The Truth

Wicked (JenLisa)
Please Subscribe to read the full chapter

"Nasaan si Jennie?"

 

Si Jennie ang half-sister nilang dalawa. Noong sixteen pa lang siya, kumatok ito sa Manoban family mansion mag-isa. Dala-dala rin niya ang mga gamit ng kanyang nanay para makilala siya ng kanyang tatay.

 

Pagkatapos mapatunayan na magkadugo si San E at Jennie, tahimik lang niyang tinanggap si Jennie sa kanilang bahay. Kakaiba rin ang naging kilos ni Jessi dahil hindi siya nagalit o kaya tumanggi, pero pina-ayos din niya sa mga kasambahay ang magiging tulugan at inasikaso ang pagtransfer sa bagong school nito.

 

Magkasing tanda si Jennie at Lisa, pero base sa birth month nila, panganay si Lisa, at pangalawa si Jennie.

 

Sa umpisa pa lang ayaw na ni Lisa at Ahyeon kay Jennie, hindi nila tinanggap ang 'bisitang' inaangking kapatid sila pero 'Kim' ang apilyedo. Kung sila ay mga Manoban, halatang halata na anak sa labas ang babaeng may apilyedo na Kim.

 

Bihira lang magkasundo ang magkapatid na Manoban, at pareho silang sumang-ayon na hindi nila tatratuhing kapatid si Jennie Kim. Dahil ito kay Jessi, noong mismong gabi na nagpakilala siya bilang anak ni San E, si Jessi ay kinausap ang kanyang dalawang anak at inamin kung paano nila naging kapatid ito.

 

Kabit ang nanay ni Jennie. Sineduce niya si San E habang nagbubuntis si Jessi sa una nilang anak, at siya rin ay nabuntis. 

 

Pagkatapos malaman ni Jessi ang pangyayaring ito, pinuntahan niya ang nanay ni Jennie nang patago at binigay sakanya lahat ng pera at pati na rin ang savings niya para hindi na gambalain ang kanyang pamilya. At para narin iwasan na si San E.

 

Nangako ang nanay ni Jennie na ipapa-abort niya ang anak nila at hinding-hindi na magpapakita sakanila kahit kailan. Naniwala si Jessi dito, pero hindi niya aakalain na hindi tinupad ng kabit ang pinangako niya! Dahil kumatok ang batang sinabi niya na ipapalaglag niya sa kanilang pintuan kagabi.

 

Hindi alam ni Jessi dahilan ng pagkamatay ng nanay ni Jennie (at wala rin siyang pakialam), pero alam niya kung ano ang pakay ng anak nito. Obviously gusto niya makipagkompitensya para sa kayamanan ng tatay niya, ano pa nga ba ieexpect sa anak ng kabit?

 

Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? Pinunasan ni Jessi ang mga tumutulong luha sa kanyang mata at sinabi sa kanyang mga anak: "Anak parin siya ng tatay ninyo, wala na akong magagawa kung hindi tanggapin siya sa bahay natin..."

 

Habang pinapanood ni Lisa na umiyak at magcompromise ang mom nila, hindi niya mapigilan na lalong mainis sa anak sa labas na dumating sa kanilang buhay! Kahit na matigas ulo niya, sobrang protective siya sa kanyang mom dahil lagi siyang pinagbibigyan nito at hinahayaan gawin ang mga gusto niya. 

 

Kinabukasan ng pagdating ni Jennie, ay doon na nagsimula ang pag target niya sa anak ng kabit na ito. Ginagamit ni Lisa ang kanyang pagiging arogante, at pagiging suwail para pahirapan at ipahiya siya palagi.

 

Tuwing pumapasok sila sa school, sinasabihan (mas appropriate ang word na "tinatakot") ni Lisa ang mga kaklase ni Jennie na layuan ang babaeng ito, at minsan inuutusan din niya ang mga followers niya na asarin at i-bully si Jennie.

 

Si Jennie na walang imik sa umpisa ng lahat ng ito hanggang sa kasalukuyan ay hinahayaan lang mangyari ang mga bagay-bagay, hindi rin niya ipinapaalam sa kanyang tatay ang mga ginagawa sakanya ng 'pamilya' niya.

 

Kaya lalong nainis ang magkap

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kylalozano #1
Chapter 9: akala ko ba hindi masarap HAHAHA