Chapter 1

Chances
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

Halos dalawang taon na ang nakalipas noong nag simula ang pandemic. Dalawang taon na rin ako sa couse na ito. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kaya ko pa bang panindigan ang kursong Civil Engineering. Nahihirapan na rin akong pag sabayan ang pag-aaral at pag t-trabaho. Noong nag college kasi ako, ako na ang nag p-provide sa sarili ko. Andyan naman si Ning, bestfriend ko simula elementary hanggang ngayon. Minsan nga nag sasawa na ako sa pag mumukha niyan. Mayaman si Ning pero ayoko naman abusuhin 'yung pag kakaibigan namin. Sapat na iyong karamay ko siya sa mga bagay-bagay. Kasi naman itong babaeng to, pinili rin ang CE kahit naman ayaw na ayaw sa math. Okay lang daw na classmate niya ako kahit hindi niya gusto ito. Kahit na ganiyan siya, greatful pa rin ako na kaibigan ko siya.

"Suarez." Hindi ko napansin na dumating na pala si Sir Dimagiba. Masyado kasi akong na sidetrack sa pag kwento tungkol sakin. 

"Present po, Sir." Mahinang sagot ko kay Sir. Siya ay nag patuloy na sa pag check ng attendance habang ako naman ay nilibot ang tingin sa classroom.  Napansin ko na wala pa rin pala si Ning. Baka na late nanaman ng gising 'yun. Masyado kasing nababad sa pag lalaro kagabi, hindi naman pala kayang gumising nang maaga. 

Nag text ako kay Ning para sabihin na andito na yung prof namin, at matulog na lang siya dahil first day palang naman ng classes. Kadasalan kasi, introduction pa lang naman ang ginagawa kapag first day. Kaya ko naman i-relay sakanya yung mga nangyari dito. 

May mga habilin lang naman si Sir na kailangan dalhin sa klase niya. Ilang minutes lang din sya nag discuss at nag dismiss na rin after. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko nang biglang may kumalabit sakin sa balikat. 

"Uyy, di ba ikaw si Winter? Winter Suarez?" Nakangiting tanong nito. Parang naalala ko na siya. Classmate ko ata siya noong online class kaso hindi ko matandaan kung anong subject. 

"Ah, oo." tipid kong sagot sakanya. Kasi naman, wala naman akong balak makipag interact ngayong college. Bukod na lang kung kailgan sa mga group activies. 

"Ako nga pala si Ryujin Cabrera, yung ka group mo noon sa P.E last sem." sabi nito. Naaalala ko na siya. Siya yung ka member kong ayaw mag open ng camera tuwing practice. Natandaan ko lang siya kasi noong nag open cam na kami para sa performance, kulay pink yung buhok niya. Litaw na litaw siya sa screen ko. 

"Okay." Ayun lamang ang naisagot ko sakanya. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Bigla na lang kasi niya akong kinausap at tungkol pa sa P.E. Ayaw ko pa naman maalala yung time na 'yun kasi ubos na ubos na dignidad ko. Paano ba naman kasi, pinasayaw kami gamit ang basketball hand signs. 

"Ang lamig mo naman! Bagay sayo yung pangalan mong Winter." Natatawang sabi nito. Bago pa ako makapag react ay dinugtungan niya ang sinabi niya. 

"Nakita kasi kitang walang kasama. Ops, bago mo isipin na baka out of pity lang ito ay mali ka ron. Noong online class pa lang gusto na kita maging kaibigan. Ang tahimik mo kasi, para kang cold mysterious person tuwing nag c-chat sa chatbox. Gusto ko sana matuto maging ganon. Medyo sawa na rin ako sa kabigan kong walang ginawa kung hindi magingay. Wala naman akong karapatan mag reklamo kasi maingay din ako." Seryosong sabi nito. 

Tinignan ko na lamang siya at napaisip kung anong trip nitong taong to at parang gusto lang ata mang-asar. Nagsalita ulit siya noong ilang seonds na ang pag tahimik ko. 

"Joke lang naman. Gusto talaga kita maging kaibigan. Walang hidden agenda. Kasi gusto ko lang talaga." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay pumikit siya. Ang oa naman nito, may pag pikit pang nalalaman. 

"Sige." Sabi ko na lang sakanya para tumigil na siya sa pag pikit niya baka kasi akalain ng iba eh sasampalin ko siya. 

"Nice!." Agad niya akong inakbayan at hinila papuntang canteen. Wala sana akong balak bumili ng pagkain ngayong lunch dah

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet