Hygge

KAP!eng Barako

“Hello?”

 

“Wassup, Win?” tanong ni Giselle sa kabilang linya.

 

“Gi kaba hindi ako makapunta mamaya kila Ning. Paki sabi na lang na bukas ko na lang siya puntahan.” 

 

“Alright— KINGINAMO JULIUS! SIGURADUHIN MONG MAGBIBIGAY KA SAKIN NG MAMAHALING PAGKAIN BUKAS HA!” nailayo ko bigla ang cellphone sa tenga ko. Para akong nabingi don, ah.

 

“Oo na, Ning. OA mo talaga. Bye!” 

 

“GAGO! PAKYU—” pinindot ko na ang end call dahil puro mura lang ang matatanggap ko sakanya.

 

5:07 pm na kaya sinuot ko na ang jacket ko at lumabas na ng bahay. Kinuha ko na ang bike ko at sumakay saka nagpedal paalis. Habang nagpepedal ay nararamdaman ko ang vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pants ko. Ini-stop ko muna ang pagbike at  tinignan kung sino ang tumatawag. 

 

Si Jae pala.

 

“Oh bakit, angkol?” nang-aasar kong tanong.

 

“Gago, anong angkol? Kurugan ko kaya bungo mo?” natawa ako.

 

“Bakit ka nga napatawag? Anong kelangan mo?”

 

“Anong oras mo balak pumunta dito? Naiinip na si Mama, tanga.” yamot na sabi niya.

 

“Papunta na, masyado niyo naman akong nami-miss.”

 

“Ulol! Pakyu!” mura nito at binaba na ang tawag kaya nagsimula na akong magpedal ulit.

 

Si Jaemin ay ang tito naming tatlo nila Ryujin at Yuna. Menoposal baby si Jae kaya magkakasing edad lang kaming apat at iyon din dahilan kung bakit ayaw niyang magpatawag na Angkol.

 

Kinse minutos lang naman ang layo ng bahay nila Jaemin sa tirahan ko kaya mabilis lang din akong nakarating pagkatapos niyang tumawag.

 

 

 

“E-eighty! Eighty-o-one. Ang b-bilis mong– E-eighty-two…. nakarating, a-ah? E-eighty-t-three!” bungad ni Lola Roj sa sala nila.

 

Napakurap ako at nakatulalang pinapanood siyang nagpu-push up. 

 

“Ahh…opo.” mahinang sagot ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay na makita siyang ganyan. Amazing!

 

“N-ninety-f-five, Ninety-s-siixx, N–ninety-s-seevenn, N-ninetyy-e-eighttt, N-n-niigghhnn!!!” 

 

“Lola Roj kaya niyo pa ba?” nag-aalalang tanong ko dahil nanginginig na ang braso at hita niya kasama ang pwet niyang naka-angat sa ere.

 

“O-one HUNDRED!! HOO!” sigaw niya pagkatapos bumangon sa exercise mat niya.

 

Napangiwi ako dahil pulang-pula na ang mukha niya. Tumatagaktak ang pawis sa buong katawan niya.

 

“Lola, okay ka pa ba?” pulang-pula ang mukha niya kaka-push up kanina. May tumulo pang pawis sa noo at ilong niya. 

 

“He..he..he.. Warm up pa lamang iyown, Wintor. Hindi mo pa nakikita ang tunay na exercise hi..hi..hi..” proud na sabi niya at nagpunas nang pawis.

 

Napangiwi ako sa isip ko. Putek, mukhang warm up papuntang langit yon, ah.

 

“Ahhm, sige po. Puntahan ko lang po si Lola Joan.” tumango lang ito at kumaway.

 

Habang papunta sa kusina ay tinitignan ko ang mga nakahilerang trophies ni Lola Rogers. May mga certificate at medals din ni Lola Joan mula sa military. May mga pictures din na nakasama nilang dalawa ang dating presidente. Yung nag-iisang trophy pa ni Jae ang nasa gitna ng mga achievements nila Lola. Meron pa siyang picture sa gitna rin na kasama kami habang suot niya ang night gown niya. Halatang pilit na pilit ang ngiti.

 

Champion of the Night ng Mutya ng mga Beki.

 

Natawa ako sa isip ko. Hays, mga kalokohan talaga.

 

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Lola Joan na kumakain ng ice cream at may niluluwang almond nuts sa mangkok na puti. 

 

“Oh, Julius nandito ka na pala, kanina pa kita iniintay. Teka at matatapos na itong niluluto ko.” aniya at nilagay na ang ice cream at mangkok sa ref.

 

“Nasan po si Angkol, Lola?” tanong ko nang hindi makita si Jae sa kusina.

 

“Katol? Merong katol diyan sa kabinet, Julius.” turo niya sa kabinet na malapit sakin.

 

“Si Angkol Jaemin po ang tinatanong ko, Lola.” paglilinaw ko.

 

“Bakit nagtatanong si Marco sa katol? Katol na ba ang tinitira niyo ngayon? Nakakatakot talaga ang mga kabataan ngayon.” napapailing na sambit nito habang hinahalo ang niluluto niya.

 

Napakamot ako sa kilay ko.

 

“Hindi po kami nagkakatol, Lola! Tinatanong ko po kung nasaan si Angkol Jaemin!” medyo malakas na paglilinaw ko.

 

“Sinisigawan mo ba ako, Julius?” dikit kilay na tanong niya. 

 

“Hindi po, nagpapaliwanag lang.” mahinang sagot ko.

 

Tinitigan niya ako.

 

“Nasa kwarto pa, pakipuntahan na lang. Pakisabing bumaba na at kakain na tayo.” tumalikod na ito at may nilagay na gulay sa kawali.

 

“Rogers! Halika nga dito!” sigaw nito na ikina-takip ko ng tenga.

 

“Sandali!” ganting sigaw rin ni Lola Roj.

 

“Sinisigawan mo ba ako, Rogers?!” gigil na tanong ni Lola Joan.

 

Umalis na ako sa kusina at nakasalubong ko pa si Lola Rogers na nagmamadaling lumalakad papuntang kusina.

 

Napailing na lang ako. Sobrang chaotic sa bahay na ito. Malapit na ako sa pintuan ng kwarto ni Jaemin nang marinig ko ang malakas na tugtog galing sa kwarto niya.

 

“Angkol Jae.” katok ko sa pinto. 

 

Hindi niya ata narinig kaya kumatok ako ulit. Wala pa rin. Kaya mas nilakasan ko ang katok. 

 

“Papasok na ako, ha?!” sigaw ko at pinihit na ang doorknob.

 

Napakunot noo ako pagkasilip ko sa loob.

 

Kadiri.

 

Nangingilabot ako sa nakikita ko.

 

“Aughh! Yes, baby girl!” sabi niya ng nakapikit ang mga mata habang kumakaldag sa harap ng cellphone niya. Nagti-tiktok. Topless at maluwang na ripped jeans ang suot. May fake tattoo pa sa braso at leeg.

 

Tama nga si Lola Joan. Nakakatakot ang kabataan.

 

“Nagkakatol ka ba Jae?” pigil tawang tanong ko dahil patuloy pa rin siyang kumakaldag nang nakapikit. Munggago ampota.

 

“AughaaAYY GAGO!!” gulat na mura nito at pinatay ang tugtog. “Kingina naman, Julius. Uso kumatok!” kamot-ulong sabi niya at nagsuot na ng t-shirt.

 

“Kanina pa ako kumakatok, ikaw ang panay kaldag diyan at hindi mo napansing kumakatok ako.” sabi ko at kinuha ang cellphone niya at pinindot ang play para panuorin ang kaldag niya.

 

“AHAHAHAHAHAHA Muntanga gago!!” bumunghalit ako ng tawa nang makitang may tinatampal siya sa ere. 

 

“Kinginamo! Akin na nga yan!” gigil na hablot niya at pinatay ang cellphone. “Feel na feel ampota. Ginagawa mo sa buhay mo?” tanong ko at tumawa ulit ng malakas. 

 

“Tina-try ko lang naman yung trending ngayon. Tsaka, sikat kaya ako sa tiktok!” sabi niya at pinakita sakin ang mga followers niya. 

 

4 followings, 560k followers, 10.5 million likes.

 

Pinindot niya yung isang video na may 5 million likes.

 

“Motivational rice? Anong connect non sa pagbubuhat ng barbel at pagpapakita mo ng katawan sa gym?” takang tanong ko.

 

“Joke lang yang motivational rice, gusto ko lang talaga ipakita abs ko.” 

 

“Ahh. oks.” ang hangin, pero agree na lang ako. 

 

Pinindot ko yung followings niya.

 

NingNing.the.LuckyPoet

Ryujinbilog_

YunAghh.Kaizar

Dr. JENO_theGymRat

 

“Lucky poet? Kelan pa naging poet si Ning?” tanong ko at natawa nang malakas si Jae. 

 

“Hindi yan literal na lucky poet, ibig sabihin niyan malaki daw pwet niya.” paliwanag niya kaya natawa rin ako. Boang talaga. 

 

“Nga pala, tawag na tayo ni Lola. Kakain na daw.” sabi ko at tumayo na at naglakad na papuntang pintuan. 

 

Bago ko pa napihit ang doorknob ay tinawag niya ang pangalan ko.

 

“Bakit?”

 

“Tapos ko nang gawin yung sinabi mo.” seryosong sabi niya. 

 

“Sabi mo di pa tapos?” takang tanong ko.

 

“Kanina ko lang natapos, pinapunta lang kita dito para sabihin sayo ng personal.”

 

Napatigil ako sa paghinga at bumilis ang tibok ng puso ko.

 

“Anong resulta?” 

 

Lumingon ako sakanya. 

 

“Nandito na siya.” 

 

You’re here.

 

Finally.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yoojimmm
#1
Chapter 3: tor when ud? (っ˘̩╭╮˘̩)っ
yhielswift013
#2
Chapter 3: kakatawa yung kay Ryu!!! Keep it coming po ☺️
baconpancakesss
#3
Chapter 1: ang lt shuta. can't wait for the next chap boss
GeudaeroAirplaneMode
#4
Chapter 1: aliw HAHAHAHAHA
Mys_na_kita #5
Chapter 1: Juliuuuus!

https://twitter.com/still4mikhs/status/1663549763336409088?s=20
cleofierayne 23 streak #6
Chapter 1: Ayan unang chap palang aliw na aliw na ako hahahah
kwinminjeong
17 streak #7
Chapter 1: BWHWHBSKSNAHAHA ang lt naman ng kambal tuko pota grabeng bungad agad yan ha kabantutan agad nila ang aliw grabe pero sino kaya nakita ni wintot dun mukhang si rina vebs
yhielswift013
#8
this is so my lane. Seated na po agad!!!!!
kath09 #9
Naalala ko sa name mo si pinkish hahaha
Kannakobayashi09 #10
Seated 😌