Chapter 1

Sapphire Blue
Please Subscribe to read the full chapter

Sa isang building sa may bandang Paseo sa Makati, 2018.

"Ito na ang huli, love it!" natapos na ni Mira ang kanyang trabaho. Agad naman niya pinatay na ang kanyang kompyuter para mag-ayos siya bagong umuwi. Habang inaayos niya ang mga papeles sa kanyang mesa, napansin niya sa may pulang divider ang isang larawan nilang magkakaibigan na todong nakangiti habang hawak nila ang kanilang mga makukulay na handmade banners na pinaghirapan nila sa bahay ni Rose. Pitong taon na ang lumipas noong gabi na iyon.

"Agaw pansin talaga yung suot namin. Hindi pa naming pinag-usapan na terno kami", ngumiti siya habang inaalala ang gawain nila noon. Napagkamalan pa silang kambal ni Selene ng guard sa may meeting place nila sa araw na iyon. Hindi akalain na magsusuot din pala ang kanyang mga kaibigan ng plaid na shirt, iba nga talaga ang tadhana.

Kunti na lang silang natira sa floor nila dahil pinili ng karamihan na umuwi agad dahil pay day ngayon pero mas pinili niya na tapusin ang mga pending na mga dokyumento para makapagpahinga siya sa weekend. May kuwento din kasi na may multo ng isang matandang babae nakasuot ng itim na nagpapakita sa floor nila na nagpakita umano sa bagong intern niya. Hindi nga din siya sumama sa team dinner nila ngayon. Ayaw niya ulit magising ng may hangover kinabukasan baka pagalitan na naman siya ng nanay niya na maabutan na naman siyang lasing pagkauwi niya. "Ayaw ko na maulit yung last time. Grabe kapag magalit si Mader, let's end this week on a good note".

Nag-ayos muna siya ng kanyang sarili - the usual ponytail, anim na beses na pag-spray ng pabango, at pagsuot ng kanyang blue doll shoes. Binusisi niya na rin sa isa pang pagkakataon ang puwesto niya, at saka siya nagtungo papunta sa reception area. Sa pagkaririnig ng pamilyar ng tunog ng clock card machine na nagpapahiwatig ng katapusan ng araw sa opisina, alas sais na pala ng gabi. Siya ay nagpapasalamat na Biyernes na dahil excited na siyang ituloy ang Black Mirror marathon niya. Sa sobrang eye-opening ng palalabas na ito, hindi pa rin niya nakakalimutan ang unang episode ng season 1. Grabe naman yung pinagawa sa Prime Minister.

"May ka-date ka no, ayos ng suot natin ngayon", sabi ng guwardiya sa kanya. Parang pabiro pa nga ang pagkakasabi nito.

Kung kailan nagmamadali siyang umuwi, napansin pa nito ang bago niyang suot na itim na blouse. Casual ang sinusuot nila tuwing Friday. Nagpapasalamat nga siya tuwing Friday kasi hindi niya titiisin ang required na uniform sa pinagtratrabuhan niya. Ayaw niya talaga nagsusuot ng palda, nagpapahirap lang ito sa kanya kapag sumasakay siya sa UV. Bihira lang siya bumili ng bagong damit at napagkamalan pa siyang may ka-date. Sinabi niya na gusto lang niya i-treat ang sarili tsaka wala naman siyang time for a boyfriend. Kaya bigla nag-suggest ang kausap niya na ireto siya sa bagong hire sa Recruitment kasi gwapo at mabait daw ito.

“Nako po, kuya naman. Maabala ka pa kita niyan”. Totoo naman yung sinabi ng kausap ni Mira pero bawal sa kanila ang may boyfriend sa same department. Kaya move on lang to the next chos. “Requirement ba na magkaroon ng boyfriend ngayon?”. Pati yung tita niya kinukulit siya na makipagkita sa anak ng kaibigan nito.

Bago pa tumagal ang usapan nila, nagpaalam siya na mauuna na. Palagi naman daw siya nagmamadali umuwi sabi ng naturang guwardiya sa kanya. Rason niya palagi ay baka maabutan na naman niya ang mahabang pila sa sakayan. Matagal pa naman ang biyahe pauwi lalo kapag Biyernes - pay day pa naman ngayon. Dalian siyang bumaba sa hagdaan para makalabas sa naturang building sa Paseo.

Napapalibutan na ng madilim na kalangitan ang lungsod. Na-reminisce niya ang mga gabi na nagkakaroon sila ng mga malalim na usapin ng kanyang mga college friends pagkatapos ng kanilang huling klase - umuupo lang sila sa harap ng school field ino-observahan ang mga taong naglalakad habang pinag-uusapan nila ang kanilang mga buhay o tungkol sa mga gwapong lalaki sa kanilang unibersidad. Minsan nakita nilang magka-akbay yung dalawa nilang ka-blockmates nilang na halatang nagkadevelopan pero lingid sa kaalaman ng block nila noong una pero inamin ng guy sa school newspaper kung saan siya ay miyembro nito. Bigla siya nangungulila siya na dahil ang problema lang niya noon ay nagkukulang ang tulog niya sa paggawa ng mga endless essays, at minsan sa pag-re-research para sa thesis kasama ang kanyang mga kagrupo na bigla napupunta sa food trip around P. Noval.

Maaga pa talaga pero nais niyang makauwi agad, at matulog na hindi niya aalahanin na kailangan niya gumising nang maaga kinabukasan. Sobrang nakakapagod ang linggong ito - pag-interview sa mga aplikante tapos pag-proseso ng papeles ng mga bagong empleyado. Sumasakit lang ang ulo kapag iniisip niya yung mga paparating na mga intern sa mga branch na hawak niya. Tama talaga yung timing na may na-hire siya intern para sa department niya. Ito ang sumasagot ng mga tawag para sa kanya, at nagpapadala ng reminders sa mga incoming interns. Minsan nagsusulat pa ito ng motivating notes para sa kanya. Sobrang bihira na may mga bibong intern sa napapadpad sa Human Resources, kaya ang gaan ng loob niya sa kasama niyang iyon. Ito lang din ang may alam na crush niya si "Kuya J". Kaya minsan tinititigan sila ng kanilang supervisor na si Ma'am Crystal dahil sa ingay nila.

Si "Kuya J" ay ang morenong admin guy na madalas kausapin si Mira kapag nag-turn-turnover siya ng mga documents galling sa division niya. Maituturing niya na isa siya sa mga nagpapasaya sa araw niya sa office pero mas matindi pa rin ang feels niya para sa gwapong lalaki na wallpaper niya sa cellphone ang nangingibabaw sa puso niya. First love never dies nga naman, sabi ng mga nakakatanda.

Bigla siyang kinilig nang makita niya yung wallpaper niya. Aba, nearly 10 years na siyang baliw para sa isang lalaki na hindi naman siya kilala. Excited na din siya na matatapos na ang mandatory military service nito. Sa wakas makukumpleto na sila! Walang nang aalis, walang na ring hintayin, at higit sa lahat – walang na ring iyakan.

“Girl, kalma ka lang. Nasa public place ka. Oh well, papel. Catch up na nga lang ako sa pinapanood ko”. Baka hindi na naman niya mapansin na gumalaw ang mga tao sa pila kapag nasa intense fangirl mode siya. Kinuha na lang niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang itim na bag tsaka sinuot ang kanyang earphones.

Para hindi siya mabagot kakahintay sa pila, madalas siya manood ng mga kdramas o magbasa ng mga fanfic. Minsan nakakatapos siya ng 3 episodes para hindi niya mapansin ang pangangalay ng mga binti niya. Na-master na din niya ang pagkakaroon ng straight face kahit kinikilig siya, baka akalain ng mga katabi niya na nababaliw siya. Isang pang rason ang maiiwasan rin niya na bigla na lang siya kakausapin ng madaldal na lalaki na kasabayan niya sa pila. Hindi na niya kinakalimutan ang earphones niya kasi non-stop magipag-usap yung lalaking yun, dinaig pa siya mag-interview kahit ito ang karaniwan niyang ginagawa sa trabaho niya.

Pagkatapos ng matagal na paghihintay sa sakayan, nakasakay na siya UV Express, at pinili niyang umupo sa likod. Ito ang paboritong niyang puwesto dahil mas madaling bumaba galling dito. Hindi rin masyadong masikip kumpara sa ibang mauupuan sa van. Umupo siya malapit sa bintana para madali siyang makatulog sa biyahe.

Nalamlampasan na niya ang mga gusali sa labas, mga empleyado na naghihintay na makasakay, at ang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Wufaaan
Hello everyone! Took me months to edit the first draft of this story, and dealing with my EP#5 PCD. Kinda back to updating Sapphire Blue. Anyways, enjoy reading this one!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet