dalawa (normal na araw)

No One Else Comes Close
Please Subscribe to read the full chapter

"Beng, pahiram ako limang pesos," sabi ko kay yujin na kumakain ng kwekwek. Recess na namin ngayon at mahigit dalawang oras na ang nakalipas sa nangyari. Feel ko magiging representative ako ng room namin kasi ang angas ko daw sumayaw sabi ng ibang kaklase namin. 

May mga classmates akong nakausap kanina, kinomplement naman nila ako kasi ang galing ko raw talaga. 

Sus, mga bolera kayo. Lumaking bayot pa naman ako, stop nyo yan. 

Kulang na kulang pa sakin ang isang juice na tig sampung pesos. May pera pa naman ako, pero pang dota ko na 'to mamaya. "Aanhin mo?" tanong nya sabay abot sakin ng limang pesos. 

Isa pa 'to, ano bang gagawin sa limang pesos? edi may bibilhin. "Ang lala ko naman ata beng kung kakainin ko yung limang pesos mo, diba?" Pilosopo kong sagot. Sumimangot naman sya kaagad at nilaklak ang suka ng kwekwek. 

Kawawa bituka nito. Hays!

Pagkatapos ko bumili ng paborito kong juice, nakita ko si yujin na papunta sa gawi nila ryujin at giselle. May isang parang shed kasi dito sa canteen namin na pwede kang tumambay. Hindi mo talaga aakalin na galing sa mayaman na pamilya 'tong si giselle kasi yung pormahan nya parang kami lang. 

"Pre, halika ka nga rito," pagtawag sakin ni ryujin habang papalapit ako sakanila. Tawa naman nang tawa tong si giselle habang papunta ako sa gawi nila. Si yujin bumili ata ulit ng kwek kwek kanina kasi puno nanaman yung baso nya. 

So nung nakarating na ako sakanila, kinwento sakin ni ryujin yung nangyari kay yujin kanina. May nakabangga daw syang bata na grade 9 raw tapos yung batang grade 9 medyo gangster pormahan. Alangan naman magpatalo pa kaibigan ko e sanay na sanay to lumaban, ako kaya tumuro nito pa'no manuntok. Palaban daw yung bata kasi parang siga sya dito. 

Naku pu...

"Hinamon sya ng fliptop,"  Uy, bet na bet ko to. Hindi ako papayag na hindi ako masali dito. Kala ko pa naman may resbakan na magaganap mamaya. 

Sayang. 

"Boi, sasali ka ba?" tanong sakin ni giselle habang kumakain ng mangga. Ang sarap ng mangga ng kinakain nya, nag takam tuloy ako. Pero erase erase na muna yang crave na yan kasi excited na ako mamaya hehe

Tumango ako kay giselle bago ko tinapon sa basura yung ininom kong juice, "Ako bahala sa'yo, partner" sabay kindat ko kay yujin. 

Alam kasi nilang magaling ako sa fliptop. Noon pa man, magaling na talaga ako dito. Minsan nga nananalo ako sa contest ng barangay sa'min e, tapos yung prize unlimited time sa computer shop. Todo takbo pa ako noon kasi pagkatapos ng fliptop namin, tinatakbohan ako ni mama ng walis kasi nakakarating sakanya yung mga salita ko sa fliptop kagaya ng 

"Mama mo red, papa mo blue, kaya ka nandito kasi pinanganak kang demunyu pakyu ka," sabay labas dila pa yan ah tapos namamakyu.

Ang dami kasing mga nanonood samin kaya sinusumbong kay mama yung mga pinanggagawa ko sa buhay. Mali naman talaga yung mga salita ko pero hamak na kanto talaga ang dila ko pasensya na ho tao lang.

Tinapon ni yujin ang baso nya sa tabi ko, "Tulungan mo'ko sa fliptop, tutulungan naman kita sa resbak." Sabi nya sakin sabay akbay. Sus, kahit na magsama-sama kayong lahat, kaya ko kayong patumbahin. 

Malakas akong tao no pwera nalang kung may ipis kayo. 

Nagkwentuhan lang kami saglit ng mga aports ko tungkol sa mga nangyari kanina at di talaga ako nakatakas sa pang-aasar nila sa'kin. Sinabi rin ni ryujin na sa gym court daw yung place para sa fliptop battles ng grade 9 at ni yujin.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kathy101
Sensya nabusy sa research kaya natagalan

Comments

You must be logged in to comment
cleofierayne 14 streak #1
Chapter 4: WOWWW NAGPA IMPRESS PA NGA. TAPOS SI YUJIN GUSTO PA ATA MAKIKAIN SA HANDAAN 😭🤣🤣🤣
cleofierayne 14 streak #2
Chapter 3: WAHAHAHAHAHAH PATULAN BA NAMN MGA BATA HAHAHA KULIT NIYOOOOO
yujjiman
#3
Chapter 2: HAHAHHAHAHAHAH ANG CUTE
kwinminjeong
#4
Chapter 2: HAHWHSBSJSNSHAHA PUTSNGINA LAPTRIP SI KARINA AMPOTEK TAMA KA N BEH
howdoyouknowmee
552 streak #5
Kulit hahaha
crimson_snow #6
Chapter 1: Sobrang funny nila Karina and Ryujin 😭