Giselle, Pwede Pahiram?

Please Subscribe to read further chapters

Description

"Giselle, pwede pahiram muna ng jo-- este buhay mo," biro ni Winter sa sarili nang mawitness na naman ang kalandian pag-iibigan ni Katarina at Giselle. Wala namang relevance sana kasi sino nga ba si Winter? Ni wala ngang nakikinig sa pinagsasasabi niya ngayon. Ang kaso nga lang, biglang pumutok ang balita na ang maarteng si Giselle Cerise Uchinaga na fiance ni Maria Katarina Sanchez at ang full scholar na si Winter Kimberly Santos na palaging target sa pambubully ni Princess Vivian Ning ay nasangkot sa isang aksidente. Ang side effect? Wala naman daw sabi ng doktor. Pero bakit nga ba ang maarteng si Giselle ay biglang naghanap ng tuyo for breakfast in straight Tagalog at ang baduy na si Winter ay naging pang fashion walk bigla ang awrahan with matching English pa?

Foreword

Giselle woke up, feeling all weird. First of all, the lavender scent is gone. Second, her mattress feels so stiff and.. low? And why is it so hot, she wonders? Did her air conditioner break or something? She should complain about all this to her dear gramps! How dare they mess with her sleep?

 

Then, she opened her eyes... and blinked. A lot.

 

 

 

Her room is... She looked down and saw a cartoon pajama she never bought and... did her legs shrink or something? Something is weird. Did someone play a prank on her, oh, how she'll kill whoever did this to her!

 

 

She immediately got out and was shocked when an unknown man wrapped his arm around her neck, playfully choking her as he greeted her good morning. 

 

She coughed and immediately glared at him. How dare he touch THE Giselle Cerise Uchinaga?! 

 

"What the hell?! Let me go, weirdo!" 

 

The unknown man stared at her for a minute and then laughed so hard.

 

"Hoy, nene, nahahawa ka na sa mga ka-school mo ha? Para kang siraulo."

 

Nene?! She is so not nene!

 

Still laughing like crazy, the weirdo grabbed her phone, took a picture of Giselle and laughed even harder.

 

"Nene, pucha, tignan mo itsura mo!" Giselle forcefully grabbed her phone from the weird guy and looked at the picture that he's pertaining to.

 

When she looked though, instead of feeling annoyed, she realized why she felt weird from the start. Aside from her cheap Samsung phone that's obviously really worn out...

 

 

 

She's not... her.

 

 

 

 

 

 

 

Nakapikit pa si Winter Kimberly nang napakunot ang noo sa amoy ng bulaklak sa kwarto niya. Agad siyang gumulong para bumangon na habang nakapikit pa rin at nakakunot ang noo. Plano niya nang sisihin ang tatlo niyang kuya na baka niligawan na naman ang anak ng may ari ng tindahan sa tapat nang bahay nila nang nahulog siya sa sahig. Malakas.

 

"Aray..."

 

 

Agad siyang napahimas sa pwet niya nang maramdaman ang smooth na tela at maikling.. pantulog. Sigurado siyang natulog siya na suot ang  paborito niyang pajama! Minulat niya ang kanyang mga mata at nagulat nang makita ang buong paligid. Mukhang sumuka si Barney at puro purple ang paligid. At... kasing lawak ng buong bahay nila! 

 

 

At hindi doon nagtatapos ang lahat dahil bigla ba namang pumasok ang campus crush na si Maria Katarina.

"They told me to ask what you want for breakfast so you won't throw a tantrum, so what do you prefer today? Pancake? Waffle? Eggs?" Hindi man lang ito sumulyap sa kanya at patuloy ang pagtipa sa iPhone niya. 

 

Natataranta at nagtataka man, natakot siyang hindi sumagot. Mamaya ay katulad pala ito ni Vivian na maldita, mahirap na.

 

"Kahit ano na lang po siguro. Meron bang tuyo?"

 

Agad napatingin si Maria Katarina sa kanya habang malalim ang kunot sa noo.

 

"What did you just say..? Go wash your face first," nalilito nitong sagot bago siya iwan.

 

Wala tuloy siyang magawa kundi ang hanapin ang banyo, na sobrang hirap, actually. Ngayon lang siya nakakita ng damitan na may sariling kwarto at meron pang silipan sa labas na akala mo ay siya si Rapunzel na liligawan ng isang prinsipe! Mabilis siyang pumasok sa banyo at halos malaglag ang panga nang makita ang repleksyon niya sa salamin na mas malaki pa sa kanya. 

 

 

 

 

 

Kaya naman pala weird.

 

 

 

Hindi siya... siya.

inkedbyyu
Rewriting 180 Degrees atm

Comments

You must be logged in to comment
yukimin
#1
hoy ang cute😭😭🫶🏻
howdoyouknowmee
530 streak #2
Pano pag di po blind magiging jmj ba eme hahaha
wintergwapoenthu #3
Seated! Hahahah
segye411 #4
Ang cute! 🥰