Part 8

Tittle-Tattle
Please Subscribe to read the full chapter

win [12:03 p.m.]: kain ka na ah

 

“Hello. Earth to Karina? Earth to Karina?” Winawagayway ni Ning ‘yung kamay niya sa harap ko.

 

Medyo nawala nga ako sa usapan namin as soon as naka-receive ako ng text galing kay Winter. Hindi ko na narinig ‘yung mga huling part ng sinasabi ni Ning.

 

“Let me guess,” umarteng nag-iisip nang malalim si Giselle. “Winter ulit ‘no?”

 

“Isang tao lang naman talaga nagpapangiti nang ganyan sa kaibigan natin,” nakisali na rin si Yeji sa dalawa.

 

Hindi ako makaimik sa kanila dahil… totoo naman. Si Winter naman talaga ‘yung ka-text kong nagpapangiti sakin ngayon.

 

“Clingy naman ng bebe mo. Mamaya na kamo bebe time,” sabi ni Ning na may kasamang sarcastic na pag-irap.

 

“Hindi ko nga siya bebe,” madiin kong pag-deny.

 

Hindi naman talaga. Hindi pa, at least. Hindi pa. 

 

Oo, may pa talaga dahil feeling ko may chance naman na magkatotoo.

 

Hindi naman siguro ako basta assumera lang. 

 

Pagkatapos kasi ng intrams, may nagbago talaga samin.

 

Mabuting type ng pagbabago. Siguro mga 70% sure ako ngayon na may something sa pagitan namin. Hindi 100% dahil hindi naman namin siya napag-usapan upfront. Hindi ko pa rin naman sinasabi sa kanya na totoong may crush na ako sa kanya, at wala rin naman siyang sinasabi sakin.

 

Based lang naman ‘yung assumption ko sa interactions namin these past few weeks, at sa mga nangyari nung mismong week ng intrams.

 

Present siya sa lahat ng games ko nung intrams. Okay, nandun lang siya para i-fulfill ‘yung SC duties niya. I know, pero ‘yung attentiveness niya sakin napansin ko ‘yun. Pati ng mga kaibigan ko.

 

Lagi niya akong binibigyan ng encouraging smile tuwing napapatingin ako sa direksyon niya that week, at isa sa major kilig moments ko nun ‘yung pinunasan niya pawis ko.

 

Hindi niya naman siguro gagawin ‘yun kung wala siyang kahit maliit na something para sakin, diba?

 

At baliw na yata ako dahil tinapik-tapik niya lang naman ako sa likod after namin maipanalo ‘yung huling game, pero parang tumambling tambling ‘yung puso ko. Tapos parang di pa ako quota that day, talagang nilibre niya pa ako sa McDo nung uwian.

 

Nung nanalo rin ‘yung team namin sa field demo, naging instinct ko na lang na yakapin si Winter. Nagkaroon tuloy kami ng moment, pero naudlot agad dahil kay Ryujin. Naging group hug na. Nakakainis lang. Pero at least may moment pa rin. Kahit na ilang segundo lang ‘yung tinagal.

 

Last day ng intrams siguro 'yung pinakamemorable. First time namin magkapicture na hindi stolen shot, at ang nakakatawa pa dun, isa pa si ma’am Taeyeon sa mga nag-take.

 

Doon nagmula ‘yung assumption ko na may something. May laman kasi ‘yung mga ngiti at pang-aasar sa kanya ng mga kaibigan niya that time. Hindi na ‘yung usual na inaasar lang kami para lang pag-tripan. Hindi ako nagmamaganda lang dito kasi iba talaga ‘yung vibe nun.

 

At syempre ‘yung pinakamalaking giveaway o hint pa para sakin ay ‘yung pag-uusap namin nung pauwi kami pagkatapos ng intrams.


 

“Congrats MVP na Ms. Intrams,” pagbasag ni Winter ng awkwardness.

 

Naging routine ko na nitong busy intrams week na hintayin si Winter matapos sa council duties niya para sabay pa rin kaming uuwi. Hindi ko naman na-break ‘yung streak kahit na medyo kakaiba ang mga pangyayari ngayong araw.

 

Nahalata ko nga agad kanina na nagulat si Winter na nakaupo pa rin ako sa bench malapit sa gate. After siguro ng slightly nakakahiyang moment kanina, inexpect niyang magkaka-ilangan kami.

 

Mama ba naman niya mismo ‘yung manguna sa pang-aasar saming dalawa eh.

 

Nung nakalapit na siya sakin, nag-ngitian lang kaming dalawa. Walang nag-dare na mauna magsalita. Hindi ko rin alam kung anong unang sasabihin eh.

 

Okay lang naman sakin na tahimik lang kami. Gusto ko lang naman talaga siyang makasabay umuwi.

 

Oo na, maharot na. Ano pa bang magagawa ko? Eh sabi nga ng isang singer-philosopher: Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Charot.

 

“Thank you,” sagot ko. “Congrats din. Nairaos mo na ‘tong week na ‘to.”

 

“Oo nga eh. Finally, makakapagsabay na ulit tayo papasok.” Na-realize bigla ni Winter ‘yung sinabi niya at dali-dali siyang nag-explain. “I mean a-ano, di ko na kailangan gumising nang mas maaga. Normal schedule na ulit. Ganun ba. I mean ganun.”

 

Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Alam ko namang gusto mo lang rin akong kasabay. Charot.

 

“Ano pala. May tanong lang ako.” Tinignan ko siya at tinanguan para sabihin na go lang. Itanong niya lang. “Ano, close ba kayo ni Renjun?”

 

So hindi ko guni-guni lang ‘yung masamang tingin ni Winter sa stage kanina after ng pageant. Kaya pala straight face lang siya kanina, at panay kunot ang noo. Selosa naman pala ‘tong si crushie.

 

“Medyo,” I decided to . Payback time na sa lahat ng pang-aasar mo sakin na ang lakas magpakilig. Bwisit. “Bakit? Nagseselos ka ba?”

 

Hindi ko na napigilan ‘yung tawa ko sa reaction niya.

 

“Hindi ‘no. Baliw. Hindi ah. Bakit naman ako magseselos?” Nag-choke pa siya sa bandang dulo ng sentence niya.

 

“Oh eh bakit parang iiyak ka na?” Tinulak niya ako habang tinatawanan ko siya.

 

Napapadalas na nga yata ‘yung pagsasama namin ni Winter dahil napupulot ko na ‘yung pagiging mapang-asar niya.

 

“Biro lang naman. Masyado ka namang seryoso. Hirap mong biruin,” panggagaya ko sa lagi niyang sinasabi sakin.

 

“Pwede ka na rin maging joker pero onting originality naman dyan. Gaya-gaya ka ng line eh,” naka-retort na si Winter sakin ngayon, pero kita kong namumula pa rin siya.

 

Pareho na lang kaming naglalakad nang nakangiti ngayon.

 

“Pero tinanong ko lang naman kasi curious lang ako. Parang masyado lang kayong close. Ganun lang naman. Hindi ko lang inexpect.”

 

Nagpahabol pa talaga ng explanation. Kung crush man talaga ako ni Winter, ang obvious niya talaga.

 

“Sa presinto ka na lang magpaliwanag,” matawa-tawa kong sagot.


 

 

“Dinadamay ka na nga ni ma’am Taeyeon sa pabaon niya minsan kay Winter, tapos hindi pa rin kayo? Kailan ba ma-uupgrade ang concerned citizens na status ninyo?”

 

Ah, yes. Basta after intrams nag-level up slight siguro ‘yung interactions namin. Pareho kaming tumapang? Parang ganun.

 

At oo, pinapabigyan ako ni ma’am Taeyeon minsan ng mga food na pineprepare niya for Winter. Nag-start siya after ng intrams week.


 

 

“Uh good morning,” nahihiyang bati sakin ni Winter paglabas ko ng gate. “Good morning po, tita.”

 

“Good morning, Winter,” banat na banat ang labi ni mama sa ngiti niya ngayon. Iintrigahin na naman ako nito mamaya. “Ano namang naiwan ni Karina sayo ngayon at napadaan ka?”

 

Puso ko, ma. Charot.

 

Hindi ko rin alam anong pakay ni Winter at may pasundo effect na naman siya ngayon. Takang-taka pa naman ako kanina dahil ang late niya magsabi sakin this morning na umalis na ako. Akala ko na-late siya ng gising kasi inabot na rin kami nang anong oras kagabi na magka-text.

 

“Uh, wala naman po, tita.” Rinig ko ‘yung kaba sa boses ni Winter.

 

“Ahhh,” tumango-tango lang si mama, pero ‘yung tango na parang may meaning. Na para bang aware siya na may namumuong something. “Love team pa rin ba kayo ni Rina?”

 

“Ma!” I whined, at lalo ring nahiya si Winter. Pa-shy type siya ngayon eh siya naman nagsabi niyan kay mama dati.

 

Tinawanan naman kami ng nanay ko.

 

“Sige na. Pumasok na kayo. Ingat ha,” nag-beso sakin si mama at binulungan niya ako. “Kaya pala ang dalas mo nakangiti sa phone mo ah.”

 

Hindi ako sumagot dahil wala ng silbi ‘yun. Tsaka partly true naman ‘yung sinabi ng nanay ko. Bahala na.

 

Nagpaalam lang din si Winter kay mama bago kami naglakad paalis. Inabot naman sakin ni Winter ‘yung paper bag na hawak niya.

 

“‘Yung jersey mo ‘yan,” sabi niya pagkakuha ko. “Sorry ngayon ko lang nabalik.”

 

Actually, mas gusto kong itago niya na lang ‘to, at hindi ko rin alam anong pumasok sa isip ko at binalik ko ‘yung paper bag sa kanya.

 

“Sayo na lang ‘yan,” sinubukan ko ang best ko para itago ‘yung kaba at hiya na nararamdaman ko ngayon.

 

“Uh eh damit mo ‘to.”

 

“Okay lang. Bigay ko na sayo.” Tanggapin mo na lang, at please, sana makuha mo naman ‘yung hint na crush kita.

 

“O-okay.” Napahawak si Winter sa batok niya bago niya hugutin ‘yung nasa loob ng paper bag. “Ito na lang kuhanin mo.”

 

Isang box na may lamang apat na cupcakes.

 

“Thank you lang ‘yan. Sa pagpapahiram ng damit. Or pagbibigay na pala. Si mama nag-bake nyan,” pag-ramble niya.

 

“Thank you.” Pareho kaming iniiwasan na tignan ‘yung isa’t isa ngayon. “Pasabi din kay ma’am Taeyeon na thank you.”

 

Tanaw ko naman sa gilid ng mata ko na tumatango si Winter na nakatingin sa sahig habang naglalakad.


 

 

That’s when it started. Yes, umi-English.

 

Pagkatapos nun, inaraw-araw na ni Winter na sa tapat ng mismong bahay namin ako sunduin. Minsan binibigyan niya ako ng cupcakes, minsan brownies, minsan sandwich, at lahat daw ‘yun gawa ni ma’am Taeyeon. Baon ni Winter, at pinapaabutan na rin ako.

 

Dahil nga uma-umaga na akong sinusundo ni Winter samin, iniinvite na rin siya ng nanay ko mag-breakfast samin minsan.

 

Tama si Ning. Okay na sa mama ni Winter, okay na sa mama ko. Saming dalawa na lang talaga nakasalalay ‘to.

 

“Wala ka bang balak mag-confess?” Tanong sakin ni Giselle.

 

Good question.

 

Bakit ako mauuna? Ma-pride ako. Charot, pero medyo totoo.

 

“Hindi ko alam?” I answered hesitantly.

 

“Rina, wala ka namang dapat ikatakot. Obvious namang MU kayo. Kailangan niyo na lang ng verbal confirmation.” 

 

May point si Yeji, pero meron pa rin kasing chance na sadyang mabait lang si Winter o malay ko ba. Laging nandyan ‘yung possibility na ma-reject.

 

rina [12:06 p.m.]: ikaw rin ah. wag mag-skip kahit busy ka

 

Inuna ko na lang muna mag-reply kay Winter bago bumalik sa usapan naming magkakaibigan.

 

“Ako na ba dapat maunang umamin?” Pag-konsulta ko sa mga kaibigan ko.

 

“Wala kasing mangyayari sa inyo kung walang mauuna,” sagot ni Ning.

 

“Eh bakit ako ‘yung mauuna?”

 

“Bakit naman hindi?”

 

“Bahala ka. Wag kang umiyak samin pag may ibang nakasungkit kay Winter ha.”

 

Sino pa namang ibang makakasungkit kay Winter? Eh hindi naman sa pagyayabang pero maliban sa SC at acads, ako lang naman yata pinagkakaabalahan niya. Charot. At kalat na nga dito sa school na ma’am Taeyeon approved na ako eh.

 

win [12:07 p.m.]: sent a photo

win [12:07 p.m.]: kumakain na ko habang nag-aasikaso dito

win [12:08 p.m.]: sorry ulit ah busy na naman ako di tuloy kita masabayan ng pasok at uwi this week

 

“See? Para n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yjmnyz
Sorry. Wala pang update huhu. Napindot lang ng jowa ko at natanggal niya sa draft status nung binabasa niya yung last chapter SORRYYYY DI SADYA MGA BEH 😭

Comments

You must be logged in to comment
kimmynjeongg
#1
GRABE ISANG TAON NA TO????????????????????????????? I MISS U OTOR THANK UR TIME <3 :*
mindeongie #2
Chapter 10: Chapter 10: miss u otor. It's been a year 😔
Wemon_ #3
Chapter 10: ang cute cute nila kainis huhuhu
Wemon_ #4
Chapter 7: supportive ng mama at friends
Wemon_ #5
Chapter 6: ang cuteeee potek kinikilig ako
M_1412 #6
Chapter 10: Cute talaga nila huhu
M_1412 #7
Chapter 8: Super supportive mama😭
M_1412 #8
Chapter 7: Yiee keleg HSHAHAHAHA
KULIT NG MGA MAMA
M_1412 #9
Chapter 6: AAAFHKZDJZLKS NAKAKAHAWA ANG KILIG CHAKRA
M_1412 #10
Chapter 4: YIEEE AHSHAHHAHAHA