C-03

Tila ibon kung lumangoy
Please Subscribe to read the full chapter

“Bowling or museum?” Nakaupo kami sa giant steps, patiently waiting na makarating na yung ibang members para makapag-practice na kami.

 

Sinagot ko si Liz, “Ice skating.”

 

“Gaga.”

 

Sumumbat si Ning Ning na nakahiga, nakapatong ang ulo niya sa hita ko, “Grocery date. Para domestic feels agad.”

 

Mag-asawa activities na agad eh.

 

Niyaya niya raw kasi mag-date si Wonyoung, wala siyang plano. Nung first date nila, nanuod sila ng movie, nung pangalawa, nagkape sila. Ewan ko kung anong status ng dalawa, pero mukhang maayos naman sila, seeing Liz is evidently happier ngayon.

 

“Sure ka bang si Wonyoung talaga yang ka-date mo?”

 

Masungit niyang sinagot si Ning Ning, “Ano ba akala mo sakin? Mas maganda nga ako sayo eh.”

 

Sunday ngayon, hindi nadala yung dean sa complaints namin regarding the schedule of the practice na supposed rest day sana namin, kahit papaano. Marami ata hindi sisipot, baka nagrerebelde sila. As much as I wanted to stay at home lang ngayong araw, hindi kaya ng pride kong mag-ditch.

 

Inisip ko na lang na makikita ko ulit si Heejin.

 

“.…di ba, Winter?” I turned to Liz. I was busy trying to locate my crush.

 

“Ha? Ano yun?”

 

She breathed, “Wala. Hinahanap mo ba si Heejin? Wala siya ngayon.”

 

My shoulders dropped, napasimangot ako sa sinabi ng kaibigan ko. I was really looking forward to seeing her. Siya na lang ang tanging nakakapagpapunta sa akin sa practices.

 

“Bakit?” I couldn’t help but ask. Nanghihina ako.

 

She made a face, trying to recall kung ano yung sagot sa tanong ko, “I think something about a meeting sa SSC. Part rin kasi siya dun, remember?”

 

Liz is acquainted with some of the third years, kasama na si Heejin dun. Friendly kasi siya, tsaka member siya ng CAS-SOC, which consists of mostly students from our course. I guess nakakausap niya ito paminsan-minsan. 

 

“Okay, guys! Listen up, please. Mag-proceed na tayo sa court,” udyok ni Karina sa amin. Pansin kong may dalawang ecobag na dala yung isa pang team leader, si Chaeryoung. Manifesting Yumburger as meryenda, tapos Coke Float as panulak.

 

We had to perform to our best dahil nanunuod ang mga dean at iba pang importanteng mga tao sa school namin. I didn’t realize how serious this was, I mean, I knew na may cash price, pero I guess I underestimated yung magiging bragging rights ng school namin, if ever.

 

Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Si Liz mukhang wala lang sa kaniya yung routine namin, si Ning Ning parang tumakbo ng marathon kung makahawak sa dibdib. We’re no stranger to dancing, as we all have background with performing in high school.

 

The professors and higher-ups look satisfied sa aming performance, kahit ba almost half of us are absent. They recognized our presence and commended our talents.we practiced our formations some more bago kami pinagbigyan ng break.

 

“Akala ko naman kung ano.”

 

Kumagat si Ning Ning sa egg sandwich, “Croissant naman sana sa sunod.” Butchered pa yung pagkabigkas niya.

 

Tinawag kami ni Liz, “Guys, may soft drinks dito. Dali!”

 

Tumakbo na kami patungo sa mga nagkumpulang students. Kinuha nila yung mga malalamig, natira sa amin yung room temperature na sodas. Ayaw ko pa man ng Sprite.

 

Pinagtiisan na lang namin yun kesa mauhaw kami.

 

“Hi.”

 

Lumingon ako saglit then shifted my eyes sa mga kasama ko.

 

I smiled, “Hello.”

 

Liz spoke up, “Hi, Rin.”

 

Tipid na ngumiti lang si Ning Ning sa kaniya. Hinugot niya ang kaniyang cellphone at kinalikot ito. Mas lalo akong lumapit sa kaniya, habang busy magusap yung dalawa.

 

Wala ata yung usual niyang group kaya pumunta si Karina dito sa amin, though si Liz lang naman talaga yung kilala niyang talaga sa aming tatlo. I can’t help but eavesdrop sa usapan nila.

 

Their topic is about the next event of CAS-SOC, may kumustahan program sila for the members this coming week. Bigla ako nainggit, hindi kasi kami nakasali ni Ning Ning nung start ng academic year.

 

“Sali tayo sa CAS-SOC next semester, bud.”

 

Tumingin siya sa akin, “Hindi ako pwede, prohibited sa repertoire na mag-join kami sa ibang clubs or orgs. Kasali siya dun sa oath namin.”

 

Hindi ko napansin na wala na pala si Karina sa side namin, mukhang tapos na sila magusap ng friend namin. Okay na ulit si Ning Ning. Tinago na rin niya ang phone niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespachow
here is my twt acc: @aveaespa

pls be nice hehe :)) (secret ko lng dapat yang acc ko na yan eh)

Comments

You must be logged in to comment
lokonaba
#1
Chapter 18: HAHAHAHAHHAHAHA WINTER AND HER SHENANIGANS
lokonaba
#2
Chapter 10: its 3am and??? kilig i had to suppressed the hail
lokonaba
#3
Chapter 7: karina huli sa akto
Young_DP
#4
Chapter 18: syet kakilig naman hehe sana mabiyayaan ng mabilis na update
cecoco #5
Chapter 18: aaawww ang cuteee (╥﹏╥)
Eybrelros #6
Chapter 18: Woahh thank you sa update
gumamela12 #7
Chapter 18: Ahhhhh!
EzraSeige
#8
Chapter 18: Ang bading na si Karina ay natagpuang down bad 😏😏😏
aerichandesu
#9
Chapter 18: ANG CUTE ADGSHSJAKA
gomtokkim
2164 streak #10
Chapter 18: Thank you sa update authorrr