Chapter 1
I Am Not Your Secret Admirer?!Winter’s POV
Sabi ko noon, ayos lang tumanda ng walang kaagapay sa buhay. Ang importante, magkaroon ng maraming pera. Pero minsan, nakakalungkot din pala.
Oo, alam ko masyado pang maaga para iconclude na baka wala na akong makilalang magpapasaya sa akin habangbuhay dahil 16 years old pa lang ako. Pero bakit ba? Sina mama at papa nga naging sila noong 2nd year high school tapos hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa.
I mean, siguro, hindi naman ako nagmamadali. Siguro, gusto ko lang magkaroon ng inspirasyon, or siguro, magpapakilig sa akin katulad nung napanood ko sa Kieta Hatsukoi, isang Japanese BL.
“Hay, sana magkaroon ng season 2 yung Kieta Hatsukoi,” bulong ko habang nakatitig sa pedestrian lane. Tirik na tirik ang araw at malapit na akong matunaw. Kaya ayaw ko talaga maging panghapon eh, papasok pa lang pero mukhang pauwi na ako.
“Nanunuod ka rin pala non?” agad akong napausog noong may magsalita sa likuran ko. Noong lumingon ako, nakita ko si Karina, yung sikat na spiker ng volleyball team ng school namin. I mean, hindi naman siya sobrang sikat na sikat sa buong school pero kahit papaano, well-known naman siya especially sa mga Grade 10.
Tumango ako. Hindi ko ineexpect na nanunuod din pala ng ganoon yung tipo ni Karina. Hindi ko alam kung bakit ang fresh pa rin niya kahit tirik na tirik ang araw samantalang ako naliligo na sa pawis kahit nakapayong na ako.
“Binasa mo ba yung Manga non?” tanong niya pa. Umiling ako at tumingin muli sa pedestrian lane. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausap, pero kasi, hindi lang siguro ako sanay makipagusap sa kanya about sa ganoong topic. Nasanay kasi ako na laging school-related yung conversations namin, kaya parang ang awkward lang na nag-uusap kami about sa isang bagay na hindi naman about school.
“Gusto mo ba basahin? Meron akong copy!” tanong pa nito.
“Siguro next time, marami pa akong papanooring BL eh,” sagot ko habang nakangiti.
“Oh, bukod sa Kieta Hatsukoi, anong BL na yung napanood mo?” tanong nito sabay hakbang papalapit sa akin. “Suggest ka naman ng light lang!”
“Ah hehe, mga heavy BL pinapanood ko,” pagsisinungaling ko.
“Ay, sayang naman,” bulong ni Karina. “Ayoko kasi ng heavy eh, masyadong mabigat,”
Ano raw? Tinagalog niya lang yung sinabi niya eh!
Maya maya ay napangiti siya at napakamot sa ulo. “Tinagalog ko lang yung sinabi ko eh, haha.”
Tinitigan ko lang siya habang ngumingisi. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit maraming may crush sa kanya. Bukod sa maganda siya at magaling na volleyball player, magaling din siya sa larangan ng acads. Kumbaga, para siyang si Ida sa Kieta Hatsukoi, girl version nga lang.
Hindi ko rin masisi yung mga classmat
Comments