Part 2.2: It's just a bad week.

Double-dealing
Please Subscribe to read the full chapter

November 09, 2023

10:27pm

Friday

Marikina, Metro-Manila

Hotel.

 

“Goodevening ma’-”

 

“Room for two. Separate beds.” 

 

Nasa isang hotel sila sa Marikina. Napagdesisyunan kasi ni Karina na masyadong tangang desisyon na nga yung pagligtas niya sa babaeng kasalukuyang nakaupo at nakatitig sakaniya, mas tatangahan pa niya kung iuuwi niya ito sa mismong bahay niya o ididiretso kaagad sa presinto nila.

 

Alam niyang malaking tao ang binubunggo niya. 

 

“Ma’am one bed lang po ang available yung supreme deluxe-” Hindi na naman niya pinatapos ang babae sa counter. “Sige yun na lang.”

 

“Bali 8k po for the whole n-” at hindi ulit pinatapos. Nilapag niya kaagad ang walong libong dinukot niya galing sa paper bag na ibinigay ng kinita niyang demonyo kanina.

 

“Ay ma’am ID p-” Nilapag niya ang ID niya. Siyempre yung PNP ID ang pinakita.

 

“Process ko la-”

 

“Susi?”

 

“Teka la-”

 

Naglapag ulit siya siya ng isang libo. “Yan deposit. Pwede na bang makuha yung susi?” 

 

Pilit na ngumiti ang lobby girl. Nauubusan na siya ng pasensya dahil sa pulis na walang modo makipag usap.

 

“Wait niyo lang po irerecheck pa namin kung handa napo. It will take about 10 minutes, upo po muna kayo sa-.”

 

Umalis kaagad ang pulis. Napapikit na lang sa inis ang babae sa counter.

 

Sa kabilang banda hindi malaman ng babaeng may kulay kahel na buhok kung tatawa ba siya o maawa sa babae sa lobby o masusungitan sa babaeng kasama niya.

 

Sa harap niya umupo ang babae. Prenteng prente itong umupo pero sa isip nito kanina pa siya walang tigil sa pagmumura.

 

Putangina talaga, imbes na natutulog ako nang mahimbing ngayon.. ‘Nako naman talaga Karina.

 

Bahala na lang talaga.

 

“Uhm anong ginagawa natin dito?” 

 

Isa pa ‘tong babaeng ‘to. Obvious na nga tinatanong pa.

 

“Magtitinda.”

 

Puno ng pagtataka ang tingin na ibinigay sa kaniya ng babae. 

 

Maganda nga, slow naman.

 

“Sabi ko nga mananahimik na ako.”

 

Pero hindi siya nanahimik.

 

“Ano bang pangalan mo?”

 

Mananahimik daw siya. Fake news.

 

“Bobwa A. Que.” irap niya.

 

Na inulit ng babae. “Boba A. Que?”

 

Jusko, ganda lang ba ang meron ‘to? Sabagay, sa pagiging bayarang babae, ganda lang talaga ang puhunan.

 

“Oo.” tiim niyang sagot.

 

Tumango-tango ang babae hanggang sa napatigil ito saglit at magkasalubong ang kilay na tumingin sa pulis.

 

Wow, nagets din niya.

 

“Sige na nga, ako na lang ang magpapakilala.”

 

“Ma’am, ready na po yung room.”




//



November 09, 2023

10:35 pm

Friday

Marikina, Metro-Manila

Hotel. Elevator



“Ako si Winter. Ikaw ba?”

 

“Summer.”

 

Sumimangot ang babaeng nag ngangalang Winter. Pero hindi siya nairita, natuwa pa siya sa itsura nitong mukhang siopao.



//



November 09, 2023

10:40 pm

Friday

Marikina, Metro-Manila

Hotel. 18th floor. Room 41.




Naunang pumasok ng hotel room si Karina bagot din siyang umupo sa sofa. Sunod na pumasok si Winter, nakatayo lang ito.

 

Hindi niya parin kasi alam ang pangalan ng babaeng nagligtas sa kaniya. “Ano ngang pangalan mo?”

 

Letche, sirang plaka ba yung bibig mo?

 

Hindi sumagot si Karina at kinuha lang ang cellphone. Chineck niya kung may mga messages at meron nga. 

 

“Kung ayaw mong sabihin, bigyan na lang kita ng bagong panga-” binato na naman siya ng pulis. Binato nito ang ID niya.

 

“Baseball player ka ba? Bato ka nang bato eh.” mukhang medyo nahimasmasan na sa nangyari si Winter. Lumalabas na kasi ang natural at normal niyang pagiging palaban.

 

Patuloy lang sa pagcecellphone si Karina. Nirereplyan niya ang mga mensahe ng kapatid niyang nagtatanong lang kung nasaan ba siya at kung bakit hindi pa siya umuuwi.

 

“Karina P. Rosario. Wow, SPO2.”

 

Ingay. Ngayon ko lang nararamdaman yung pagod ng buong araw na’to. Pwede ba manahimik ka muna?

 

“Anong pinagkaiba ng Intel Division sa ibang ano?”

 

Gmg mo. Letceh naman.

 

“SPO2 mataas na posisyon yon ah, saan presinto mo? Undercover ka ba kanina? Ang galing naman n-”

 

Biglang tumayo si Karina at lumakad papalapit sa babaeng medyo natigilan.

 

Lumapit siya.

 

At lumapit.

 

At mas lumapit pa.

 

“Uy- ah- Uhm ano nagtatanong la-” nauutal at kinakabahan si Winter, bigla ba naman siyang lapitan ng pulis tapos seryosong nakatitig lang sa mata niya.

 

Mukha siyang tanga pero cute. 

 

In fairness, mas maganda siya sa malapitan tapos may proper lighting.

 

“Dami mong sinasabi.”

 

Halikan kita diyan ih.

 

Inirapan siya ng pulis at bumalik sa pagkakaupo. Nakahinga naman nang maluwag yung isa. 

 

Puro ako kabadingan. Putangina ko talaga.

 

Minasahe niya ang sariling sentido.

 

Tatanungin ko na lang siya tapos bahala na. Kapag malala, iiwan ko siya rito. Kapag usual sugar daddy lang na obsessed, tutulungan ko.

 

Oo ganon.

 

Ganon.

 

She cleared , composing herself. “Anong buong pangalan mo?”

 

“Wow interview ba ‘to?” uupo sana siya sa kama nang pigilan siya nung isa. “May dugo-dugo ka pa, maghugas ka muna.”

 

Salamat sa jacket ni Karina pati sa gloves niyang pinasuot niya rito kaya hindi napansin ng mga tao na duguan ang babae.

 

Bagal mo naman.

 

Inabot ng benteng minuto sa cr si Winter. Siyempre ikinagalit ito ni Karina.


Kaya pagkalabas na pagkalabas nito ng banyo. Nabungangaan siya ng pulis, pero maikli lang dahil tinitipid niya ang energy niya ngayong gabi.

“Napakatagal mo, tumae ka ba ha? Sa susunod nga sabihin mo sakin kung sampung taon ka sa cr para makaidlip ako kahit papaano. Importante ang oras ko, para alam mo.”

“Sungit talaga, laging highblood.” bulong ni Winter. “Narinig ko yun.”

Nanlaki ang singkit na mata ng babae at apologetically na ngumiti. “Hehe, sorry.”

Hehe daw amputa.

Iminuwestra niya ang upuan. Nagets naman kaagad ng babaeng orange ang buhok at umupo.

Simula na ng tanungan portion na naisip ni Karina habang nasa cr si Winter.

Binuksan ni Winter ang bote ng tubig at uminom. Pinakita niya ang kanang kamay niyang kaninang may dugo pero ngayon ay linis na at naka thumbs up pa.

Napakdaming alam talaga ng babaeng bayaran na ‘to.

SPO2 Rosario felt a slight glimpse of guilt sa paraan ng pag identify niya sa babaeng mukhang inosenteng umiinom ng tubig. Naubos pa nga niya kaya binuksan niya yung pangalawang bote.

“Okay, tatanungin kita at sasagot ka nang maayos. Gets?” another thumbs up galing sa babaeng tapos na sawakas uminom.

Unang tanong. “Anong buong pangalan mo?”

“Winter M. Chavez at your service.”

Tumaas ang kanang kilay ni Karina sa sagot nito. Mukhang proud na proud pa base sa ngiti.

Wow, proud e yan?

Kaya ang pangalawang tanong ay tungkol sa service na tinutukoy niya base sa pagkakaalam ni Karina. “Bakit ka nage?”


“EXCUSE ME?!”

Luh? Gagalit ‘to?

“Bakit ka kamo nage?” pag-uulit niya ng tanong.

Napipi ang plastic bottle na nasa kamay ni Winter. Sa expression ng mukha niya, n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pencody
I almost forgot to update.. The next part will take awhile bago ko mapublish because I have a lot of exams to survive. Regardless, thank you for waiting~

Comments

You must be logged in to comment
Eybrelros #1
Daan daan lang baka sakali 👨‍🦯
stillintoyu
205 streak #2
Chapter 6: ANG KULITTT naeexcite na ako sa next happenings hahshaah
stillintoyu
205 streak #3
Chapter 3: bading pota HAHAHSHAHHAHAHA
stillintoyu
205 streak #4
Chapter 1: tangina hahshshaha
Eybrelros #5
Chapter 6: Bilis naman mapol ni SPO2 😆 pasok "Hindi kita iiwan" by Sam milby😌
Eybrelros #6
Chapter 5: Sabi na nga ba ang lala haha
Ang swerte swerte naman ng ating bida lahat ng problema kusang lumalapit pati sariling solusyon lumalapit din yawa😆
yujiwinteo
73 streak #7
Chapter 4: Kulit pa din ng pov ni polis puro mura lang 😂
Kael_neo #8
Chapter 4: naks, medj close na. pero bro, I'm curious about sa key.
idkwhatnametouse #9
Chapter 4: kakarmahin ba to c karina
Kael_neo #10
Chapter 3: kyottie naman, sana si Minjeong 'yung angkas niya.