- 02
Minjeong’s Life Tapestry[Minjeong's]
Sinundo ako ni Ning kanina, lumabas kami para kumain sa isang family restaurant.
Nagising na din kasi ako around 12 p.m at wala pang laman ang tiyan ko simula kahapon, since hindi ako nakapag dinner.
Ito naman si Ningning sobrang dramatic.
Kesyo hindi ko na daw pwede gutomin sarili ko dahil sa may bata na akong dala, konti nalang iisipin ko na mas masaya pa siya sa fact na buntis ako kesa sa akin.
Though, tama naman siya, kahit hindi ko pa alam anong gagawin ko. It’s better to take care of the growing child inside me until then, diba?
“So ano na nga?” she opened up the topic again, I halted from eating at tsaka pinunasan ang labi ko.
“The doctor from kahapon, binigyan niya ako ng contact with a doctor na nags-service ng abortion,” mahina kong sabi, delikado na, medyo sensitive pa naman ang ibang tao sa topic na 'yon.
I didn’t miss the quick smear of sadness on Ning’s face, sabi ko na nga ba, na-attach na siya eh.
“So yan ba ang gagawin mo? I support you naman, katawan mo yan eh.”
“Gusto ko sana kausapin 'yung ama ng bata,” dagdag ko naman.
“Oo nga, sino ba 'yung ama?”
Napakamot ako sa ulo, “Hindi ko alam eh,” I chuckled to ease my nervousness.
Dumilat ang mata ni Ning, “What do you—jusko, Minjeong Reyes, nakipag one-night stand ka?” she whispered-shouted, halatang gulat.
If sinabi mo rin sa akin yan months ago, same ang reaction ko.
“Remember, kakatapos ko lang sa training ko last month? Nag-celebrate ako mag-isa, sobrang saya ko eh. Tapos may nag-approach sa akin na lalaki, mabait naman siya. Nadala siguro ako sa heat of the moment kaya pumayag ako, pareho kaming naulol, kaya ito,” turo ko sa tiyan ko na para bang hindi katanga-tanga ang kwento ko.
Napahilamos sa mukha si Ningning, clearly stressed out sa katangahan ko, “Hindi mo man lang naisipan mag ?” binulong niya 'yung last word.
“Got carried sa heat of the moment.”
“Tanginang heat of the moment, Jeong, nabuntis ka,” natawa na lang ako, wala naman kasi akong mapapala if I continue to regret ang nangyari na, “So paano mo hahanapin 'yung lalaki? Alam mo ba ang name?”
In the midst of my pag-aalala sa ganap nung gabing 'yon, may nahigilap ako na familiar figure sa harap ko naglalakad palabas sa restaurant. Bigla naman ako napatayo para habulin yu'ng lalaki, siya 'yon eh!
“Hoy, Jeong, saan ka punta?” narinig ko na tanong ni Ning pero patuloy lang ako ng habol sa lalaki.
Comments