Ligaya
Sa Mga Mata Nina Gigi at NingWINTER's
December 3, 2020
"Winter, sorry na nga eh." Kinuha na ni Rina ang wrist ko. Tinanggal ko agad, hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko pagkatapos niya akong halikan.
"Dun ka na nga, Rina!" Nagmadali akong maglakad. Bakit niya kasi ginawa yun? Nababaliw na ba siya?
"Wag ka nang magalit." Pagpipilit niya at hinablot ulit ang braso ko. Binagalan ko na ang lakad ko. Hindi naman ako galit sa kaniya.
"Hindi naman ako galit. Nakakainis ka lang." Sabi ko at tumingin kina Ning at Gigi na nanonood lang sa amin sa likod.
"Halika na, ibabalik ko yung kiss oh." Ayan na naman si Rina sa pang-aasar niya. Hindi ba siya titigil?
Hindi ko na siya sinagot at lumayo na ulit kaniya. Tumakbo na lang ako papasok ng boarding house at nagkulong sa kwarto.
Hawak hawak ang dibdib kong nababaliw na.
---
"Win, sorry na daw sabi ni Kat." Bulong ni Gigi sa akin. Napakunot naman ang noo ko at binitawan ang librong hawak ko.
"Huh?"
Magkakatabi kami sa study table ngayon.
"Wag mo na daw siyang iwasan." Pagpapatuloy ni Giselle, sumilip ako sa tabi niyang nagpapakabusy sa cellphone na hawak nito.
"Katabi lang natin si Katarina, Gigi." Sabi ko. Totoo naman kasi, magkakatabi lang kami.
"Eh hindi mo kasi ako pinapansin!" Sabi ni Rina bago magpout.
Hindi na ako ulit sumagot at umiwas nalang ng tingin. Paano ko ba siya titingnan na hindi napapatingin sa lips niya?
"Kung gusto mo, forget it happened nalang! We'll say it's not valid as your first kiss."
Hindi naman yun ang problema sa akin.
Kundi ang puso kong naloloko na tuwing lalapitan mo ako Katarina.
THIRD PERSON's
"Bakit hindi pa nagaasikaso si Rina?" Tanong ni Winter kay Ningning. Hindi pa kasi tumatayo si Karina mula sa kama nito. Dadating na mamaya ang papa niya mamaya para sunduin silang dalawa ni Winter.
Holiday break nila. Magkapitbahay lang naman sila kaya ang naging plano ay sabay na silang uuwi dahil may sasakyan naman ang parents ni Karina.
"Di na daw siya uuwi." Sagot ni Ningning na tapos nang mag-impake.
"Ha?" Tumingin si Winter sa orasan, baka dumating na maya maya ang sundo nila.
"Ewan. Kausapin mo nga, tinotopak na naman." Si Ningning na parang pagod na din kay Karina.
Pagakyat ni Winter, nakahiga parin si Karina at nagcecellphone lang. Nakakalat pa ang mga gamit sa gitna ng kwarto.
"Rina." Tawag niya dito. Hindi man lang tumingin sa kaniya si Karina.
"Karina." Tawag niya ulit. Mukhang nagbibingi-bingihan lang ang bestfriend niya.
"Katarina, hindi mo ba ako naririnig?"
Inis na tumingin sa kaniya si Karina at ngumisi. "Ah sorry. Akala ko kasi ayaw mo na akong kausapin. Tinutulungan lang kita." Sarcastic nitong sagot. Napabuntong hininga si Winter.
"Mag-ayos ka na ng gamit. Malapit na si tito." May pasensiya niyang sabi. Hindi nainli si Karina.
"Ayoko." Sagot nito at nagkumot pa.
Pumasok na si Winter sa kwarto at sinimulang ayusin ang gamit Karina. "Bakit ba ayaw mo? Dito ka lang buong holidays? Anong gagawin mo dito?"
Tumayo na din si Karina nang makitang inaayos ni Winter ang gamit niya at kinuha ang bag niya mula sa kamay ng bestfriend niya.
"Ayaw mo din naman sakin so hindi nalang din ako uuwi!" Pasigaw na sagot ni Karina habang inilalabas ang mga damit na nilagay ni Winter sa bag niya.
Napatigil naman si Winter at tinitigan ang kausap niya. "Kailan ko sinabing ayaw ko sayo?"
"You kept ignoring me, Winter." Mahinang sabi ni Karina habang nakaupo sa kama niya. Ni hindi man lang ito tumitingin sa mga mata niya.
"If you hated the kiss that much, pwede mo namang sabihin nalang." Hindi na nakagalaw si Winter sa kinatatayuan niya. Ngayon lang pumasok sa isip niya na masyado na pala niyang iniiwasan si Karina.
"H-hinㅡ" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil nagsalita ito ulit.
"Instead of avoiding me araw araw na parang hindi ako nageexist sa mga mata mo."
"Rina.. Sorry." She whispered at lumuhod sa harap ni Karina to console her.
"Nakakainis ka, Winter." Tumulo na ang luha ni Karina. She covered her face with the palm of her hands and sobbed.
"Sorry.. 'Wag ka nang umiyak." Winter hugged her. Mabilis namang yumakap pabalik si Karina.
"Uwi ka na, okay? I want you there on my birthday."
Karina nodded while still sobbing. Winter smiled as her hold on her bestfriend tightened na parang ayaw niya itong pakawalan. Maybe.. She's starting to feel things for her. Pero kailangan niyang sanayin ang sarili para hindi masaktan si Karina.
Ayaw niyang umiyak ulit ang bestfriend niya dahil sa kaniya.
---
January 1, 2021
Rina ♡: i have a surprise for you!!
W ko: Ano yun? Pag yan kung anong weird na nabili mo na naman online
Rina ♡: grabe ka naman!
Rina ♡: omw there
Rina ♡: tambay me sa room mo
W ko: Wala ka bang kwarto?
"Winter! May bisita ka." Dali-dali namang bumaba si Winter sa living room ng bahay nila at nakita ang bestfriend niyang bagong gupit ang bangs.
And she thought Karina couldn't be prettier.
Ang gandang birthday gift naman nito.
"What do you think?" Nakagrin na tanong ni Karina habang inaayos ang bangs niya sa mirror sa desk ni Winter sa kwarto niya.
Umiwas ng tingin si Winter nang lumingon si Karina sa kaniya.
"Okay lang."
"Okay lang? Huhuhu bakit sabi ni mommy bagay daw sakin!"
"B-bagay naman talaga.."
"Ano?"
"Bagay sayo." Ngumiti si Karina at bumalik sa pagtingin sa salamin.
"Mas gumanda ka lalo." Pahabol ni Winter na hindi makatingin sa bestfriend niya. Sayang lang, hindi niya nakita ang pamumula ni Karina sa mga salitang binitawan niya.
Nang magsawa si Karina sa salamin, tumabi na din siya kay Winter na nakaupo lang sa kama niya.
"Happy birthday, Win." Sabi nito at naglabas ng regalo mula sa bulsa ng skirt niya.
"Ano 'to, Rina?"
"Buksan mo."
Reading glasses. Kinuha ni Karina ang regalo mula sa kamay ni Winter at isinuot ito sa kaibigan niya. Napangiti nalang sila pareho.
"I knew it. Bagay sayo." Nagbblush pang sabi ni Karina habang nakatitig sa bestfriend niya.
Umiling lang si Winter, hindi naaalis ang ngiti sa labi niya.
Tinignan niya pa ang laman ng maliit na lalagyan ng regalo. May isa pa kasing nakalagay dun.
Tama nga ang hinala ni Winter, may nabili na naman si Karina na weird na gamit online. She gave Karina a look. Binigyan ba naman siya ng keychain na multipurpose yata dahil may pen at cutter ito sa magkabilang dulo.
"Bakit ka nakasimangot!" Nakapout na sabi ni Karina matapos siyang hampasin sa braso. Natawa tuloy si Winter.
"Aanhin ko naman 'to?"
"Magagamit mo kaya yan! May emergency button din yan oh!" Kinuha ni Karina ang regalo mula sa mga kamay ni Winter at pinindot yung nakatagong button sa gitna nito.
Agad namang umalingawngaw ang siren mula dito at nabitawan ni Karina ang keychain sa gulat.
"Rina!" Sigaw ni Winter dahil napunta pa sa ilalim ng kama niya yung keychain habang tumutunog nang napakalakas.
Habang kinukuha ang keychain, nakita ni Winter sa may sahig ang isang card na nalaglag yata mula sa wrapper ng birthday gift sa kaniya ni Karina.
Napuno ng tawanan ang kwarto ni Winter nang maretrieve nila ang regalo ni Karina at mapatigil ito sa pag-iingay.
"At least alam na natin na gumagana..?" Tumawa lang lalo si Winter.
---
Nang makaalis si Karina, agad na kinuha ni Winter ang card galing kay Karina na itinago niya muna sa bulsa niya kanina.
Dear Winter ko,
Happy happy birthday baby! I wish you good health as always. I hope you know how much you make me happy, na wish ko araw araw ay hindi ka magsawa sakin.. Sorry kung palagi kang nakukulitan sa akin, love language ko naman yun eh >< I love you, Win. To more pagtitiis sa akin this year!
I love you, Win.
I love you, Win.
I love you, Win.
Paulit ulit na binasa ni Winter ang handwriting ng bestfriend niya habang may ngiti sa labi. Pero sa ilang pag-uulit n
Comments