Spend Forever With You

Description

 

'Please just read :D'

Foreword

 

       [!]_ A.N_ [!]

>>' Hi Readers!!! :) This is my first story and this is the first time nah nagsulat akoh ng mga ganito kahabang estorya.. Ang ibang scenes ditoh sa storying itoh ay related sa totoo kong buhay. :D Please support meh poh sa story kong itoh... Hope you like it. Please Vote, Add as fan and Comment poh nang sa ganon eh ma inspired poh akoh. :D Thankz!!!

 

 

 

 

 

>>>PROLOGUE<<<

 

  

   It hurts to see someone you love IGNORING YOU,

 

 

   It also hurts to see that HE DOESN'T FEEL YOUR LOVE.

 

 

   BUT

 

 

   It hurts even MORE to know that HE LOVES YOU TOO, 

 

 

   And just DOESN'T WANT YOU TO KNOW.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

   So,

 

 

   Please stop

 

 

   IGNORING ME.

 

 

 

 

 

 

 

   I just

 

 

   want you

 

 

   to know

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

   I 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

   wanna

 

 

 

 

    'SPEND FOREVER WITH YOU'.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

>>>CHAPTER 1<<<

            ~ First Day of School ~

 

 

 

                 {Arheia's POV}

 

"Ma !!! ano ang mas maganda? Ito? ito? o ito? Bilisan mo ma! malalate na akoh..."

 

Hehehe ang demanding ko noh? nagpapatulong kasi ako kay mama kung ano ang bagay na suotin ko ngayon. First day of school ko kasi bilang graduating student kaya dapat maganda ako ngayon. Oo your right, 4th year high school na akitch. Well, ako nga pala si Arheia May Torino 15 years old, nag-aaral sa ***** High School. I guess yan nalang muna sa ngayon, nagmamadali ako eh. Late na ako.

 

"Hmmm... anak ito nalang maganda."    pinili ni mama is yung pink na long-sleeve-blouse with matching skinny jeans. 

 

"Okie! Thankz ma. Magbibihis na muna ako."     sabay takbo papasok sa room ko. Simple lang kasi ako kaya naka jeans lang ako. Pero ang cuuuutttteeee ko. hehehe. 

 

--------

 

SCHOOL...

 

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang may tumawag sakin.

 

"Arheia?! "    lumingon ako at nakita ko si Sabrina.

 

"Aaaaayyyyyyyyyy!!!!!! Arheia Arheia... Haie.! Arheia  "    sabay hug sa akin. Hin-hug ko din siya.  Babaeng toh naman, parang ilang years kaming hindi nagkita.hahaha. Sabrina Nicole Chua pala, ang bessie ko. 15 years old na din. Cute, matalino at mabait. Halos lahat nasa kanya nah. Pero mas maganda ako dun noh, lamang lang siya ng kunting katalinohan sa akin. hahaha. 

 

"oh? grabeh ka naman Sab. Parang ilang years na tayong hindi nagkikita, hello? eh 2 months lang kaya ang summer vacation natin. "     humiwalay na ako sa pagkayakap niya.

 

"Arheia naman eh. Na miss ko lang kaya ang bessie koh. Hmmph! "    sabay talikod sa akin.

 

"oh, ito naman. Emote2 agad.  Alam mo ang ganda mo ngayon. "    at ang g*ga.

 

"talaga!?"    sabi niya.

 

"Hmmm... medyo? hehehe. joke lang. oo nga."    tapos inakbayan ko siya.

 

"yieeehh.. hehehe. matagal na noh. Tara na nga at malapit ng magsimula ang class, first day of school pa naman natin bilang seniors."    sabi niya at naglakad na kami.

 

ROOM...

 

"haie Sab, haie Arheia. "    sabay lapit ni Carla sa amin.

 

"oh? sina Joseph?"   tanong ni Sabrina.

 

"ah. ayon!. Likayo, dito tayo umupo"   tinawag niya sila Kean at umupo na kami. Isang row lang kami.

 

--------

 

"psssst! Hi " paglingon nagulat ako nang nakita ko si Kean. Kean Joseph Vermicelle. Matangkad, cute, palaging nakangiti,  matalino, mabait, mahusay magdrawing at palaging nagpapatawa. Close friend ko and ang crush ko since 3rd year high school pako.

 

"oh? hello."    at nagpatuloy sa pagbabasa ng book na ang title 'Carnival Love Story'. Pero sa totoo lang kinikilig na akitch ngayon. aaaahhhh!!!!!

 

"ahmmm... ano.."     tapos taas kilay ko siyang tiningnan.   

 

"ano yang binabasa mo?"   yun lang pala akala ko ano nah. psss.

 

"ah? ano"oh? hello."    at nagpatuloy sa pagbabasa ng book. Pero sa totoo lang kinikilig na akitch ngayon. aaaahhhh!!!!!

 

"ahmmm... ano yang binabasa mo?"       tapos taas kilay ko siyang tiningnan.   

 

"ah... romance story 'Carnival Love Story. "    sabi ko sabay baba ng libro.

 

"ahh... adik ka talaga sa mga ganyan. "   

 

"hehehe... sinabi mo pah."    tapos nakita ko si Sabrina papalapit sa amin.

 

"oh? tara na Rhiea. "      "oh sige. sama kana sa amin Kean. "   sabay tayo.

 

"ah di na sabay nalang ako kina Edward."      "oh sige."

 

Tapos pumunta na kami sa canteen.

 

--------

 

#FAST FORWARD... boring kasi nang nangyari eh. class lang.

 

Umuulan ngayon. At kapag umuulan, ang sarap matulog, at kapag gustong matulog, uwi. Kaya nandito ako ngayon sa bahay. Hindi makatulog. Kung bakit?

 

 

 

<#FLASHBACK...>

 

Kasama ko ngayon sila Kean, Edward, Kenneth, Lane, Aldred, Carla at si Sabrina. Nasa school building parin kami. Ang lakas kasi ng ulan. 

 

"ano bayan ang lakas ng ulan."   sabi ni Sab.

 

"oo nga eh. papagalitan na naman ako ni mama nito"   dinig ko'ng sabi ni Carla. Talagang papagalitan siya kung hindi kami makakauwi ng maaga ngayon, over protective kasi ng mama niya at nagagalit yun kapag lagpas 5:00 na kung makauwi si Carla.

 

"bakit kasi di ko dinala ang payong ko"    Sab.

 

"oo nga, ako din. Kainis eh, kung magdadala tayo ng payong di uulan. Kung di namn natin dadalhin uulan. Pss!"    inis na si Carla. hahaha.

 

Hala! may payong ako sa bag bat di ko naalala.

 

"may payong ako."   sabi ko. Tingin sila lahat sa akin.

 

"MAY PAYONG KA PALA EH! BAT NGAYON MO LANG SINABI? EH HALOS 30 MIN. NA KAYA TAYONG NAGHIHINTAY DITO."   sabi ni Sab. ito talaga si Sab, ang lakas ng boses.

 

"eh sa ngayon ko lang naalala eh. hehehe. Sensya, makakalimutin lang. "    tapos kinuha ko na ang payong sa bag ko.

 

"ang liit naman ng payong mo Arheia."    rinig kong sabi ni Edward. sabay tawa.

 

"ano naman ngayon? ikaw ba meron?"    sabay kuha ng payong ko sa kanya .

 

"eto naman. Oh? sino ang mauuna?  ang LIIT kasi nitong payong eh."   Edward. 

 

At yun. Nauna na sila Edward at Kenneth si Edward ang may hawak ng payong kaya siya ang bumalik. Yun bang tag dalawa tapos kung sino ang may dala ng payong siya ang babalik tapos maiiwan na ang isa.

 

"oh, next. "    tsaka sila Kean at Aldred naman. Tapos si Kean na ang bumalik. 

 

"oh, sino na?. bilis basang basa sa ulaaaan na ako oh. "   may pa kanta-kanta pa tong si Kean. hehehe.

 

Tapos siniko ako ni Sabrina. 

 

" *chance mo na yan girl.* " pabulong nyang sabi. Natawa naman ako. hahaha.

 

"si Arheia muna. "    sabi ni Carla at yun nga.

 

"KEAN!!! "   sigaw ko sa kanya. Naman kasi, paglalapit at sisilong na ako sa payong biglang tatakbo. Yun tuloy basa nako, pero di naman basang-basa talaga.

 

" *tawa* hahaha."   lumapit na siya. Akmang lalapit na din ako sa kanya nang lalayo din siya.

 

"Kean naman. Kulit mo ha"   sabi ko. 

 

"to naman di na mabiro."   lumapit na din siya. 

 

"biro, biro. Tini-tripan mo ko eh. hehehe."   

 

Tapos biglang kumulog at yun natakot ako kaya napayakap ako sa kanya. Ay! libre chansing natoh. eeeehhhhh... pssst. You hate publicity right?. Kaya bumitaw ako agad. At narinig kong tumatawa si Kean.

 

" so-sorry "   sabay smile at yumuko. eh, kakahiya. Pero ay! kinikilig ako. Kinikilig ako ngayon!!!!

 

" *hahahaha! hahahaha!* nakakatuwa ka naman"   sabi niya habang tumatawa parin.

 

Tinignan ko lang siya at  tumigil din sa kakatawa. Parang baliw na eh.

 

" tara na nga, bilisan mo ang paglalakad. Naghihintay pa sila dun. at baka kumulog ulit. *hehehe* "

 

Tapos binilisan na namin ang paglalakad.

 

--------------------------------

 

 

 

 

{Kean's POV}

 

I’m Kean Joseph Vermicelle. , Mabait, mahusay magdrawing,  medyo…matalino hehe,  matangkad, cute sabi nila. *cute lang? di gwapo? Aish*, at hilig ko ang magpatawa. 

 

Naglalakad na kami ngayon ni Aldred, mabilis. Kasi ang lakas ng ulan at basa na ako. Pagdating namin sa Hallway.

 

"oh. Ikaw na ang bumalik don."   sabay tapon ng paying at tumakbo.

"Pss."        At ako na nga ang bumalik, litchon yun. Yan tuloy basa na ako.

 

"oh, sino na?. bilis basang basa sa ulaaaan na ako oh. "   Pakanta ko namang tanong. Hahaha sa trip ko lang kumanta eh. Tsaka FYI magaling tong kumanta tol. :D

 

Tapos tinignan ko si Rheia at nakita ko’ng siniko siya ni Sabrina. 

 

" *chance mo na yan girl.* " pabulong nyang sabi. Natawa naman ako. hahaha. At yun naman kitang-kita ko na nag-blush si Arheia.

 

"si Arheia muna. "    sabi ni Carla, tinutulak pa nga nila sa Arheia eh.

 

Papalapit na si Arheia kaya lumayo ako sa kanya. 

 

"KEAN!!! "   dinig kong sigaw niya. Paglalapit at sisilong na kasi siya sa payong biglang akong tatakbo. Hahahaha… ‘to talagang si Rheia eh sa trip kong pikunin siya eh. Cute niya kasi pagnapipikon. Tinawanan ko nalang siya. Lumapit na ako sa kanya nang dahan-dahan at akmang lalapit na din siya kaya umatras na naman ako. Kulit ko noh? Hahaha.

 

"Kean naman. Kulit mo ha"   sabi niya tsaka nag-pout pah.  

 

"to naman di na mabiro."   Lumapit na din ako sa kanya. 

 

"biro, biro. Tini-tripan mo ko eh. hehehe."   Sabi ni Rheia na parang napipikon nah. Ganyan talaga siya kahit nababadtrip na pagtumingin sa akin naka smile pa din. Tsk!

 

Nagsimula na kaming maglakad nang bilang kumulog at naramdaman ko’ng may humakap sa akin. Natawa naman ako sa kanya, ang cute niya kapag badtrip, cute din siya kapag natatakot. Hahaha. 

 

" so-sorry "   sabi niya sabay smile at yumuko.

Tumawa ako pero mahina lang. Baka kasi mabadtrip na talaga to sa akin.

 

" nakakatuwa ka naman."   

Tumingin lang siya sa akin kaya binalik ko agad ang tingin ko sa daan. Mahirap na baka madulas pa kami.

" tara na nga, bilisan mo ang paglalakad. Naghihintay pa sila dun. at baka kumulog ulit. *hehehe* " Tumawa ulit ako. 

 

Tapos kita kong bumilis ang paglalakad niya kaya binilisan ko din ang paglalakad. Nasa waiting shed ang iba pa naming kasama at hinihintay ang iba. Pagdating ko dun binalikan ko naman sila agad. Narinig ko namang nagtiliin ang girls.  Psssh. Mga babae talaga, kapag kinikilig sobrang ingay bat kaming mga lalaki kapag kinikilig tahimik lang, pero di mawala-wala ang ngiti. Alam ko namang crush ako ni Rheia eh. Hindi naman sa nagbibigay mutibo siya at dahil nakikita kong nagb-blush siya o naririnig kong nagtitilian sila kapag magkasama kami ni Rheia, kung hindi

 

 

<#FLASHBACK...>

 

Nagbabasa ako ng libro nang dumating si Kenneth. At dumiretso sa upuan niya.

Kenneth: “Oy! mga choy, may chika ako sa inyo.”     Sabi ni Kenneth. Kararating palang chika agad, parang babae lang eh noh?.

Aldred: “oh? Ano naman yun girlie?”    

*PAK* hahaha. Kulit ng dalawang toh. 

Aldred: “aray naman! Bat mo naman ako binatukan girlie?”

Kenneth: “anong girlie, girlie? Sapakin kita ulit dyan eh.”

Aldred: “eh sa kararating mo lang kaya. Chika ka agad. Parang babae.”

Kenneth: “parang babae, eh kayo anoh? Parang girls. Tsismosa din kaya kayo noh. Pagkasabing-pagkasabi ko lapit agad kayo. Psss.”    Sabi ni Kenneth at nagpawave-wave pa ng buhok na ginagawa ang mga babae. Bading atah toh. :D

Lane: “ oh? ano ba kasi yang CHIKA moh? Girlie? *akmang babatukan siya ni Aldred* Este Kenneth?”   tsaka nagpeace sign.

 Kenneth: “*ahem! Ahem!* eh kasi”   tingin sa paligid.  “wala pa ba si Arheia, Sabrina at Carla?”   pinakikinggan ko lang sila wala kasi ako sa mood para makipagkulitan at CHIKAHAN sa kanila eh.

Aldred: “yun na ba yon?”   

Lane: “sos! Yun lang pala eh. Teyka nga, I smell something fishy ah?”

Edward: “oh? mga choy, aga natin ah.”    Biglang dumating si Edward.

Aldred: “speaking of fishy. Ito ata ang amoy isda eh. Hahahaha.”   At rinig kong nagtawanan sila.

Aldred: “ARAY naman choy. “

Kenneth: “no ba kayo. Fishy-fishy ikaw kaya ang amoy isda jan. Pss. Eh kasi nagtext-text kami ni Arheia kagabi tsaka may sinabi siya sa akin. *Pero wag kayong maingay ha?* ”   Bulong ni Kenneth. Bulong-bulong eh ang lakas naman ng boses. 

Lane: “ano nga? ”   

Kenneth: “eh kasi *sfdlkfjdljflkjdlfjkldjkfjkjdjfkdj*.”   Di ko na narinig, binulong kasi ni Kenneth eh.

Aldred, Lane, Edward: “WOOOH!? TALAGA? “    nagulat naman ako, bigla-bigla kasing sisigaw. Parang mga yabag lang eh.

Kenneth: “0o.”

Aldred: “WOAH! Haba ng hair ni Kean Joseph ah.”    Huh? Bat naman ako nasali diyan? Anong haba ng hair ko? 

Edward:” wag nga kasing maingay! “    sabay  hatak kay Aldred.

Aldred: “why? He has the right to know naman dibah? “    char! English palaka Aldred? Hahaha.

Lane: “oo nga”   

At may biglang yumugyog sa akin.

Aldred, Lane: “CHOY! Alam mo na ang latest chika ngayon? Ha?ha? “   sabay yugyog parin sa akin ng dalawa. Anong latest chika? Tinignan ko lang sina Kenneth. ^_^ ang expression nila at lumapit sa akin. Ano ba tong mga to?

 

Ako: “eh ano?”

Aldred, Lane, Kenneth, Edward: “WOAH! ANG HABA NG BUHOK MO CHOY! “   

(O_O?) yan lang expression ko.

Carla: “oh? good morning sa inyo. Anong meron?”   

Lane: “alam mo na ba?”   tanong ni Lane kay Carla.

Carla:  (o_o!) “pano ko alam eh kararating ko lang. Hello? “

Edward: “ na crush ni Arheia si Kean?”   

Ano? Crush ako ni Rheia?

Carla: “hahaha, pano niyo nalaman?... (O_O) *hala*”    narinig kong sabi ni Carla.

Aldred: “so totoo nga? HAHAHAHA! “

Ako: “ sos! Eh ano naman ngayon? Psss. “    eh ano naman kung crush ako ni Rheia? As if naman, crush lang yun. Ako nga may crush eh.

Aldred, Lane, Kenneth, Edward, Carla: (o_0)

“Haie guyz. “     sabi ni Sabrina. Kararating lang niya.   “oh? bat ganyan mukha niyo?”   tapos kita ko namang siniko ni Carla si Kenneth. 

“ah,wala na amaze lang *sayo*.”    

Ako, Aldred, Lane, Edward, Carla: (o_0)

“ hahahaha, para kayong mga timang dyan. Nandiyan na si Ma’am oh. Upon na.”   sabi niya at tama, nandito na pala si Ma’am.

 

<#END OF FLASHBACK...>

 

 

 

 

Habang naisip ko ang mga nangyari kanina at last year, di ko alam pero bigla akong napangiti. Eh ano naman ngayon kung crush nga ako ni Rheia? As if naman, crush lang yun noh. Well, nakauwi na pala kami. Seam Break na namin at ang boring nandito lang ako sa room ko nakahiga lang, harap sa salamin. Wala naman kasi akong gagawin eh. Kaya nag-FB nalang ako. 

 

 

 

 

      [!]_ A.N_ [!]

>>speaking of FB… I have my upcoming story. Ang title ‘My FB’.  I know nah pag FB, FaceBook agad ang maiisip niyoh. :D same sa akin. But not. Guess what? hehe. Sa ngayon I am still encoding this story kasi. So maybe soon, 2013 ko na ma publish ang ‘My FB’. Hope yah like my 1st story ‘Spend Forever With You’. Thankz! Please vote, comment and become one of my fan.  Thank you so much :D. God Bless. <<

 

 

 

 

 

 

----------------------------------------------------------------

 

>>>CHAPTER 2<<<

                   ~ Crush ~

 

 

 

                {Arheia's POV}

Hay! Nakauwi na din kami. Pagkauwi ko dumeritso ako sa banyo at naligo. Ang basa-basa ko na kasi eh. Kaya naligo nalang ako. Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko.  

“Aaaahhh------Ahtcho…!”    ay. Ano batoh, sinisipon ako. Tsss. 

"oh anak, ito gamot oh."   sabay abot ni mama sa gamot.

"bat hindi ka kasi tumawag o kaya nagtext sakin para nasundo kita kanina sa school niyo."   sabi ni mama habang inaabot naman sakin yung tubig.

"eh kasi ma, hindi ko na naisip ang tawagan ka. *kasi nandon si Kean*."   mahina kong sagot.

"nandon si Kean? eh aba anak, alam ko namang close kayo ni Kean simula third year high school ka. Pero wag mo sabihing?."     tanong ni mama habang may pataas-taas pa ng kilay niya at tudo smile. noh batoh si mama.

"mama naman eh... "   sagot ko. Tsaka yumuko. 

"oh? sige na anak. Sabihin mo kung nililigawan ka niyang si Kean o... kayo na?"   

"ma, hindi nanliligaw si Kean sakin noh. Lalong hindi kami. Tss."   sagot ko ni mama tsaka humiga ulit.

"sure?"    

"sure."

"promise?"

"Ahtcho…!promise. Kulit mo ma. *hehehe*"

"oh sige... Pero Rheia, wala bang may crush sayo sa classroom niyo?"   

(o_O) <--- yan itsura ko. at naging ---> (~_~)

"I'm just asking naman anak."

"ma, *hahay* sa tingin ko..."

(*o*) <--- si mama. Nakanga-nga. Yun bang naka bukas ang bibig pero naman masyadong malaki.

"ma, bibig niyo. Ang daming langaw oh. *hehe* sa tingin ko meron naman ma. Pero di ako sure huh. "

"talaga anak?. Kung hindi ka sure, bat mo naman nasabi na may crush siya sayo?"

"eh kasi pagtumingin ako sa kanya o just... sulyap, kita ko'ng nakatingin din siya sakin at tsaka ma, alam mo nagresearch ako ' How to know if a guy have a crush on you' tapos sabi don 'pagnakita mong nakatingin siya sayo tsaka pagtumingin ka sa kanya, agad siyang titingin siya sa ibang direksyon'. Ay! ma, yun yun eh. Ganon kami ma. eeeehhh!!!"   

 

Tango-tango lang si mama.

"eh, sino ba yan?"

" Aaaahhh------Ahtcho…!eh di si Kean. O.oh!" 

Tapos ang reaction ni mama (O_O) na naman. Patay, nasabi ko kay mama. Sigurado tutuksuhin lang niya ko nito tsk!. Pero tinaasan ko lang siya ng kilay at hahaha, bumalik din ang normal niyang mukha. Parang may topak si mama. Joke lang!

"anak, crush mo siya noh?"   

" "

" " nagtitigan lang kami ni mama.

"Oo?."   

"ah ok. "   tipid naman sumagot ni mama.

"pero anak, normal lang naman ang magkaroon ng crush. Pero pag may manligaw man sayo ipaalam mo agad sakin huh?"

" "

"wag kang maglilihim sakin huh?"

" "

"hoy!"

"ah..ah, oo. Oo ma. Promise."

"oh sige. Magluluto lang muna ako ng hapunan. Pahinga ka muna."   

"Ok."   lumabas na si mama ng kwarto ko. Ako naman, natulog na. Gigisingin lang din naman ako ni mama mamaya pag kakain nah. hehehe.

 

--------

 

Grabeh ang sipon ko ngayon. Di tuloy ako nakatulog ng maayos kagabi. Eh kasi naman, nahihirapan akong huminga dahil sa lechong sipon nato. Kaya natulog akong nakabukas ang bibig. Ang EEEWWW noh? eeewww... talaga. haha

 

"Tara na Arheia."   sabi sakin ni Carla.

"oh? san tayo pupunta?"   

"di mo bah narinig ang announcement kanina?"   

"sorry naman, late ako eh. "

"*as usual* birthday ng principal bukas at tayo ang nautusang magdecorate."

"hoy ha, narinig ko yung 'as usual' mo. Pero totoo naman hahaha. Anyways ang echoz naman ng birthday ni ma'am principal na yan. Saan ba ihe-held?"  tanong ko.

"sa auditorium"   

"ahh... okay. sige tarah" "si Sabrina pala?"  

"ah, di ko pa nakita. Late DIN atah. Pero naitext ko na na nasa audi tayo."  sagot naman ni Carla.

"ah ok."  

 

Pagdating namin sa audi, medyo marami-rami din ang nandon. Yung iba nagwawalis at nagmo-mop. Grabeh naman ang birthday niyang si Ma'am Principal, mga estudyante pa talaga ang nag-aayos. Pero well, ano pa nga ba ang magagawa nating mga students? Lets do linis-linis and decorate nalang for our grades naman dibah? hahaha.

 

"oh akin na yung letter T."   sabi ko kay Carla. Ako kasi ang tig staple sa mga letters. 

"oh ito."  Agad naman niyang inabot sakin yun. At na staple ko na. Next letter please, hahaha. 

"ay teyka, ubos na ang bala nito." sabi ko kay Carla.

"ah wait. Hoi! Katrina, asan yung staple wire?"  sigaw naman ni Carla don sa isa naming kaklase.

"WALA DITO!" 

"asan na ba yun hawak ko lang yun kanina ah. Teyka hanapin ko lang."  tapos umalis si Carla at hinanap. At bumalik agad.  

"hay nako Arheia. Eh binigay ko pala sayo yun."

"huh? eh wa---"  pagtingin ko sa right, don ko pala nailagay. hehehe.

"yun oh."  sabay turo dun sa nilagyan ko. 

 

I know kaya. Tin-try kong kunin. Pagtingin ko sa ibaba, nakita ko si Sabrina at nagwave ako. At bigla nalang akong na 

"A-ATCHO!!!"

"ARHEIA. MAHUHUL---"  pagkasigaw ni Sabrina naramdaman kong tumagilid yung hagdanan na pinatungan ko. 

"AAAYYY!" dinig ko namang sigaw ng mga tao dun. Pagdilat ko...

"O--okay ka lang?" 

"o--Oo. O-o okay lang ako."

 

Nakita ko ang... si Kean. Nakahawak ang isa niyang kamay sa paa ko, well di naman nasa paa talaga but nasa yun bang sa likod ng tuhod ah bastah. at yung isa naman eh nasa likod ko. At yun isang knee niya naka bend. OH EM GEEE!!! Kinikilig ako ngayon. Kinikilig ako ngayon!!! 

 

"Arheia, okay ka lang bah?"  agad ko namang nakita sila Carla at Sabrina.

Tsaka naman ako natauhan na di lang pala kami ang nandito. Kaya tumayo na ako.

"ikaw talaga Arheia, di ka kasi nag-iingat." sabi naman ni Carla.

" "  speechless ako ngayon. 

"oh. Okay ka lang? may masakit ba sayo? gusto mo dalhin ka namin sa clinic?" sabi naman ni Edward.

"...ah.. ano. Okay lang ako. walang namang masakit" 

"oh sige. Uwi ka muna. Kanina ka pa din dito."  sabi naman ni Kenneth.  

"o-okay. Sige una nako." paghakbang ko OUCH! ang binti ko. 

"ano? masakit ba ang binti mo?"  sabi naman ni Carla.

"..ah. di naman. sige" 

"okay. Ingat ka huh?"  sabi naman ni Sabrina.

 

Ang babait talaga ng mga kaibigan ko. Na touch ako.

Tuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad. Tiis-tiis nalang sa sakit hindi naman kasi masyadong masakit. Pero masakit. Pagkalabas ko ng audi, umupo muna ako sa bench sa hallway. Tinignan ko ang binti ko. Namumula, may sugat pero di naman masyadong malaki, mahapdi.

Tumayo ako at nagpatuloy sa paglalakad at umuwi.

 

--------------------------------

       [!]_ A.N_ [!]

>>'Yan pah poh ang na-encode koh... sorry at hindi natapos at sa mga typing error... sensya. :) sana poh basahin niyo po ang continuation nitong storyang 'Spend Forever With You'... <<

 

  

 

 

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet