Second shot

Two Shots of Espresso
Please Subscribe to read the full chapter

Nakakarelax talaga ang amoy ng kape.

Bumabalik sa ala-ala ko yung mga umaga nung high school pa ako. Yung time na kumpleto pa kaming pamilya, yung time na buhay pa si Papa.

 

I can still remember yung exact moment na tuwing gigising ako, naaamoy ko agad yung brewed coffee na tinitimpla ng tatay ko. Pagbangon ko, nasa dining room na silang dalawa ni Mama, may mainit na pandesal sa mesa galing sa bakery malapit sa bahay namin at minsan may sopas o lugaw pa na luto ni Lola.

Yung sabay-sabay kaming kakain ng breakfast tapos casually akong tatanungin ni Papa tungkol sa pag-aaral ko habang nagbabasa siya ng newspaper o kaya naman habang nagsasagot siya ng crossword puzzle sa entertainment page ng dyaryo.

 

Pero natapos lahat yun sa isang iglap nang inatake siya sa puso nung 2nd year highschool ako.

 

Dun na nagsimulang gumuho yung buhay namin. Hindi kami handa sa biglaang pagkawala ni Papa. Na-witness ko kung gaano nasaktan yung nanay ko. Napakinggan ko yung halos gabi-gabi niyang pag-iyak. Kasama ako ni Mama nung halos sumuko na siya. Wala na sigurong mas sasakit pa sa nangyaring yun. Pero maswerte pa rin kami kasi nagkaroon pa kami ng lakas ng loob para bumangon at magpatuloy.

 

Siguro yun na rin yung isa sa naging reason kung bakit lalo akong nahulog kay Karina, siya yung nagcomfort sakin during that darkest phase of my life, hindi niya ako iniwan.

 

Pero heto kami ngayon, malayo na sa dati naming kinasanayan.

 

“Huy, Win. Okay ka lang? Bakit ka nakatulala diyan?”

 

“Ay sorry,” inabot ko sa kaniya yung Flat White na order ng customer.

 

“Tigilan mo yang kakaisip mo kah Karina, ‘di na babalik yun,” panre-realtalk niya sakin.

 

Kung ganun lang kadali, malamang ginawa ko na noon pa.

 

“Porket masaya ka na kay Giselle, ginaganyan-ganyan mo na ko,” sabi ko.

 

Natawa siya. “Di rin! Kahit single ako sasabihin ko pa rin yan sayo.”

 

“Ewan,” tipid kong sagot.

 

“Alam mo feeling ko ito na yung perfect time para mag-explore ka…”

 

Inakbayan niya ako.

 

“Tingnan mo yung coffee shop mo, Win. Napakalayo na sa almost 5 years ago. May lima ka nang barista, may guard nang nagbabantay sa entrance. Nasa Makati ka na…”

 

“Ano ba kasing point mo?” tanong ko.

 

“Ang point ko, successful na yung business mo, marami ka ng time para magloosen up, para mag-enjoy. Honestly hindi ko nga alam kung bakit barista pa rin tayo dito eh,” napakamot siya sa ulo.

 

Sabi ko naman sa kaniya noon pa may freedom naman siyang umalis anytime para unahin niya yung iba niyang trip sa buhay o kaya naman para magka-time na siyang asikasuhin yung plano naming pagtatayo ng isa pang branch sa Taguig.

 

“Ano namang gagawin ko bukod dito? Nasanay na ako sa routine ko everyday,” sagot ko.

 

“Beh, ang daming pwedeng gawin! Magtravel ka, lumabas-labas ka naman kasama yung ibang tao bukod sakin. Tigilan mo na yang paghihintay mo kay Karina.”

 

Hindi ko na halos naaabsorb pag sinasabi niya saking tantanan ko na si Karina.

Kahit na kinukwento niya sakin yung mga negative na sinasabi sa kaniya ni Giselle tungkol kay Karina, parang buo pa rin sa loob kong tuparin yung 3 years na napag-usapan naming dalawa.

 

“Try ko,” tipid kong sabi.

 

“Try try ka diyan. Gusto mo ba ipag-book na kita ng flight pa-Jeju?”

 

Napakarandom talaga ni Ning kahit kelan.

 

“Wag!”

 

“Bakit?! Kaya ko namang magmanage nitong shop ah!”

 

“Kahit na! Basta magta-travel ako soon, need ko lang muna planuhin.”

 

Inirapan niya ako.

 

“Baduy mo talaga,” sabay bato sakin ng tissue.

 

 

 

 

 

 

 

 

Dahil nag-hire na kami ni Ning ng lima pang Barista noong nakalipat kami sa Makati, medyo late na akong pumupunta sa coffee shop. Yung dating 6 AM na punta ko before para magbukas ng 8 AM, ngayon between 9 to 10 AM na lang ako pumupunta para tumulong sa mga staff ko.

Convenient na rin ang pagbyahe ko pa-Makati dahil may kotse na ako. Ilang months ko talagang pinagisipang kumuha ng kotse bago ako tuluyang na-convince ni Ning.

 

 

 

 

 

 

 

Habang nagpa-park sa hindi kalayuan sa shop, nakita ko yung nanay ni Karina na naglalakad sa kabilang side ng kalye.

 

Dali-dali akong lumabas ng kotse pagka-park ko.

 

Mabilis akong naglakad at tumawid para maabutan siya.

 

“Tita!” tawag ko.

 

Napalingon siya. Gulat na gulat siya nang makita niya ako.

 

“Winter? Iha?”

 

Nag-mano ako sa kaniya.

 

“Good morning po,” bati ko.

 

“Aba! Ang tagal nating ‘di nagkita! Palagi kitang tinatanong kay Karina kaso ang sabi niya sakin sobrang busy mo raw sa business mo.”

 

Ilang years na nakalusot si Karina sa reason na yun? Mukhang wala talagang idea si Tita sa status namin ng anak niya.

 

“Ah, eh… Opo, inilipat po kasi yung shop dito sa Makati,” paliwanag ko.

 

“Saan?” tanong niya.

 

Tinuro ko yung coffee shop ko.

 

“Sayo pala yan?! Nadadaan pa naman ako dito paminsan-minsan pag pinupuntahan ko yung Tito mo.”

 

Oo nga pala, dito rin sa Makati yung business ni Tito.

 

Nag-nod ako. “Opo,” nahihiyang pagconfirm ko.

 

Inaya ko si Tita na bumusita sa coffee shop kahit saglit.

Hindi naman niya ako tinanggihan.

 

 

 

Pagpasok namin sa shop, agad na bumati samin yung mga barista ko.

 

“Hello, bossing! Good morning po!”

 

Ilang beses ko na silang sinabihan na ‘wag na silang bumati ng ganun sakin, ang awkward kasi. Feeling ko talaga si Ning yung nagturo sa kanila na i-greet ako palagi ng may Bossing na kasama.

 

Umorder ako sa kanila ng house blend coffee namin. Syempre nagbayad din ako.

 

Manghang-manghang nagobserve si Tita sa interior ng coffee shop.

 

“Wow, iha, ang ganda naman dito. Ang aliwalas!” sabi niya habang pinipisil yung braso ko.

 

“Thank you po. Upo po tayo, Tita,” yaya ko.

 

Ipinatong niya yung hand bag niya sa isang vacant seat.

 

“Kumusta ka naman, iha?”

 

“Ay, okay lang po. Ayun nga po, masyadong occupied sa pagmamanage nitong business. Kayo po?”

 

“Ito, maayos naman sa awa ng Diyos.”

 

Dumating na yung inorder kong coffee para kay Tita.

 

May saglit na katahimikang bumalot sa pagitan namin.

Hindi ko rin alam kung ano yung pwede naming pag-usapan bukod kay Karina. Bigla akong na-mental block sa pagiisip ng iba pang bagay.

 

Panay iwas lang ako ng tingin habang unti-unting kinakabahan.

Madalas talaga walang nadudulot na mabuti ‘tong pagiging impulsive ko.

 

“Winter…” napatingin ako kay Tita. “…Pasensya na ha, pero gusto ko sanang itanong sayo at gusto ko sana sabihin mo yung totoo…”

 

Mukhang alam ko na yung itatanong niya.

 

“… wala na ba kayo ni Karina?”

 

Parang hinahalukay yung kalamnan ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tanong niya.

Pero wala sa isip kong magsinungaling. Siguro naman hindi magagalit si Karina kung sasabihin ko na yung totoo.

 

“Hindi— hindi naman po kami naghiwalay. Sa totoo lang po matagal na nung nagdecide kaming bigyan ng space ang isa’t isa. Sorry po kung hindi namin sinabi sa inyo.”

 

Napangiti si Tita pagkahigop niya ng kape. “Kahit hindi niyo naman sabihin nararamdaman ko naman bilang nanay… Matanong ko lang, ano bang rason?”

 

Sumandal ako sa seat ko at tumingin sa malayo.

 

“Hindi po kasi namin nahandle ng maayos yung relationship namin after graduation…”

 

Nararamdaman ko na naman yung parehong sakit na naramdaman ko dati.

 

“…Masyado ko yatang nasakal si Karina sa pagiging needy ko kaya po sinuggest ko na mag-grow at mag mature muna kami nang ‘di magkasama. Para rin makapag-explore siya at ma-enjoy niya yung life niya nang ‘di nag hoholdback because of me,” pag-explain ko kay Tita.

 

“Iha, naririnig mo ba yung sarili mo?”

 

Bumaling ulit ang tingin ko sa kaniya.

 

“Po?”

 

“Bukod sa sinisisi mo yung sarili mo, puro yung anak ko yung iniisip mo. Paano ka? Masaya ka ba sa desisyon mo?”

 

Para akong sinaksak sa sinabi ni Tita.

Na-realize ko na ako lang din pala yung gumawa ng ikakasakit ko.

 

Ang hirap. Lalo na't masyado nang naging komplikado yung mga nangyari.

 

“Si— si Karina lang po yung iniisip ko nung mga oras na yun lalo na alam ko sa sarili kong kaya ko namang magtiis para sa kaniya,” sincere kong sagot.

 

Hinawakan niya ang balikat ko.

 

“Naiintindihan at naaappreciate ko nang husto yung pagiging selfless mo para sa anak ko. Pero Winter, hindi ka na iba sakin kaya masakit din para sakin na malaman na nahihirapan ka pala…”

 

Mali yatang dito pa kami nag-usap ni Tita sa coffee shop. Pakiramdam ko iiyak na ako anytime soon.

 

“… Ayoko mang manghimasok sa relasyon niyo pero gusto ko sanang ayusin niyo kung ano man yung dapat na ayusin. Nararamdaman kong malungkot ka sa mga nangyayari ngayon.”

 

Napabuntong hininga ako.

 

“Susubukan ko po,” sagot ko.

 

Ngumiti siya sakin at pinat yung balikat ko.

 

 

Kahit papaano, gumaan yung pakiramdam ko after ko makausap si Tita. Akala ko magagalit siya pag nalaman niya yung nangyari samin ni Karina pero buti na lang naintindihan niya. Masaya rin akong nalaman kong suportado parin niya kaming dalawa ng anak niya kahit ilang years na ang lumipas na hindi ko sila nakausap.

 

 

 

After ko maihatid si Tita sa bahay nila, bumalik agad ako sa shop para ikwento kay Ning yung mga napag-usapan namin.

 

 

 

“Talaga? Hindi manlang inamin ni Karina yung naging situation niyo kay Tita?”

 

Kung maka-tita si Ning kala mo talaga na-meet na niya.

 

“Oo. Kala ko nga sinabihan na niya before pa kasi ilang years na rin yung lumipas,” sagot ko.

 

“Weird naman. Ganun pala ka-convincing yung ex mo noh?”

 

Hinampas ko siya. “Ex ka dyan?!”

 

“Ay! Soon to be ex pala,” sabay peace sign niya.

 

Napabuntong hininga na lang ako.

 

“Haha! Eh anong plano mo? Susundin mo ba yung mamita niya? Susubukan mo na naman bang amuhin?” tanong niya.

 

“‘Di ko nga alam eh. Hindi naman ako nagpromise ng kahit ano kay Tita, pero sure akong may expectations din siya sakin,” reply ko.

 

Nag-agree siya.

 

“For me beh, kausapin mo pag kaya mo na. 'Wag mong ipilit,” advice ni Ning.

 

 

 

 

 

 

 

At ayun na nga.

Pinalipas ko na naman ang mga oras na wala akong ginagawa hanggang sa lumipas na ang pasko at malapit nang magbagong taon.

 

 

 

 

 

 

 

Sobrang busy na naman sa coffee shop.

Halos hindi nababakante yung mga tables namin. Tuloy-tuloy lang yung pasok ng mga customers. Pag ganitong season parang dumodoble yung population dito sa Makati.

 

Ang masaklap pa dun, nag-half day si Ning ngayong araw dahil may date daw sila ni Giselle.

Dahil pang-umaga yung tatlo kong barista, meaning, ako at yung dalawa ko pang barista yung maiiwan sa closing, which is yung pinaka-nakakapagod na shift.

Hindi naman ako makatanggi kasi ilang beses na rin naman ako nag-ask sa kaniya ng favor before.

 

Ah, bahala na. Alam ko namang kakayanin namin ‘to.

 

 

 

Sunod-sunod na na orders ang dumadating samin.

 

Americano, Latte, Flat White, Iced Coffee, at Iba't-ibang klase ng Frappuccino.

 

Buti na lang sanay na sanay na ako kung paano ihahandle yung ganito karaming orders. Natuto akong magmulti-task kahit na yun yung number one weakness ko nung college.

Siguro sanayan lang din talaga. Parang naging muscle memory na rin kasi sakin yung bawat kilos ko, yung tipong kabisado ko na yung bawat pwesto ng equipments at yung measurement ng contents per cup of coffee.

Bilib nga ako sa mga barista ko kasi yung ilang years kong inispend para masanay sa process, nakuha agad nila within ilang months lang. Kaya sobrang naaappreciate at inaalagaan ko sila.

 

 

 

 

 

 

 

Malapit na mag 11 PM nang magsara kami ng shop.

 

Grabe yung pagod namin ngayon tapos panibagong araw na naman bukas.

 

Dinouble check ko yung pagkakalock ng shop bago ako maglakad papunta sa parking lot.

 

Kinuha ko yung phone ko para i-text si Mama na pauwi na ako pero tumambad sakin yung maraming chat ni Ning sa Messenger.

 

 

11 minutes ago.

 

 

Ning: Win!!!! San ka? Punta ka dito sa the beech sa tomas morato

Ning: Nandito si Karina wasted

Ning: Winnnteerr!!!

Ning: Behhh!!!!

 

You missed a call from Ning.

 

Ning: Sagutin mo behhh!!!!

Ning: Sunduin mo siya dito!!

 

 

Akala ko ba nasa Canada sila ngayong holidays? Hindi ba sila natuloy o hindi lang sumama si Karina?

At kailan pa siya natutong uminom ng sobra?

 

 

Me: otw na sorry kakasara ko lang ng shop. pakibantayan muna sya

 

 

Nagmadali akong sumakay sa kotse at nag-drive pa QC.

 

 

 

 

 

“Anong nangyari?” tanong ko kay Giselle at Ning.

 

Agad kong inalalayan si Karina.

Pinipilit niyang idilat yung mata niya pero halatang hindi na niya kaya.

 

“Hindi ko rin alam kasi halos kakarating lang namin dito nung makita namin siya kasama nung ibang katrabaho nila ni Giselle. Eh mukang di mapagkakatiwalaan yung mga bugok na yun kaya kinuha na lang namin siya,” paliwanag ni Ning.

 

Napailing ako.

Paano kung wala sila Ning? Sino magaalaga sayo? Paano ka makakauwi nang ganito yung sitwasyon mo?

 

“Sige sige, salamat ha? Buti dumating kayo.”

 

“No worries, Win. Drive her home na, bukas ko na yan sesermunan pag sober na,” sagot ni Giselle.

 

Tinulungan nila akong akayin si Karina sa passenger seat.

 

Sana lang talaga huwag siyang magsuka sa kotse.

 

Nagpasalamat ulit ako sa dalawa bago ako pumasok sa driver’s seat.

 

 

 

Inayos ko nang mabuti yung seatbelt niya at bahagyang ni-lean backwards yung seat niya.

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko bago ko pa man mahawakan yung handbreak.

 

Napatingin ako sa kaniya.

 

Akala ko may sasabihin siya pero nanatili lang siyang nakapikit at tahimik. Agad rin niyang binitawan yung kamay ko.

 

Hinawi ko yung buhok niyang nakaharang sa mukha niya at tsaka isiningit sa tenga niya.

 

“Na-miss kita,” bulong ko.

 

Mukhang nakatulog na talaga siya nang tuluyan.

 

Kahit papaano masaya akong nakita ulit kita, by.

Napabuntong hininga ako.

 

Inistart ko na ang engine ng kotse at nagsimula nang magdrive papunta sa bahay nila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakalock yung pinto ng bahay nila pagkarating namin kaya hinalungkat ko pa sa bag niya yung susi.

Nang mabuksan ko na, inalalayan ko siya hanggang makapasok kami sa kwarto niya.

 

Kumuha ako ng towel at tsaka ko binasa gamit ang maligamgam na tubig.

 

Hinubad ko yung suot niyang damit at pants.

 

Dahan-dahan kong pinunasan yung katawan niya para guminhawa kahit papaano yung pakiramdam niya.

 

Hindi naman na bago sakin ang katawan ni Karina kaya for sure hindi naman siya magagalit sakin kung malaman niya ‘tong ginagawa ko ngayon.

 

After ko siyang punasan, kumuha ako ng pajama sa closet niya at isinuot sa kaniya.

 

Nilakasan ko ng kaunti yung aircon tapos kinumutan ko siya para mas kumportable ang pagtulog niya.

 

 

Pagkatapos ko siyang asikasuhin, pinulot ko na yung hinubad niyang damit at yung towel na nasa sahig para ilagay sa laundry basket.

Niligpit ko na rin yung ibang kalat sa kwarto niya.

 

 

Napansin kong wala na yung mga naka-frame na pictures naming dalawa, yung mga pictures na sobra niyang tinetreasure. Napahawak ako sa batok ko at sinubukang kumalma.

Pinilit ko na lang iignore yung mga unwanted thoughts na pumapasok sa isip ko.

 

 

“Uhmm…” narinig kong sabi niya.

 

Napatingin ako sa kaniya habang hawak-hawak yung mga pinulot kong gamit.

Nakapikit pa rin siya.

 

“Okay ka lang?” mahina kong tanong.

 

“Ryujin?” hindi malinaw niyang sabi.

 

Tama ba ako ng pagkakarinig?

 

“By?” tawag ko sa kaniya.

 

“Ryujin?” kalmadong pag-ulit niya.

 

Napalunok ako. Bakit naman siya yung hinahanap mo?

 

“Where's Ryu— Ryujin?”

 

Itinataas pa niya yung kamay niya habang nakakunot yung noo niya.

 

Ipinatong ko muna sa nightstand yung hawak kong gamit.

 

“By, nandito ako,” sagot ko.

 

Napangiti siya.

 

“Hi— hindi. Nandito— si Ryujin?”

 

Ito na naman yung sakit na naramdaman ko before.

Alam mo yung sakit na pilit mong iniiwasan pero pilit ka pa ring binabalikan?

 

Hinawakan ko yung kamay niya pagkaupo ko sa kama.

 

“Wala si Ryujin, pero nandito ako, baby,” masakit sa lalamunan at desperado kong sabi.

 

Pinilit niyang idilat yung mata niya.

 

Hindi ko alam kung nasa wisyo ba siya o ano pero tinanggal niya agad yung pagkakahawak sa kamay ko.

 

“Win, si Ryujin… I need—need her… I need her so bad,” sabay talikod niya sakin. Hindi ko na nasundan yung iba pa niyang binubulong.

 

Sobra akong nanghina sa sinabi niya.

 

Umupo ako sa sahig at sumandal sa gilid ng kama. Nakatitig na naman ako sa kawalan.

 

Mas triple na yung sakit na nararamdaman ko.

 

Hindi ko na alam kung saan ko huhugutin yung pag-intindi na pwede kong maibigay ngayon. Parang sa kahit anong sulok ng utak ko wala na akong mahanap.

 

Lolokohin ko na naman ba yung sarili kong lasing ka lang kaya ka ganiyan?

 

Pwede bang ako na lang yung hanapin mo?

Pwede bang ako na lang ulit?

 

Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko.

Tahimik akong humihikbi habang kumportable ka nang natutulog.

 

Isa lang nasa isip ko ngayon, wala na talaga.

 

Pinili kong hindi makinig sa sinasabi nila kasi akala ko may pag-asa pa tayo.

 

Ngayon nagsisisi na ako sa desisyon kong magbigay ng space para sating dalawa. Akala ko kasi yun yung way para maayos yung relasyon natin pero mas napasama lang yung sitwasyon.

 

In almost four years, wala akong ginawa kundi umasang babalik ka, pero habang tumatagal mas lumalabo lang pala yung chance na yun, hanggang sa tuluyan na talagang naglaho.

 

Para akong unti-unting pinapatay sa sakit. Nasayang lang ang lahat.

Akala ko magiging worth it yung paghihintay ko.

 

Nasan na yung pangako mong ako lang palagi? Na ako pa rin? Hindi na ba talaga tayo para sa isa’t isa?

 

Sobrang sakit, by.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Enjoy! Gawin mong Sagada yung Jeju! Sumigaw ka don ng ‘Pakshet ka Karina!’” gusto kong busalan yung bibig ni Ning. Ang lakas ng boses niya!

 

Niyakap ko siya kasama si Mama at Lola.

 

“Magmessage ka anak pagkarating mo roon ha? ‘Wag makikipag-usap kung kanino. Update mo kami lagi,” panglimang beses na yata yun sinabi ni Mama.

 

“Opo, Mama. 1 month lang naman po ako dun, mabilis lang yun,” sabi ko.

 

Tinodo na ni Ning yung bakasyon ko. Siya ang literal na nagasikaso ng lahat after niyang malaman yung nangyari nung gabing nalasing si Karina.

From booking ng ticket, hanggang sa sa pagi-stayan ko, sa itinerary kong alam naman naming dalawang hindi ko masusunod, sa budget ko per day, basta lahat!

Swerte ko talaga kay Ning!

 

Ipinaliwanag ko na rin kay Mama at Lola yung nangyari samin ni Karina para totally aware na sila sa situation namin.

 

Kaya ayan, a day after ng birthday ko, palipad na ko papunta sa Jeju para magpahinga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halos sipunin na ako sa lamig dahil winter ang season ngayon dito pero hindi siya kasing lala tulad ng inaasahan ko.

Marami pa rin namang activities kahit na tag-lamig kaya for sure masusulit ko pa rin ‘tong bakasyon kong inasikaso ni Ning.

 

 

 

Spacious yung ni-rent ni Ning na place para sakin, masyadong malaki para sa isang tao.

 

Pagkatanggal ko ng makapal kong coat, humiga agad ako sa kama.

 

Ilang minuto lang akong nakatingin sa ceiling.

 

Hay. Ito na yun. Sisimulan ko nang magmove on kahit alam kong mahirap.

 

 

 

 

 

 

 

 

Marami naman akong oras kaya hindi ko pinwersa yung sarili kong sundin yung mga sinuggest ni Ning na pwedeng kong gawin dito.

Sinulit ko lang yung time ko sa pagappreciate ng sceneries dito sa Jeju dahil kahit winter, sobrang ganda pa rin ng lugar na ‘to.

 

Isa sa pinakangustuhan ko ditong lugar yung Seopjikoji at Hamdeok beach.

Sobrang relaxing makinig ng bawat hampas ng alon ng dagat habang nakatanaw lang sa malayo.

 

May benefit din pala ang pagbisita ko ngayong season dahil kakaunti ang tourist kaya eto, halos masolo ko yung magandang view.

 

Pakiramdam ko nadagdagan ng two decades yung life span ko dahil sa maaliwalas na atmosphere at fresh ng hangin dito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagbalik ko sa Manila, diretso trabaho agad ako kinabukasan kahit medyo pagod pa ako dahil sa nonstop ang chikahan namin ni Ning mula pagkasundo niya sakin sa Airport hanggang sa pag-uwi namin sa bahay.

Akala mo hindi ko siya kausap araw-araw nung nasa Jeju pa ako.

 

Na-miss ko magwork!

 

Parang nakapagrecharge talaga ako dahil sa bakasyon ko. Mas umokay na rin ang mood ko at mas positive na rin akong mag-isip compare sa dati.

Pinromise ko na magfocus na muna sa sarili ko at hindi ko na pipiliting makisawsaw sa mga bagay na hindi ko naman kontrolado.

 

 

“Good morning bossing! Welcome back po!”

 

Maluwang ang ngiti sakin ni Yuna, yung isa naming barista.

 

"Good morning rin!” masigla kong bati.

 

“Iba talaga hangin sa Jeju, mas nag-glow ka bossing!” pambobola niya.

 

“Haha! Loko. Kumusta naman? Okay naman yung treatment sa inyo ni Ning?” tanong ko.

 

Nagtinginan si Chaeryeong at Yuna.

 

“Opo! Okay na okay kasi palaging siyang may pa-freebie,” sagot ni Yuna.

 

Napakamot ako sa ulo ko.

 

Sana naman hindi panunuhol yung ginawa ni Ning sa mga batang ‘to.

 

Ako na muna ang humawak ng cashier, hinayaan ko na yung dalawa na ang magprepare ng mga orders para mas masanay sila.

 

Pumasok na yung una naming customer. Ngumiti siya sa dalawa kong kasama. Mukhang kakilala nila ‘to.

 

Dumiretso siya sa counter.

 

“Good morning!” masigla kong bati.

 

Maluwang ang ngiti niya sakin.

 

“Hello, good morning,” reply niya.

 

Nagtitigan lang kaming dalawa. Naghihintay akong sabihin niya yung gusto niyang bilhin.

 

“Your order please?” tanong ko.

 

“Ah! Right, sorry. Nasanay na kasi akong alam nila yung order ko…”

 

“Siya yung bagong regular customer natin, boss,” mabilis na bulong ni Chae.

 

Ahh kaya pala. Kala ko kaibigan nilang dalawa.

 

“… anyway. Two shots of espresso with three parts of steamed milk and two pumps of white mocha, on ice,” pagrecite niya.

 

“Got it! Your name, please?” tumingin ako ulit sa kaniya habang hawak-hawak ko yung cup at marker.

 

“Yeji,” sagot niya.

 

Isinulat ko sa cup yung order at pangalan niya at tsaka ko iniabot kay Yuna.

 

“Anything else?” tanong ko.

 

“That's it,” nakangiti niyang sabi.

 

Iniabot niya sakin yung card niya bago ko pa man sabihin yung presyo.

Obvious na alam na rin niya yung price.

 

Ini-tap ko na sa POS terminal yung card niya. Pagkalabas ng receipt, iniabot ko agad sa kaniya kasabay ng card niya.

 

“Thank you!” sabi ko.

 

“New here?” tanong niya habang inilalagay sa bulsa niya yung resibo.

 

Napabungisngis yung dalawa kong kasama.

 

“Ah, no po. Nakabakasyon lang po ako last month kaya ngayon mo lang ako nakita,” sagot ko.

 

“Bossing namin yan, Yeji! Siya may-ari nitong shop!” biglang pagsabat ni Yuna.

 

Gulat na gulat siya.

 

“Ha— What? Really?!”

 

Nahiya naman ako bigla. “Ah… O—oo,” naka-grin ko pang sagot.

 

“I'm sorry! Di ko lang ineexpect na magwowork as staff yung may ari ng ganito kagandang coffee shop,” napahawak siya sa batok niya.

 

“Hala, okay lang po! ‘Wag ka mag-sorry!” sabi ko.

 

“Haha! Pero sorry talaga! And please don't use ‘po’ sakin!”

 

“Okay! ‘Wag ka na rin magsorry para kwits na!” sagot ko.

 

“Okay sige, deal!”

 

Natatawa na lang si Chaeryeong at Yuna samin.

 

Pumunta siya sa claiming area nang nagsipasukan na yung iba pang customers.

 

Hindi rin nagtagal nang i-abot ni Chae yung order niyang coffee.

 

Pagkakuha niya ng kape niya, pumwesto siya sa corner ng shop.

 

Inilabas niya sa bag niya yung laptop at Airpods niya.

Nagtatrabaho na ba siya o nag-aaral pa? Iniisip ko baka nagte-take siya ng Master’s Degree or Law or something kaya marami siyang time tumambay dito tuwing umaga.

 

 

 

Nabaling ang atensyon ko sa entrance nang dumating si Ning.

 

“OMG! Win!” tawag niya.

 

Kinawayan ko lang siya saglit dahil busy pa ako kumausap ng customer.

Himala, ang aga niya ngayon ah. 9 AM pa lang.

 

“Hi, Yeji!” bati niya.

 

Halos lahat napatingin kay Ning, ang lakas ba naman kasi ng boses eh.

Nginitian naman siya ni Yeji at tsaka tumango.

 

Dumiretso na siya papunta samin habang isinusuot niya yung apron at nameplate niya.

 

“Bakit ang aga mo?” tanong ko.

 

Siniko niya ako. “Yan talaga entrada mo sakin beh? Hindi ka manlang masayang nakita ako!” reklamo niya.

 

“Haha! Sorry naman! Parang ‘di ko na kasi maalala yung last time na maaga kang pumasok,” pagrereason ko.

 

Sinimangutan niya ako.

 

“Ako na diyan sa counter, ayokong maging busser today.”

 

Kahit kailan talaga ‘tong si Ning eh.

Simula pa lang parang mas boss talaga siya kung mag-demand siya.

 

“Okay, okay,” tinapos ko munang kunin yung order nung isang customer bago ako umalis sa counter.

 

 

 

Hindi naman ganun ka-busy maging busser dito sa shop, karamihan kasi ng mga customers alam yung term na CLAYGO. May mangilan-ngilan lang talagang nakakalimot o hindi alam at all at meron ding mga customers na hindi marunong magpunas ng mesa kaya yun lang ang nakakadagdag sa trabaho as busser.

 

Pinuntahan ko yung condiment pods para i-check kung maayos ba yung pagkakalagay ng plastic sa basurahan.

 

Kinuha ko rin yung mga tray na nakapatong dito at pinunasan bago ibalik kila Yuna.

 

Napansin kong naglalakad papunta sakin si Yeji dala yung cup niya.

 

“Tatapon mo na?” tanong ko.

 

Ini-extend ko yung arms ko para kunin sa kaniya yung cup.

 

Hindi naman siya naghesitate i-abot sakin.

 

“Thank you,” sabi niya pagkahulog ko nung cup sa basurahan.

 

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa pag-refill ng mga sachet ng sugar at creamer sa container.

 

Napansin kong hindi pa rin siya umaalis sa pagkakatayo niya.

 

Nilingon ko ulit siya. “Uhhh? May need ka pa?” tanong ko.

 

Agad siyang umiwas ng tingin. “Ah, wala, wala,” dali-dali siyang naglakad pabalik sa pwesto niya.

 

Para siyang batang kinakabahan.

Nahihiya pa yata siya dahil sa nangyari kanina.

 

 

 

 

 

 

 

 

Legit ngang regular customer si Yeji. Walang palyang pumupunta siya dito kada umaga.

 

Dahil siya ang madalas na unang customer dito sa shop, madalas din kaming nagkakaroon ng small talk pag pumapasok ako ng maaga.

Hindi naman siya mahirap i-approach o kausapin kaya parang naging magkaibigan din kami instantly.

Nalaman kong hindi siya student, nagwowork siya as freelance 3D artist kaya pala hawak rin niya yung oras niya.

Kakalipat niya lang sa Makati this year at malapit lang din yung nire-rent niyang condo dito kaya very accessible lang sa kaniya itong coffee shop.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“What’s your inspiration sa interior nitong coffee shop mo?” tanong niya.

 

“Yung Kurasu. Alam mo ba yun? Meron silang branch sa Singapore at Japan.”

 

“Hmmm… I think I’ve been there before, pero hindi ko lang maalala kung yun nga ba yung name ng place. Pero malaki ang chance since madalas akong naghahanap ng maayos na coffee shop whenever I travel abroad. Kaya pala parang familiar yung vibes dito,” sagot niya sakin.

 

“Possible, known din kasi yung coffee shop na yun... Actually, maliit lang talaga ‘tong shop dati…”

 

Inilabas ko yung phone ko at ipinakita sa kaniya yung itsura ng Coffee Works nung soft opening namin almost 5 years ago at yung time na hinire ko si Ning.

 

“…tapos nung nagka-budget na, lumipat kami dito sa Makati para sa mas okay at mas malaking space,” pagkwento ko.

 

Obvious yung pagka-amaze niya sa base sa reaction niya.

 

“Wow! It means Ning’s with you na from the very start.”

 

Ang tindi ng pandinig ni Ning, narinig niya pa yung pangalan niya kahit nasa counter siya.

 

“Anong pinagchi-chikahan niyo diyan?” tanong niya.

 

Napasandal si Yeji habang bumubungisngis. “Pinakita lang sakin ni Winter yung pictures niyo before. Baby face pa kayo dito,” sabi niya kay Ning.

 

“Hoy! Until now naman baby face pa rin kami ni Winter!”

 

Pati ako natawa kay Ning.

Buti na lang konti pa lang yung customers namin ngayong umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ilang months ang lumipas, mas madalas na kaming nagkakausap ni Yeji. Masaya ako at nagkaron pa ako ng isa pang kaibigan. Pero mas masaya si Ning, hindi na raw kasi siya ang palagi kong kukulitin at aabalahin.

Minsan talaga napapaisip ako na baka napipilitan lang si Ning na kaibiganin ako eh. Haha! Biro lang!

Hmmm. Sana naman hindi!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Win, niregister ko kayo ni Yeji sa wheel throwing crash course this Saturday ah. Basta about yun sa pottery. Ako na bahala dito sa shop,” ngiting-ngiting sabi ni Ning.

 

Napatigil ako sa pagpupunas ko ng espresso machine.

 

“Ha?”

 

“Nabwisit kasi ako kay Giselle eh, bigla siyang may important na lakad sa Sabado. Hanep na yan,” sagot niya sakin.

 

“Edi ipa-move mo na lang! Bakit mo pa kami dinamay ni Yeji?”

 

Sinamaan niya ako ng tingin. “Beh, kung pwede ko ipa-move ginawa ko na. Ang mahal kaya non! Kaya pinalipat ko na lang sa names niyo kesa masayang!”

 

“Wala man lang kamalay-malay si Yeji sa plano mo, mahiya ka dun sa tao.”

 

“Shungaks! Minessage ko na siya k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
bae_dantes #1
Chapter 3: grabe ang hagulgol ko ngayon ah, it was amazing story thanks otor ^_^ yeji ako nalang nandito ako hihi
kmjaureader
#2
Chapter 3: Ang ganda nung kwento pero bakit parang di ata deserve ni rina na binalikan sya ni Win? Magkaka pov po ba ni rina? Para kasing borderline cheating yung mga paglabas nila ni rj nung sila pa ni win eh
fifth_
#3
Chapter 3: yeji ako na lang
Etoile__
369 streak #4
Chapter 3: dang still one of the best fics i've read thank you soo much for this
jiCHUyaa
#5
Chapter 3: Otor bigyan mo dn si yeji ng jowa for life 🥺🥺🥺
kang_ddeul
#6
Chapter 3: awww, bebe yej 😭 grabe sobrang kahabambuhay material dito ni yeji 🥺
TYTFshipper
276 streak #7
Chapter 3: otor?? di ko alam kung saang lupalop ako naroon nung pinublish mo tong last chap na to huhu sorry na pooo 🥹 pero masakit pa din ang puso ko para kay yeji haystststst salamat dito otor! (kahit gusto ko sabunutan si rina like paisa lang pls charot HAHAHAHA)
yujiwinteo
75 streak #8
Chapter 1: Grabe naman ang jiritz ko! Iba talaga nagagawa ng kabadingan sa tao 😩
wnddmks_ 682 streak #9
Chapter 3: Sumakit puso ko para kay Yeji.