CHAPTER TWO - A day with the JERKs 

XX COUPLE ❣❣
Please log in to read the full chapter

 

kriiiiiing!!  

kriiiiiing!!  

kriiiiiing!!  

 

 

agdjdnsksh!! Ang ingay!!

 

 

kriiiiiiing!!  

kriiiiiiing!!  

 

 

Bwiseeet na alarm to! 

 

Tok tok tok! 

Tok tok tok!

 

Arf! Arf! Arf! 

Arf! Arf! Arf! 

 

 

"Miss Avie kailangan nyo na pong bumangon. Nakahanda na ang almusal. May pasok pa po kayo." yaya 1

 

Tok tok tok!

 

Inaantok pa ako  gusto ko pang matulog 

 

 

 

"Hindi pa rin ba gising ang babaeng yan?"

 

"Pasenya na po sir." yaya

 

"GIGISING KA BA? O SISIRAIN KO ITONG PINTO NG KWARTO MO!!"

 

argdjnddjsj!! Leshe! Kahit kailan epal talaga itong kapatid kong hilaw! Aisssh!

 

 

Kahit papano medyo nagising na rin ako dahil sa lakas ng alarm at katok nila.. dagdag pa tung tahol ni Xian.  Gutom na siguro ito..

 

 

"HINDI KA BA TALAGA BABANGON!!" sigaw nya.

 

Blah blah blah!  Bahala syang magsisigaw dyan. Hinding hindi ko sya papansinin.

 

"ISA!" 

 

abaaaa.. anong akala nya? Madadaan nya ako sa pasigaw sigaw at pagbibilang? Tss. Subukan nya lang pumasok, lagot sya sa akin!!

 

"DALAWA!!"

 

bahala ka dyan! 

 

 

 

BUGSH!! 

 

 

At talagang sinira nya po ang pinto ng kwarto ko! 

 

 

Arf arf arf! 

 

 

Namutla sya nang makita ang Pittbull ko sa loob ng kwarto, sa laki ba naman ng bibig na baby ko sinong hindi matatakot?  Humanda ka ngayon!!

 

 

"Tamang tama! Gutom na ang baby ko.. mabubusog na ang aso ko sa mga buto mo." 

 

"B-bakit ka may g-ganyan sa kwarto mo?! N-Nababaliw ka na ba?!"

 

 

Arf arf arf! 

 

 

"Umalis ka sa kwarto ko kung ayaw mong ipalapa kita sa aso ko!" pananakot ko.

 

Haha! Grabe yung pamumutla nya! 

 

"Hoy babae, dahan dahan ka sa pananalita mo! Mas matanda pa ako sayo! Kailan ka ba matututong rumespeto?!" ayan na naman sya sa panenermon sa akin. Araw araw ko na yang naririnig mula sa kanya simula ng dumating ako dito sa Pilipinas. Paulit ulit lang din ang sinasagot ko...

 

"Wala akong pakealam! Alis na sabi eh! Alis!!" sigaw ko.

 

 

Sumeryoso ang mukha nya na ibig sabihin he's giving up. Tss.

 

"Fine. Bilisan mong mag bihis para makasabay ka na sa amin mag almusal." wala talaga syang kaya sa katigasan ng ulo ko.

 

"Whatever." bulong ko.

 

Lumapit ako sa aso ko, tinalian sya and binigyan ng pagkain bago pumasok sa banyo para maligo.

 

Wala ng oras kaya nagmadali na akong maligo at nagbihis agad. Isang dress na kulay black ang una kong nakita sa closet kaya yun na lang sinuot ko and partner it with a blocked heels sandals na 2 inches lang ang taas.

 

Dali dali kong nilipat ang mga gamit ko sa maliit na bagpack and this time siniguradong nasa bag na ang booklet nang sa ganun di ako mawala sa campus since it's still my second day there.

 

 

Nagpaalam muna ako kay Xian pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Kampante akong iwan mag isa si Xian sa loob dahil nakiusap ako sa gardener namin kagabi na sya ang magbibigay ng pagkain mamaya sa aso ko. Sana lang di sya matakot pagnakita nya malapitan si Xian. Good boy naman sya eh.. 

 

 

Pagkababa galing sa kwarto, nilampasan ko lang sila na kumakain ng almusal sa kusina. Since dumating ako dito, never pa akong sumabay sa kanilang kumain o nakipag bonding. Yan ang hinding hindi ko gagawin.. hindi naman kasi ako kabilang sa pamilya nila. I even have a different last name and I don't have plans of changing it.

 

 

 

Pagkapasok ko sa loob ng kotse, may inabot sa akin si kuya driver.. my new phone. Hay naku! Ilang araw lang kaya ito sa akin bago ko itapon na naman? Tss.. Hindi ko naman kasi kailangan ng phone eh. 

 

 

Pansin ko lang, wala ng bumubuntot na sasakyan sa amin ngayon. Himala yata??  Sana naman magtuloy tuloy nato. Ayoko talagang may mga bodyguards. 

 

 

 

 

8:45 am..

 

Late na masyado..  8:00 am ang umpisa ng klase ko today. Lagot na talaga 

 

Nagmadali akong tumakbo papuntang S-Class building kahit obvious naman na wala na akong maabutan sa first subject ko.

 

Nagresearch ako kagabi tungkol sa S-Class students ng CA academy and I found out kunti lang pala ang nakakapasok dito. S stands for Special and about sa course na Architecture, maraming gusto mag take neto pero sadyang halos lahat hindi makapasa sa exam. Talagang mga matatatalino lang ang nasa S-Class. Di na ako nagtatataka kung bakit ako nalipat sa class nato.. it's because I am smart.. nasa dugo na namin ang pagiging matalino. 

 

Ang hindi ko lang alam ay kung ilan kami sa klase.. 

 

 

 

 

Lakad.. 

Takbo..

Lakad..

Takbo..

Lakad..

Takbo..

 

 

Paulit ulit lang ang ginagawa ko.. walang pakialam sa mga nadadaanan ko. Sana lang wala akong mabangga ------

 

 

Bugsh!! 

 

 

Argjfndkshg!!!

 

Ang sakit ng noo ko.  Bigla nalang akong may nabangga, hindi ako sigurado kung ano sa bilis ng takbo ko? Sa sobrang lakas ng impact natumba ako't napa upo sa sahig. 

 

 

 

"STUPID."

 

 

 

Pamilyar ang boses neto ah!! Inangat ko agad ang ulo ko habang nakahawak parin ang isang kamay sa noo.

 

 

 

"IKAW?!!" sigaw ko 

 

Ang laki laki ng campus pero bakit sa dinami raming pwede kong mabangga ay sya pa?! Bakit ang jerk natu pa?! Aissssh! Kakaumpisa lang ng araw ko, masisira na ng dahil sa pagmumukha nya! 

 

Leshe talaga tung jerk nato! Ni hindi man lang ako tinulungang makatayo! Tss. 

 

 

"Oh? Ikaw pala yan little miss sungit."  tawag sa akin ng kasama nya

 

"EXCUSE ME?!"

 

"PANDAK."sabi ng bwiset na jerk.. puro insulto nalang ba ang maririnig ko sa kanya?  Alam ko namang hindi ako katangkaran pero kailangan talaga ipamukha sa akin?! 

 

 

"HINDI AKO PANDAK! M-MATANGKAD LANG TALAGA KAYO!"

 

 

Wala man lang syang reaksyon sa sinabi ko. Ang sarap nyang tadyakan ah! 

 

 

"Let's go." yaya nya sa kasama nya. Bigla nalang syang umalis at nag umpisang maglakad.

 

"Miss sungit di ba S-Class Architecture student ka?" tanong ng kasama nya.

 

Tumango lang ako.

 

Paano nya kaya nalaman ang course ko?? 

 

"Then follow us." 

 

Hindi pa ako nakapagsalita bigla nalang nya akong kinaladkan habang nakangiti. Sira ulo ba to?

 

Pansin ko lang ha? Halos lahat ng nadadaanan namin na studyante ay tumatabi. Yung ibang mga babae naman panay ang bulongan na para bang kinikilig.. may iba din na para akong papatayin kung makatingin. Tss. Tusukin ko kaya mga mata nila? 

 

 

"Ang swerte mo kasi mamemeet mo ngayon ang buong s-class architcture students." 

 

 

Ano kayang maswerte dun??  ngayon pa nga lang minamalas na ako dahil sa jerk na yun! Ay teka nga!! ang dapat kong isipin ay kung saan ako dadalhin ng lalaking ito!

 

Nadaanan namin ang gym.. pumasok kami sa isang green house? ay ewan! basta maraming bulaklak sa loob ng building na glass ang pader. Hindi ako sigurado kung anong tawag sa lugar nato. Ngayon lang naman kasi ako napunta dito eh.

 

 

Hindi ko alam kung bakit pero imbes na kabahan ako, mas nangibabaw ang pagka amaze sa lugar. Ang dami kasing makukulay na iba't ibang bulaklak.. may malaking fountain pa sa gitna. Sa sobrang laki ng lugar, may silid sa gilid kung saan kami dumiretso.

 

 

 

"Guys kasama ko si little miss sungit!" sigaw nya pagkatapos buksan ang pinto ng silid. 

 

 

"Miss sungit!!"  sigaw nila lahat sabay lapit sa amin.

 

Sa sobrang bigla ko napatago ako sa likud ng kung sino man tung lalaking ito sabay atras.. pero wrong move kasi nasa likuran ko lang pala ang jerk!

 

 

"Easy lang! Tinatakot nyo naman ang magiging prinsesa natin eh!"

 

ANO RAW?! PRINSESA?!! SINO?! AKO?!!  Ano ba tung pinasok ko???!  ngayon ko yata kailangan ang guardian angel ko kung meron man  mga baliw yata tu sila eh 

 

 

"Bakit mo ba ako dinala dito??!!" inis kong tanong.

 

"Sabi ko sayo mamemeet mo ngayon ang whole s-class architecture students diba?" sagot nya

 

So sila ang mga kaklase ko? Bakit kunti lang yata? Bakit mga lalaki lang? Nasaan ang mga babae? Niloloko yata ako ng mga ito eh!!

 

 

"Hi miss sungit! Welcome sa tambayan natin! I'm Newt."  ang lapad ng ngiti nya, ang puti pa ng ngipin! Ilang toothpaste kaya pinapapak nito araw araw?

 

"I'm Wren. Nagkita na tayo kahapon sa student counsil office."  -- sya yung nagbigay sa akin ng booklet.

 

"And I'm Zz.."  pakilala nung kumaladkad sa akin

 

 

Nakafull smile talaga silang lahat ha. Mukha naman silang mababait at obvious na mga playboy 

 

 

"Hoy Zev halika dito! Pakilala ka." tawag nila sa isang guy na nakaupo sa gilid habang naglalaro sa phone nya.

 

"Kilala ko na yan." sya

 

Tsss! Small world! 

 

So same pala kami ng course?! Ang malas ko talaga.. dalawang tao na kinaiinisan ko ay kaklase ko pala. 

 

Next time ko na sasabihin kung bakit kami magkakilala. Hindi naman kasi yun importante.. hindi rin sya importante. 

 

 

Naputol ang pag iisip ko nang may isa pang lumapit sa amin..

 

 

"AVIE??"

 

 

pamilyar ang boses.. 

 

 

"AVIE?? Ikaw nga!" 

 

"ELI?!" 

 

oh my gosh! I can't believe this! yung guy na nameet ko kahapon sa mall ay kaklase ko pala??? 

 

"Small world." Eli 

 

"Bakit ninyo kilala si miss sungit?" sabay na tanong nina Zz, Wren and Newt. Ang bilis kong natandaan ang mga pangalan nila... ay teka! hindi ko pa alam ang pangalan ng jerk na to. Napatingin ako bigla sa likuran ko.. aba! ang mongoloid pacool masyado. tsss! Nakatayo lang sya tsaka nakapamulsa. 

 

"ANONG TINITINGIN TINGIN MO DYAN PANDAK??" jerk.. may regla s

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet