Ika-labing siyam na Silip
Himala, Mahal na yata kita!Kung worst na ‘yung nangyari the other day, hindi ko inakalang may ilalala pa pala ‘yung pag-oovethink ko sa mga situation. Hindi ko rin alam bakit pa ako nag-iisip nang sobra kung mukha namang wala siyang balak mag-explain bakit siya nawala ng isang linggo.
At inis na inis ako sa sarili ko kasi bakit ba ganito ako maka-react?! Hindi ko ma-gets kung ano ba talagang nangyayari sa’kin. I mean, why was I so bothered? Feeling ko nabobobo ako kakaisip ng dahilan or reason para lang magkaron ng excuse to think about this thing. I have more important things to focus on and last time naman, I told myself na it’s fine and I’ll be able to adjust my routine again.
Dumagdag pa na pagdating ko kaninang umaga sa room namin may note sa ibabaw ng armchair ko without an indicator kung kanino galing. So ano? Manghuhula ako? The handwriting looks so unfamiliar, it’s neat and perfectly aligned… so far sa inaabangan ko--Winter?!
Naiirita na talaga ako!
“Galit na galit ka yata dun sa target?” Nandito kami nina Sungchan sa arcade center para samahan si Ningning at ang ‘just a friend’ niya. Hindi kasi pinapayagan si gaga na umalis without us.
“Die!” Sigaw ko habang inis na inis na binabaril ‘yung kalaban.
“Ikalma mo naman, ayoko magbayad ng lunch natin!” Gulat na gulat si Sungchan habang patuloy lang din sa pagbaril. May pustahan kaming dalawa habang hinihintay si Ningning at ‘yung ‘just a friend’ niya na lumabas mula sa Cinema.
Hindi na kami sumama since napanood na naman ni Chan ‘yung movie. Dito kami sa arcade center nagpapalipas ng oras.
“No! Ikaw magbabayad!” Focused na focused ako at inilabas lahat ng sama ng loob na meron ako sa mga kalaban sa screen. Where did I even get these emotions?
Huminga ako nang malalim at napangisi nang matapos ang laro. I obviously won which means, si Sungchan ang magbabayad ng lunch ko. Charmer si Ningning niyo, siya ‘tong unang lumandi pero ‘yung ‘just a friend’ niya ang nagbayad ng lahat. Pati ‘yung ginamit naming card ni Sungchan galing dun sa kasama ni Ningning.
Hindi naman sa sinasabi kong mukhang pera friend namin ‘no?! She actually insisted na hahati siya sa gagastusin for this date pero ayaw ni ‘just a friend’. Siya raw ang magbabayad kasi siya ‘yung nagyaya ng date. Plus, it was to let us know daw na malinis ang intentions niya sa kaibigan namin.
I mean, anong kinalaman ng pagbabayad niya sa lahat ng gastos sa intentions niya? Anong tingin niya sa’min? Gullible?! Madadala sa libre?! Ulol siya!
“Ang tagal nina Ningning, gutom na ako.” Reklamo ni Sungchan. Nakaakbay pa siya sa’kin nung lumabas kami sa arcade center. Halos mag-2 pm na pero wala pa sina Ningning. Balak ba nilang panoorin lahat ng movies dito?!
Comments