CHAPTER 2
LOVE IS...
Seulki's POV
"Ano palang talent mo?" Tanong ko kay Seulgi. Nandito kami sa hotel kung saan ako nag sstay. Nakasandal ako sa headboard ng kama habang siya naman ay nasa gilid nito. Isang linggo na lamang at babalik na ako sa Pilipinas o mas tamang sabihin na, isang linggo na lamang ay pupunta na si Seulgi sa Pilipinas at magpapanggap na ako para makasama si nanay.
By the way, I'm Seulki Song, 27. Isa akong florist, ganoon ako kahilig sa mga bulaklak. I am beautiful, isang katangian na ipinagmamalaki ko. May naging boyfriends na rin ako in the past. Pero lahat sila hindi rin nagtagal. Hindi ko mahanap sa kanila ang love na gusto kong maramdaman, isa akong hopeless romantic di tulad ng best friend kong si Irene, kahit isang beses hindi pa siya nainlove. Para sa kanya destruction lamang yon. Pero kahit na may pagkakaiba kami, hindi yon naging hadlang sa pagkakaibigan naming dalawa. Siya na ang naging sandalan ko bukod sa aking ina. Isa rin akong sossy girl, kaya naman karamihan sa mga nakikilala kong tao ay naiintimidate sa beauty ko.
"Talent kong magpaiyak." Natatawa niyang sabi. Napaangat naman ang ulo ko sa headboard.
"Really? You're an actress?" Namimilog ang matang tanong ko.
"Hahahahaha!" Humagalpak siya ng tawa habang hawak hawak ang kanyang tiyan. Baliw talaga tong twin sister ko. And another yes, confirmed na ang pagiging twins naming dalawa, dahil sa DNA test na isinagawa namin. Ganoon kami kadesperada na malaman ang totoo na ipinagkait sa amin ng aming mga magulang.
Noong una ay hindi ako makapaniwala, ngunit kapag titingnan ko siya, naroonang lukso ng dugo at longing sa mga mata ko.
"What's funny?" Nabato ko sya ng unan na nasalo naman niya.
"I mean, talent kong magpaiyak.... nang babae." Lalong nangunot ang noo ko. What does it mean?
Tumayo siya sa pagkakaupo saka dumungaw sa bintana.
"Tama ang iniisip mo. I'm a lesbian." Napatitig ako sa likod niya dahil nakaharap siya sa may bintana. Nang makabawi ako sa pagkabigla ay agad akong lumapit sa kanya at umakbay.
"So?" Nakangiting tanong ko na ikinalingon naman niya.
"H-Hindi ka nandidi---"
"Why should i? Kapatid kita at yun lang ang mahalaga para sa akin." Napangiti siya at yumakap na rin sakin.
"Salamat." Narinig ko pang sabi niya.
"Thank you din sa pagsasabi mo ng totoo, lil'sis."
"Lil'sis???" Bumitaw siya ng yakap sakin.
"Why? Totoo naman na mas matanda ako sayo. Base yon sa sabi ng doctor sa atin." Natatawa kong pinisil ang ilong niya. Nakakayuwa siyang pagmasdan na parang nananalamin lang ako sa mukha niya.
"Baliw ka talaga." Sabi niya sabay pabagsak na humiga sa kama. Humiga rin ako katabi niya habang pareho kaming nakatingin sa kisame. "I wonder kung may mga lalaking magkakagusto sayo." Pangungulit niya.
"Hoy, FYI Queen Bae ako noong nag aaral pa lang ako at ganon parin hanggang ngayon." Pagmamalaki ko naman. Nag iba ako ng pwesto, nakadapa na ako ngayon sa kama.
"So may boyfriend ka ngayon?" Tanong niya na kanatingin na sa akin.
"At ano naman po sa inyo kung maron?" Kinikiliti ko na ang bandang earlobe niya.
"Kung meron,magbaback out na ako sa usapan natin." Natatawa niyang sabi habang patuloy ako sa pangingiliti sa tainga niya.
"Paano kung ayaw ko?" Nakahalumbaba na ako habang nakadapa pa rin.
"At anong gusto mo? Makipag holding hands ako, makipagkiss? Or worst makipag sa boyfriend mo? So disgusting!!!" Kitang kita ko ang pandidiri sa mukha niya kaya ako naman ang natawa.
"You're so mean. Ganon lang ba ang tingin mo sa akin?"
"Of course not! Pero kasi, nandito tayo sa reality. Nangyayari naman talaga ang mga ganung bagay." Pag eexplain pa nito.
"Hahaha... Masyado kang seryoso, baby S..." Sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang endearment ko para sa kanya. Cute naman diba? Parang regalo lang hihi.
"I don't have a boyfriend. A girlfriend, maybe." I chuckled kasi naman lumaki ang mga mata nya sa sinabi ko. (Parang sakin hindi) hihi.
"Girl na friend, she's my best buddy. Her name is Irene."
"I don't care, si nanay lang naman ang mahalaga sa akin." Ang sunget!
"Ikaw, do you have one?" Tanong ko.
"Boyfriends? Nahhh." Umirap pa ito sa akin. Haha ang cute.
"Gagi." nahampas ko tuloy ang binti niya.
"Seriously, i have plenty." Hindi na siya nakangiti. Uy mukhang seryoso na nga.
"Girlfriends? Bakit kailangan madami?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya. "Diba sa love, dapat isa lang?"
"Love? Love is equivalent to a game. Isa lang itong laro para sa akin. Laro kapag ayaw mo na, pwede mong itigil. Laro na kapag talo kana, pwede ka ng sumuko."
"Your sounds so bitter. Naranasan mo na siguro ang masaktan." Sabi ko sa kanya. Mukhang kabaligtaran ko siya. Kung siya hindi naniniwala sa love, ako naman malaki ang paniniwala ko doon.
"Nah! Like what I've said, ako ang nagpapaiyak, ako ang nananakit." Naniniwala ako sa kanya na may kakayahan nga siyang manakit. Kasi kung titingnan mo ang kakambal ko ngayon. She's beautiful yet handsome. Malakas ang dating niya, mukhang chx magnet. For sure isa rin siyang Gender Bender.
"So bakit ganyan nalang kadumi ang tingin mo sa love?"
"Bakit? Malinis ba ang tingin mo dito?" Tanong din ang isinagot niya sa tanong ko.
"Love? I am always ready for that. Waiting for the right person to come. Bukod kay tatay, pinangarap ko ring makilala ang taong magpapatibok sa puso ko. So yes, malinin ang tingin ko sa love. So pure and true." Para pa akong nangangarap ng sabihin ko iyun.
"Sounds so cheesy." She chuckled saka bumangon at kinuha ang back pack niya. "Tara."
"Where?" Hindi pa rin ako bumababa ng kama.
"Operation ikaw ay ako, ako ay ikaw." Taas baba pa ang kilay nito. Mukhang manyakis tuloy.
"What's you're plan? Kulang pa ba yung buhok ko na pinagupitan ko na kagaya ng sayo?" Opo, Dora the Explorer na rin po ako katulad niya Huhuhuhuhu. Kung hindi ko lang gustong makilala si tatay, nungkang papagupitan ko ng ganito ang buhok ko. "Wala ka talagang fashion sense." Huhuhuhu kakatreatment ko pa naman nito. Goodbye hair, goodbye Seulki. Hello Seulgi na ang peg ko.
Ngumiti siya sa tanong ko at itinuro ang mga tattoo niya sa pulse, nape at tagiliran. Nang marealize ko ang gusto niyang mangyari ay napasigaw ako.
"HELL NO!!!"
Comments