One

Giselle, Pwede Pahiram?
Please Subscribe to read the full chapter

"Grabe, bagay talaga sila 'no?"

 

"Grabe makatitig si Rina oh, akala mo may aagaw sa jowa niya? Kilig to the max!"

 

"Bakit ba kasi nag-iisa lang si Maria Katarina? Edi sana akin na lang ang isa!"

 

"Gaga! Kahit maging sampu pa sila, hindi ka papatulan no'n, chaka neto."

 

Napailing iling na lang si Winter. "Ayan na naman sila," naisip niya na lang. Kitang kita kasi ang real life application ng motto na "Grass is always greener on the other side." Bakit ba kasi sila naiinggit sa dalawang 'yon? Mukha lang naman silang mga normal na tao na naglandian. Kainggit inggit ba talaga na nakapangako na sila sa isa't isa kahit high school pa lang sila? Hindi ba mukha silang kawawa? Imagine, nasa Pilipinas ka pero hindi ka makapag-straight Tagalog?

 

Pero si Winter lang kasi ang gano'n mag isip. Ang iba? Ayan, kulang na lang ay dilaan ang sahig na nilalakaran ng "Golden Couple" daw. Hindi talaga 'yon magets ni Winter. Hindi niya yata magegets 'yon kahit ilang reincarnation pa.

 

Pero sabi niya lang 'yon...

 

"What happened, love? Were you hurt? I'll get you transferred to a private room and have you checked by daddy. How did this even happen? I told you you should've just went with me!" tila rapper na saad ni Maria Katarina habang sinisipat si Giselle Cerise para hanapan ng kahit anong sugat. Hindi na nito binigyan ng pansin si Winter na nakatitig lang sa kanila ngayon habang may cast sa isang braso.

 

Iritadong inalis ni Giselle Cerise ang pagkakahawak ni Katarina. Saglit pa itong sumulyap umirap kay Winter bago ito pagalit na bumulong. "I'm okay. Just take me home."

 

Hindi na nakaangal si Katarina at akmang lalabas na ng pintuan. Surprisingly, napansin niya rin naman si Winter. I mean, sino bang hindi eh grabe makatitig si Winter dahil aminin man niya o hindi, naiinggit siya ngayon kay Giselle. Hay, bakit ba kasi wala pa rin ang kuya Justin niya?

 

"Oh, were you the one who saved my girlfriend? Thank you, Miss. Let me know how I can pay you back in any way."

 

Walang salitang lumabas sa bibig niya kasi the minute she stared at Maria Katarina? Narealize niya na kung bakit halos sambahin na siya ng mga tao sa school nila.

 

"Pucha, ang ganda," 'yun na lang ang naisip niya habang patuloy pa rin sa pagtitig sa mukha ng babaeng reincarnation yata ni Mama Mary. Hindi, baka ninuno pa ni Mama Mary siguro kasi mahihiya ring tumabi si Mama Mary sa kanya. Mapapa-pucha na lang talaga si Winter kasi mul

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inkedbyyu
Rewriting 180 Degrees atm

Comments

You must be logged in to comment
yukimin
#1
hoy ang cute😭😭🫶🏻
howdoyouknowmee
541 streak #2
Pano pag di po blind magiging jmj ba eme hahaha
wintergwapoenthu #3
Seated! Hahahah
segye411 #4
Ang cute! 🥰