed by Karina. Her eyes widened as she unveiled each card, one by one, all shimmering with holographic brilliance.

 

"Hala...." Winter breathed, barely able to contain his excitement. "Ka..ka..rina, napili mo yung god pack! Boset ka."

 

Karina's eyes widened in disbelief, mirroring Winter's astonishment. "Seriously?!" she exclaimed, her voice tinged with excitement and disbelief. "I just randomly na pinili ito!"

 

Nanigas si Winter, lubos na nagtataka habang si Karina ay nasa tabi na niya, maingat na binaba ang lahat ng mga cards. Kahit na walang alam si Karina tungkol sa Pokémon cards, batid ni Karina na kapag holographic ang isang card, ito ay espesyal at bihirang matagpuan.

 

Naghyhyperventilate si Winter dahil napulled ni Karina yung mga prio pokemon cards niya.

 

"Hey ok ka lang?" Ang alog ni Karina kay Winter dahil nga nanigas ito.

 

Nang gumalaw ito ay nagulat si Karina dahil bigla siyang niyakap ni Winter. Sobrang excited ni Winter ay napayakap siya kay Karina.

 

"Boset ka! Ang galing mo magbukas," Ang happy bounce ni Winter habang nakayakap kay Karina.

 

Sa pagkakataon na yun si Karina naman yung nanigas kasi for the first time ay inayakap siya ni Winter. Tapos napatanga lang siya ng pinisil ni Winter yung pisngi niya. Konti na lang baka halikan na ni Winter si Karina dahil nga napulled ni Karina yung prio pokemon cards niya. Bumalik lang sa ulirat si Winter ng sobrang lapit na nila sa isat-isa ni Karina.

 

"Sorry," ang mariing sinabi ni Winter, at agad na ibinalik ang kanyang atensyon sa maingat na inilagay na mga cards sa sleeve.

 

Sa kanyang puso, lubos na nagagalak si Karina habang tinitigan si Winter, na parang noong unang beses niyang nakita itong naghahanap ng mga pokemon cards sa coffee shop.

 

Wala na. Tapos na ang laban.

 

Hindi lang god pack nakuha niya.

 

Isang goddess.

 

Isang legendary pokemon.

 

Nasa collection na ni Winter ay isang legendary pokemon.

 

Captured na captured na ni Winter ang nagiiisang legendary dinosaur pokemon.

 

At si Karina yun. Rawr..

 

********

 

"Wala kang baunan?" tanong ni Winter habang nagkakatinginan sila ni Karina habang inihahanda ni Winter ang kanyang baon sa isang lock n lock tupperware.

 

"Wala po," sagot ni Karina.

 

Napakamot si Winter dahil iisa lang ang baunan niya na lock n lock. Akala naman niya may baunan si Karina. Agad na nag-isip si Winter ng solusyon. Lumapit siya sa isang drawer sa kusina at kumuha ng isang bagay. Nilabas niya ang Pikachu lunch box na hindi pa nagagamit dahil ito ay bahagi ng kanyang koleksyon, at ito na lang ang gagamitin niya.

 

"Wait, ito na lang sayo, Sa ibang baunan na lang ako," sabi ni Winter na bigay ng lock n lock na may ulam at kainin na.

 

"Talaga?" ang nagningning na mga mata na tanong ni Karina, na may excitement sa kanyang mga mata dahil ibinigay ni Winter ang baunan.

 

Napangiti lang si Winter sa reaction ni Karina at bumaba yung tingin niya sa labi nito. Napalunok siya dahil parang pumasok sa isip niya na masarap halikan ito.

 

Kaya biglang baling na naghanda rin si Winter ng adobo at kanin sa lunchbox, isinama ang kanyang paboritong bahagi ng manok sa ibang baunan.

 

"Bakit?" tanong ni Karina nang mapansin niyang nag-iisip si Winter at kinuha ang baunan na ibinigay niya sa kanya.

 

"Diyan ko kasi nilagay 'yung pakpak na fave part ko," tugon ni Winter.

 

"Gusto mo ako na magdadala ng Pokémon lunch box?" ang suggested ni Karina upang less hassle na kay Winter.

 

"Okay lang sa'yo?" tanong ni Winter.

 

"Of course," sagot ni Karina.

 

"Pambata ito? Baka anong isipin sa'yo. Sa trabaho ko kasi sanay na sila na mahilig ako sa Pokémon," sabi ni Winter.

 

"That's fine lang tsaka cutie kaya. Tsaka thanks na sinama mo na ako sa pagbaon mo," sabi ni Karina na parang may paru-paro sa sikmura niya na galak na galak na nagabala si Winter pagbaunan siya.

 

7:35am ay sabay ng lumabas sila Karina at Winter na kinaugalian na nilang sabay papasok.

 

"Ingat, Win."

 

"Ingat din, Karina."

 

********

 

[Hot Gurls 🔥]

 

Minju:

[Paging Miss Karina Yu, any plans to grace us with your presence?]

 

Yeji:

[I have a feeling there's something she's not telling us.]

 

Karina:

[What?]

 

Yeji:

[Word has reached me. You know Yunjin, our ex-friend, right? Also she's still cousins with Ryu, my girlfriend. So maybe you want to spill the tea 🙄😒. Our meeting is near your company. So let's grab lunch or else we'll make tampo or go full F.O. We miss you na. You looked serious diyan sa GF mo🙄😒]

 

Ang chat ng mga kaibigan ni Karina habang nasa office na busy magtrabaho. Alam naman na kung ano yung tinutukoy ng friend niya na si Yeji. Nakarating na yung pagpapanggap nila ni Winter.

 

Karina agreed to meet up, but of course, she brought along the Pokémon lunch box prepared by Winter. She couldn't help but stare at it, kasi what if kapag pinayagan siya ni Winter na maging girlfriend niya baka pagbabaunan siya ni Winter ng lunch lagi.

 

So namula si gaga habang nagaassume. Todo ngiti na parang tanga na hindi na gumawa ng trabaho.

 

12pm... nakipagkita si Karina sa mga friends niya sa isang fine dining restaurant ng isang mall.

 

"Hey, what's your order?" asked Minju.

 

"Hmmm. I'll just have dessert, I brought my own," Karina replied, revealing the Pikachu lunch box with adobo and rice that Winter packed for her earlier.

 

Minju and Yeji burst into laughter. It was the first time they saw Karina like that – sophisticated and classy in appearance and aura, but with a Pikachu lunch box in hand.

 

Karina smiled at their amusement before playfully adding, "Well, it's from a friend who's just a really good cook. No big deal," she said, subtly gatekeeping her relationship with Winter.

 

"A friend?" Minju and Yeji asked, not entirely convinced.

 

"Yes, the one you heard about who's supposedly my girlfriend is actually just a friend for now. She agreed to pretend to be my girlfriend in front of Yunjin to get her off my back. Yes, I like that friend, but I haven't confessed to her yet. I just want to take things slow, which is why you haven't met her yet. That's all for now. I'll introduce her too if there's any progress between us."

 

Pinaliwanag ni Karina, at humiling siya ng privacy dahil nagiging malas siya kapag nagkukwento siya tungkol sa posibleng relasyon niya. Yung mga nakakausap niya dati na napurnada ay ok lang but ibang usapan si Winter kay Karina. Sobrang seryoso siya Kay Winter.

 

"Next time na, maybe kasi you'll end up liking her too, Babe Minju. So next time na if ok na talaga," Ang tindig na sabi Karina na ginagatekeep niya talaga si Winter at may right time para ikwento at ipakilala siya, keeping her feelings for Winter close to her heart as she enjoyed her packed lunch.It was the first time, and she hoped it wouldn't be the last, that Winter would pack her lunch.

 

Then bago siya bumalik sa trabaho ay napadaan siya ng isang toy store. Nagbakasakali si Karina dahil naalala niya na sabi ni Winter nakakabili sa isang toy store.

 

Nagtanong siya at mayroon nga. Bumili lang siya ng apat na booster pack kasi pagagalitan siya ni Winter na binibilhan siya ni Karina lalo sa mga ganun bagay na luho at hobby lang ni Winter. Hindi maganda para kay Winter lalo na kahit walang espesyal na okasyon na binibilhan ng ganun. Siya lang pwede bumili sa sarili niya dahil hobby na yun. Ayaw din niya na maisusumbat sa kanya kung sakaling magkaroon hidwaan. Lalo na't hindi naman siya nanghihingi.

 

Pero para kay Karina, kusa niyang binibigay iyon. Kung nagbigay ka, walang dapat sumbatan, lalo na kung dadating ang oras na may mangyaring hindi maganda between sa nagbibigay at binibigyan, dahil iyon ay isang regalo o kusang-loob na galing sa puso na binigay.

 

********

 

At 5pm, Winter thought of dropping by Ningning and Giselle's house to check on her pregnant friendship who was advised to bed rest due to a high risk of miscarriage. She brought some food and chikahin ito para hindi mastress kasi si Giselle ay busy sa coffee shop. Also want niya ihelp si Giselle na hinahati yung katawan para kay Ning at sa iba pang responsibility nito.

 

"Kamusta naman ang babaeng nakalunok ng pakwan?" ang bungad ni Winter kay Ning na nakaupo sa sofa, ang laki na ng tiyan dahil kambal ang anak nito.

 

Ning sighed, her hand instinctively moving to cradle her bulging belly. "Oh, Winter, ang hirap na talaga," she said, exhaustion evident in her voice. "Parang ang bigat-bigat na ng buong katawan ko, at hindi ko na alam kung paano ako makakatulog nang maayos. Pero alam mo, worth it naman lahat ng hirap kapag iniisip ko na magkakaroon na kami ng kambal ni Giselle."

 

Winter nodded sympathetically, placing the food she brought on the table. " Kita ko nga kaya nga pumunta ako kaagad kasi sabi ni Gi na need mo bed rest kasi maselan pagbubuntis mo at Nagdala ako ng ilang snacks at fruits para sa'yo na pwede sa buntis. Kailangan mo ng energy para sa mga kambal diyan."

 

Ning's eyes welled up with tears of gratitude. Ganun talaga pagbuntis emotional.

 

"Salamat talaga, Winter," she said, her voice wavering with emotion. "Mahirap talaga itong pagbubuntis, pero mas madali kapag alam kong nandyan kayo ni Giselle."

 

Hinanda ni Winter yung snack at fruits sa isang plato. Hinugasan niya ng maayos yung apple at binalatan at hiniwa sa maliliit na pieces dahil ito ang gusto ni Ning.

 

Habang nagchichikahan at nanonood sa sala ng romantic movie sila Ning at Winter na ang scenario ay nagconfess na sa isat-isa yung mga bida.

 

"Ning, kamakailan lang. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko," ang salita ni Winter

 

"Huh?" Ang kunot na kilay na sabi ni Ning.

 

"Wala kinakabag lang pala ako."

 

"Bakit? Anyare ba?"

 

"Si Karina kasi," ang tingin ni Winter kay Ning habang nakaupo sila sa sofa.

 

"Anong mayroon ka kay Karina? Tenant mo pa rin siya diba? May ginawa ba siyang mali?" Ang seated ni Ning sa chika ni Winter.

 

"Wala naman pero may feeling ako na hindi ko maexplain towards sa kanya."

 

"Bad ba? Eh di paalisin mo na. Nagtatanong nga siya ng personal about sayo. Mga gusto mo or maybe may gusto sayo yung tao?" Ang init na ng tumbong ni Ning dahil nageenjoy siya sa usapan nila ni Winter.

 

"Nagtatanong?"

 

"Oo, intersado siya. Nagbibigay kami ng hints pero hindi yung personal matters. Kasi nga may motto tayo na may mga bagay na hindi dapat shinishare unless galing mismo doon sa tao nagsabi."

 

Natuwa si Winter sa sinabi ni Ning. Despite na hindi maganda yung pamilyang pinanggalingan niya ay nagkaroon naman siya ng mabuting ang mapagkakatiwalaan na mga kaibigan.

 

"Ganun ba? Hindi naman siya bad feelings. Sa totoo lang lagi ko na siyang naiisip. Pakiramdam ko ang safe at may security kapag kasama ko siya. Naging exciting yung buhay ko nung nakilala ko si Karina. Gusto ko siya laging makasama at makita. May care and compassion akong nararamdaman sa kanya. Then yung mga bagay na magisa ko lang ginagawa ay gusto ko na siya kasama."

 

"Sus, alam ko na yang nararamdaman mo Winter. May nararamdaman ka na kay Karina?" Ang biglang pasok ni Ningning

 

Nagulat si Winter sa sinabi ni Ning na akala mo talaga hindi niya alam.

 

"Gulat yarn?? May feelings ka na kay Karina, Tama ako?"

 

Hindi makasagot kasi  Winter dahil nga naguguluhan siya.

 

"Silent means Yes. Dalaga na Bunot at Wintotoy ko. Dapat malaman ito ng honey, ang emotional na sabi ni Ning na nainlove na rin yung tropapits niya.

 

"Gusto as kaibigan katulad niyo."

 

"Sus sige deny ka pa. Kwento mo yan kasi yung kwento ko iba yung POV na nakikita ko. Wala naman masama kung magmamahal ka. Beh hindi ka na high school na takot maranasan yung teenage pregnancy. Ligtas ka na doon pero yung pagiging matandang dalaga beh hindi ligtas doon," ang sarcastic na sabi ni Ning.

 

"Wala akong dinedeny. Tsaka mahirap maganak sa economy ngayon. Kayo kasi financial, physical and mentally stable ni Gi. Eh ako? financially ok but mentally hindi talaga magiging ready."

 

"Ay ang baby Wintotoy namin. Sige Iilist natin para malaman kung may feelings tayo sa isang tao romantically not platonic. Una, lagi mo silang naiisip. Sunod, You feel safe with them, Life exciting pagkasama mo siya, gusto mo sya makasama lagi, you feel compassion sa taong yun. And lastly may . Nararamdaman mo ba yun lahat kay Karina? Tsaka girl kahit anong position niyo ni Karina ay hindi ka mabubuntis," amg tawa ni Ning na hawak sa tiyan kasi sumasakit kapag tumatawa siya.

 

"?" Ang nasa isip ni Winter na kanilang nasa isip niyang masarap yung labi ni Karina.

 

Hindi pa rin makasagot si Winter dahil naguguluhan siya.

 

"Ok lang yan kung naco-confuse ka pa at nasa denial stage, Wintotoy ko. Eto gawin mo. Huwag kang mag-isip. Tapos, kung ano unang pumasok sa isip mo, 'yun ang sagot sa confusion mo. That's called guts. Trust your guts, Wintotoy. Minsan, sa dami-dami ng iniisip natin, sumasakit ang ulo natin. Minsan, ang solution ay huwag mag-isip o tanggalin mo mismo ang ulo mo, Wintotoy," Ang biro ni Ning.

 

Huwag daw ako magisip??? Sarap pektusan ni Ning kung hindi lang buntis.

 

********

 

"Baby kung maging uod ba ako mamahalin mo pa ba ako?

 

"Opo, love. Sasamahan kita kumain ng lupa para lumaki ka."

 

Ang rinig ni Winter sa convo ng magboyfriend habang may dinaanan lang sa mall bago umuwi. Winter couldn't help but cringe at what she heard. Such questions seemed nonsensical and the baby talk tone was off-putting to her.

 

Nasa isip niya hindi talaga pang romantic relationship.

 

As she observed couples holding hands, whether straight or same-, Winter found herself drawn to the sight of two women showing affection and holding hands. In the past, she never felt envious or interested in relationships.

 

Nagibang na ang ihip ng hangin kay Winter.

 

Parang gusto maranasan yung ginagawa nila pero bakit ganun sa isang tao ko gusto maranasan yung mga nakikita ko??

 

*******

 

Another workday...

 

Winter and Karina prepared for yet another day at their respective jobs.

 

"Winter, hatid na lang kaya kita sa work mo. Maulan," ang offer ni Karina kay Winter ng makitang maulan.

 

"Huwag na. Hindi naman ganun kalakas. Tsaka may kapote ako at anong oras na rin. Malalate ako kung sasakay ako ng kotse at hassle din mamaya paguwi ko."

 

"Sunduin kita."

 

"No need na. Ambon na lang kaya na yan ng kapote," ang tanggi ni Winter at nagsuot na ng kapote.

 

"Ingat sa pagpasok, Karina."

 

"Ingat ka rin sa pagpasok ha, Winter."

 

Pagdating sa trabaho, ginawa ni Winter ang kanyang karaniwang gawain, ngunit hindi niya maiwasang isipin ang sinabi ni Ning.

 

Trust your guts.

 

Hindi siya nagisip habang nakatanga sa screen ng computer niya.

 

Nagpopup yung mukha ni Karina sa screen at biglang siya napahawak sa ulo niya.

 

In love na ba ako sa kanya?

 

Hindi, Winter. Nasanay ka lang kasama siya. Kaibigan lang tingin mo sa kanya. Katulad nila Ning at Gi na lagi mong naalala.

 

Ang nasa isip ni Winter habang sinasampal sampal niya yung sarili na napansin ng mga katrabaho niya.

 

"Okay ka lang?"

 

"Oo, inaantok lang ako," Ang dahilan ni Winter.

 

7pm....

 

7pm at Overtime si Karina dahil may tinapos na trabaho. Biglang nagring yung phone niya at nang makita ni Karina kung kanino yun ay agad niya binuksan.

 

Nagchat si Winter sa messenger.

 

[Winter Kim]

 

[Karina, dito ka ba kakain?]
(7:05pm)

 [Nope :( may tinatapos pa akong work.]
(7:05pm)

 

 [Ganun ba? Hanggang anong oras yan?]
(7:06pm)

 

 [Maybe mga 8 pa tapos ko.]
(7:06pm)

 

Samantala si Winter na nasanay na kasabay si Karina ay naglalaban yung puso at isipan niya hintayin si Karina na hintayin na lang ito.

 

Hindi pa naman siya gutom.

 

[Karina Yu]

 

[Kakain ka na ba sa labas?]
(7:07pm)

 

[Maybe? Why?]
(7:07pm)

 

 [Nagluto kasi ako ng sinigang na baboy. Hintayin na lang kita kumain. Busog pa kasi ako.]
(7:08pm)

 

In the end nanalo yung puso ni Winter.

 

Napangiti si Karina sa chat ni Winter.

 

[Winter Kim]

 

 [Sure ka? Maybe 8:30 something pa ako makakauwi]
(7:09pm)

 

[Oo, Wait kita]
(7:10pm)

 

[okie]
(7:10pm)

 

Because of that, Karina hurried to finish her tasks, leaving some that could be done tomorrow. So, even though it was only 7:20, she went home early to be able to arrive by 8 p.m.

 

Karina arrived at 7:56 p.m. and immediately went to wash up and change her clothes. She put on an oversized t-shirt and shorts.

 

Agad siyang umakyat at kumatok.

 

Ngunit walang tugon mula kay Winter kaya kinabahan si Karina. Tinangkang buksan ang pinto at nagulat siya nang hindi ito nakasara. Dati kasi, tuwing kumakatok siya, naka-lock ang pinto at si Winter lamang ang nagbubukas para sa kanya.

 

Pagpasok niya ay nawala yung kaba kasi nakatulog lang pala si Winter habang nanonood ng mga crime documentary. Nakita rin ni Karina ang hapag-kainan na nakahain na para sa dalawang tao.

 

Nilapitan niya ito at napangiti si Karina kasi parang tuta na mahimbing na natutulog sa sofa si Winter. Hinaplos niya ang mukha nito na parang sobrang maamo na tuta. Natatawa si Karina dahil nakakatulugan ni Winter na nanonood siya ng mga crime docu. Hindi na muna niya ginising si Winter at ininit niya yung sinigang sa microwave oven.

 

Don't worry marunong si Karina gumamit ng microwave oven. Hindi niya mapapasabog ang bahay. Nang mainit na niya yung ulam at nakapaglabas na ng malamig na tubig.

 

"Winter," ang gentle na gising ni Karina.

 

"Hmmm." Ang huni ni Winter na nagigising na.

 

"Karina?" Ang nagising na ni Winter na napagtantong nasa harap niya na si Karina. Then para siyang tuta or aso na nagwag yung tail ng makita ang amo sa saya ng pakiramdam ng makita si Karina.

 

"Let's eat na. Pumasok na ako kasi hindi ka nagreresponse at bukas yung door."

 

"Oo sinadya ko nakabukas yun dahil dadating ka pa at nakatulog pala ako," ang tayo ni Winter na pupunta sa hapag-kainan para ipainit yung ulam.

 

Karina couldn't help but smile as she followed Winter, holding something behind her back.

 

"This is for you," she said, her eyes sparkling with affection.

 

Winter gave Karina a stern look upon noticing the logo on the paper bag.

 

"What?" Ang patay malisya na ngiti ni Karina pilit na abot sa paper bag. Sinabihan na siya ni Winter na huwag siyang bibilhan kung walang espesyal na okasyon.

 

"Diba sabi ko huwag mo ko—Diba sabi ko rin gusto ko na bilhan ka. Naalala lang kita," ang pigil ni Karina sa sasabihin ni Winter.

 

Lumapit lalo si Karina kay Winter at kinuha ang kamay nito para iabot yung binili niya.

 

"Hayaan mo ko please. You're important to me, and this is how I show my love sa mga tao  nagmamatter to me. It hurts my feelings if you refuse me," she pleaded earnestly with deeper voice, her gaze filled with sincerity and love.

 

Nagstep backward si Winter because she couldn't resist Karina's warmth presence. She knew she ed up pero ayaw niya lang talaga tanggapin. Kaya tinanggap na lang niya lang yung bigay ni Karina.

 

"Sige, salamat. By the way, magrereading na ako ng kuryente ay tubig. Padating naman kasi ang bills," Winter said, deflecting the tension between them.

 

She allowed Karina into her life, but not to the extent of letting Karina take control. Winter maintained her defenses, albeit softened by Karina's unwavering affection.

 

"Huwag mo ng iread. I'll pay our electricity bill," Karina insisted, taking a seat.

 

"Karina naman."

 

"Ano ba? Problema kung ako magbabayad? Nakatira din naman ako dito,"Karina countered.

 

"Pero kasi napagusapan na natin kung ano lang naconsume mo yun lang babayaran mo."Winter argued na napalakas yung boses at umupo na rin.

 

Nagsisimula naman si Karina at Winter na magtalo.

 

"Bakit lagi naman ako nandito sa place mo? So nagcoconsume rin ako electricty here. So dapat ko rin bayaran yun kaya ako na magbabayad," Karina calmly stated as she served rice onto Winter's plate, prioritizing Winter's needs over her own. However, Winter stopped her and took the serving spoon to serve herself.

 

Ito naman tayo sa independent nature at hindi need ng tulong ni Winter na sinasalag yung care ni Karina.

 

"Tenant ka lang dito, Karina. Huwag kang masyadong bida-bida," Winter's sharp and high-pitched voice pierced Karina's heart, kasi alam niya na they were close na.

 

Karina let out a sigh of frustration.

 

"Okay fine. Sige stick tayo sa napagusapan," ang payag na lang ni Karina.

 

"Tsaka hindi mo naman ako need pagtaasan ng boses," Karina said calmly, but there was a hint of sulking in her voice, indicating her discomfort with the situation.

 

Napabuntong hininga si Winter at nanahimik lang. Hindi nag-attempt si Karina magsalita pa at tahimik silang kumain.

 

"Baba na ako. Have a good night, Winter."

 

"Good night rin."

 

Winter watched as Karina left, feeling a heavy weight settle in her chest. She knew she had hurt Karina, and she couldn't shake off the guilt gnawing at her. Ramdam naman niya kasi yung actions ni Karina hindi naman siya kaso totally manhid. Kaya nagdadasal na huwag umamin si Karina dahil hindi niya alam gagawin at okay na siya sa friendship nila.

 

Moreover, she believed she didn't deserve Karina. She convinced herself that she was aromantic, but deep down, she was just afraid and fragile, pretending to be strong. She drew lines and built walls because she didn't want to experience what happened to her family. She was tired and just wanted to find solace in solitude. In short, she messed up herself.

 

She couldn't deny the warmth and comfort Karina brought into her life, yet she feared letting her guard down.

 

Dahil kina Gi at Ning, matagal siyang nagtiwala, kahit ngayon hindi siya sobrang nagpapahayag ng kanyang mga damdamin. Ano pa kaya kay Karina, na sa kanyang paningin, maikli pa lang ang dalawang buwan para makilala ang isang tao.

 

Winter had built walls around her heart to protect herself from the pain she had experienced at mga nakita in the past.

 

Winter is a product of a broken family, starting from her grandmother who was also abandoned by her grandfather, to her mother who was left by her father.

 

Tapos yung ate Wendy niya ay nasa toxic relationship so sobrang traumatic na sa kanya ang pumasok sa isang relationship.

 

Generation curse na yata na laging magiging single mother or magfafail yung marriage or relationship ng mga babae sa angkan nila kahit mga tita niya ay failed yung marriage na paulit-ulit na iniisip ni Winter.

 

Winter's family was happy at first, and young Winter wanted nothing more than to marry someone like her dad. Naniniwala siya marriage is a happy ending so isa sa pangarap niya ang magpakasal.

 

Pero biglang nag-iba ang lahat nung makita ni Young Winter na nakapatong ang kanyang papa na walang saplot sa ibang babae sa kanilang bahay.

 

"P-papa, ano po ang ginagawa niyo?" Young Winter's eyes widened in shock.

 

"A-anak naglalaro lang kami. Wala yung nakita mo. Huwag mong sasabihin kay mama mo ha. Parang secret mission natin. Ok?"

 

Because Winter was an innocent child, she thought her dad was just playing a game. One time sinama si Winter at Wendy ng mama nilang para puntahan ang ninang nila. Kaya naiwan ang papa niya dahil kakauwi lang sa trabaho.

 

But they returned early and heard moans coming from their house.

 

Pagpasok nila nakita naman ng Batang Winter na nakapatong ang papa niya na walang saplot sa parehong babae na nakita niya sa unang pagkakataon.

 

"Papa naglalaro kayo ulit ng babae na yan?" Ang bulalas ng batang Winter.

 

"Walang hiya ka, Wilberto. Kailan mo pa ako niloloko? Nakita talaga ng mga anak mo yung ginagawa mo. Hayop ka."

 

Ang galit at hampas ng mama ng batang Winter sa papa niya.

 

Dahil doon napagtanto ng batang Winter na niloloko ng papa niya ang mama niya. Isang ilusyon lang ang perpekto at idolong tingin niya sa papa niya.

 

Days passed, and her mom and dad stayed together for the sake of Wendy and Winter. Their father promised to change and end his affair. But yung dating masayang tahanan ay naging toxic, filled with arguments, shouting matches, cursing, and even throwing plates and glasses. It seemed like there was always a storm brewing, and their house never found peace.

 

"Dito lang tayo sa kwarto ha," Wendy hugged Winter, keeping her away from the chaos.

 

Until both parents ni Winter ay got fed up and it ended up in separation because Winter's dad didn't actually leave his mistress, and it turned out that Winter's dad impregnated the mistress.

 

Winter's perception of love and marriage had been shattered by the tumultuous experiences within her family. From her grandfather's abandonment to her father's infidelity, she learned that the fairy tale endings she once dreamed of were far from reality.

 

Winter couldn't escape the harsh truth: that marriage didn't guarantee a happy ending. She learned that trust could be broken, promises could be shattered, and love could turn into pain.

 

By Winter's second year of high school, it was just her, her mom, and her older sister Wendy. Since their parents separated, their dad never showed up again. Wendy, four years older and already in college, couldn't watch over her anymore.

 

Doon nagsimula gumuhit ng linya, maglagay ng bubble, at magtayo ng mga pader si Winter.

 

Ay mali...

 

Hindi pala siya ang nagsimula kundi ang kanyang mama na pinagpatuloy lang ni Winter.

 

Nagsimula itong maging strikto at mahigpit kay Winter. Lumabas na rin yung tunay na kulay.

 

Ang pagiging narcissist...

 

Winter's mother secretly prefers to see her struggle rather than succeed, so Winter becomes overly reliant on her mother.

 

"Mama natalsikan po ako ng mainit na mantika habang napiprito ng bangus," ang pakita ng teenager na Winter sa malaking burn na nasa kamay niya habang tinuturuan siya ng mama niya magluto.

 

May karenderia kasi ang mama nila at ito ang source of income ng pamilya nila.

 

"Winter, malayo pa yan sa bituka. Ako nga mas malaki pa paso ay okay naman ako. Lagyan mo toothpaste, aloe vera o llublob mo tubig," ang bulyaw ng mama niya na busy magluto.

 

So ginamot ni Winter yung sarili niya na pinadaan niya yung affected area under cool, running water for 10-15 minutes at naglagay ng aloe vera gel na nakatulong.

 

"Ano na nangyari sayo?" Ang lapit ng mama ni Winter sa kanya.

 

"Okay na po mama."

 

"Tignan mo tama sabi ko. Makinig ka lang kasi sa akin."

 

Despite her mother's attempts to instill independence in Winter, it wasn't true independence if it still meant being under her mother's influence. Winter was taught to believe that people couldn't be trusted, especially after her father's betrayal, further isolating her and reinforcing her reliance on her mother.

 

Na kung wala siya ay wala rin si Winter.

 

Also dapat raw i-earn niya ang pagmamahal, kaya nagpursige siyang maging academic achiever. Pero hindi siya pinapayagan ng kanyang mama na makisama sa mga kaklase, lalo na kapag kailangan mag-overnight sa mga proyekto. May oras din ang pag-uwi ni Winter, na kung sumobra siya sa tinakdang oras ay lumayas na lang siya. Dahil itinuturing siyang malandi na babaeng nagtataglay ng kadahilanan sa kung saan-saan siya natutulog.

 

So dahil mabait at masunurin si Winter ay lagi lang siya sa bahay after school never nakimingle.

 

School, Bahay at yun na lang naging buhay ni Winter.

 

Hindi kasi nakakagawa ng ganitong kontrol ang mama nila sa ate ni Winter dahil matapang at sumasagot ito sa kanya. Hindi rin umaasa sa kanilang mama ang ate niya, at nagiging working student pa nga ito. Kinukuha na ni Wendy si Winter sa mama nila pero dahil namanipulate na ng mama niya si Winter ay ayaw iwan hanggang makuha niya yung validation.

 

Dahil laging naririnig niya na buti pa yung anak ng kumare niya top 1 samantala siya ay hanggang top 2 or top 3 lang.

 

Kaya kulang pa at dapat galingan pa ni Winter.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Gelsun
Hi po, thank you sa kind comments pero sad to say hirap ako gumawa ng special chapters lalo na kung tapos na sa utakiz ko. And by the way, gagawin kong dump itong mga naiisip ko na story na hindi masyado need ng commitment . Kayo na ang bahala if babasahin niyo pa po :)

Comments

You must be logged in to comment
Enterusername_here
0 points #1
Chapter 4: Ang init na nga mas uminit ulo ko sayo rina. Hayyysss desurb mong masaktan
rinagayed
0 points #2
Chapter 4: amg satisfying talaga nung real yung break up pag may cheating yung di nag bibigay ng second chance? gamon taena di kasi pagkakamali yung cheating eh tangina choice mo yun eh so wlanulol dcurb mo dat nga di ka nagmomove on dapat ganyan ka lang masaktan ka lang everyday
Etoile__
362 streak 0 points #3
Chapter 4: ASFGSGAHAAFGSGAS parang nandilim paningin ko nung nalaman kong nag c**** si ate mo gurl
karinasaurus11
62 streak #4
Ang ganda ng story! Thank you author-nim! 🥹❤️
hyehye29
#5
Chapter 3: para akong nanood ng movie huhu ganda ng story thank you for sharing this to us <3
Etoile__
362 streak #6
congratulations 🎉🎉🎉
reveluv316 793 streak #7
congrats
ryujinie__
707 streak #8
Congrats!
yowyowminji
#9
Chapter 1: This is super cute, at na-conyo din ako while reading hahaha
Wemon_ #10
Chapter 3: awwww what a good read 😖😖