2...

To so many WHYs
Please Subscribe to read the full chapter

"Mag terno terno nalang tayo ng damit sa birthday ni Nayeon" chat ni Momo sa group chat ng mga pupunta sa birthday 
"Osige ano susuotin natin? Minion nalang?" Sagot ni Wendy
"Okay" Mabilis kong sagot para matapos na yung problema namin sa damit

 

Dumating na yung araw ng birthday ni Nayeon

 

Pag pasok namin ay madami nang tao. Pumwesto kami sa table malapit sa pintuan. Maliit ang lugar kaya magkakalapit lang yung table.

 

"Wala pa sila Sana no?" Pabulong na tanong sakin ni Wendy

 

"Wala pa. Punta ba daw?"

 

"Sabi ni Hwasa punta daw eh" Sagot ni wendy kaya naginom nalang kami

 

maya maya pa ay di namin napansin dumami na ang tao. Dumating na rin sila Sana at Seulgi, pumwesto sila sa table na katabi namin kasama si Lisa at Jennie. Biniro ko si Wendy at tinawag ko si Sana.

 

"Uy Sana hello sabi ni Wendy pwede ba daw picture kayo"

 

Tumawa sila Momo, Mina at Yeri kaya walang nagawa si Wendy at nagpapicture nalang. Gumanti naman si Wendy at tinawag si Seulgi

 

"Seul pwede daw picture kayo ni Irene?"

 

"Ah siya ba si @ renebaebae?" tanong naman nito

 

Ngumiti lang ako kasi sobra na akong nahihiya. Matapos namin magpicture ay nakipagkamay ulit si Seulgi

 

*hobby ba niyang makipagkamay* tanong ko sa sarili ko

 

Habang lumalalim ang gabi napapagod na ako tumayo. Nakiupo ako sa table nila Seulgi dahil wala naman nakaupo doon nang bigla may kumalabit sakin at inabutan ako ng shot ng cuervo, pag lingon ko ay si Seulgi ang nagabot. 
Ininom ko naman kasi nakakahiya nakiupo na nga ako don sa table nila. Maya maya pa ay umulit ng 3 pang beses ang pagabot kaya naman tumayo na ko dahil ayaw kong malasing. Nung pagtayo ko bigla akong tinawag ni Seulgi.

 

"Uy Irene anong instagram mo follow kita"

 

Finallow namin ang isat isa sa instagram at nagpatuloy sa paginom. Maya maya ay nakita na naming lumabas sa bar sila Seulgi pero si Sana ay naiwan sa loob kasama ni Dahyun. Hindi na kami nagpaalam at bigla naman silang nawala.

 

Naupo ako sa tabi ni Wendy na malungkot na.

 

"Ano nanaman iniisip mo?"

 

"Wala naman si Sana kasi parang may something sila ni Dahyun" Malungkot niyang sabi

 

"Ahh oo nga nakita ko nga yun. Hayaan mo na hanap ulit crush. Kape nalang tayo?"

 

"Osige paalam lang tayo kay Nayeon"

 

Nagvibrate bigla ang phone ko at pagkita ko ay nagmessage si Seulgi sa instagram

 

"Uy sorry umalis na kami di na ko nakapag paalam"

 

"Uy ayos lang yun paalis na rin naman kami. Magkape kami sama kayo?" Pabiro kong reply

 

"Ay sige saan ba? tawagan mo ko pag paalis na kayo diyan para if makatulog ako"

 

"Okay" Maiksi kong sagot

 

Umalis na kami sa bar at pumunta sa coffee shop malapit sa hotel nila Seulgi taga Laguna pala kasi sila kaya nag hotel sila para di na sila mag balikan.

 

Chinat ko naman si Seulgi na nandun na kami pero hindi sila nagrereply kaya umorder na kami at tumambay

 

Makalipas ang isang oras ay nagchat si Seulgi

 

"Sorry naa nakatulog ako, nandiyan pa kayo?"

 

"Oks lang lods, yes nandito pa kami nagkkwentuhan pa kami."

 

"Sige punta na kami"

 

"Gagi wag na nakakahiya next time nalang para dirediretso tulog mo"

 

"uy hindi nagsabi ako sayo eh ako nga dapat mahiya"

 

Dumating na sila Seulgi at nagkwentuhan na kami. Inabot na kami ng liwanag bago kami nakauwi.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet