Day 1

Simbang Gabi
Please Subscribe to read the full chapter

Ring! Ring!

Kumunot ang noo ni Jisu sa tunog ng ringtone niyang pagka-lakas lakas. "Sino ba 'tong tawag nang tawag?" Sa isip niya habang kinakapa kung nasaan na yung cellphone niya.

"Hello?!" bati niya na may halong pagka-irita.

"Jisu?? Tara na! Andito na kami sa labas ng bahay mo!"

Pinilit niyang idilat ang mga mata niya. Pumipintig pa yung ulo niya sa sakit dahil 2 oras lang siya natulog. Pano, tinapos kasi niya yung buong series ng Money Heist.

 

"Sa ngalan ng Ama, Anak, at ng Espiritu-Santo..." ani ng pari habang sinisimulan ang misa. Sa totoo lang, hindi pa talaga gising ang diwa ni Jisu. Buti na lang sa likod sila naka-upo, pwede pa siyang pumikit.

Flashback:

"Ano?! Alas-kwatro ng madaling araw babangon? Yeji naman, alam mo namang alas-kwatro ng hapon ako gumigising, di ba?"

"Sige na, Jisu! Pinilit kasi si Yuna ng nanay niya, eh ayaw pumunta mag-isa. Pumayag naman na si Ryujin at Chaeryeong eh. Sumama ka na rin! Kakain na lang tayo pagkatapos." sabi ni Yeji. Sa totoo lang, papayag naman siya sa kung ano mang sasabihin ni Yeji, pero masyadong maaga para sa kanya ang alas-kwatro ng madaling araw. Bakit di na lang umattend ng anticipated mass?

"Hay, sige na nga! Libre mo ah."

"Yey!" sabi ni Yeji nang yakapin niya si Jisu. "Sige, kahit anong gusto mo. Hindi ka pa ba nakakaranas mag-simbang gabi?"

 

Unang beses pa lang na mararanasan ni Jisu na dumalo ng simbang gabi. Hindi naman kasi ganun ka-relihiyoso ang pamilya nila. Ang tanging pangaral lang ng mga magulang niya eh basta lumaki silang mabubuting tao. Napakaraming tao dyan ang linggo-linggo nagsisimba, pero daig pa ang kasalanan sa di nagsisimba. Hindi ba't mas makasalanan maging hipokrito?

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet