His a Ghost.

OneShot Collection

 

 

 

----------**

**A.N.E.N:

Pano kung sa pagsunod mo sa isang pusa

 May nakita kang ghost?

 Anong gagawin mo?

 Malamang tatakbo! sisigaw o kaya baka maistatwa ka na lang! 

 Pero pano kung nahawakan ka niya? 

 Maniniwala kabang ghost siya? 

 Siguro Oo... Siguro Hindi, Ewan!!

Tapos naging magkaybigan kayo..

Tapos may natuklasan ka..

Anong gagawin mo?!

-----------**

 

 

>> His a Ghost ... 

 

 

Isang gabi....

 

"Ano bang ginagawa natin dito?" Inis na sabi ni Gail sa Ate niya..

"Basta!" -Ate niya.

"Tsss... Bahala ka nga diyan! Uuwi na ko!" 

"Ohh! Ayan na pala siya!! Kyaaa! Sige mauna ka na!! Ingat ka hah!!" Tapos sabay takbo dun sa boyfriend niya..

"Hmp! Talaga!" Tsss.. Nagpasama pang hintayin yung boyfriend niya! Tss.. 

 

 Habang naglalakad siya may nakita siyang puting pusa na tumawid sa harap niya tapos pagkatawid ng pusa tumingin sa kanya...

 

 Ehh?? Ang puti naman niya.. Ang cool!! - Gail

 

 Tapos sinundan niya ng tingin yung puting pusa.. Dumiretsyo yung puting pusa sa may  parang Park... At sinundan naman siya ni Gail

 

 "Hoy pusa sandali!!" Tapos hindi niya napansin na may bato pala *boog* "Aray!! Ouch ouch ouch!!" Habang hawak yung binti na nagkasugat, nadapa kasi siya.. At dahil sa pagkadapa niya dun niya lang narealize na nasa parang park siya, na meron din namang konteng ilaw... Pero medyo madilim parin ang dating.. 

"Meoooowww.."

 

Tapos napatingin siya dun sa pusa.. At nagulat siya dahil nilalaro na siya nung isang lalaking nakaupo dun sa bench.

 

"Ehh??! Ahmm... Pusa mo ba yan?" Kanina pa ba siya andiyan?? Ang weird hah! Tanong ni Gail sa lalaki habang nakahawak parin sa binti niya.

 "Sino ka?" Tanong nung lalaki. Pero hindi sya nakatingin kay Gail.

 "Ako si Gail. Ikaw??" wait! nagtanong siya kaagad hindi niya pa nga sinasagot yung tanong ko!!..

"Lumapit ka muna.." Sabay tingin kay Gail..

 OhhMiiGosshiiii..... Ang gwapo niya!!! Kumapit muna siya dun sa may parang poste na medyo malapit sa kanya at tumayo.. Aray ahh!! Ouchh..! 

 

 Edi umupo siya dun sa may tabi ng lalaki... 

 

 "Im Ghost.." Pagkatapos niyang sabihin yun tumayo siya.. 

 "Ahh.. Nice to meet you Ghost!" Tapos nanahimik siya sandali at nag-echo sa isip niya yung sinabi nung lalaki.. "IM GHOST... IM GHOST... im ghost... ghost... ghost... ghost..."  "What??!" Nangiginig na siya at medyo natatakot. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya o hindi? O kaya sisigaw.. 

 "Narinig mo naman diba Im Ghost.." In a cold tone... "Ano natatakot ka na?? Bat hindi kapa tumakbo o kaya sumigaw.." Sabi niya ulit habang nakatalikod kay Gail.

"Your a Ghost as-in Multo??! Yung mga Mumooo? Yung mga...... Basta!!" Tanong ni Gail na medyo nanginginig.. 

 

Tapos biglang may sumigaw... 

 

 "Gail!!!" Sigaw ng Ate niya... 

 

 Napalingon naman siya... 

 

Ehh?? Salamat naman at dumating na siya.. Kasi.. Kung alam niyo lang natatakot na ko! Promise!!-Gail 

 

 Tapos lumingon siya ulit.. Wala na yung lalaki at yung pusa. Tapos bigla siyang kinilanbutan... Lumapit naman sa kanya yung Ate niya..

 

 "Ano bang ginagawa mo dito?! Atsaka.. Ang dilim dilim kaya! Hindi kaba natatakot? Hay naku! Tara na nga!" Sabi nung Ate niya habang palingon lingon sa paligid..

 "Ate.. May sasabihin ako sayo." Seryoso niyang sabi sa Ate niya..

 

 Sa may daan... Habang naglalakad.

 

 "Ano??!! Hindi nga?! Hindi ako nakikipagjoke hah!!" Gulat na sabi ng Ate niya..

 "Oo nga! Nagulat nga rin ako ehh!... Pero, nung tinatawag mo ba ko may nakita kang lalaki na puti yung damit tapos nakablack na pantalon...??" Tanong ni Gail 

 "Wala... Gail! Kinikilabutan na ako sayo hah! Itigil muna yan!! Hindi na nakakatawa.. Natatakot na ko!!" Sabi nung Ate niya sa kanya. Whaaaaaa T_T Sana nagjojoke lang siya!!

"Hindi nga?? Nung tinawag mo ko nakatayo siya ehh.. Tapos nung lumingon ulit ako wala na siya at yung pusang sinundan ko.. Tapos sabi niya Gh---." Bago niya ituloy yung sinabi niya tinakpan na ng Ate niya yung bibig niya.. 

"Gail! Tumigil kana! Hindi na nakakatawa!! Natatakot na ko!" Sabi ng Ate niya sa kanya. 

"Ako rin naman ehh.. Kaya ko nga kinukwento yung mga yu--." Tapos natigilan siya ng biglang may tumawid na puting pusa sa harapan nilang dalawa "Gyaaaaaa!!" Tapos na pahawak siya ng mahigpit dun sa braso ng Ate niya..

"Ano kaba Gail?! Pusa lang yun!" Sabi nung Ate niya..

"ahhh.. O-Oo nga pusa lang yun.!" Hindi eehh.. Parang siya yung pusa kanina.. Pero... Whaaaaaaa T_T Ano bang ginawa kong masama at nangyayari ang mga ito sakin?!... Tapos nilingon niya yung pusa na dumiretsyo dun sa may isang street... 

"Bilisan na natin! Baka hinahanap na tayo ni Mama.." -Ate

 

Sa kwarto nilang dalawa.. Double deck kasi yung kama nila. Sa taas si Gail at sa baba naman yung Ate niya na si Tina...

 

Ano ba yan hindi ako makatulog. Tsss... Harap sa kabila.. Multo ba talaga siya?? *sigh* Nakakainis hindi ako makatulog! May pasok pa bukas eehh.. Harap ulit sa kabila.. Sino ba talaga yun? Tinatakot niya lang ba ko?? Pero emperness natakot niya ko ha!.. Pero pano kung multo talaga yun?! Ang gwapo pa naman niya! Atsaka maputi siya.. Perfect! Kaso ghost?! Sayang! At kung multo siya bat siya andun sa parang park nayun? Dun ba siya namatay? Gyyaaaaa!! Itigil mo na nga ang kakaisip Gail!! Matulog kana!! Tapos pinikit niya na yung mata niya pero after mga ilang minuto dinilat niya ulit. "Hindi talaga ako makatulog.." Tapos ginulo gulo niya yung buhok niya.. "Umalis ka na nga sa ulo ko!" Tapos pinikit niya ulit yung mata niya..

 

After ilang oras.. Hindi parin talaga siya makatulog hanggang mag 2:00 am.

 

"Siguradong puyat ako niyan bukas.. Bat ba kasi hindi ako makatulog!" Sabi ni Gail

 

Sa Classroom... 

 

Sabi ko na nga ba eehh.. Aantukin ako ngayon!! Tss.. Hanggang ngayon nasa sulok parin ng utak ko yung lalaki kagabi.. Hindi ako makapagconcentrate. Kaasar!! Inaantok pa ko! ANO BA TO?!! Iniisip ni Gail. Habang nakangalumbabang nakikinig sa teacher nilang nagdadaldal sa harapan.. 

 

Pagkatapos nun nag-uwian na at hindi nagsabay sila Gail at si Tina dahil, si Tina ay may date.. 

 

"Bye Gail!! Ingat ka hah!" Sabi ng Ate niya tapos kaway kaway.. 

"Tss.. Okey! Ikaw din hah! Hoy Kuya! Ingatan mo si Ate hah! " Tss.. Nagkita naman sila kagabi ah!! Wala tuloy akong kasabay ngayon!.. Sana magbreak na sila! Ang sama ko naman. -.-

 

Habang naglalakad nakasalubong nanaman niya yung pusa na nakita niya kahapon..

 

Ito yung pusa kagabi diba?! Hindi ako nagkakamali!! Tapos bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ng pusa. "Ikaw yung kahapon diba? Amo mu ba yung kahapon? Multo ba yun?? Tao ba yun? Ano siya??" Nanahimik siya at tumitigtitig sa pusang puti at ganun din ang pusa.

"Meeeowwwwww" 

"Huy! Sumagot ka naman." Tanga ka ba Gail?! Pano sasagot yan ehh Pusa yan! Tss! Boblacks ka ba?! "Oo nga pala pusa ka.." Tapos binitawan niya na yung dalawang kamay ng pusa tapos nagsimula ng lumakad yung pusa papalayo sa kanya.... 

Kung puntahan ko kaya ulit yung lalaki sa parang park na yun.. Andun kale siya?? Sana nga.. Gusto ko kasing malaman kung ghost talaga siya o hindi.. Kaso parang natatakot ako!!

 

 Sumapit na ang 6:30 tapos niya na ang kanyang mga assignment, pero hindi parin dumadating ang kanyang Ate. 

 

San ba nagdate yung dalawa na yun?! Pasalamat si Ate at mukhang overtime sila Ma at Pa! Tss.. Pupunta na nga ako dun sa parang park na yun.. *inhale* *exhale* 

 

Andun na siya sa loob ng parang park... 

 

"Ahhmm.. Ghost! Asan ka? Ghost!! " 

"Hinahanap mo ba ko?" Nang galing yung boses sa may puno na medyo malapit sa kanya.

"Hah?!!" Nilingon naman niya kung sino yung nagsalita, pero hindi naman niya nakita.. 

"Tss.. Nasa may Puno ako." 

 

Tapos lumingon si Gail sa puno. At nakita niya si Ghost na nakaputi nanaman pero ibang style na yung damit niya... 

 

"Ahmm.. May gusto sana akong itanong sayo ehh.." Medyo nanginginig na sabi ni Gail kay Ghost.

"Ano naman yun?" Sabi niya habang papalapit kay Gail. Tapos hinawakan niya yung kamay ni Gail tapos pumunta sila dun sa may bench at umupo.. 

Ang lamig ng kamay niya.. Pero, diba ghost siya? Dapat hindi niya ko nahahawakan.. Hmm.. Hindi naman siguro!! Pero, natatakot parin ako noh!! Iniisip ni Gail habang katabi niya si ghost.

"Diba mas maganda kung dito tayo mag-uusap.. Ano ba yung tanong mo?" tanongni ghost.

"Ahhmm.. M-may gusto kasi akong... ahm, Linawin ehh. Ghost kaba talaga??" 

"hahahaha.. Sabi ko ang pangalan ko ay Ghost hindi ko sinabing ghost ako." Nakangiting sabi ni Ghost.

"Ehh?? TSss.. Nakakainis kah! Akala ko ghost kah!" Nakakahiya talaga.. >.< 

"Ang unique noh.. Ghost yung pangalan ko." Sabi ni Ghost habang nakatingala sa langit.

"Oo nga ehh.." Tapos tiningnan niya si Ghost na nakatingin sa langit tapos tumingin narin siya sa langit..

"Alam mo.. May isang batang babae ang naging kaybigan ko dati nung bata pa ako.. Mabait siya. Sobrang bait, pala ngiti.. Kaso isang araw, Iniwan niya ko.. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin. Sobrang sakit nun, kasi siya ang una kong naging kaybigan.. Pagkatapos nun hinintay ko yung pagbabalik niya at sa wakas nagbalik narin siya..." Tapos tumingin siya kay Gail.

"Hah??" Nagulat kasi siya ng biglang tumingin si Ghost sa kanya..

"Pero, siguro nakalimutan narin niya ko. 9 years narin kasi ang lumipas.." 9 years din akong naghintay para magkita ulit kami.. 

"Sino ba siya? Alam mo parin ba yung pangalan niya?"

"GAIL!" 

 

Napalingon silang dalawa dun sa babaeng tumawag kay Gail. 

 

"Sino yun??" Tanong ni Gail sa sarili niya habang nakatingin dun sa babaeng tumawag sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo dito?? At sino naman niyang kasama mo?" Tanong ng Ate niya..

"Tsss.. Siya si Ghost. Ghost si Ate nga pala.." Pakilala ni Gail..

"Ghost?" Anong Ghost? Ghost yung pangalan niya?? Ang weird naman.. 

"Yup.. Bat ka nga pala andito??" - Gail

"Heller! Gabi na kaya!! Tss.." Alam ko namang dito ka pupunta ehh..

"Oo nga noh. Ahmm, mauna kana susunod na lang ako. Sige na ate." Sabi ni Gail sa ate niya. 

"Oh sige.. Basta bilisan mo hah. Hintayin na lang kita dun sa may tindahan."

"Yehheeyy.. Sige!" Tapos binalikan niya na si Ghost. "Sino nga ulit yung babae kanina?"

"Wala! Kalimutan mo na yun." 

"Sige na sabihin mo na sakin.. Pleasee? Gusto kong malaman kung sino siya?" Sino kale yung babaeng yun! Ang sama naman niya, hindi man lang siya nagsabi na aalis na siya.. 

"Umuwi kana.. Gabi na ohh." 

"Hayy! Bukas sabihin mo sakin kung sino yun hah!!" Tapos tumakbo na siya papaalis. 

 

Kung alam mo lang na ikaw talaga yung babaeng yun... Bat hindi mo ko maalala, Atsaka. Bat ako nakita ng Ate niya?? Hmmm.. Nakikita narin ba ko ng ibang tao?? Atsaka 3 days na lang at babalik na akong langit. Masasabi ko pa kaya ang nararamdaman ko sa kanya at ang reason?? 

 

Sa kwarto nila Gail at Ate niya.. Natutulog na ang ate niya samantalang siya iniisip parin kung sino yung babaeng tinutukoy ni Ghost... 

 

Sino ba yung babae na yun. Atsaka, sabi niya nagbalik na daw siya. Pero.. Ang gulo naman ohh!! Tsss.. Iniisip ni Gail habang nakayakap sa unan niya..

 

Taposss.....

 

"Bata! Bat ka umiiyak??" Tanong nung batang lalake.

"Nahulog kasi yung ice cream ko ehh.." Sagot naman nung batang babae na umiiyak.

"Gusto mo, Bilhan kita?" Alok nung batang lalake

"Talaga?? Bibilhan mo ko? Ang bait mo naman.." 

"Tara?" Tapos hinawakan niya yung kamay nung  batang babae.

 

 

"Anong pangalan mo?" Tanong nung batang babae..

"Ako si Tom. Ikaw?"

"Ako si-----." 

 

Biglang may gumising kay Gail.. 

 

"Hoy!! Umaga nah!!" Sabi ng ate niya.

"Ehh??" Habang nakakamot pa siya sa ulo niya. Ano bayan!! Nananaginip pa ko ehh..! Sasabihin na nga nung batang babae kung anong pangalan niya! Manong pinatapos muna ako! Peroo... Come to think of it. Bat may dalawang batang babae at lalake sa panaginip ko. Atsaka bat sila yung napanaginipan ko?? Tsss.. Ang weird huh?! 

"Huy! malalate kana!" Sigaw ulit ng ate niya..

"Opo!!" 

 

Pagkatapos nun. Hindi naman siya nalate sa klase, Pero hangang sa magsimula at matapos ang klase nila. Ang iniisip parin ni Gail ay yung babaeng sinasabi ni Ghost at yung dalawang bata sa panaginip niya.. 

 

"Sino kale yon??" Sabi ni Gail habang inaayos ang mga gamit niya. 

"Huy! Nakita niyo ba yung lalaki dun sa may gate! Ang gwapo niya!!" sabi nung isa niyang kaklaseng babae..

"Talaga??!" - Girl1

"Oo nga! Sino kale yung hinihintay nun? Ang swerte naman nun!!" - Girl 2

"Tara puntahan natin!" - Girl 1

"Tara!!" - Girl 2

 

Tapos tumakbo na yung dalawang babaeng. Tapos yung mga iba naman nilang kaklase nagsunuran narin. Samantalang si Gail binilisan narin ayusin yung gamit niya para tingnan yung lalaking sinasabi nila.. 

 

"Sino kale yun??" Tanong ni Gail sa sarili niya habang papalapit sa may gate. Mukhang gwapo nga talaga yung sinabi nun ahh! Ang daming mga ichosera ehh.. Isasama ko narin yung sarili ko sa makikiechozz.. Tingnan nga natin kung gwapo talaga yung lalaking yun..

 

Tapos nakisiksik siya hanggang sa makalabas siya at nang makalabas siya nagulat siya.. Kasi yung lalaking sinasabi nila ay gwapo nga talaga!! 

 

"Woow.." Foreigner ba siya?? Ang puti niya at blonde hair pa siya! Ohmigoshii!! Ang gwapo nga talaga!! Tsss.. Ang swerte nga talaga nung babaeng hinihintay niya. Sino kale yun??

 

Tapos nagulat siya papalapit sa kanya yung lalaking mukhang foreigner.. Pero bago siya nagreact tumingin muna siya sa likod niya baka kasi na misunderstood niya lang ang mga pangyayari.. Pero actually walang tao sa likod niya. At lahat ng mga nakikiechozz na tao ay nasa gilid niya kaya nang humarap ulit siya kaharap niya na si Guy..

 

"Ikaw ba si Gail??" Tanong nung lalaking mukhang foreigner.

 

Tango lang ang naisagot ni Gail.. 

 

"Sumama ka sakin." Tapos Hinila siya nung lalaki tapos biglang sumulpot ang isang itim na sasakyan hindi ko alam kung anong pangalan eh, basta kotse siya atsaka maganda. 

"Ehh??!" 

 

Edi nasa loob na sila ng Sasakyan. Pero parang relax na relax parin si Gail. 

 

Bat.. Parang enjoy na enjoy parin ako?? Parang hindi ako nakakaramdam ng kaba. Alam niyo yun! Tsss.. Napaka abnormal naman nitong nararamdaman koh!.. 

 

Tapos naglakas loob na siya magtanong dun sa lalaking mukhang foreigner..

 

"Ahmm, San po ba tayo pupunta?" Mahinhin niyang tanong 

"Sa palasyo niyo po.. Princess." Sabi nung lalaking mukhang foreigner.

"Ahh.." 

 

Tapos biglang siyang natigilan. Nang narealize niya yung mga sinabi ni Blonde Guy.

 

"Anong sabi mo?! Palasyo? Princess?! Anong ibig sabihin nun?!" Gulat na gulat na tanong ni Gail. 

"Ako po si Michael ang Butler niyo, Galing ako sa France at pumunta lang dito sa Philippines para paglingkuran kayo. Princess. May gusto pa ba kayong malaman??" 

"Wag mo nga akong pinagloloko Blonde Guy! Atsaka, San ba tayo pupunta??!"

"Sa Palasyo niyo nga po.."

"Tsss.. Hoy Michael! Kung Butler nga talaga kita!... Hmmmm?? Ano bang magandang iutos?? Ihinto mo ang Kotse!"

"Ihinto ang kotse." Sabi ni Butler.

Tss.. Madali lang pahintuin ang kotse! Atsaka ang mga butler ay laging nakasuot ng mga disenteng damit tapos laging naka black ba yun?? Pero.. Bat siya? Sobrang casual na casual eh. Para nga siyang artista sa suot niya. Tapos blonde hair pa! Ang gwapo!! 

"Ano pa pong ipag-uutos niyo??" Tanong ni Butler.

"Lalabas ako ng kotse.." 

Tapos biglang lumabas si Butler at pinagbuksan ng pinto si Gail.. 

"Joke lang pala.." Totoo ba talaga to??! Tsss.. Naguguluhan na talaga ako!!

 

Tapos inutos niya na lang umalis na sila at pumunta sa palasyong sinasabi ni Michael ang blonde hair na butler... Mga ilang minuto andun na sila sa gate ng palasyo..

 

"Michael.. Wag kang aalis sa tabi ko. Please?" Tapos napakapit siya ng mahigpit sa braso ni Michael. 

"Masusunod po.."

 

Nasabi niya yun kasi, Sobrang nakakatakot yung itsyura ng palasyong sinasabi ni Michael.. Alam niyo yung palasyo ni Dracula? Parang ganun.. Pero hindi naman puno ng fog ang paligid atsaka wala namang mga nakakatakot na puno ang bumabalot sa palasyo. Tanging ang palasyo lang ang nakakatakot hindi kasama ang paligid nito..

 

"Palasyo ba talaga toh?" Sabi ni Gail habang nakatingin sa palasyo.

"Opo.."

"Mukha naman tong Hunted house ehh.." Niloloko niya ba ko? Alam ko naman ang pinagkaiba ng Palasyo sa isang mukhang hunted na palasyo nuh!! >.<

"Tara na po?" Sabi ni Michael.

 

Nagsimula na silang maglakad papunta sa palasyo..

 

"Huwag kang lalayo Michael hah.." Sabi ni Gail habang nakakapit parin sa braso ni Michael. 

 

Tapos pagbukas na pagbukas ng pinto. May mga petals ng pink roses ang nakakalat sa sahig.. Tapos bigla silang huminto ni Michael sa may magarang sofa tapos pinaupo siya ni Michael tapos biglang lumabas sa harap niya yung dalawang bata na nasa panaginip niya kanina.. Yung parang continuation ng panaginip niya..  

 

 

"Ako si Gail." Sabi nung batang babae. Nagulat naman si Gail sa narinig niya..

"Ano daw?! Michael! Totoo ba yung narinig ko??" Gulat na gulat na Tanong ni Gail kay Michael.

"Oo.. Ikaw niyang batang babae na yan."

"Pero.. Bat? Bat ako andyan?? Anong meaning nito?? Hindi ko maintindihan!!"

"Panuorin mo na lang.. Marami kang matutuklasan tungkol sa mga nakaraan mo.." Sabi ni Michael na katabi niya.

 

At pinanuod na  nga ni Gail ang lahat... 

 

"Ang ganda naman ng Pangalan mo.." Nakangiting sabi ni Tom yung batang lalaki.

"Salamat..." Nakangiting sabi ni Gail.

"Anong gusto mong flavor?" Tanong ni Tom sa kanya.

"Chocolate.. Ikaw?" -Gail

"Strawberry.." -Tom

Chocolate?? Ehh.. Ayaw ko nga ng flavor na yan ehh! Kaylan ko nagustuhan yung chocolate. Ang favorite ko kayang flavor ay milk o kaya strawberry. Hindi naman ata ako yan ehh.. Atsaka wala naman akong naging kaybigan na batang lalaki dati ah!!  Tanong ni Gail sa sarili niya..

"Ehh?! Ayaw ko kamu ng flavor nayan.. Hindi kasi masarap ehh.." Sabi nung batang Gail.

"Masarap yan.. Gusto mong tikman?" Tanong ni Tom

"Hmm.. Sige." Tapos tumikim siya.

"Ano, masarap??" -Tom

"Oo nga nuh. Sige na nga! Favorite ko narin yung strawberry.." -Gail

"Diba sabi ko sayo.! Tara dun tayo sa Park?" -Tom

"Tara!!" -Gail

 

Tapos pumunta sila sa Park. Alam niyo yung Park na unang nagkita sila Ghost at Gail yun din yun. Tapos alam niyo rin ba yung pinagupuan nilang bench yun din yun...! 

 

"Naging matalik na magkaibigan kayo ni Tom. Pero isang araw." Biglang nagsalita si Michael, Napatingin naman sa kanya kaagad si Gail. Tapos paglingon ni Gail nagiba na yung itsyura ng paligid para namang nasa loob ng bahay at si batang Gail lang yung andun kasama ang isang babae na may dalang mga maleta... 

"Sino yung babae??" Tanong ni Gail kay Michael.

"Ang kulit mo. Sabi ko panuorin mo lang.."

 

Tapos biglang nagsalita yung batang Gail.

 

"Ma, Para san po tong mga maleta?"

"Anak, kaylangan nating lumipat ng bahay. Dun na kasi magtratrabaho si Papa mo." Sabi nung babae. 

"Po?!, Hala.. Kaylan po tayo aalis??"

"Mamayang madaling araw. Ahmm, biglaan nga ehh.."

"Pero.. Pwede po bang magpaalam muna sa kaybigan ko? Sige na po.."

"Ohh. Sige bumalik ka kaagad hah.." 

"Sige po..."

 

Tapos tumakbo na siya papalabas at pumunta nasa bahay nila Tom.. Andun na siya sa bahay nila Tom, dun sa may Gate.. 

 

"Tao po?" Paulit ulit niyang sinabi hanggang sa may tumawag sa kanyang ate..

"Ahm, Ano yun?" Tanong nung ate.. 

"Asan po si Tom?" 

"Umalis ata sila..."

"Ahh.. Ganun po ba? Sige po.. Salamat na lang po." Malungkot na sabi ni Gail. 

 

Habang naglalakad pabalik ng bahay si Gail. Yung bata ahh..  

 

Iiwan ko na yung bestfriend ko. Yung unang unang kaibigan ko. Sobra ko siyang mamimiss.. Sobrang sobra! Sana magkita ulit kami.. Tapos ngayong aalis na ko, hindi pa ko nakakapag goodbye ng maayos sa kanya. Pano kapag inisip niya na bigla ko na lang siyang iniwan ng ganun ganun lang. Ang sama ko namang kaybigan. Hindi man lang ako nagpaalam sa kanya ng maayos.. Naluluha luha na si batang Gail. 

 

Tapos biglang pumasok sa isip ni Gail yung sinabi ni Ghost sa kanya..  

 

"May isang batang babae ang naging kaibigan ko dati nung bata pa ako.. Mabait siya. Sobrang bait, pala ngiti.. Kaso isang araw, Iniwan niya ko.. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin. Sobrang sakit nun, kasi siya ang una kong naging kaibigan"... Ano ba talagang nangyayari?? Naguguluhan na talaga ako!!...   Iniisip ni Gail tapos nung magtatanong na siya biglang nagsalita si Michael..

"After 2 months. Naisipan ng Dad mo at ng Mom mo na bumisita sa Tita mo. Magbabakasyon kasi kayo dun. Nang biglang isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang naganap. Naaksidente kayong pamilya. Namatay ang Dad mo at ang Mom mo. Ikaw, kritikal ang lagay mo nun. 50-50 ka na nga nun ehh. Yung mga oras rin nayun. Tinakbo si Tom sa hospital kasi may sakit siya sa puso.. Matagal na yung sakit na yun ni Tom kaya nga si Gail lang yung naging kaybigan niya..  50-50 narin ang lagay niya nun. Pareho kayong nagaagaw buhay nung mga oras nayun.." Sabi ni Michael tapos tumingin na siya kay Gail na umiiyak sa narinig niya..

"Totoo ba talaga lahat ng sinasabi mo? Na.. Namatay ang mga tunay kong magulang sa isang aksidente... Bat hindi ko alam yun?! Ano ba tlagang nangyayari?? Hindi ko maintindihan Michael!" Sinasabi niya yan habang lumuluha..

 

Tapos niyakap siya ni Michael.. 

 

"Hindi pa ko tapos.. Gusto mo bang malaman kung ano ng nangyari? Etoo.. Pinapili si Tom ng langit kung kaninong buhay ang isasalba. Kung ang buhay niya o ang buhay mo??"

 

Tapos natigilan si Gail ng marinig niya yung sinabi ni Michael.. 

 

 "Anong sabi mo?! Pinapili si Tom?" Tanong ni Gail.

"Yup. At ang pinili niya ay ikaw.. Dahil importante ka sa kanya." Tapos tiningnan niya si Gail.

 

Tumulo lahat ng luha ni Gail.. Sa mga narinig niya.. 

 

 "G-Ginawa niya lahat yun?? Para sakin? Pinagpalit niya yung buhay niya sakin? Bat niya ginawa yun?? Ang sama sama kung tao!! Iniwan ko siya! Tapos.. Samantalang siya pinili niya pang mabuhay ako kesa sa sarili niya?! Ang sama ko Michael!!" Umiiyak na sabi ni Gail habang nakayakap kay Michael..

"Hindi ka masama.. Alam ko yun. At may isa pang reason si Tom kung bakit niya ginawa yun. May mas malalim pang dahilan dun Gail.." 

 

Pero umiiyak parin si Gail..

 

"Pagkatapos nun.. Nabuhay ka at namatay si Tom. Pagkagising mo nun, wala kanang maalala. Kahit ang mga magulang mo hindi mo kilala at ang tanging alam mo lang ay ang pangalan mo, halos lahat nakalimutan mo. Pati si Tom. At lahat lahat. Tapos dinala ka sa isang bahay ampunan. At inapon ka ng mga magulang mo ngayon. Hindi talaga sila ang tunay mong mga magulang. Tinuring ka nilang tunay na anak at hindi narin nila pinaalam na isa kang ampon dahil ni isa wala ka namang maalala. Naiintindihan muna??"

"Pero nasa langit na diba si Tom?"

"Oo naman. Pero pagkalipas ng 9 years babalik ulit siya dito sa lupa para gawin yung mga dapat niyang gawin at ipaalam kung ano yung reason kung bakit ka niya piniling mabuhay kesa sa sarili niya.. Pero hanggang isang linggo lang yun. 3 days na nga lang ang natitira eh."

"9 years? May gusto akong itanong, si Ghost ba at si Tom ay iisa??" 

 

Tapos biglang nagliwanag ng sobra.. Tapos pagkadilat niya ng mga mata niya nasa kama na siya at nakahiga.. At pagtingin niya sa orasan 4:47 am nah.. Mamaya maya gigisingin na siya ng nanay niya.. 

 

"Panaginip lang ba yun? Diba nasa School ako kanina?" Tapos hinawakan niya yung pisngi niya kung basa. Basa nga, tapos tiningnan niya rin yung unan niya. Basang basa!.. "Naguguluhan talaga ako. Pero, gusto kong malaman ang totoo. Itatanong ko kay Mama kung anak ba talaga nila ako o hindi. At itatanong ko rin kung si Ghost at Tom ay iisa?? Pero sabi ni Ghost hindi daw siya Ghost. Ghost lang yung pangalan niya.. Tsss.. Ang gulo talaga!! At nasan na nga pala si Michael?" Tanong ni Gail sa sarili niya..

 

Habang kumakain sila ng agahan.. 

 

"Ma, Pa, Ate.. Ampon ba ko??" Tanong ni Gail habang nakatingin sa tatlo.

 

Lahat sila ay natigilan sa pagsubo ng pagkain at paghigop ng kape..

 

"Kanino mo naman nalaman yan Gail??" Tanong ng Papa niya at Mama..

"Oo nga.. Kanino?" Tanong din ng Ate niya..

"Sagutin niyo naman ako ng maayos. Hindi yung magtatanong din kayo.." Sabi ni Gail.

"Alam mo kasi anak ehh.. Hmm.. Hindi ka talaga tunay naming anak ng Papa mo. Pero tinuring ka naming tunay na anak at pinalaki ka namin ng maayos. Hindi narin namin sinabi sayo ang katotohanan dahil sabi nung mga madre sa bahay ampunan eh, Nagkaroon ka daw ng Amnesia. At kahit ano wala kang maalala at ang tanging alam mo lang daw ay ang pangalan mo. Kaya sana maintindihan mo kami anak." Paliwanag ng kanyang Papa.

"Tama ang Papa mo. Gail.. Minahal ka namin na parang isang tunay na anak." Dagdag pa ng Mama niya.

"Tama sila Mama at Papa, Gail. Minahal ka namin kahit hindi ka namin kadugo. Mahal na mahal ka namin." Sabi rin ng Ate niya..

"Salamat po sa inyo.. Maraming maraming salamat po sa lahat lahat.. Hindi po ako galit sa inyo..  Naiintindihan ko po kayo. At mahal na mahal ko rin po kayo.." 

 

Tapos family hug sila. At syempre hindi narin nila tinanong kung kanino nalaman ni Gail na ampon  lang siya.. Fast forward na tayo hah... Uwian, Pumunta na kaagad si Gail sa Park pagkauwi.. 

 

"Ghost!! Ghost!!" Tawag ni Gail..

 

Pero walang lumalabas.. 

 

"Ghost??" Inulit niya..

 

Tapos biglang may humawak sa balikat niya.. 

 

"Ehh?" Nilingon naman niya kung sino yun at nagulat siya si Michael ang kanyang butler. 

"Hinahanap mo ba si Ghost??" Tanong kaagad ni Michael sa kanya.

"Hah? Oo. Bat mo nalaman? Atsaka, bigla bigla ka nalang kamong sumusulpot. Tss.." Sabi ni Gail.

"Gusto mo bang malaman yung sagot sa tanong mo kahapon?" Tanong ulit ni Micheal.

 

Napaisip kaagad si Gail...

 

So, totoo nga talaga yung kagabi... "Oo. Gusto kong malaman kung si ba Ghost at si Tom ay iisa?" Seryosong tanong ni Gail kay Michael.

"Ewan.. Malay ko! Itanong mo kay Ghost. Baka alam niya. Hinahanap ko rin siya ehh.." Nakakabadtrip na sagot ni Michael. 

"Akala ko ba alam mo?! Tss.. Ewan ko sayo!!" Inirapan ni Gail si Michael kasi nabadtrip siya sa sagot nito.

 "Kasi nga.. Alam mo na! Basta.. Sige bye!! Alalahanin mo 3 days na lang!!" Tapos nagflying kiss pa si Michael kay Gail.. Tapos naglakad na papaalis.

"Duh?! Tsss.. Ang weird talaga nitong blonde hair na to!!" Sabi niya na lang tapos napaisip nanaman sya sa sinabi ni Michael. 3 Days na lang? Anong ibig sabihin nun?? Nasan na ba si Ghost?!! Tss.. Bukas na nga lang! Buti na lang at Sabado bukas.. Siguro mga bukas ng umaga pupunta na ako dito kaagad! Para malinawan na ako! 

 

Kinabukasan ng umaga.... 

 

Andito na kale si Ghost? Tanong ni Gail sa sarili niya habang papasok ng Park. "Ghost! Ghost!" Sigaw niya..

 

Malapit na kasi siya sa may mahabang upuan ng makita niya si Ghost na may kasamang magandang Girl. Naguusap sila dun sa may mahabang upuan. Magkatabi.. 

 

S-Si Ghost bayun? Bat siya may kasamang babae.. Anong pinaguusapan nila? ... Bat parang sumisikip yung dibdib ko, At bat ganto yung nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan.. Ang sakit eh.! Bat ang sakit?! Nang parang hindi niya na kaya, tumalikod na siya at nagsimula ng maglagad papalayo ng biglang may humawak sa braso niya.. "Hah?!"

"Bat parang iiyak kana?" Tanong sa kanya ni Michael.

"Hindi ah! Bat naman ako iiyak??" Mabilis na sagot ni Gail.

 

Tapos tinuro ni Michael sila Ghost at yung babae..

 

 "Sa kanila.." Sabi ni Michael.

"Hindi.. May itatanong lang sana ako kay Ghost. Tapos nakita kong may kausap siyang babae kaya hindi ko na itinuloy.." Sagot ni Gail.

"Wag kang mag-alala.. Hindi playboy si Ghost. At sigurado ako friend niya lang yan. Kaya lumapit ka na sa kanya. Wag mong sayangin ang mga oras na pwede mo pa siyang makasama. Kaya go!! Bilis.!" Nakangiting sabi sa kanya ni Michael tapos tinulak niya si Gail..

 

Tapos napansin na sila ni Ghost..

 

"Gail! Michael! Tara!" Tawag sa kanila ni Ghost.. 

"May gustong sabihin sayo si Gail." Sabi ni Michael..

"Ehh?!" Pahamak naman tong si Michael!! Kaylangan talgang bulgaran! Tss.. 

 

Tapos lumapit na si Gail kay Ghost kasama yung magandang babae..

 

"Ahmm, Liz si Gail pala. Friend ko. Gail, si Liz friend ko rin.." Nakangiting sabi ni Ghost..

"Hello.." Sabi ni Liz

"Hi." Sagot naman ni Gail.

"Mukhang may pag-uusapan kayong dalawa ah. Mauna na ko. Bye!" Nakasmile na sagot ni Liz sa kanila..

"Sige bye.." Sabi ni Ghost.

 

Tapos Sila na lang yung andun at nakaupo.. 

 

"Ghost, may itatanong ako sayo." Sabi ni Gail.

"Gail, may sasabihin din ako sayo."

"Ahmm.. Ikaw ba si Tom, Ghost?" Seryosong tanong ni Gail kay Ghost..

"Ako si Tom, yung bestfriend mo. Naaalala mo na ba?" Sabi ni Ghost sa kanya..

 

Tapos hindi na nakapagsalita si Gail, Basta niyakap niya na lang si Tom. 

 

"Bat mo ginawa yun??" Tanong ni Gail kay Tom.

"Bago ko iexplain lahat lahat. Date tayo!" Sabi ni Tom tapos hinawakan niya yung kamay ni Gail.

"Sige ba.." Bat parang kanina parang ang sakit ng dibdib ko. Pero bat ngayon parang naging opposite na yung feeling.. Tss.. Ang gulo talaga!! 

 

Tapos nagpunta sila sa isang amusement park na parang familiar kay Gail...

 

"Parang familiar sakin tong amusement park na to." Sabi ni Gail..

"Siguro...  Tara dun tayo.." Tapos hinawakan ni Tom yung kamay ni Gail. Yung parang lovers.. 

"Bahala ka.." Nakangiting sabi ni Gail.. 

 

Habang naglalakad sila papunta dun sa ride na gustong sakyan ni Tom ay maraming babae ang nakatingin kay Tom..

 

Multo ba talaga tong kasama ko ngayon?! Talo niya pa yung mga artista ah.. Kung pagtinginan ng mga tao.. Tss, Wait nga pala! Diba multo siya? Bat nakikita siya ng iba??  Iniisip ni Gail.. "Ahm, Tom? Diba, multo ka? Bat ka nakikita nila." Tanong ni Gail kay Tom.

"Tao ako ngayon.." Nakangiting sabi ni Tom habang hawak hawak yung kamay ni Gail.. 

"Ahh.." Ang weird!! 

 

Halos buong araw silang nasa Amusement Park at ang pinakahuling ride na sasakyan nila ay ang Ferris Wheel... Sa Loob na ng Ferris Wheel. 

 

"Ang Ganda naman dito!! Tom Tingnan mo! Woowww.. Ang Ganda!" Sabi ni Gail habang nakaturo sa labas.. 

"Oo nga ehh.. Katulad mo. Sobrang ganda.." Sabi ni Tom kay Gail, napatingin naman sa kanya si Gail.. "Gail, may favor ako sayo.." Medyo malungkot yung tono ni Tom..

"Ano ba yun? at parang down na down ka.." Sabi ni Gail.. 

"Pwedeng payakap.. Please??" SAbi ni Tom..

"Sige bah yun lan--." Hindi niya na na tapos yung sasabihin niya ng bigla siyang niyakap ni Tom..

"Gail, Namiss kita ng sobra! Nung mga bata pa tayo. Pinangako natin sa isa7t-isa na kapag dumating na ang tamang oras. Magpapakasal tayo.. Dito sa Ferris Wheel nato." Sabi niya habang nakayakap parin kay Gail.

 

Nagulat si Gail sa sinabi ni Tom.. 

 

"Pero bat mo pinagpalit yung buhay mo sakin Tom?" Mahinang tanong ni Gail kay Tom..

"Dahil kaybigan kita at importante ka sakin.." Tapos humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Gail.

"Sana hinayaan mo na lang akong namatay.." - Gail

"Hindi ko kayang gawin yun. Lalo na't ikaw an---." 

 

Tapos biglang nagbukas yung pinto. At lumabas na sila sa ferris wheel..

 

(Paki play po Yung Song --->)

"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina??" Tanong ni Gail sa kanya..

"Wala.. Punta tayo dun ohh.. Mukhang madaming star ngayon.." Sabi ni Tom tapos pumunta na sila dun sa tinuturo niyang lugar..

"Tara! mukhang maganda ehh.." 

 

Tapos andun na sila sa sinasabing lugar ni Tom.. Tapos umupo na silang dalawa...

 

"Sana Star na lang ako hindi isang multo.." Sabi ni Tom habang nakatingin sa mga tala..

"Ha? Bat mo naman nasabi yun??" Mas maganda kung tao ka.. 

"Para lagi kitang mababantayan.. At syempre kapag nalulungkot ka tingin ka lang sa langit.. " Nakangiting sabi ni Tom kay Gail.. 

"Pero para sakin.. Kahit multo ka o ano alam kong lagi ka lang andiyan sa tabi ko.. Hindi ako iiwan.." Sabi ni Gail..

"Alam mo Gail.. Bukas na ang huling araw na magiging tao ako at bukas narin ang huling pagkikita natin.. Ito yung gusto kong sabihin sayo.." pagkatapos niyang sabihin yan, parang napayuko siya.. 

"Pero bakit??" Medyo naluluha ng sabi ni Gail.

"Dahil, pinagbigyan ako ng mga tiga Langit na maging tao sa loob ng isang linggo.. At para masabi ko sayo na mahal na mahal kita.. At para ipaalam din na kahit wala na ako. Andiyan lang ako para sayo." Nakangiting sabi ni Tom.. 

 

Speechless si Gail. Kaya niyakap niya na lang si Tom ng mahigpit at nagiiyak..

Pero si Tom pinupunasan yung mga luha ni Gail... 

 

"Gusto ko sana.. Lagi kang nakangiti kahit bilang na ang mga oras na magkasama tayo. Gusto ko rin sana na sa mga oras na ito. Lagi kang nangiti. Kahit yon lang ang maging baon ko, pagbalik ko sa Langit.. Masaya na ako. Hindi ang mga luha mong, sobrang sakit para sakin." Sabi ni Tom..

"Tom, mahal kita.. Mahal na mahal kita. PLease? Wag mo kong iwan.. Sige na please?? Ngayon na lang tayo ulit magkakasama tapos dun ka naman aalis.." Lumuluhang sabi ni Gail..

"Mahal na mahal rin kita.." Tapos hinalikan ni Tom yung forehead ni Gail.. 

 

Pagdating ng 6:11 am. Yun na yung oras ng pagbalik ni Tom sa langit. At susunduin na siya ng  anghel..

Pero mga 3:10 am palang naman.. Hindi umuwi si Gail ng bahay, pero nagpaalam siya sa nanay niya na makikitulog siya.. 

 

"Tom.. Ilang oras na lang, Iiwan mo na ako. Parang hindi ko kaya.." Sabi ni Gail

"Ikaw si Gail. Alam kong malakas ang loob mo. At kahit andun ako sa Langit, lagi kitang babantayan. Kaya wag ka ng malungkot.." Sabi ni Tom kay Gail..

 

Mga 4:00 am, Dumating si Michael.. Ang blonde na parang foreigner at nagpapakilalang butler ni Gail. Si Michael..  

 

"Yoh!" Bati niya sa dalawa..

"Michael? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gail.

"Isa akong Angel ng Langit. Actually im your guardian angel. So you may call me Butler Michael, Princess Gail.." Sabi ni Michael..

"What??!" React ni Gail..

"Oo, Siya ang iyong guardian angel. Siya rin ang susundo sakin pabalik ng langit.." Sabi ni Tom

"Kaya, Iwan ko muna kayo. Dahil mga ilang oras  na lang. At magkakahiwalay na kayong dalawa.." Sabi ni Michael sa kanila...

 

Sumapit na ang oras, ang oras ng pagbalik ni Tom sa Langit. Niyakap ni Tom si Gail, Pinipigilan ni Gail ang lumuha, At pinipilit na ngumiti kahit sobrang sakit sa kalooban niya.. Pagkatapos nun hindi na tao ang katawan ni Tom kundi isa na ulit siyang multo. Tapos dumating na si Michael..

 

"Sumunod ka na lang sakin.." Sabi ni Michael tapos lumipad ng pataas..

"Salamat.." Sabi ni Tom..

"Tom, I love you and I will miss you.. Wag na wag mo kong kakalimutan okey?" Medyo pilit na ngiti ni Gail.

"I love you too.. I will protect you.. Kahit hindi mo ko nakikita lagi lang akong andiyan sa tabi mo.. Dahil ikaw ang pinakamamahal kong babae.." Sabi ni Tom.. 

" Lagi akong maghihintay. I love you Tom.. I will love you for the rest of my life.. " Naluluhang sabi ni Gail..

 

Kung anong pagtaas ng Araw ay siyang pagkawala ni Tom.. 

 

"Gail, I will miss you.. Goodbye.." Tapos hinalikan niya si Gail sa labi..

"I love you.. Good... Bye." Dont Leave me. Tom! Kasabay niyang sinabi yan at ang pagdaan ng isang Wishing Star..  

 

Tapos nagfade away na si Tom kasabay ng pagsikat ng araw. Samantalang si Gail ay umiiyak parin.. Pero pagkalipas ng ilang mga minuto may isang lalaki ang lumapit sa kanya.. 

 

"Okey ka lang? Bat ka umiiyak?" Sabi  nung lalaking lumapit sa kanya..

"Yeah.." Pero hindi siya tumingin sa lalaki..

"Ito oh.. Panyo." Sabi nung lalaki..

"Salamat.." At dun lang siya tumingin sa lalaking lumapit sa kanya.. 

 

 

 

At nagulat siya sa nakita niya..

 

 

 

 

"Tom?!!" Gulat na gulat na sabi ni Gail.. Dahil yung lalaking lumapit sa kanya ay kamukha ni Tom as in sobra!! 

"Yes, Im Tom.." Nakangiting sabi ni Tom kay Gail.. 

"Peroo.." Napahawak na lang sa ulo niya si Gail..

"Pano mo nalaman yung pangalan ko? Nagkita naba tayo?" Tanong ni Tom.

"Ehh?? Im Gail.." Pano nangyari to?? Kamukhang kamukha niya si Tom. Tapos Tom din yung pangalan niya pero hindi niya ko kilala.. *SIGH* 

"ohh, Nice to meet you Gail. Do you like Ice Cream? Libre kita!" Sabi ni Tom.. 

"Ahmm, Sige? .." Feel ko nangyari natoh!! Feel na feel ko!! Nangyari na ito..!! Iniisip ni Gail habang nagpupunas ng luha niya at naglakad papuntang Ice cream shop kasama si Tom.. 

 

 

The End.

(His a Ghost.)

 

----------**

A.N.E.N:

Sana nagustuhan niyo..

At salamat dahil nagtiyaga kayong mag-basa..

Sana nag-enjoy kayo kahit nendi masyadong maganda.. :)

 

Pls. Comment & Vote po sa mga may gusto..

At kung trip niyo po RL niyo na po..

Thankssss.. XD

 

++ Abangan ang Next na One_Shot >>

----------**

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
DarkyMih
Just Enjoy! :D

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet