Lihim

Sa Mga Mata Nina Gigi at Ning | Editing!
Please Subscribe to read the full chapter

GISELLE.

 

"Naglalakad pa kami ni Gigi eh.."

 

"Oo, baka 10 minutes?"

 

"Sorry Rina, bigla lang kaming nautusan."

 

Medyo hinihingal pa akong tumingin sa kasabay kong maglakad. Si Winter, kausap ang girlfriend niyang kanina pang tawag nang tawag. Nakatatlong tawag na yata yan today. 

 

"Makareklamo ka, akala mo 'di ka ganitong ka-busy nung first year." Natatawang sabi ni Winter. Kahit sobrang kulit ng jowa, bihirang uminit ang ulo niyan lately.

 

Naglalakad kami ngayon mula Mechatronics room pabalik sa RGR, dala-dala ang dalawang box ng documents na pinapasuyo ng professor namin sa Technopreneurship.

 

"Oo nga. Sa bahay na kami kakain."

 

"Mamaya ka na tumawag." Aba, talaga naman.

 

I nudged Winter and gave her a look. Balak ba niyang makipag-call hanggang pag-uwi namin? Magkikita din naman sila sa bahay mamaya!

 

"'Wag ka na palang tumawag kasi pauwi na din kami after nito." Sabi ni Winter, natawa naman ako kasi narinig ko bigla yung boses Kat mula sa speaker ng phone niya. 

 

Hindi ko naintindihan yung sinabi, pero nagrereklamo yun for sure. 

 

"Tch. Rina! I mean—" 

 

Na-end na yata yung call. Kita ko pa ang pagsimangot ni Winter habang ibinabalik ang phone sa bulsa ng pants niya.

 

"Ano? Tampo na naman?" Tanong ko. Alam niyo naman kasi si Karina, sumpungin or.. topakin.

 

Umiling si Winter. "Hayaan mo siya, nababaliw na naman." Napatawa naman ako sa sinabi niya. 

 

Nakakatuwa nga sila ngayon eh kahit na super clingy. 

 

"Lakas ng topak ng girlfriend mo, Winter." Sabi ko na lang, in-adjust ang pagkakabuhat ko sa box na dala ko. 

 

Sa halip na magreklamo pa, ngumiti lang siya. Ganiyan yan whenever I refer to Katarina as her girlfriend. Ngumingiti sa kilig, jusko. 

 

It's been two months since they became official girlfriends. Second semester ang bumungad sa amin sa university, maraming nagbago. Unang una, yun ngang fact na magjowa na yung mag-bestfriend. Walang masyadong nagbago sa daily happenings ng kalandian nila maliban sa pagiging mas clingy—mas malandi na minsan kahit ako, napapa-sana all na lang talaga. Pangalawa, bago na naman ang sectioning namin, hays.. hindi na nagsawa ang department namin sa pagre-reshuffle ng sections. Sinwerte na lang kami ni Win at magkaklase pa din kami. 

 

Kakatapos lang ng klase namin sa Airport Design kanina, pangatlong subject namin yan today. Na-prank kami eh, pagdating ng enrolment, tatlo pala yung specialized subjects. May Traffic Engineering at Ports and Harbor pa.

 

Okay din, interesting yung courses. Medyo madami nga lang ang pinapagawa sa amin. Dumagdag pa ang new contender na Technopreneurship, maliban sa matrabahong final project na prototype, palagi pang may extra task si Winter dahil siya ang favorite utusan ng professor namin.

 

Si Prof. Mijoo, ka-batch nina ate Joy. For some reasons, close sila ni Winter to the point na kahit ako yung class representative ng section namin, siya pa din ang inuutusan. Kagaya ngayon, sa halip na nasa bahay na kami at pinagkakaabalahan ang ibang acad works... ito kami ngayon, pinagtitiisan ang init ng araw habang nilalakbay ang daan mula dun sa may entrance pa ng school hanggang kabilang dulo ng university grounds.

 

Nabanggit ko na inutusan na naman kami ni Winter ng professor namin sa Techno. Okay lang naman sa akin kasi ‘di ba nga, class representative na ako? Pero.. ang hindi okay is that sa halip na ako ang utusan, si Winter talaga yung may task nito. Tinutulungan ko lang siya. 

 

Hindi ko din alam kung bakit palaging si Winter ang trip ng professor namin dun. Then again, less work sa akin, hehe.. Paulit-ulit ba? Eh kasi halos every other day na kaming ganito, kung ano-anong inuutos kay Winter. Halata na siguro ang frustration ko..

 

Like the usual, sa halip na nasa loob ng faculty ang prof namin, nandun si Ma'am Mijoo sa may pintuan, hinihintay kami—si Winter. Super obvious naman, favorite niya si Winter. Buti na lang at may pagka-stoic si Win kaya hindi naman nagiging issue sa classroom namin ang obvious favoritism ni Ma'am Techno.

 

"Good afternoon po." Bati ni Winter sa nakangiting professor namin. Sinundan ko siya nung inilagay niya yung box na hawak niya sa upuan katabi ni Ma’am Mijoo.

 

Ewan! Ayokong tawagin siyang Ate kasi hindi naman kami close kagaya ni Ate Joy.

 

"Kumain na kayo?" Tanong pa sa amin, ako na ang sumagot dahil busy pa si Winter sa pagche-check nung dala niya. 

 

"Sa bahay na po kami kakain." I noticed her frowning at my answer.

 

"Oh, okay. Share ko sana yung Chowking ko sa inyo." Nakatingin pa siya kay Winter kahit ako naman ang kausap.

 

Sa lahat ng fastfood, Chowking ang least preferred ni Winter. Kaya nang makita kong nagco-contemplate pa si Winter sa isasagot niya, nagsalita na ulit ako. 

 

"Ah, okay lang po! Uuwi na din po kami eh." Ngumiti na si Ma’am this time. Mukha lang siyang intimidating, pero jolly siya during class kaya medyo comfortable naman akong makipag-usap sa kaniya. 

 

"Aw. Sige, salamat ulit!"

 

Winter nodded, nag-bow pa nang kaunti sa prof namin. Ang seryoso naman nito ni Winter talaga.

 

"Kumpleto na po yung report namin d’yan." Sabi niya at ready na ngang umalis. Kinuha ko na din ang payong ko mula sa bag.

 

"Yes, I know. Thank you always, Winter."

 

Pft. Hinila ko na si Winter kasi mukhang hindi pa niya alam kung dapat bang umalis na siya. Napaka-cute talaga ng friend ko. 

 

"Thank you ulit sa tulong, Gigi." Napatingin ako kay Winter na nagpasalamat agad nung nakalayo na kami mula sa school gate. 

 

"Aampunin ka na ba nun?" Sarcastic yan ha, ngayon lang ako nagkagana na magtanong about d’yan. Aba, magpapa-Chowking pa si Ma’am eh.

 

"Ha?" Hindi ako na-gets ni Win, busy kasi siya sa pagp-phone. Baka ka-text si Kat. 

 

"Si Ma'am Mijoo." I grinned nung tumingin na siya finally sa akin. 

 

"Hindi ah." Si tanggi agad!

 

"Favorite ka kaya." Totoo naman kasi.

 

"Baka mahilig lang siyang mag-utos." Talino din talagang maghanap ng reasons ni Win.

 

"Sus, Win. Halata naman." Natatawa kong pilit sa kaniya, umiling-iling siya.

 

"Ewan ko, sumusunod na lang ako kasi baka pagalitan ako." Yung tono ni Winter, parang batang walang choice talaga. Ang cute-cute. 

 

"What if crush ka pala nun?" Pang-aasar ko ulit. 

 

"May girlfriend ako, Gigi." Mabilis niyang sagot, itinulak ako palayo.

 

Charot lang eh. Never a supporter ng teacher x student agenda tayo 'no! Very inappropriate however big or small the is. 

 

Tumawa na lang ako. When I looked at the street across us, nakita ko ang familiar na figure ng friend kong matangkad, maganda at mahaba ang buhok, nasa may gate ng boarding house namin. 

 

"No need to remind me, and’yan na yung jowa mong clingy oh." Tinuro ko pa si Kat na naghihintay sa amin.

 

She waved at us, halatang excited. Tumakbo naman si Winter at niyakap agad ang girlfriend niya. 

 

Pabiro akong umirap nung nginitian ako ni Kat habang yakap si Winter. Umirap din siya pabalik sa akin before pulling away from the hug. Hinawakan ang magkabilang cheeks ni Winter at tinitigan ang namumula (sa init) na mukha nitong cute na nakangiti sa kaniya. Sweet naman talaga, kaya ang daming langgam sa labas ng boarding house namin eh.  

 

"Sabi mo, ten minutes." Kat pouted, lalong ngumiti si Winter, holding her girlfriend's waist. 

 

"Sorry, nakipag-usap pa yung prof namin.." 

 

Karina glared, "Mijoo?" Si gaga, 'di man lang Ate or Ma’am ang itawag. 

 

"Ma'am Mijoo yun, Rina." Winter told her while chuckling. 

 

Pumasok na ako sa loob ng bahay at nilampasan yung magjowa na nagyayakapan pa sa may gate.

 

"Alalay ka ba nun? Dinadaig niya na ‘ko sa pagiging palautos ha." Rinig ko pang sabi ni Kat, tumawa lang si Winter. 

 

"Kain na tayo, gutom na ako."

 

Sumunod na din sila sa akin sa loob ng bahay. Hindi nagce-celebrate ng monthsary sina Kat at Win pero masaya naman sila araw-araw. Kami ni Ning ang witnesses. Iba talaga yung saya nila grabe, parang mag-asawa na sila dito. 

 

May mga away pa din naman sila, pero hindi na selosan. Hindi kagaya noon. Isa yan sa mga good things na nadagdag sa boarding house ever since they started dating.

 

"Ay, nako Kat.. kung alam mo lang, bibigyan pa yata kami ng Chowking ni Ma'am." Pagsusumbong ko—ouch ha! Hinampas pa ako ni Win sa braso!

 

Kinuha ni Karina yung wrist ni Winter na pinangtulak niya sa’kin, pinalo ang kamay ni Win. Ano ka ngayon, Winter! 

 

"Bakit? Birthday niya?" Strikto pang tanong ni Kat kay Win na lumayo sa kaniya matapos mapalo ang kamay. 

 

"Hindi, nag-alok lang." Tipid na sagot ni Win habang ibinababa sa couch yung gamit niya. 

 

Nakahawak pa sa bewang si Katarina nang lapitan niya ulit si Winter, may pagtataray pa. 

 

"Ikaw Winter, umayos ka. Professor natin yun." Halata namang nang-aasar lang si Kat, naka-grin din kasi siya at pinapanood yung mga reactions ni Winter. 

 

"Ano ba, Rina! Para kang baliw." Medyo inis na si Win, hahampasin na din yata sana si Kat sa braso pero hinawakan ni Karina yung kamay niya.

 

"Joke lang.. 'wag na po magalit." Tumatawa pa si Karina habang idinadaan sa simpleng paglalambing at halik sa knuckles ni Winter ang panunuyo niya. 

 

Yan pa ang isa, ang bilis na nilang magsuyuan. Siguro assured na kasi sila dahil girlfriends na? 

 

Hindi ko na narinig na sumagot si Winter, but I heard them chuckling together. Hay nako, ang lalandi. Dumiretso ako sa dining table, may pagkain na kasi dun. Yung dalawang magjowa (real), paakyat na sa taas. 

 

"Bihis lang ako." Paalam ni Winter. 

 

"Oh, bakit kasama ka Kat?" Tanong ko agad, may sumusunod kasing mataray na pusa sa likod ni Winter?

 

Ngumisi at may pagkindat pa si Kat sa akin. “Babantayan ko yung pinto.”

 

“Gaga! Sino namang sisilip d’yan kay Win?”

 

Natawa na lang din ako pero mas malakas yung tawanan nila habang patuloy sa pag-akyat sa second floor. Kasabay nun, may pababa naman.. 

 

si Ning.

 

Ngumiti siya sa akin when she saw me. Napatigil ako sa pagtawa, ngumiti din pabalik sa kaniya. Halos katapat lang kasi ng dining table yung hagdan kaya face-to-face kami agad. 

 

"Kakarating mo lang?" Tanong niya sa'kin and like the usual, she's avoiding my eyes. 

 

"Oo. Kain tayo."

 

Naglakad siya papunta sa study table, nagcharge ng phone niya. Napa-buntong hininga na lang ako at nagsimulang kumain. Okay naman kami ni Ning nung New Year.. We met para i-celebrate ang first day as magjowa nung dalawa nina Winter at Katarina. Then, six days na walang usap, kahit nga call.. wala din. It's like Ning went to a real vacation nga talaga and cut me off. 

 

Okay lang naman, baka gusto niyang i-enjoy yung bakasyon, ‘di ba? The thing is.. when the classes started again, pansin ko na talaga na umiiwas siya sa akin. Naging busy na din naman kami, but my relationship with Ning surely is different now. 180 degrees different. Bad different pa. Buti pa sina Kat, good 180 ang tinumbling. 

 

Umupo na si Ningning sa tapat ko na upuan talaga ni Winter usually. My grip on the spoon tightened. Naiinis lang ako sa kaniya. I don't think I ever did anything wrong para iwasan niya ako. 

 

"May Sprite sa ref.. gusto mo?" Napatingin ako sa kaniya. Totoo ba? Kinakausap niya ako?

 

I chuckled. Yung plato niya yata ang kausap niya kasi dun naman siya nakatingin.

 

"Hindi naman marunong uminom yung plato, Ning." Pabiro kong sabi. She smiled and finally faced me. 

 

I missed that.

 

"Ikaw kasi tinatanong ko, Gigi!" Natatawa niyang sagot kaya nagpatuloy yung tawa kong pinipigilan ko kanina.

 

"Kain muna tayo." Sabi ko na lang, nilagyan ko na ng kanin yung plato niya. 

 

"Lagi na lang talagang lowbatt yung phone ko." 

 

We both looked at the stairs. Bumababa na yung magjowa, nauuna si Kat na hawak ang phone niya. Si Winter naman, nakapatong pa ang mga kamay sa balikat ni Karina.  

 

"Lagi kasing naka-open yung laro mo." Pagsita ni Winter, sumisilip sa phone ni Kat.

 

"Gardenscapes lang naman yun!" Kunot-noong sabi ni Karina, umupo na din sila sa tabi namin ni Ning na tahimik lang na nakikinig sa kanila. 

 

"Kahit na, application pa din." 

 

"Ayoko naman bumili ng bago kasi ang dami nating gastos."

 

Naglagay na sila ng pagkain sa mga plato nila. Ako, tuloy-tuloy lang na kumakain pero si Ning, obvious pa sa pakikinig dun sa dalawa. Hindi pa din nawawala ang pagkachismosa niya.

 

"You can use my phone." Sabi ni Winter, kinuha nga ang phone niya mula sa bulsa at ipinatong sa phone ni Karina na nasa gilid ng table. 

 

"Talaga?" Natuwa naman agad si Katarina. Sa halip na kumain, binuksan pa ang phone ni Winter gamit ang fingerprint niyang naka-save dun.

 

"Palit tayo. Hindi naman ako masyadong gumagamit." Mukhang satisfied naman si Winter sa pagiging happy ng girlfriend niya. Hay! Makapagmadali na ngang kumain! Naiinggit lang ako dito.

 

"Wow. Palita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hanbeo
Hi! Sorry for the false update notifications, I'm currently proofreading and editing the chapters.

Comments

You must be logged in to comment
Pengu513 #1
Hello tor.. ano pong update sa harcopy? Hehe expired na yung link ehh
Hera_Jung
#2
Chapter 46: grabe ang overthinking ni winter 😭
iamriou_
1295 streak #3
Chapter 64: EH akala ko may lapag ulit T____T
KLXRYU #4
Chapter 6: Lima na tayong nakangiti 🤭
feminjuii
#5
nawala kilig ko, akala ko may ud
wntrice
#6
Chapter 9: exclusively for Winter's ㅋㅋㅋㅋ love it
iamriou_
1295 streak #7
luh akala ko may lapag ;____;
MyJMJTY
24 streak #8
eh kala ko may UD
DivisionOne_Seven
#9
Chapter 64: Invalid or expired daw yung link 'tor ☹️
ryujinie__
831 streak #10
Chapter 64: 🤍