Chapter Four [TW]

Find Me [A Tagalog Seulrene AU]
Please Subscribe to read the full chapter

Word to note:

Psychalma - Soul Jumper; comes from the greek word "psychí" meaning "soul" and "álma" meaning "jump". Humans with purest and kindest souls who get to be rebirthed again an infinite number of times. They use their original face in their next lives. Extremely rare.

**Trigger warning for violence, torture, murder and mutilation(the last one is not detailed)**

The longest chapter I've ever done. Please enjoy and leave comments if possible :) Next chapter will be back to Joohyun's POV.

This is another flashback chapter. 

 

°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°

 

Kingdom of Revela - The Red House; 27 BNE, July 16: 11:55 PM

 

*Sunmi's POV*

 

Nang makita ko ang pagpikit ng mga mata ng dalagang niligtas ko ay napabuntong hininga ako.

 

Kanina, habang tinitingnan ko siya habang iniinom niya ang dugo ko ay hindi mawala sa isip ko ang isiping parang nakita ko na ang babaeng ito dati. And then it hit me. Isa siya sa mga anak ng hari ng Revela. 

 

Matagal na akong hindi nakakabalik sa bansang ito. Lagpas isang daang taon na din siguro. Pero kilala ko ang henerasyon ngayon na humahawak sa trono ng bansang minsang nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko. 

 

Tumayo ako at lumapit sa kumpol ng katawan sa may di kalayuan. Nag-igting ang mga bagang ko nang makita ko kung sino ang may-ari ng mga katawang iyon. 

 

Pinatay nila ang hari at ang pamilya niya. 

 

Naikuyom ko ang aking mga kamao nang maalala ko ang sulat na natanggap ko ilang araw na din ang nakakalipas mula sa inatasan kong tao na maghanap sa'yo dito sa bansang 'to.

 

Nahanap ko na siya. Isa sa mga kasambahay ng hari. Lee Rowoon ang pangalan niya ngayon. -Jennie

 

Habang patuloy ang aking pagtingin sa kumpol ng duguang mga katawan ay mas lalo akong binabalot ng kaba. Tahimik akong nanalangin na sana ay malayo ka sa kung ano mang karahasan ang nangyayari ngayon sa palasyo. 

 

Hindi na ako dapat magtagal pa sa lugar na 'to. Kailangan na kitang puntahan bago pa may mangyaring masama sa'yo.

 

Tiningnan ko ang prinsesang niligtas ko at kasalukuyang mahimbing ang tulog. Joohyun. Iyan ang naaalala kong pangalan niya. 

 

"Give me a few minutes. I will come back." Sabi ko sa natutulog na prinsesa.

 

Tumalikod ako at nagsimulang ihakbang ang aking mga paa.

 

Ngunit agad din akong napahinto.

 

Sa hindi malamang dahilan ay tila binalot ng kakaibang lamig ang buong katawan ko. Tila may tumatawag sa'kin at nag-uudyok na lumingon sa walang buhay na katawan ng babaeng nakita kong nakapatong sa prinsesa kanina.

 

Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng kanyang buhok. Hindi ko siya nagawang titigan nang maayos kanina dahil ang buong atensyon ko'y napunta sa pagliligtas kay Joohyun.

 

Sa tagal ko nang nabubuhay sa mundong ito bilang imortal ay mabibilang lang sa mga kamay ko ang pagkakataong nakaramdam ako ng takot. Isa ito sa mga pagkakataong iyon.

 

Takot na mas lalong nararamdaman ko ngayon nang maaninag ng mga mata ko ang pamilyar na markang nakikita ko ngayon sa palapulsuhan ng kanang kamay ng babaeng ito. Ako ay napalunok. Hindi ko na makontrol ang kung ano mang pagkabahalang bumabalot sa dibdib ko. 

 

Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay nang maramdaman ko ang aking panginginig.

 

Hindi... Hindi ikaw 'to. Hindi pwedeng mauuwi lang sa ganito ang ilang daang taon kong paghahanap sa'yo. Hindi maaari. Hindi ko kakayanin, Seulki.

 

Pero kailangan kong makasiguradong ibang Psychalma ang nasa harap ko. Isa lang ang paraan para matanggal ang bikig sa aking lalamunan dahil sa takot at kabang aking nararamdaman.

 

Pigil hininga akong mabilis na pumunta sa kinaroroonan ng katawan. Hindi ko tinatanggal ang aking tingin sa marka sa kanyang palapulsuhan. Para akong tinututya ng aking isip na pinaalala saking muli ang nakaraan, ang panahong iyon na nakita kong dahan-dahang lumabas ang parehong marka sa palapulsuhan mo ilang segundo matapos mong kunin ang huli mong hininga. Ang parehong markang araw-araw na nagbibigay sa'kin ng pag-asang muli kang makita.

 

Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi ng katawan. Nanginginig ang mga kamay na marahang hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. 

 

Madilim man ang paligid ay malinaw sa akin ang nakikita ko ngayon.

 

Pinikit ko ang aking mga mata.

 

Huminto ang oras.

 

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.

 

Tumitibok ang aking puso. Pero wala akong ibang marinig kundi ang pagbiyak nito.

 

Hindi ko magawang idilat muli ang aking mga mata. Hindi ko kayang makitang muli ang nasa harap ko ngayon. 

 

Tahimik na ako'y tumangis, binigyan ng oras ang aking sarili ng pagkakataong maging mahina. Ng pagkakataong ikaw ay muling ipagluksa.

 

Para saan pa ang binigay sa aking lakas? Para saan pa ang lahat ng kakayahang meron ako kung hindi ko magawang protektahan at alagaan ang mga taong mahal ko? Para saan ang lahat ng 'to kung paulit-ulit akong pumapalyang iligtas ang buhay ng mga taong mahal ko? Para saan pa ako kung lagi kitang binibigo, Seulki?

 

Ang lapit ko na sa'yo, Seulki. Nandito na ako. Pero lagi na lang akong huli. Paulit-ulit ka na lang kinukuha sa'kin. Ni hindi ko man lang nagawang makitang muli ang mga ngiti mo. Ni hindi ko man lang nagawang marinig muli ang pagtawag mo sa pangalan ko. 

 

Dahan-dahan kong muling binuksan ang aking mga mata.

 

Mas lumala ang pag-agos ng aking mga luha.

 

Hinawakan ko ang malamig mong kamay. 

 

"I-I'm sorry, kid. I'm so sorry..." Dinig ko ang pagbiyak ng aking boses. Ramdam ko ang sakit na dinudulot sa dibdib ko ng bawat salitang binibigkas ko. "I'm sorry that I wasn't able to-- to save you i-in this lifetime. I'm sorry I wasn't able to save you... again."

 

"We will meet again, kid. I promise you that. Wala akong pakialam kung gaano katagal kong kailangan ulit maghintay at maghanap. Pero hindi ako susuko. Hindi kita susukuan. You are my family, Seulki. Always and forever, remember?"

 

Marahang pinadaan ko ang aking mga daliri sa iyong mukha habang tahimik na pinagmamasdan ang kapayapaang nakikita ko sa hitsura mo. Sa kabila ng karahasang naranasan mo, alam ko sa puso ko na nasa ligtas na lugar ka na ngayon, naghihintay ng sunod na pagkakataong muling hahayaan ng Lumikha ang iyong kaluluwang mamuhay sa mundong ito. Iyon ang natatanging bagay na paulit-ulit na pinapaalala ko sa aking sarili.

 

Tiningnan ko ang iyong kabuuan, ang dugo sa gilid ng iyong labi, ang duguan mong damit. Pilit kong itinanim ang lahat ng ito sa aking isip. Bawat detalye ng nakikita ko ngayon ay hindi ko dapat kalimutan. Binalewala ko ang sakit, ang hapdi sa aking dibdib, ang walang katapusang pagluha habang patuloy na tinitingnan ka at hinayaan kong mabuo ang galit at ang poot. Hinayaan kong balutin ng kadiliman ang pira-piraso kong puso. 

 

Mahirap man, dahil sa estado ng emosyon ko ngayon, ay pinilit kong suyurin ang pinakamalalim na bahagi ng aking isip para gumawa ng mental na koneksyon kay Jennie. Isang abilidad na ang Unang Bampira lamang ang may kakayahang gawin. 

 

"Nasaan ka?"

 

"Hello din sa'yo, Sunmi. Okay lang naman ako, thank you for asking."

 

"Nasaan ka?"

 

"Ilang daang taon na pero di ko alam kung kailan ako masasanay dito sa ginagawa mong mental conversation sa'kin. You know it really is unfair na ikaw lang may kayang gumawa nito. I really do hate na kailangan ko pang sumulat sa'yo para lang ma-contact ka."

 

"She's dead."

 

"..."

 

"Seulki's dead."

 

"Sunmi..."

 

"I need you here, Jennie."

 

"Where are you?"

 

"The Red House..."

 

"I'm on my way."

 

Matapos kong putulin ang koneksyon ko kay Jennie ay narinig ko ang mahinang kaluskos sa hindi kalayuan kasabay ng mahinang pag-ungol. 

 

I growled when I realized that the sound was from the same man who was pointing the gun at the Princess a couple of moments ago. The one who most definitely shot Seulki.

 

Gamit ang ekstraordinaryo kong bilis ay mabilis akong pumunta sa kinaroroonan niya. 

 

Saglit na ininspeksyon ko ang kanyang kabuuan. Maliban sa mga galos sa katawan at dugo sa kanyang sentido dahil na din sa pwersa at layo ng pagkakahagis ko sa kanya ay wala na akong makitang iba pang problema sa kanya. 

 

"Good. You're alive." Iniangat ko siya gamit ang kanyang kwelyo at marahas na isinandal sa isang puno sa 'di kalayuan. He whimpered in pain. Matalim na tumingin ako sa kanya. Naramdaman ko ang paglabas ng mga itim na ugat sa paligid ng aking mga mata. Alam kong nakita niya iyon dahil naramdaman ko ang kanyang panginginig at nakita ko ang takot sa mga mata niya. "We have so much to talk about."

 

"Sunmi?" Narinig kong pagtawag ni Jennie sa akin. "Where is she? Where is Seu-- Oh my God... What the hell happened here?"

 

"Get Joohyun and this man and bring them to my house. Make the princess comfortable."

 

"And the man?"

 

"Lock him up. I'm not finished with him." Binitiwan ko ang lalaki at agad na bumagsak ito sa lupa. Humarap ako kay Jennie. Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at simpatya. Awa. Pero hindi 'yon ang kailangan ko ngayon. Ang kailangan ko ay maipaghiganti ka at pagbayarin ang mga taong gumawa nito sa'yo.

 

"Sunmi, I--"

 

"Kung ano man ang sasabihin mo, hindi 'yan ang kailangan ko ngayon. I don't need to hear that. I don't want to hear that. Just do what I told you to do."

 

Nakita ko ang pag-unawa sa mga mata ni Jennie. Alam kong naiintindihan niya ako. 

 

Alam kong komplikado akong tao. Hindi ko laging pinapakita sa iba ang nararamdaman ko. Hindi ako nagpapakita ng takot, lungkot o sakit. Hindi ako nagpapakita ng kahinaan. Iyon ang isa sa mga paraan para maprotektahan ko ang sarili ko. Para mabuhay. 

 

Pero kahit anong pagtatago, kahit anong pagtakip ko sa tunay kong nararamdaman, alam kong lagi akong maiintindihan ni Jennie. Sa likod ng mga matatalas kong salita at malamig kong mga tingin, alam kong nakikita niya ang hinagpis. Alam kong nararamdaman niya ang lungkot. Alam kong nakikita niya ako.

 

"Okay..." Sagot niya.

 

Naglakad akong muli at lumapit sa katawan mo. Maingat na binuhat kita. Saglit akong huminto at muling tinitigan ang iyong mukha, pilit pinapakalma ang sarili upang pigilan ang nagbabadyang muling pagtulo ng aking mga luha.

 

"Where are you taking her?" Narinig kong tanong ni Jennie.

 

"Home."

 

°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°••°°

 

Matapos kong ibaba ang mga labi mo sa kama ng isa sa mga kwarto ng mansyon ko ay mabilis na bumaba ako sa basement para puntahan si Jennie at ang lalaki kanina. 

 

Sa ilalim ng dilaw na ilaw ay tinahak ko ang daan papunta sa pinakadulong kulungan. Nakita kong nakatayo si Jennie habang nakamasid sa maliit na kwadradong bintana sa itaas na parte ng metal na pintuan. 

 

"Medyo nahihirapan siyang huminga," sabi niya nang maramdaman ang presensya ko sa kanyang likod. Tahimik pa din siyang nagmamasid sa lalaking nasa loob ng kulungang iyon. "He must've broken a rib or two."

 

"Kilala mo ba kung sino siya?"

 

"Yes. His name is Junmyeon." Sa wakas ay tumingin sa'kin si Jennie. "Kapatid siya ng hari."

 

Nag-igting ang aking mga bagang sa nalaman. "Kapatid?"

 

"He's also the highest ranking officer of the King's military."

 

Nang marinig ko iyon ay mas lalong lumala ang galit na nararamdaman ko dahil sa reyalisasyon. "He started a coup..."

 

Tumango si Jennie. "It appears so. Yun lang ang kaya kong sabihin sa'yo ngayon tungkol sa lalaking ito. Pero ayon sa nakita ko kanina, mukhang sobrang planado ang lahat. Walang naging usap-usapan sa mga taong nakakasalamuha ko. Walang naging ingay. Kaya din siguro mabilis niyang nagawa ang gusto niyang gawin sa Hari dahil na din tahimik niyang pinagplanuhan ang lahat. Something that you'd expect to a military man. Hindi ko alam kung sino pa ang mga kasabwat niya sa palasyo o kung ano na ang nangyayari doon ngayon. Ang alam ko lang, ilang araw bago ang gabing ito, nakita kong mas dumami ang mga sundalo ng Elyxion na nakabantay sa border ng dalawang bansa. Hindi ko iyon pinagtuunan ng masyadong pansin dahil pareho nating alam na ilang daang taon na ding hindi maayos ang relasyon ng dalawang bansa. I thought it was out of ordinary but I believed that the King was capable enough to handle if there's any threat. Hindi ko alam kung anong papel ng Elyxion sa mga nangyayari ngayon pero naniniwala akong hindi coincidence ang lahat." Paliwanag ni Jennie.

 

"Hindi iyon nasama sa sulat ko sa'yo dahil wala akong alam. You know I'd save her in a heartbeat kung alam ko lang, Sunmi."

 

"I know."

 

"I'll be upstairs if you need me." Lumapit sa'kin si Jennie. Nilagay niya ang kanyang kamay sa braso ko at marahang pinisil iyon. Saglit na tumitig siya sa'kin saka bumuntong hininga. "Isang daang taon din kitang hindi nakita. I've quite missed you, you know. How I wish we reunited under different circumstances."

 

"You're

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EunHyun92 #1
Chapter 4: waiting
kang_ddeul
#2
Chapter 4: wahhhh, grabe nakakaexcite po ang mga susunod na kaganapan~ 🤩😭✊
kang_ddeul
#3
Chapter 3: grabe, sobra pong nakaka-hook ang story! :)))