How's Married Life?
The Happy Couple HouseSummary: Sawang sawa na si Winter sa tanong na “How’s married life?”
Winter
Over the course ng married life namin ni Karina, para sa akin, wala namang gaanong malaking nabago.
Matagal na kaming nagsama sa iisang bubong dati, ngayong mag-asawa na kami, ganun pa rin naman ang pakiramdam.
Masaya dahil kasama ko siya lagi.
In love pa rin, syempre, di naman yun nawawala.
Crush ko pa rin si Karina… kinikilig pa rin naman ako lagi kapag nakikita ko siya at sa kung ano anong sinasabi niya.
Nung una lang siguro, after the high ng wedding day namin, I felt so overwhelmed.
Yung feeling na may asawa na pala ako, na official na kami, finally.
Pero as time goes on living with my wife, na-realized ko na…
We’re just the same as before.
Siguro ang pinakamalaking change lang sa buhay ko, ang walang tigil kong pagsagot sa tanong na “How’s married life?” mula sa mga kamag-anak namin at mga kaibigan.
Minsan hindi ko na talaga alam kung anong isasagot bukod sa ‘okay lang.’
Kasi okay lang naman talaga kami?!
Ano ba gusto nilang marinig?
Kuya Kyunghoon: Kamusta na ang buhay mag-asawa, bunso?
Winter: Okay naman, kuya!
Kuya Kyunghoon: Parang ang dami nabago ‘noh?
Winter: Ok lang. Parang ganun pa rin naman hehe
Kuya Kyunghoon: Just let me know kung need mo ng mga marriage advice ha. Lalo na sa pag-manage ng mga bagay bagay, like finances, insurance, etc.
Winter: Thanks Kuya!!!
Ate Taeyeon: Kamusta namaaaaaaaaan
Ate Taeyeon: Taray married life na, oh ano namang bago?
Winter: Ate! Okay naman kami. :) Happy pa rin hehe
Ate Taeyeon: Anong feeling? Anong bago?
Winter: Masaya! Parang bagong taon haha
Ate Taeyeon: Booom hahahaha
Winter: Boom! Boom! 💣
Ate Boa: Isn’t it grand to finally marry my dear sister, luv
Winter: Isn’t it hehehe
Mama: anak, kamusta na kayo ni rina
Winter: Ma, okay lang po kami :) Kayo po?
Mama: mabigat ba sa pakiramdam?
Winter: Alin po ma?
Mama: buhay mag-asawa. mararamdaman mo yan. yung bigat ng pagbabago,, hindi sa masamang dahilan. sa puso, sa paligid mo, kung paano nyo turing ang isat isa
<
Comments