Oneshot

Right Love Wrong Time (RLWT)

(Flashback)

 

"minjeong-ah!" sigaw ko at lumapit kay winter papasok na sa loob ng paaralan.

 

"Oh pareng karina late kana naman"

 

"Tigil tigilan mo nga ako sa tawag na yan winter di naman ako lalaki tsaka anong late eh 8:00 a.m pa start ng klase natin tapos 7:30 palang duh." nakasimangot kong sagot at kinatawa naman ni winter.

 

"Sorry naman dinaig mo pa kasi yung tambay sa kanto makaporma pero pabebe naman sa harap ni jeno kadiri ka."

 

"Shut up! pumasok na nga lang tayo."

 

"Sus excited kalang makita ang crush mong hindi ka naman crush." masama ko namang tinignan si winter akmang babatukan ko na sana sya pero ambilis makailag ng bruha at tumakbo agad.

 Hay nako Minjeong "Winter" Kim 

Kaso yan ang mali sayo winter ang manhid mo masyado kung alam mo lang, hindi naman talaga si jeno ang gusto ko kundi ikaw....

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Gusto ko na umuwi." saad ni ningning at yumakap sa jowa nyang si giselle.

 

"Tangina naman wag nga kayong pda mahiya naman kayo sa'min mga single!" sigaw ni ryujin.

 

"Rj pag inggit pikit." natatawang singit ni winter.

 

"Hoy hindi ako inggit ha maghintay kalang malapit na ako sagutin ni bebe yeji ko."

 

"Ohh talaga ba? Baka naman ginayuma mo si yeji." sagot ni lia.

 

"Tama ka Jan sis." pag-aagree naman nila chaeryoung at yuna.

 

"Grabe naman kayo sakin palagi nalang ako pinagtutulungan nyo, mga fake friends! Hmp eh yan nga si winter ang torpe di makaamin sa crush nya." nabigla kaming lahat at napatingin kay winter na nagmukha ng kamatis ngayon dahil sa pula.

 

"Hoy winter Gaga ka may crush ka pala bat di mo sinabi samin, sino yan?!" sakit talaga sa tenga itong boses ni ningning kulang nalang pasukan ko ng bato para manahimik.

 

"A-ah eh Wala fake news yang si rj."

 

"Sus winter di kami tanga, sino nga yan?"

 

"Hoy winter walang torpe torpe sa tropang to sinasabi ko sayo habang may oras pa umamin kana kung sino man yan." 

 

"Oo nga winter." napatingin naman sakin si winter at nahihiyang ngumiti.

 

"Ahh hindi na, if I tell her na crush ko sya I mean mahal na pala wala parin akong pag asa kasi iba naman ang gusto nun."

 

"Nakunaku wintot Keri payan wala pa silang label diba?Asawa nga naaagaw Yung wala pa kayang label." 

 

"Ikaw talaga ryujin wag mo nga turuan ng masamang gawain yang si winter tamo di talaga kita sasagutin!" sabay piningot ni yeji ang tenga ni rj.

 

"Deserve mo yan rj!" natawa naman kaming lahat.

 

"Sorry na labs."

 

"Pero yun nga winter wala namang mawawala kung susubukan mo umamin Diba? Kesa naman ilihim mo pa yan mas masakit yan winter, mas mabuti pang masaktan sa katotohanan kesa masaktan ng palihim at malay mo magbago ang ikot ng mundo magustuhan ka din nya." saad ni lia at ginulo buhok ni winter.

 

"Sana nga."

 

 

 

 

 

 

WINTER POV

 

 

Nauna nang umuwi ang mga tropa namin nagpahuli nalang ako kasi hihintayin ko si Karina para sabay kami may practice pa kasi sila kaya late syang makakuwi ngayon. 

 

Ilang minuto rin ang paghihintay ko Karina hanggang matapos sila, nakita ko si karina na palabas na ng school lalapitan ko sana sya kaso biglang sumulpot itong si jeno, nag usap sila at nagtawanan

(sakit naman) pagkatapos nun ay pumasok silang dalawa sa kotse ni jeno. 

Grabe sisimulan ko pa lang pero halatang wala na akong laban. Kaya agad ko namang tinawagan si ryujin para ayain uminom.

 

"Oh winter napatawag ka? Nakauwi naba kayo ni rina?"

 

"Ah hindi eh, sinundo kasi sya ni jeno."

 

"Ganun ba."

 

"Rj ayain sana kita uminom."

 

"Inuman aba di ko yan aatrasan." napatawa naman ako sa sinabi nitong kaibigan ko pag alak talaga masyadong hyper.

 

"Magkita nalang tayo sa tambayan, hintayin kita dun ako na bahala sa alak basta Ikaw sa pulutan."

 

"Oh sige see you later."

 

 

 

 

 

 

 

"Labissssss na nasaktannnnn akoooo sa mga alaalaaaaaa." tangina talaga nitong si ryujin ako yung broken pero sya yung mas nagmukhang broken.

 

"Hoy rj ako ba talaga yung broken dito o ikaw?"

 

"Ay sorry naman wintot kinakantahan lang kita mas maganda kasi habang umiinom ka at nageemote eh may background music diba para dama talaga."

 

"Oo na." ininom ko naman yung hawak kong beer. Mayamaya ay lumapit si Ryujin sakin at tinitigan ako, minsan talaga naiisip ko kung malapit na ba mabaliw tong si Ryujin eh Kasi naman ket ano trip sa buhay amputa.

 

"Winter."

 

"Oh ano?"

 

"Ano na gagawin mo? Wala kaba talagang balak umamin?" napatingin naman ako kay rj.

 

"Ewan ko ryujin alam mo yung tipong kakasimula ko palang pero halatang wala na talagang laban."

 

"Ayan kana naman eh, subukan mo kasi winter wag mo pangunahan ang lahat."

 

"Ewan siguro titigil nalang ako at magmomove on."

 

"So iiwasan mo si karina?"

 

"Parang ganun na nga."

 

"Parang gago to edi magtataka yun kung bat mo sya iniiwasan."

 

"Ah ewan rj di ko na alam gagawin ko."

 

"Winter tama yung sinabi ni lia, tsaka winter parte naman ng pag ibig ang masaktan eh. Pero kung yan talaga desisyon mo susuportahan ko nalang."

 

"Salamat rj."

 

"Ano kaba wala yun sino sino paba magdadamayan pagdating sa ganito eh tayong dalawa lang naman."

 

"Maraming salamat talaga rj di ko maimagine buhay ko pag wala ka."

 

"Hoy baka sakin ka mafall ha gagi wag." agad ko namang binatukan si rj.

 

"Kadiri ka!"

 

"atsaka winter sya nga pala matanong ko lang maliban sa Hindi mo pag amin na gusto mo sya, eh kelan mo balak sasabihin sa tropa yung tungkol sa sakit mo?" 

 

"Siguro pag malapit na ako mamatay."

 

"Tanginamo talaga wag ka nga magsabi ng ganyan tsaka matagal ka pang mabubuhay!"

 

"Di natin sure."

 

"Heh tsaka ikaw iniinom mo ba yung gamot mo? Naku winter sinasabi ko sayo pag di ka umiinom isusumbong talaga kita kay tita taeyeon."

 

"Chill pre iniinom ko."

 

"Siguraduhin mo lang."

 

"Oo nga. Hmmm rj sa tingin mo magugustuhan ako ni karina?"

 

"Oo naman Ikaw pa."

 

"Kung sakaling dumating yung araw na yun eh sana buhay pa ako. Kasi nga diba 50/50 yung buhay ko lalo na yung sakit ko eh leukemia. Tignan mo nagsisimula na malagas buhok ko makakalbo na ako neto." natatawa kong sabi nagtaka naman ako kasi biglang nanahimik si Ryujin at nakayuko kaya siniko ko ito. Humarap naman sya sakin pero ang shunga umiiyak na pala.

 

"W-winter naman eh wag ka nga mag isip ng ganyan." umiiyak na saad ni Ryujin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KARINA POV

 

Nagtataka ako kay winter minsan kasi umiiwas sya sakin palaging may rason kung bat di sya nakakasama sakin. 

Hindi naman ganito dati si winter, ramdam ko tuloy na parang may hindi inaamin tong si winter at Hindi rin ako sanay kaya nagpatulong nalang ako kay ryujin kasi sya naman ang ka close nito since Bata pa. Pag ako kasi umaya Kay winter baka magrarason na naman kaya mas mabuti pang si rj nalang. 

Pagkauwian ay dumiretso agad ako sa bahay ni ryujin para masimulan na yung plan ko na makipagkita Kay winter at yun narin siguro ang tamang oras na umamin ako. 

 

"Tao po." Sigaw ko sa labas ng gate nila rj agad naman may bumukas at bumungad sakin pagmumukha ni Ryujin."

 

"Uyyy kars napadalaw ka di kapa ba umuwi?"

 

"Ahh hindi pa Ryu dumaan talaga ako Dito gusto kita makausap."

 

"Pasok kana muna."

 

"Salamat."

 

 

 

 

 

 

"Aba gago?! Tangina nagmumukha kayong tanga." gulat na gulat si Ryujin nung inamin ko sa kanya na si winter talaga ang gusto ko at Hindi si jeno kaso napangungunahan lang ako ng takot na baka ma friendzone ako kaya Hindi ako nakaamin.

 

"Oo nga ryu, kaya nga nandito ako para magpatulong na masolo at makausap ng maayos si winter eh kasi naman palagi nya nalang akong iniiwasan."

 

"Pasensya na Kay pareng wintot pero yun nga karina parehas lang kayo ng nararamdaman at kinatatakutan jusko ako naistress sa inyong dalawa."

 

"Sorry, pero ano tutulungan mo ba ako o hindi?"

 

"Aba syempre tutulong gago ako naistress sa inyong dalawa kaya dapat itodo na para naman sumaya na kayo di yung nagmumukha kayong tanga."

 

"Thankyousomuch rj!"

 

"Pero Karina ipangako mo sakin na Hindi mong lolokohin at sasaktan si winter ha? Naku ipapasalvage talaga kita."

 

" I promise ryu."

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nandito na ako sa place kung saan kami magkikita ni winter, kinakabahan talaga ako na baka hindi sumipot si winter. 

Gusto ko na talaga umamin sa kanya di ko na kayang ilihim pa ang nararamdaman ko. Lalo na yung sinabi ni ryujin na ako pala yung tinutukoy ni winter na gusto nya kaya naman naglakas loob akong ipagpatuloy ang pag amin ko. Mag iisang oras narin ang lumipas pero wala parin si winter naiiyak na tuloy ako na baka hindi talaga ako siputin nun. Mayamaya ay napatalon ako sa gulat dahil may malamig na humawak sa kamay ko pagtingin ko si winter pala medyo maputla ito at nakangiti sakin.

 

"Sorry na late may dinaanan pa kasi ako." agad ko naman syang niyakap.

 

"Okay lang worth it naman Yung paghihintay ko Kasi dumating ka."

 

"Hmm karina, I'm sorry sa pag Iwas ko sayo."

 

"Shhh wag kana magsorry naiintindihan ko."

 

"Natatakot lang kasi ako na baka.... Baka hindi moko magustuhan lalo na patay na Patay ka Kay jeno."

 

"Kadiri winterrrr! Diko gusto yun ewww hotdog." natawa naman sya sa sinabi ko.

"Winter, ilang anesthesia ba tinurok sayo at ang manhid mo? Hindi mo ba ramdam simula nung una palang na Ikaw talaga ang gusto ko at hindi si jeno?" hinawakan ko ang mga kamay nya.

 

"Hindi eh, siguro nga naka sampung anesthesia ako kaya ganito ka manhid." pinalo ko naman sya ng mahina, nagawa pa talaga magjoke.

 

"Sa totoo lang winter simula nung una ikaw na talaga ang gusto ko sorry kung minsan naiparamdam ko na parang si jeno ang gusto ko kahit hindi naman. Winter naunahan ako ng takot na baka hindi tayo parehas ng nararamdaman pero simula nung sinabi sakin ni rj na ako Pala yung gusto mo ito naglakas loob ako na umamin sayo harap harapan.

 Ngayon mas natatakot akong mapunta ka sa iba dahil lang sa kaduwagan ko."

 

"I'm sorry karina kung naging duwag din ako baka kasi ma friendzone mo ako at baka yun din dahilan kung bat iiwasan moko sakali man. Sorry kung pinangungunahan ko ang lahat."

 

"Shhh kanina kapa nagsosorry ang importante ngayon ay parehas tayo ng nararamdaman winter, alam kong masyadong mabilis to pero winter payag kaba na maging girlfriend ko? Ayaw ko kasing may masayang pa na oras eh."

 

"Hmmm ayaw ko." natulala naman ako sa sagot nya. "Charot lang ito naman syempre oo noh sino paba ako para tumanggi maging girlfriend nang isang Jimin "Karina" Yu."

 

"S-so tayo na?"

 

"Ay hindi siguro haha charot syempre tayo na." 

 

"iloveyousomuch winter." hinalikan ko naman sa labi si winter pagkatapos ay niyakap.

 

"Iloveyoumore karina."

 

(End of flashback)

 

 

 

It's been a year since winter died, she died because of leukemia. Nalaman lang namin na may sakit sya nung nahimatay sya habang pauwi kami galing school.

ryujin knew it but she didn't tell us that winter was sick, because winter doesn't want to tell either. Since I found out that she was sick, nagpaalam ako sa parents ko na doon muna ako titira kina winter para mabantayan at maalagaan ko sya, sinasamahan ko sina tita taeyeon at winter sa check up nya. 

To be honest, I'm really afraid of what could happen, I'm afraid of losing winter...

 

Pero isang araw dumating din yung kinatatakutan kong mangyari, 2nd anniversary namin nun at doon parin sa place kung saan nya ako sinagot kami nagcelebrate. Magkayakap kami ni winter habang nag eenjoy pagmasdan ang paligid, tumingin sya sakin hinalikan nya ako at ngumiti sya sabay sabing 

"salamat sa lahat karina, hindi ko makakalimutan ang mga memories natin together, answerte ko dahil may gf akong mapagmahal, maalaga, mabait. 

Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita." pagkatapos ay niyakap nya ako, humagulhol ako sa pag iyak dahil pagkatapos nyang bigkasin ang mga salitang yun ay bumitaw na sya.

Wala na yung babaeng pinakamamahal ko.

 

 

 

 

 

 

I'm here today in the place where winter answered me yes and this was also the last place I was with her before she died.

 

"hi love, I'm here today at our favorite place. I know you're happy in heaven with God, you won't have to endure the pain anymore.

 

It's still painful, I still can't accept that you're gone, I miss you so much. But even so, I promise you that I'll only love you from then on, until my last breath.

 

only you, I love you so much 

Minjeong "Winter" Kim."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: halaaaaa 😭 pero ang ganda 🥺💖