Ako Imo

Imoha
Please Subscribe to read the full chapter

"Ate Irene! Tara na!", tawag  ni Winter sa kanyang ate na hindi mauwi-uwi dahil sa kakalaro niya ng claw machine.

 

"Naku! Bunso. Hindi mo mauuwi ang ate hangga't hindi natatapos ang shift ng labidabs niyang nasa counter", asar ni Yeri at biglang nabitawan ng claw yung stuff toy na pikachu.

 

"Ugh. Muntik nang makuha eh! Ingay niyo kasi!", inis na sabi ni Irene sa dalawa.

 

"Tara na kasi ate. Baka nag-aalala na sina daddy. Pasara na rin ang mall na to tapos di pa tayo nakakauwi", reklamo ulit ni Winter.

 

"First of all. Parang ako lang yung may binabantayan dito ah? At second of all mayroon din kayong dinadalaw dito ah? If I know", nagkibit balikat si Irene at nilagyan ulit ng token ang claw machine para magpatuloy sa paglalaro. Hindi na nakapagsalita pa ang dalawang kapatid niya dahil tama rin naman siya.

 

"Oy pauwi na si Seulgi mo!", biglang napalakas ang pagkakasabi ni Yeri na hindi lang si Irene ang napalingon kundi pati ang nagmamay-ari ng pangalan na ito.

 

"Ma'am, tinawag niyo po ako?", curious na tanong ni Seulgi at nagtataka rin siya bakit nila alam ang pangalan niya pero baka dahil sa nakikita nila ang name tag niya pag bumibili sila ng token.

 

"A-a-a-ano ka-ka-ka a-a-ano", nauutal na sabi ni Irene at kung maaari lang ay tatawanan na siya ng mga kapatid niya dahil sa itsura niya ngayon.

 

"Ay sorry po. Hindi ka po tinawag ni ate Yeri", tumingin siya kay Yeri at napatingin din si Seulgi sa kanya. "Sabi lang niya magbabakasyon kami sa mount fuji this summer kaya naexcite siya masyado at napasigaw", pagpapatuloy ni Winter dahil natameme na yung dalawang ate niya.

 

"Ay ganun po ba, ma'am? Pasensya na po. Akala ko tinawag niyo po ako. Katunog lang pala ng pangalan ko", at iyon na nga, pinakita na ni Seulgi ang nakakaloko niyang eye smile at biglang napahawak si Irene sa edge ng claw machine na para siyang mahihimatay. "Mauna na po ako, ma'am. Pasensya na po talaga, ma'am Yeri", sabi ni Seulgi ulit nung wala nang umimik sa tatlo.

 

"Walangya teka. Nakita niyo ba yon?", sabi ni Irene matapos ang malaliman niyang paghinga.

 

"Ate", napatawa ng malakas ni Winter. "Bakit ka nakahawak diyan. Nanghihina ba tuhod mo?", at sumunod na rin na tumawa si Yeri.

 

"Gagi kayo. Nakita niyo ba yung ngiti niya? Nakakapanghina kaya. Akala ko mahuhulog na ako sa ilalim ng lupa", hawak niya sa kanyang dibdib at lalo pang napalakas ang tawa ng dalawang kapatid niya.

 

"Tara na, ate. Umuwi na labidabs mo", pag-uulit ni Winter sa sinabi ni Yeri kanina lang. At tumango naman na to. Pagkatapos ay nagsimula na silang maglakad papunta sa kotse ni Irene.

 

"Pero narinig niyo ba yung pagbigkas niya sa pangalan ko? Tsaka yung maliit niyang hehe? Tapos may ma'am pa? Ang cute nga niya", sabi ni Yeri nung makasakay na sila sa kotse ng ate nila.

 

"Yeri, mine, Yeri", turo ni Irene sa sarili niya na hindi na dapat kailangan ng explanation.

 

"Ate, payag ka nun? Mas nauna pa nalaman ni ate Seulgi pangalan ni ate Yeri kaysa sayo?", and the realization hits Irene hard sa sinabi ni Winter na napasigaw siya sa loob ng kotse dahil sa inis niya.

 

 

-----

 

 

"Ako yung naandon lagi bago mag start ang shift niya. Alam ko kailan ang day off niya. Umaabsent ako sa crop protection subject ko every afternoon dahil yung schedule ko sa masteral class na yon ang schedule niya sa work. Naandon ako nung unang beses siya napagalitan sa manager niya. Naandon ako hanggang matapos ang work niya and I have more to say tapos. Tapos. Tapos pangalan mo una niyang babanggitin?", pagdradrama ni Irene nung nakapasok na sila sa bahay nila at napatingin din ang mga magulang at katulong nila. Napatawa na lang yung dalawa sa kaartehan ng ate nila.

 

"Irene!", tawag ng daddy nila.

 

"Ano itong narinig kong absent ha?", tanong ng mommy nila.

 

"Haynako, mom. Ang ate naandon na naman sa Tom's World dahil kay ate Seulgi. Ano pa ba", kibit balikat na sabi ni Winter.

 

"Binigkas kase ng ate Seulgi ang pangalan ko kanina mom kaya ayan nagdradrama na naman siya", ngisi naman ni Yeri.

 

"Eh kasi eh. Mom, dad, ako yung laging naandon eh", pagrereklamo ni Irene sabay nguso niya.

 

"Minsan, anak. Hindi ko na alam sinong bunso sa inyo. Malala ka pa kaysa kay Teri", natatawang sabi ng dad nila sa kanya.

 

"Dad! Ayako nga ng Teri na nickname eh!", sabat ni Winter nung marinig niya ang nickname niya nung bata.

 

"Why, anak? Eh favorite mo nga yan nung bata ka, "Hi, i'm tewi", ganon ka nga nung bata ka", pang-aasar naman ng mom nila.

 

"Oooops! No words. Alam kong ako isusunod niyong asarin. Tone it down, parents! I'm hungry!", pambabara naman ni Yeri sa mga magulang nila bago pa sila magsalita.

 

"But mom, dad! Si Seulgi!", reklamo ulit ni Irene.

 

"Pakilala mo siya kapag girlfriend mo na siya. Hindi naman problema sinong ipakilala mo samin ng mom mo. Ang mahalaga masaya kayong tres marias namin. Pero ibang usapan na kapag sinaktan kayo", sabi ng dad nila habang naglalakad sila papuntang dining table.

 

"Sa kaniya na ako, dad. Simula nung makita ko siya sa cashier ng Tom's World. Sa kaniya na ako. Forever and always", proud na sabi ni Irene sa harap nilang lahat.

 

"Ate sana naririnig mo ang sarili mo ngayon", kunwaring nandidiri na sabi ni Winter.

 

"Ang cringey naman. Ganito ba mainlove kapag tanders?", asar ni Yeri na agad namang nakatanggap ng hampas galing kay Irene.

 

"Kung makaasta kayo parang hindi niyo dinadalaw si Karina at Saeron don", ganti naman ng ate nila sa kanila.

 

"Pero atleast ate hindi kami humahantong sa pagkuha ng schedule niya at pangalan sa manager niya", belat ni Yeri sa kanya.

 

"Sa totoo lang", belat din ni Winter sa kanya.

 

"At ang manager na yon ay ang pinsan natin na si ate Taeyeon", belat din ni Irene sa kanila.

 

"Ay talaga ba?", di makapaniwalang tanong ni Yeri.

 

"Wait bakit hindi ko alam?", sabi rin ni Winter.

 

"Galing galingan niyo naman para sa mga crush niyo", pagyayabang ni Irene.

 

"Sabihin mo anak, galingan nila sa pag stalk kagaya mo", asar ng mom nila na kagagaling lang sa kusina at palapit na rin ang dad nila na katatapos makipag-usap sa isang business call.

 

"Mom naman eh", pag iinarte ulit ni Irene.

 

"Why, there's no lie", ngisi ng mom nila.

 

"Anyways, alam niyo ba mga sis. Si Seulgi at si Karina ay magpinsan. Tapos si Saeron naman childhood friend nila", pagbibitaw ni Irene sa information na biglang napanganga yung dalawa sa narinig nila. Dahil mga ilang information pa ang alam ng ate nila about kay Seulgi?

 

 

-----

 

 

"Ate. Ba't kasi hindi pa sabay-sabay yung pagbili mo ng token. Hindi ka ba napapagod kakabalik doon?", reklamo ni Winter.

 

"Teri, akala mo naman ikaw napapagod kakalakad papunta don?", banat ni Irene.

 

"Hindi naman ate Erin curious lang ba't di pa sabay sabay ang bili mo", kibit balikat na sabi ni Winter.

 

"Ano ba, Teri. Ganon talaga para kunwari may rason ba't siya babalik doon. Kasi wala na token. Kapag wala na token, bibili. Kapag bibili makikita niya si ate singkit", sabat ni Yeri nung matalo siya sa tinayahan niyang nagkakarera sa swimming.

 

"Teri kayo ng Teri. Winter pangalan ko. W-I-N-T-E-R", pag spell ni Winter sa pangalan niya nung naaasar na siya at napatawa na lang mga kapatid nito.

 

"Anyways, sisters, need ko na ulit bumili ng token. Talo na ako sa nagkakarerang clown na to. Laging nananalo yung kaunti ang mapapanalunan na token. Ba't ganun", reklamo ni Irene at bago pa makapagsalita ang mga kapatid niya ay naglakad na siya papunta sa bilihan ng token.

 

Habang naghihintay siya sa pila. Nakita niyang nakabreak yung tatlo at iisa lang yung nasa counter kaya medyo mabagal umusad ang pila.

 

Hindi naman niya sinasadyang makarinig ng usapan pero naririnig niya yung tatlo na nag-uusap.

 

Napansin ni Karina na nasa pila ulit si ateng maputi at agad siyang tumabi kay Seulgi na agad ding nagpasimple si Saeron na lumapit sa kanila.

 

"Hoy, naa na si ate nga pution", asar ni Karina kay Seulgi.

 

"Ayg banha, kay basin mabatian ka dira", saway naman ni Seulgi sa kanya. 

 

"Dili man ta niya masabtan", sabat ni Saeron.

 

"Malay ninyo ba, kay maalamon kaha na siya", depensa ulit ni Seulgi.

 

"Sus, kutob sa imong nahibal-an, kay gisulti man ni manager sa imoha", asar naman ni Saeron.

 

"Ambot nganung nag storya siya. Makauulaw kung naa ko sa inventory, Ang manedyer kanunay nga nagsulti kaniya og mga istorya", kibit balikat na sabi ni Seulgi.

 

"Pusta nako. Crush ka sa akong puti nga ate maong permi ka diri ug bugalbugalan. Gistorya pa siya sa iyang ig-agaw. Usa ra pasabot dili", ngisi ni Karina.

 

"Unsani?", sabay na tanong nung dalawa.

 

"Crush ka ngani ato ate Seulgi, kakulit ani", napakamot na lang sa ulo si Karina dahil sa pagkaslow ni Seulgi.

 

Natigil na sa pakikinig si Irene nung nasa harap na siya mismo ng counter at kahit gusto pa niyang tumagal doon hindi rin naman niya naiintindihan yung mga salita nila kaya pagkatapos niyang bumili ulit ng 100 pesos na token agad niyang binalita ito sa mga kapatid niya.

 

"May chika to", pangunguna ni Yeri.

 

"Di mo sure", banat ni Winter.

 

"Pustahan?", hamon ni Yeri.

 

"Wag na, ate. Sige na. May chika na ang ate Irene", pagsuko ni Winter sa ate niya.

 

"Mga sis alam niyo ba", panimula niya habang inaalis ang supot ng token.

 

"Sabi sayo", nakakalokong ngiti ni Yeri sa bunso nila.

 

"Nag-uusap yung tatlo pero hindi ko maintindihan", reklamo ni Irene.

 

"Need ba na maintindihan mo lahat ate Irene?", inosenteng tanong ni Winter.

 

"Parang hindi naman dapat kasi diba? Magna laude ng well-known university pero sa isang singkit nagiging, alam mo na", kibit balikat na sabi ni Yeri.

 

"Wait", biglang sabi ni Irene at binulsa ang mga token sabay kuha sa cellphone niya.

 

At dahil pakialamera ang mga kapatid nito tinignan nila kung anong tinatype nito sa google.

 

Crush ka ngani ato ate Seulgi, kakulit ani

 

"Grabe ate Irene kabisado mo pa talaga kung anong sinabi nila?", natatawang sabi ni Winter nung makita niya ang nakatype sa Bisaya to Tagalog translation ng google.

 

"Gagi. Magna laude yan na muntik naging suma kung hindi dahil sa 0.1% na sobra", ngisi ni Yeri.

 

Crush ka nga ate Seulgi. Kulit naman neto

 

"Omaygash", pagtatakip ni Irene sa bunganga niya nung makita niya ang translation ng huling narinig niyang sinabi nila.

 

"Why?", sabay na sabi ng dalawa at tinitigan ang nasa screen.

 

"Alam na niyang crush ko siya", sabi ulit ni Irene na nakatingin na sa malayo at malakas lang na tawa ang sagot ng dalawang kapatid niya.

 

 

-----

 

"Dad, di nga ako pwede", pamimilit ni Irene sa dad niya nung malaman niya ang balita kaninang nakauwi sila.

 

"Kasi shift yun ng Seulgi mo sa Tom's World?", napabuntong hininga na lamang ang dad nila sa pag-uulit niya sa kanina pang rason ni Irene bakit hindi siya makakadalo sa grand opening ng bagong business nila.

 

"Maiintindihan naman siguro ni ate singkit kung di ka makakapunta today ate kahit hindi talaga niya napapansin ang presence mo", biglang nakatanggap si Winter ng hampas galing sa ate niya.

 

"Eh. Dad oh si bunso. Hmp", pag iinarte nito sa dad niya.

 

"Pero parang ikaw ang bunso", sagot naman ng dad niya.

 

"Ate. Seryoso na kasi. Kailangan daw tayong tres marias don. Moral support", pamimilit ni Yeri.

 

"Ayoko nga", pagtanggi ulit ni Irene.

 

"May iba pang rason no ate ba't ayaw mo magpunta doon?", biglang tanong ni Winter na nakahalata sa hindi mapakaling daliri ni Irene sa dulo ng shirt nito.

 

"May ayaw kang makita doon no ate?", nakaramdam din si Yeri.

 

"Yung Bogum na makulit kasi. For sure naandon kasi friends nina dad ang parents niya. Eh ang kulit kulit. Ayoko nga sa kanya. Si Seulgi nga gusto ko. Sa kanya ako. Yours Seulgi lang ako", pag-amin niya sa pamilya niya.

 

"Ang tanong sayo ba siya?", tanong ni Winter.

 

"Gusto ka ba?", sumunod na tanong ni Yeri.

 

"Dad! Mom!", aping api na tawag ni Irene.

 

"Bakit hindi mo sinabi agad sakin na yan pala rason?", tanong ng dad nila.

 

"FYI, daddy. Hindi iyan ang rason. Hindi ko lang talaga makikita si Seulgi sa araw na to kaya ayokong pumunta. Minor reason lang yang kay Bogum boy kasi di naman siya important person and ayaw ko talaga siya makita kahot anywhere", pageexplain ni Irene.

 

"Tsaka, dad. Kapag sinabi ni ate na ayaw niya siyang makita. For sure hindi invited ang family niya", sabat ni Winter.

 

"Ayaw na ayaw mo pa naman na uncomfortable kaming tatlo, dad", sabi rin ni Yeri.

 

"Okay. If you're uncomfort

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Seuldel
#1
Chapter 1: SUPER CUTE AT CHILL LANG. LOVE IT!!! 🐻🐰🤟
its_aaarrriii
71 streak #2
Na alala ko naghanap talaga ko ng moots na bisaya para itrans😭😭😭😭😭
Kylie_123 #3
Cute Hihihihi
gomtokki_23
#4
Chapter 1: sana may translation din pag nag-uusap sila ng bisaya. di ko naintindihan e hehe