AMNYK: Giselle

Aba, Mahal Na Yata Kita.
Please Subscribe to read the full chapter

               Giselle.

               Giselle Uchinaga.

               Yeah, that’s me.

               First day ngayon at medyo kinakabahan ako kasi lumipat ako ng school. Biglaan yung naging desisyon nila Mommy pero okay lang. Hindi ko gets kung bakit kailangan kong lumipat ng school, pero wala naman akong magagawa kung sinabi nila.

               Nakabili sila Mommy ng lupa malapit sa anong university ba ‘yon… basta malaking university siya sa Manila. Akala ko magpapatayo sila ng bahay ‘don pero hindi pala. Narinig ko sa usapan nila ni Daddy sa phone na magpapatayo raw sila ng café.

               As an incoming Grade 8 student na mahilig sa kape- wait! Hindi pa legal yung pagkakape ko kila Mommy kaya patago akong nagtitimpla pagkaalis na pagkaalis nila sa bahay para pumunta ng work. So ayun nga, as an incoming Grade 8 student na mahilig sa kape, excited ako syempre. Ang gandang pakinggan na may may-ari kami ng café. Libre lang ba ako ‘don o ililista muna ni Mommy lahat ng makakain at maiinom ko tapos babayaran ko lahat kapag nagkatrabaho na ako? Hala, paano kapag ibawas niya sa monthly allowance ko?!

               “Mommy!” agad naman na sumilip si Mommy sa kwarto ko. “Aalis na po ako…”

               “Nabigyan ka na ba ng baon ng Daddy mo?” tumango lang ako. Lumapit siya sa akin at sinuklay-suklay pa yung medyo basa kong buhok. “Nagdadalaga ka na… baka hindi ko na mamalayan bumukod ka na lang sa amin bigla. Kilala mo yung anak ni Mareng Rika?”

               “Rika?”

               “Yung kapit-bahay natin, yung anak niya college na ‘di ba,” hindi ko sure kung saan papunta yung usapan namin ni Mommy ngayon. Akala ko pa naman dadagdagan niya yung baon na binigay ni Daddy. “Ayun, kumuha ng dorm sa Manila at doon nag-aral. Malungkot tuloy si Rikanor, nag-iisa lang dyan sa bahay nila.”

               “Mommy, hindi naman ako bubukod sa inyo. Kahit nga siguro college na ako sa inyo pa rin ako nakatira eh.” Natatakot lang siguro ako sa thought na dadating yung araw na hihiwalay ako kila Mommy. Hindi ko kaya ‘yon ‘no! Hindi pa nga ako marunong magluto, sinong magluluto para sa akin kung sakaling bubukod ako sa magulang ko ‘di ba?

               “Hoy Giselle, ano yung nangangamoy? Yung maling ata sunog na!” sigaw ni Winter sa kwarto. Pagtingin ko sa niluluto kong maling, eh hindi naman siya sunog. Pagandahin ko lang ng konti yung term, hmmm toasted?

               Tustadong maling!

               Nakita ko si Winter na nagmamadaling pumunta sa kusina. “Bumalik ka na sa kwarto mo, Wintot. Hindi pa sunog ‘to… and mas masarap kaya yung tustado!”

               Hindi talaga siya nagpatinag at sinilip pa yung kawali na binabantayan ko. “Ako na nga dyan, ikaw na lang yung magwalis sa kwarto.”

               “Wala ka bang tiwala sa akin?”

               “Wala, kaya tumabi ka na dyan.” Kinuha niya sa akin yung sianse. “Isuko mo na yung kusina sa akin.”

               “Ouch ha!” naglakad na ako papuntang kwarto pero bago pa ako makaliko, tinignan ko ulit si Winter.

               Napangiti ako, naalala ko yung worry ko nung bata ako. Kung sinong magluluto ng pagkain ko kung sakaling humiwalay ako kila Mommy.

               Medyo marunong naman na akong magluto kasi tinuruan din naman ako ni Winter simula nung senior high school pa lang kami. Napag-usapan kasi namin dati na sa Manila kami mag-aaral pagtungtong ng College at sinabi niya na mas okay raw siguro kung kukuha kami ng apartment or dorm since pareho kaming taga-Bulacan. Masyadong malayo kung magc-commute kami.

               Marunong naman talaga akong magluto kaso nga lang, minsan nalilimutan ko yung mga basics. Hindi ko na sasabihin yung mga nangyaring ‘yon pero may isang beses na nasunog ko yung apron ng Kuya ni Winter habang tinuturuan nila akong magprito ng bangus.

               Pumunta na ako sa kwarto para ituloy yung nahintong pagwawalis ni Winter.

               Natutuwa ako sa mga nangyayari lately. Kilig na kilig lang si Winter kay Karkar, may date raw sila this week. Akalain mo nga naman! Yung dating Winter na nakilala ko, hindi mo aakalaing makakakuha ng girls.

               Nung Grade 8 kami, ako yung transferee. Pero ako rin yung dahilan kung bakit kami naging close ni Winter. Hindi ba dapat kung sino yung mga old students normally sila yung kakausap sa mga transferee para hindi ma-op yung mga bago. Pero sa case namin ni Winter, ako yung unang dumaldal sa amin. Siya yung tinabihan ko nung first day kasi parang ang tahimik sa pwesto niya. Medyo nahihiya pa akong dumaan sa harap niya ‘non kasi mukha siyang masungit.

               Natapos yung first two subjects namin ng hindi pa rin niya ako kinakausap kaya pinangunahan ko na. Isang tanong at isang sagot yung concept naming dalawa. May itatanong ako, sasagot siya. May itatanong ako ulit, sasagot ulit siya. Mukha namang okay lang sa kanya na sumasama ako kahit saan siya magpunta. Sa canteen, sa next room, sa tusok-tusok tuwing uwian at sa kung saan pa.

               Sunod lang ako nang sunod kay Winter nung first week hanggang sa tinanong niya ako kung bakit daw ba ako sumasama sa kanya. Sinagot ko lang siya na mukha siyang mabait tsaka matalino. Natawa lang siya sa sagot ko tapos tinanong niya kung may balak daw ba akong mangopya sa kanya. Edi sinabi ko na hindi naman ako tatanggi sa biyaya.

               ‘Don kami naging close ni Winter. Nagulat pa nga ako ‘non nung nalaman kong old student pala siya. Wala lang daw siyang sinasamahan na grupo. Simula nung naging close kami ni Winter, dahan-dahan na siyang nakikipag-interact sa iba naming kaklase dahil sa akin. Sumasama rin kami minsan kung inaaya nila kaming mag-SM after class pero madalas, kami lang ni Winter yung magkasama.

              What if hindi ako kay Winter tumabi nung first day?

 

 

 

 

 

We were in the backseat

Drunk on something stronger than the drinks in the bar

"I rent a place on Cornelia Street"

I say casually in the car

We were a fresh page on the desk

Filling in the blanks as we go

As if the street lights pointed in an arrowhead

Leading us home

              

               Since that night, I can’t stop thinking about what happened.

               Sa amin ni Minju.

               I don’t know why I did that, I still don’t know why we did that.

               That…

               That. Incident. Sa. CR. Ng. Resort.

               Ang inisip ko na lang ‘non, pareho lang kaming nakainom at wala sa wisyo. Dumaan yung isang linggo na sobrang awkward ng grupo tuwing magkakasama kami. Dahil saan? Dahil sa amin ni Minju. Dahil sa kinikilos namin. Napag-usapan naman namin na kalimutan na lang yung nangyari at mukhang okay lang naman sa kanya.

               Pero hindi ko ma-gets kung bakit kami magkausap lagi…

              

And I hope I never lose you, hope it never ends

I'd never walk

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wintooogirl
Bilhan natin ng cheesecake si Winter.

Comments

You must be logged in to comment
Kannakobayashi09 #1
Author?
Kannakobayashi09 #2
Discontinued na ba to author?
fanficethusiast #3
Chapter 20: update po author 🥺
luna_ss
#4
Chapter 14: rupok-rupok ni Karkar. hahaha also, magandang idea yung ni Gigi. lagyan mo malaking watermark pag sesend mo kay Rina. haha kumikitang kabuhayan
Eybrelros #5
Chapter 3: Lumbay ang hotdog 😆
Eybrelros #6
Chapter 2: Twerk pa more😆
Eybrelros #7
Chapter 1: Mas nasaktan pa sa pagkalaglag ng cheesecake kesa sa pag kasipa hahahah ang kyut talaga
Eybrelros #8
Yessss mukkang magreread din ako dto dahil may ud . Tenkyu Tor welcome back☕
u_ujiman #9
HELLO?????
JiminJeongXXXXX
#10
Uyyyyyyy may ud, welcome back po