Winter #12

Winter and I
Please Subscribe to read the full chapter
Sobrang naging mabilis ang mga sumunod na araw after ng retreat namin. Walang masyadong ganap except ngayong araw.       May event ang mga student ni Ma'am Valdez sa TLE. Kaliwa't kanang stalls ang nakatayo sa paligid ng TLE building. Naikot na namin yung sa section nila Yeji. Syempre inuna talaga namin yung kanila. Si Lia yung naka assign sa stall nila. Sa kanila nga yung maraming dumadayo, bukod kasi sa masarap yung tinda nila eh ang ganda din nung nagtitinda.       Nasa pang-apat na stall na namin kami pero hindi parin nagsasawa si Ning sa palabok ng section 1.       "Nakaka-kain ka talagang mabuti nyan?" tanong sa kanya ni Giselle na halatang may pandidiri sa apaka kalat na pagkain ni Ning.       "Keribels lang." sagot nya na sumubo ulit ng palabok.       Ako naman ay di parin nauubos yung cheese sticks na binili ko kay Lia. Si Gi naman ay kontento na sa Graham balls na biglang inabot lang ni Ryujin sa'min kanina may pa kindat pa ngang nalalaman.       May problema ata sya sa mata.       Huminto kami sa stall ng section 2. Okay same same lang din ng sa kabilang section yung tinda nila. Yung section 1 lang talaga yung angat yung mga tinda. Sa kanila lang yung may pa palabok eh.       "Balik nalang kaya tayo ng room? Wala naman na akong nakikitang pwedeng makain." sabi ni Gi na tinignan ulit si Ning.       "Tsaka nakakalatan na ako masyado sayo Ning." nandidiri parin ito sa tuwing nakikita si Ning na pinipilit ubusin yung palabok sa maliit na paper plate habang may kaonting sauce na nagkalat sa bibig nito.       "Ano ba yan Ning ang kalat mo!" sabi ko. Lumayo ako sa kanya at mas tumabi kay Giselle.       "Grabe ka naman sa kalat! It's messy, you know, not kalat. Pasosyalin mo naman."       Umikot ang mata sa kanya ni Giselle.       "Tara na sa room. Nahihiya na akong kasama si Ning." sabi ko tapos hinatak ko na si Gi.       Nagsisigaw pa si Ning habang hinahabol kami. Tumatawa lang si Giselle sa kaitsuraan ni Ning habang tumatakbo. Malapit na kami sa room namin ng mapansin namin si Yeji na nakatayo sa may pinto ng classroom namin.       Anong ginagawa nya rito?       Natigil kami sa pagtakbo. Nagtatanong ang mga mata ni Giselle na tinignan ako. Kibit balikat naman ako kasi wala akong idea kung ba't nandito si Yeji.       Agad itong ngumiti ng makita kami.       "I was waiting for you. Hi Giselle. Hi Ningning." nakangiting bati nya sa'min.       Teka ano daw?       Hinihintay nya ako?       Nag hi naman sa kanya yung dalawa. Kinurot ni Ning yung tagiliran ko kaya masama ko itong tinignan. Katulad ni Gi nagtatanong din ang tingin ni loka.       "Can I barrow her saglit?" tanong nya.       Napakurap-kurap ako. Hihiramin nya raw ako?       Di makasagot yung dalawa kaya siniko ko ng mahina si Gi.       "A-ahh..of course. Pwede naman." sabi ni Gi.       Lumawak naman yung ngiti nya.       "Sige pasok na muna kami sa loob friend~" sabi ni Ning na may nakaka-lokong ngiti pa sa labi.       Inangkla nya na yung mga braso nya kay Gi na pilit syang nilalayo habang papasok sila ng classroom.       "A-ano palang kailangan mo?" tanong ko. Di talaga maalis ang hiya ko sa tuwing si Yeji ang kausap ko.       "Mag cutting tayo."       Bumilog ang mga mata ko sa sinabi nya.       Seryoso ba sya?       Inaaya nya talaga akong mag cutting? Si Yeji Alcantara na it girl ng section 1 at may malinis na record sa buong eskwelahan. Inaaya ako na si Winter Rivera ang kulelat ng section 3?       Sige go!       "Sure ka?" paninigurado ko. Baka kasi jino-joke time lang ako nitong si Yeji my labs. Masyado pa naman akong uto-uto pagdating sa kanya.       "Yeah. Si Lia kasi masyadong busy at alam kong di sya papayag sa gusto kong gawin."       Ah...       Wala pala si Lia kaya ako ang pinuntahan nya. Option lang pala ako. Di naman masakit, parang kagat lang ng dinosaur.       "Let's go?" nakangiting aya nya.       Tumango nalang din ako at sumunod sa kanya. Mukhang dun kami dadaan sa may likod dahil kahit na may event dito sa loob bawal padin kaming mga estudyante na lumabas. May attendance parin kasi.       "Careful." sabi nya tapos biglang hinawakan ang kamay ko.       Medyo makapal na kasi ang damo sa parteng kung nasaan kami ngayon.       "Saan mo naman balak pumunta pagkalabas natin ng school?" tanong ko.       "I don't know." sabi nya tapos ngumiti. "Kaya nga i chose you kasi alam kong marami kang alam na pwede nating puntahan."
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jmjdumpx #1
WINJI 😮😮😮😮😮😮
ASDRFV #2
welcome back!! one of the first fanfic i have read
oofiee 1076 streak #3
Chapter 9: ok nireread ko lang... medj bully si karina pero i still feel sad na sa future chaps karina will feel unwelcomed enough to consider leaving (iirc)
yujiverse
#4
Chapter 25: Binasa ko ‘to for winji pero hng winrina…
lovebreaks #5
author, where's the update po?? 😭
stillintoyu
213 streak #6
Chapter 25: UMAMIN KA NA KASE RINA
lovebreaks #7
Chapter 25: ackksjdjksk nakumpirma mo na winter ha. pero lagot aalis si karina 😩
taytaysbetty
#8
Chapter 25: Oh, ang cute ng chapter na 'to ngayon... tapos biglang angst naman later on kasi aalis na si Karina. 😥

Tsaka ANONG MUNTIK MO NANG MAKALIMUTAN?! 😭
lokonaba
#9
Chapter 25: HAHHHHA KAKATAMPO YUNG LAST LINE OTOR OO chos
oofiee 1076 streak #10
Chapter 25: ayan alam m na, pero aalis na sya jk