Tinta #5: Papel at Ballpen
Naghihingalong Tinta[Dedicated to: Ultimatethebest. Salamat po sa pagiging parte ko sa story niyo. Kaya ito para makabawi ako. Dedicated po ang part na ito para sa inyo. ^___^]
Papel at Ballpen
I
Ang papel at ballpen ko
Sila ang mga saksi sa buhay ko
Papel na sinusulatan ng pinagdadaanan ko
Ballpen na nagsilbing punyal para gumaan ang loob ko.
II
Tao rin naman akong katulad mo
Di ako isang laruan na paglaruan mo
Di mo ba alam nasasaktan ako
Di ako isang robot na manhid na katulad mo.
III
Iyak dito, iyak dyan
Para sakit sa aking puso'y maibsan
Sobrang hapdi 'pag ito'y naranasan
Ballpen at papel ko lang aking matatakbuhan.
IV
Sa bawat akdang nagagawa ko
Saya ang nararamdaman ko
Natatawa na lang ako sa mga nasusulat ko
Ganito pala ang nagagawa ng taong nasasaktan nang dahil sayo.
V
Sa bawat araw na darating
Pagsubok aking malalampasan rin
Nang dahil sa kanila tagumpay aking makakamit
Mga bagay na di ko malilimutan man din.
Comments