Ang Meeting
My Teacher, My Hero, Rawr!Winter
"Hindi ko naman sinasadya!"
"Bes! Tigil tigilan mo pag dro-droga ha nadadamay ako sa mga trip mo sa buhay."
"Ning promise hindi ko nga alam, sorry na kasi."
"Tarantado ka kasi Minjeong, paano ko ipapaliwanag kela mama and baba yung ginawa mo?"
Tapos na ang classes namin. Naglalakad kami ngayon nitong bes ko papuntang Faculty room ng Mapeh Department, ngayon kasi yung Monthly Meeting with Ate Taeng.
Sabi kasi ni ate, needed daw niyang gawin as she's the head of our department kahit minsan wala naman talaga kaming ginagawa puro eme lang tong si ate. Chz!
So balik nga tayo kay Ning at kung bakit siya nanggagalaiti sa akin.
Kanina kasi nung sinundo ko siya may tumawag bigla sa kanya, eh bilang siraulong best friend syempre hindi natin palalagpasin yung mga ganyang pagkakataon.
Anong ginawa ko? HAHAHAHAHAHA. Nag talent ako na malanding voice sabay sabi ng…
"Baby matagal pa ba yan? Date na tayo."
"Love, I need your hugs and kisses na. Hngggg"
Tawang tawa pa ko sa mukha ni Ning at kung paano siya namutla at nagpanic habang may kausap sa phone.
Hindi ko naman kasi alam na si Tito at Tita pala yung tumawag. Kaya eto todo sorry ako dito kay Ning. Gigil na gigil si accla akala mo naman talaga. Eme!
"Min, ikaw magpaliwanag nyan kela baba, masasapok talaga kita baccla ka ng taon."
"Oo Ning sorry na kasi, sa susunod warningan mo na ko agad."
"Wala ng susunod o gusto mo isusunod na kita sa hukay ng mga ninuno mo."
"Oo nga bes sabi ko nga hehehehehe."
Nakakatakot talaga tong tigre kong beshy. Galit yarn? Hayup HAHAHAHAHAHAHAHA
Nakarating na kami sa department naabutan namin na kumpleto na sila kami na lang pala hinihintay, nakakahiya. Special yarn?
"Okay, we are complete so I guess we can start."
Inunang idiscuss ni ate Taeng na irevisit yung curriculum although masasabi ko talaga na gamay na namin 'tong lahat kahit nakapikit syempre maganda parin kahit papano na nagthrot-throwback tayo. Eme!
Nakakaantok potek.
Sinunod nya yung supervisory visit schedule nya sa classes namin or yung Quarterly Observation nila. Ito na naman kami magbibida bida na kunwari nagtuturo tapos akala mo di stressed sa dami ng ganap sa boolayf. Eme lang po! (Nagtuturo ako flz)
Tinanong tanong lang rin naman kami ni ate kung kamusta yung pagtuturo namin and kung may other concern ba kami. So far isang buwan na ang nakalipas ng mag start kami sa Acad year na 'to and I think mas gamay na naman namin yung mga ganap.
"Okay sige so dito na tayo sa other agenda natin teachers." Seryosong banggit ni ate sa amin. Naku, ano kaya yarn?
"There are certain changes lang on clubs you'll handle this year." Pagpapatuloy ni ate.
"Clubs will be highly exposed to activities this time. Kung dati ginagamit
Comments