Love is not Perfect.

OneShot Collection

 

----------**

A.N.E.N :

Ako si Author ang tiga pag kwento ng story na ito... Sabihin na nating kilala ko talaga ang mga characters dito at totoo sila..

Joke!!!

Pero alam kong sa Reality may mga gantong pangyayari talaga. Mga pangyayaring mahirap isipin at mahirap unawain .. 

Simulan na natin.. Drama pa ehh!!

----------**

 

 

 


***Love is not Perfect... 

 

 


Siya si Talia nagkakagusto kay Joshua pero ang gusto ni Joshua ay si Lyra pero ang gusto ni Lyra ay si Blake.

Parang ganto lang yan ohh..

Talia  ♥  Joshua  ♥  Lyra  Blake 

 

Tapos...

 

Recess time nila.. 

 

"Lyra! Lyra!" Tawag sa kanya ni Talia.. 

"Ohh! Bakit??" Tanong naman ni Lyra kay Talia na tawag ng tawag sa kanya.

"Sabay tayong magrecess. May itatanong ako sayo." Sabi ni Talia na nakahawak sa braso ni Lyra.

"Oh sige.." Sagot naman ni Lyra.

 

Habang sila'y naglalakad papuntang Canteen..

 

"Buti kapa katabi mo si Joshua." Nakangiting sabi ni Talia kay Lyra.. Ako hindi.. Matagal ko ng pinapangarap na makatabi si Joshua kaso.. Hindi talaga ehh.. 

"Ahh.. Yun ba! Tss.. Kainis nga yun ehh.." Sagot naman ni Lyra.. Eto nanaman tayo!! Usaping tungkol kay Joshua nanaman!! 

"Huy! Tanong mo naman kung sino yung crush niya??" -Talia.. Kahit alam ko namang ikaw talaga yung crush ni Joshua.. Pero kahit ganun hindi naman ako galit sayo.. Kasi Friends tayo ehh..

"Oh sigeh, Pero malay mo may lihim siyang patingin sayo!  -Lyra.. 

"Sus!.. Ikaw kaya yung crush nun!" -Talia

"Hindi ahh!! Bat naman?? Tss.. Tatanong ko na lang mamaya kung sino yung crush niya."  Oo nah. Pero nung 3rd year ko pa yun alam kaso ayaw ko namang magfeeling na crush ako talaga ni Joshua. Ayoko ring magtanong na "Joshua, may crush kaba sakin?" Diba parang nakakahiya.. Atsaka ang crush ko lang talaga ay si Blake. Kaso sa kabilang Classroom siya ehh.. Sana  nga magkaklase  na lang kami ehh.. 

"Bahala ka nga.." - Talia. Bat ba kasi lagi niyang itinatanggi! Hay naku Lyra!! Alam ko namang nililigawan kana ni Joshua ehh.. Bat kasi ayaw mo pang sagutin. Kung ako lang ikaw.. Matagal ng kami! Kaso..  Hindi nanaman ehh.. 

"Tara bilisan na nga lang natin.." Sabi ni Lyra..

 

 Pagkatapos nilang magrecess...

Nagsusulatan sila Joshua & Lyra.


------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sinong mas gusto mo si Miho o si Talia? - Lyra

Sinong Miho? - Joshua

Tang* naman nito! Si Miho sa Gumiho! Sabi mo maganda yun. Sabi mo pa nga crush mo yun ehh..- Lyra

Yung lobo bayun, yung may 9 na buntot? Atsaka yung maganda? - Joshua

Oo nga!! Si Miho!! Yung nasa palabas na My Girlfriend is a Gumiho. Sa Channel 2! - Lyra

Ahh.. Wala sa kanilang dalawa ehh.. - Joshua

Eh?? Sino?! Maganda naman silang dalawa ah! - Lyra

Para kasi sakin, mas gusto ko yung katabi ko sa kaliwa. Mas maganda yun. <---- - Joshua

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Kasi ang katabi ni Joshua sa kaliwa ay si Lyra. Kaya ang tinutukoy niya ay si Lyra.. 

 

"Ewan ko sayo.." Sabi ni Lyra pagkabasa  ng reply ni Joshua tapos nilukot nya kaagad yung papel..

 

Tapos nakinig na si Lyra at hindi niya na pinansin si Joshua na nakatingin sa kanya... 

 

Bat ba sobrang manhid niya.. Ang tagal ko ng nagpaparamdam, hindi man lang niya ko pansinin. Matagal ko ng sinabi na siya yung gusto ko pero.. Bat niya ko laging tinutulak sa iba? Ano bang meron kay Blake na wala sakin?? Tss.. Iniisip ni Joshua habang nakatingin kay Lyra.. 

 

Nang biglang...

 

"Excuse me po Sir." Sabi nung lalaki sa may pintuan nila..

"Yes??" Sagot naman nung teacher.

"Ahmm, Blah blah blah blah.." Tapos may binigay na papel dun kay teacher, syempre lalapit siya.

"Omigoshiii si Blake.." Bulong ni Lyra kay Joshua. 

"Oo nga ehh.." Sabi naman ni Joshua. Yung crush mo.. 

"Tss.. Ang gwapo niya talaga noh. Sana kaklase na lang natin siya noh." Sabi ni Lyra kay Joshua habang pinagmamasdan si Blake.

 

Habang ang kanyang mga kaklase ay nagtitilian dahil alam rin nila na may gusto si Lyra kay Blake..

 

Sino kale yung crush ni Blake?? Ang swerte naman nun! Tsss.. Iniisip ni Lyra.

 

Habang sinusundan ng tingin ni Lyra si Blake palabas ng room nila. Biglang napatingin si Blake kay Lyra. Medyo matagal pa nga yung titigan nila ni Lyra eh. At nakita naman yun ni Joshua na medyo nagseselos.. TT_TT

 

Tss.. Nakakainis talaga..! Isip ni Joshua. 

 

Fast forward.. Uwian na! Masaya nanaman ang mga estudyante! Syempre may magdodota! May magdedate! May magpapakaNERD! At higit sa lahat marami nanamang mga stalker diyan sa tatabi tabi! Whahaaha.. Balik tayo sa kwento.. 

 

"Lyra! Sino daw??" Tanong ni Talia kay Lyra.

"Hindi niya sinabi ehh.. Atsaka ayaw niyang sabihin.." Sabi ni Lyra.. Nagsinungaling nanaman ako!! >.<

"Ahh.. Ganun ba??" Sino kale?? Hmmmm..

"Yup.. Tara bili tayong ice cream." Yaya ni Lyra kay Talia.

"Tara!" Sabi ni Talia.

 

Edi tumawid na sila. Tapos nasa harap na sila ng tindahan at buminili.. Nang biglang.. 

 

"Pabili nga rin po.." Singit ni Blake sa may tabi ni Lyra..

"Ehh?" Napalingon naman kaagad si Lyra sa lalaking sumingit at nagulat siya.. Ohmigosshii !! S-si Blake?!! K-katabi ko?? Totoo ba toh??! Ohmigosshii!!! 

"Anong flavor ineng?" Tanong nung tindera kela Talia at Lyra.

"Ahm, strawberry po. Ikaw??" Siko ni Talia kay Lyra. Tapos dun niya lang napansin na andun pala si Blake.. 

"Strawberry tapos..?" Tanong nung tindera habang nakatingin kay Lyra.

"Huy! Ano daw yung gusto mong flavor??" Sabi ni Talia sa kanya.

 

Naistatwa na kasi si Lyra eh! Atsaka nung mga oras na tinatanong siya ni Tindera at ni Talia kung ano yung flavor na gusto niya ay.. Nakatitig lang siya kay Blake. Si Blake naman ay iniiwas yung tingin sa kanya.. 

 

"Hah?!" Gulat na sabi ni Lyra..

"Ano daw yung flavor na gusto mo??" Tanong ni Talia.. Tss.. Nakita lang si Blake naistatwa na!! Hay Naku!! Akala ko ba hindi niya na crush si Blake??

"Ahmm.. Chocolate po." Sagot naman ni Lyra.. Anong bang nangyayari sakin?! Nakakahiya naman kay Blake!!

"Ikaw Iho?" Tanong naman ni Tindera kay Blake.. 

"Chocolate po.." Sagot ni Blake..

OhMiGoshii!! Pareho pa kami ng flavor!!! Pagkakataon nga naman!! *kilig na kilig* Isip ni Lyra..

 

Tapos habang kinukuha ni Tindera yung mga ice cream nila.. May kinuha si Lyra sa bulsa niya tapos hindi niya napansin na nahulog yung panyo niya..

 

"Eto na yung ice cream niyo ohh.." Sabi ni Tindera sabay abot ng mga ice cream.. Tapos sabay bayad naman din nilang tatlo..

 

Tapos umalis na sila Talia at Lyra.. Si Blake na lang ang natira sa tindahan kasi.. Buo yung pera niya kaya naghihintay siya ng sukli niya nang mapansin niya yung panyo na nahulog ni Lyra.. 

 

Kanino kaya tong panyo nato?? Hmmm.. Baka naman nahulog nung isang babae kanina? Yung babaeng kung makatitig wagas! Pero pano ko ibibigay sa kanya to? Ehh, Hindi ko naman alam yung room nila.. Hmm.. Siguro kapag nakita ko na lang siya.. Sana makita ko siya ulit. Tapos pinulot niya na yung panyo.. 

"Iho ito nayung sukli mo oh.." Sabi nung tindera.. 

 

Tapos fast forward tayo ulit.. Kinabukasan nah... Sa may classroom nila Blake.

 

"Oo nga pala! Yung panyo nakalimutan kong dalhin. Tss.. Bukas na nga lang." Bulong ni Blake habang binababa yung bag niya. Dun lang kasi sumagi sa utak niya yung panyo.. 

"Dre! Balita ko may nagkakagusto daw sayo sa kabilang section ah!" Sabi sa kanya nung classmate niyang lalaki sabay tapik sa balikat niya.

"Sino naman daw?" Tss...! Matagal ko ng alam yun!.. Kaso hindi ko naman pinapansin. Atsaka sino kale yun?? Hindi ko pa yun nakikita ahh! Isip ni Blake..

"Lyra.. Alam ko Lyra yung pangalan nun ehh. Atsaka maganda siya Dre!" Tss.. Kung ako sayo liligawan ko yun! 

"Ahh.." Lyra huh? Hmm.. 

"Ligawan mo Dre!" 

"Ayoko nga! Tss.. Malay mo may boyfriend nayun atsaka crush niya lang naman ako eh." - Blake

"Ewan ko sayo!!" Tapos napatingin sa may pintuan yung classmate niyang lalaki.. Tapos nakita niya si Lyra at si Talia naglalakad.. "Huy Dre! Ayon si Lyra ohh!" Sabay turo kay Lyra..

"Hah? San?" Tingin naman si Blake..

"Yung babaeng mahaba yung buhok.." 

"Siya?!" Naalala kasi ni Blake yung mukha ni Lyra.

"Anong siya? Kilala mo na bayun?" 

"Ahmm.. Hindi. Hindi ah!" So, siya pala si Lyra. Yung nagkakagusto sakin. Ehh, Para naman atang nakakahiyang ibigay sa kanya yung panyo niya. Pero kaylangan ko paring ibigay. 

"Ano Dre? Maganda ba?" - Classmate na lalaki.

"Manahimik ka nga.. Ang ingay nito." Tss.. Ang kulit!!

 

Tapos tinigilan na siya nung kaklase niyang lalaki.. Samantalang si Blake nagiisip parin kung pano ibibigay yung panyo ni Lyra.. 

 

"Hmm.. Bahala na!" Bulong niya ulit habang nakatingin sa may bintana sa may tabi niya..

 

Pagkatapos nun English time na nila.. Dun naman tayo kela Lyra at Joshua... 

 

"Huy Joshua.. Wala ka ba talagang gusto kay Talia? Maganda naman siya ah. Tapos matalino pa.. Hmm.. Perfect siya." Bulong ni Lyra kay Joshua.

 

Iling lang yung sagot ni Joshua sa kanya.. 

 

"Tss.. Sabihin mo may crush ka sa kanya. Sige na please??" Bulong ni Lyra.. Please?? SIge naman ohh!!

"Ayoko." Ilang ulit ko bang uulitin sayo?? Ikaw nga yung gusto ko ehh.. Ang hirap ba nung intindihin.. Bat ba laging si Talia? 

"Bahala ka nga.." Sabi ni Lyra..

"May sasabihin ako sayo." - Joshua

"Ano yun??" - Lyra

"Mamayang uwian sa may rooftop.." -Joshua

"Hmm.. Sige." Ano kaya yung sasbahin niya? Pwede naman niyang sabihin yun ngayon ahh.. Hmm.. Weird hah!

 

After class. Dun sa may rooftop.. 

 

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Lyra kay Joshua

"Bat mo ba laging tinatanong kung gusto ko si Talia o hindi?" -Joshua

"Kasi.. Ahmm, Wala lang! Gusto ko lang malaman." - Lyra

"Pano kung sinabi ko na ikaw talaga yung gusto ko.." Seryosong sabi ni Joshua.

"Hah? Tss.. Hindi ako nakikipagbiruan sayo Joshua!" Galit ba siya?? Parang ibang Joshua yung kaharap ko ngayon ahh!

"Mukha ba kong nakikipaglokohan?? Lyra! Matagal na kitang gusto! Manhid kaba??! Please naman ohh! Wag mo naman akong itulak sa iba dahil ikaw lang yung gusto ko! Ikaw! Hindi si Talia!! Okey?!" Seryosong sabi ni Joshua na nakatitig kay Lyra.

"Pero.. Kasi Joshua! Alam mo namang ang gusto ko ay si Blake diba?? Atsaka.. Gusto ka ni Talia. Matagal na siyang may pagtingin sayo! Naiintindihan mo rin bayun?!" Sabi ni Lyra sa kanya na hindi masyadong makatingin kay Joshua.

"Ako wala!! Pero sayo OO!! Atsaka ano bang meron kay Blake na wala ako?! Sabihin mo nga sakin!" - Joshua

"Hindi ikaw si Joshua!" Tapos magwawalkout na sana siya ng biglang hawakan ni Joshua yung braso niya. 

"Bitawan mo nga ako! Hindi ikaw si Joshua, Ibang Joshua ang kaharap ko!" - Lyra

"Mahal kita Lyra.. Mahal na mahal kita. Please naman ohh. Wag mo naman akong ipagtulakan sa iba. Kung sayo parang wala lang yun. Sakin sobrang sakit." Mahinahong sabi ni Joshua kay Lyra. Tapos medyo napayuko ito.

"Hindi ko alam.. Naguguluhan ako. Ewan!!" Tapos tinanggal ni Lyra yung pagkakahawak ni Joshua sa braso niya.. 

 

Tapos tumakbo na palabas ng rooftop si Lyra. At naiwang nakaupo sa may gilid si Joshua at lumuha... 

 

"Mahal kita Lyra.. Mahal na mahal kita." 

"Mahal kita Lyra.. Mahal na mahal kita." 

"Mahal kita Lyra.."

"Mahal na mahal kita." 

 

Nageecho yan sa utak ni Lyra habang tumatakbo siya papuntang classroom. Naguguluhan siya. Dahil alam niyang masasaktan din yung friend niyang si Talia kapag nalaman na ang mahal ni Joshua ay siya. At alam niya ring nasaktan din si Joshua sa ginawa niya.. Kaya gulong gulo yung utak niya at pati narin ang damdamin niya.. Kaya sa kakatakbo niya may nabangga siyang lalaki..

 

*TUGSHHH*

 

"Miss, Okey ka  lang??" Sabi nung lalaki tapos inabot yung kamay niya kay Lyra na napaupo sa sahig.

"Ahmm. Oo. Sorry nga pala.. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sagot ni Lyra. Pero hindi siya nakatingin sa lalaki.

"Lyra?" Tanong nung lalaki. 

"Hah?" Nagulat naman si Lyra kasi alam nung lalaki yung pangalan niya, Kaya tiningnan niya ito at nagulat siya kasi si Blake yung lalaking nabangga niya.

"Sabi ko na nga ba ehh.." Tapos tinulungan niya ng tumayo si Lyra.

"Ahmm.. Sorry nga pala ulit hah.. Tapos salamat din. Sige." Sabi niya tapos magsisismula nasa siyang maglakad papalayo kay Blake ng bigla siyang hawakan nito sa kamay.

"Sandali lang.. Ahmm.. Yung panyo mo nga pala na sakin." Syempre pagkasabi niya nun binitawan niya na kaagad yung kamay ni Lyra. 

"Ahh.. ahm bukas mo na lang ibalik. Sige mauna na ko." Nalilito pa kasi ako hanggang ngayon ehh. Atsaka.. Gusto kong mapagisa ngayon.. 

 

Tapos nauna na ngang umuwi si Lyra kaysa kay Talia. Pagkadating niya sa bahay nila tumakbo siya kaagad sa kwarto niya at humiga at nagisip kaagad... 

 

Anong gagawin ko?? Pano ko sasabihin kay Talia na ako yung mahal ni Joshua? Ayoko namang masaktan yung friend ko...Ano ba??! Nakakainis talaga!! Naguguluhan ako! 

 

Iniisip ni Lyra habang nakayakap sa unan niya at pagulonggulong sa higaan niya..

Tapos balik naman tayo sa rooftop.. 

 

Ganto ba kasakit kapag nagmamahal ka? Lalo na kapag yung taong minamahal mo ay hindi kayang ibalik yung pagmamahal na binibigay mo sa kanya.. Ang sakit! Sobrang sakit... Iniisip ni Joshua habang nakahawak sa noo niya at lumuluha.. 

 

Tapos biglang may nagbukas ng pinto ng rooftop.. 

 

"Totoo pala yung sabi nila na si Lyra talaga yung gusto mo. At ngayong araw ring ito napatunayan ko yun.." Nakangiting sabi ni Talia.. Tapos tumabi siya kay Joshua.

"Narinig mo Lahat?" Tapos pinunasan niya yung mga luha sa mukha niya. Hindi narin siya nahiyang ipakita yung mga luha niya kay Talia kasi.. Narinig naman na lahat ni Talia ehh..

"Hindi ko sinasadya.. Hinahanap ko kasi si Lyra tapos naisipan kong pumunta dito.. Tapos yun.. hindi ko sinasadyang marinig yung mga pinaguusapan niyo.. Sorry talaga." Sabi ni Talia.. 

"Okey lang.." -Joshua

 

Tapos nagulat siya kasi bigla siyang niyakap ni Talia.. 

 

"Naiintindihan kita.. Kasi, maraming tao ang laging binibigyang pansin ang mga bagay na alam nilang mahirap abutin pero hindi nila napapansin na yung mga bagay na nakapaligid lang sa kanila, ay yung mga bagay na talgang kaylangan nila . Pero marami rin sa mga taong yun ang nakukuha ang kanilang gustong abutin kahit malayo sa kanila yon. Pero mas marami parin sa mga taong yun ang hindi nagtatagumpay at nasasawing luhaan.." Sabi ni Talia habang nakayakap kay Joshua..

 

Tapos nanahimik lang si Joshua habang yakap siya ni Talia ..

 

Dun naman tayo kay Blake.. 

 

Bat parang nagmamadali siya kanina? May problema ba siya? Parang iiyak na nga ata siya eh. Wag niyong sabihin na kakabreak niya lang sa boyfriend niya. Teka, may boyfriend na nga ba yun? Tss! Bat ko nga ba pinoproblema yun. Isip ni Blake habang naglalakad..

 

After 2 weeks.. Hindi parin naibabalik ni Blake yung panyo kay Lyra pero magkaybigan na sila. At si Joshua ay nakapagmoved on narin. At friends parin sila Lyra at Talia. 

 

"Ahmm.. Hindi muna pala ako makakasabay sa inyo." Sabi ni Lyra kela Joshua at Talia.

"Bakit??" Tanong ni Talia.

"May pupuntahan lang ako sandali." Sagot ni Lyra.

"Ahh.. Sige ingat ka hah. Bye.." -Talia

"Byee.." Nakangiting sabi ni Joshua kay Lyra.

"Byee.." Pagkasabi ni Lyra umalis na siya kaagad..

Mukhang close na close na sila ahh!! Tapos biglang niyang naalala February na.. Oo nga pala! Next week Valentines day na! At ilang buwan nalang din at gragraduate na ako.. Ang bilis talaga ng oras.. *sigh* Ayyy!! Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo na 4th year na ako.. Sorry hah! Iniisip ni Lyra habang baglalakad..

 

Pagkatapos nun.. Feb. 12 nah!! Bilis noh!! Kaylangan ehh.. Whhahaha ^^ ... 

 

"Friend may ibabalita ako sayo!!" Masayang masayang sabi ni Talia sa kanya. 

"Ano yun??" Curious na tanong ni Lyra.

 

Lumapit konte si Talia kay Lyra at may binulong...

 

"Ehh??! Kaylan pah?" Gulat na tanong ni Lyra kay Talia.

"Hmm.. Nung Feb. 10." -Talia

"Congratss.. Sabi ko sayo ehh! May pagtingin din siya sayo!!" -Lyra

"Kayo? Kamusta na kayo ni Blake??" -Talia

"Hmm.. Magkaybigan. Ahhaha. Masaya na ko dun." Nakangiting sabi ni Lyra kay Talia.

"Kaylan ka magtatapat??" -Talia

"Siguro.. Pagkatapos ng Graduation." - Lyra

"Good Luck!! Basta bilisan mo bago kapa maunahan ng iba. Lam muna! Popular sa girls si Blake. Hindi lang ikaw yung may pagtingin sa kanya.." Sabi ni Talia sa kanya.

"Nasa kanya naman yun kung sino talaga yung mahal niya. Diba??" Sagot ni Lyra. 

"Tama!! Hahahha.." Nakangiting sabi ni Talia.

 

Tapos nun... Valentines day na! Sa may ilalim ng desk ni Lyra may Red Rose..

 

"Kanino to?" Bulong ni Lyra tapos lumingon lingon.. Sino kaya yung nagbigay nito?? Hmm.. 

"Friend sinong nagbigay ng Rose nayan? Ang sweet naman!" Bati sa kanya ni Talia.

"Hindi ko nga rin alam eehh.." - Lyra

"Buti ka nga may rose kaagad! Samantalang ako wala pa.." - Talia

"Hintayin mo lang yan! Malay mo may suprise siya sayo ohh!" - Lyra

"Sana nga eehh.." Talia

 

Lumipas ang ilang oras. Lunchbreak na! Pero iniisip parin ni Lyra kung kanino galing yung red rose..

 

"Huy! Hindi ako makakasabay sayo hah. Lam muna! " Sabi ni Talia sa kanya.

"Oh Sige!" Nakangiting sabi ni Lyra kay Talia

"Atsaka kumain kana. Wag mong masyadong seryosohin kung sino yung nagbigay sayo ng red rose. Okey?!" - Talia

"Oo nah.. Geh bilisan muna baka hinihintay kana nung boyfriend moh!" - Lyra

 

Tapos umalis na ng classroom si Talia.. 

 

Buti pa sila, may kadate ngayong Valentines. Samantalang ako WALA as in WALA talaga. *sigh* Lyra! Dapat masanay kana! Lagi ka namang LONELY kapag Valentines eh.. Tss.. Keilan ba ko magiging happy sa Valentines Day ko..? Keilan kaya may magbibigay sakin ng Flowers at Chocolates noh? Wait! May nagbigay sakin ng Red Rose ah! Nga pala!! Nawala na sa isip ko yun ah! *sigh* Sino kaya nagbigay nun?? Iniisip ni Lyra habang naglalakad papuntang rooftop.. 

 

Pagbukas niya ng pinto ng rooftop. Nagulat siya kasi andun si Blake na may kasamang girl at mukhang may pinaguusapan.. 

 

"Ahhm. Sorry Sorry!.. Hindi ko talaga sinasadya! Aalis na lang ako! Sorry talaga! Sorry!.." Tapos sinarado niya na kaagad yung pinto tapos tumakbo siya pabalik ng room at nadatnan niya si Joshua natutulog.. 

 

Umupo na siya sa upuan niya at binuksan yung pagkain niya, at nagisip kaagad.. 

 

Sino kale yung babae nayun? Wag niyong sabihin.. yun yung girlfriend niya.. Bat parang ang sakit sa dibdib, parang.. Hindi ko kayang iexplain kung gano kasakit. Parang.. Ewan!! Ganto ba yung pakiramdam ng nagseselos? Ganto ba yung pakiramdam ng makita mo yung taong gusto mo na may kasamang iba? Ganto ba yun kasakit?? *sigh* Talaga bang Love is not Perfect. Iniisip ni Lyra habang nakatingin sa pagkain niya..

"Hindi kapa ba kakain?? Atsaka bat ang lungkot mo?" Tanong sa kanya ni Joshua na nagising ata sa pagdradrama niya.. 

"Ahhmm.. Ano kasi- Basta!!" Sabi ni Lyra.

"Sabay tayong umuwi Lyra. Wala ka namang kadate diba?? Atsaka malapit na tayong grumaduate. At may sasabihin lang ako.." Gusto lang kitang makasama ulit kahit alam kong hanggang kaybigan lang yung tingin mo sakin.. Masaya na ko dun..

"Oh sige bah.. May itatanong din ako sayo. Okey?" Sana alam niya yung sagot..

 

Uwian na.. At magkasabay sila Joshua at Lyra..

 

"May girlfriend na ba si Blake??" - Lyra

"Siguro.. Bat mo natanong??" -Joshua

"Wala lang.. Kasi, nakita ko si Blake may kasamang babae sa rooftop ehh.." -Lyra

"Ahh ganun ba. Balita nga daw na may nililigawan siyang babae eh.." -Joshua

Baka yun yung babaeng tinutukoy niya.. Hmm.. Bagay sila! Iniisip ni Lyra at hindi niya na namalayan na napahinto na pala siya.

"Oh, bat parang naistatwa ka diyan??" Tanong ni Joshua.

"Siguro yung babaeng kasama niya kanina ay yung babaeng gusto niya noh?.. Tingin ko nga bagay na bagay sila ehh.." Sabi ni Lyra.

"Nakakasiguro kabang yun talaga yung babaeng gusto niya? Malay mo yun lang yung hinihingian niya ng advice.. Malay mo ikaw talaga yung taong mahal niya, kaya think possitive. Pero wag ka laging umasa, baka matulad karin sakin.. Diba?" Sabi ni Joshua tapos hinawakan niya yung kamay ni Lyra. 

"Hah?" Nagulat siya kasi hinawakan ni Joshua yung kamay niya.. 

"Lyra, diba dati gutso mong magustuhan ko si Talia at gusto mo rin na mahalin ko rin siya katulad ng pagmamahal ko sayo.. Kaya kung gawin yon. Kung hihilingin mo ulit sakin yon." Sabi ni Joshua habang nakatingin kay Lyra.

"Ano?! Ano kaba Joshua, may boyfriend na si Talia.. Atsaka masaya na siya sa boyfriend niya ngayon noh." Sabi ni Lyra.. 

"Sigurado ka? Pano kung sabihin ko sayong wala talagang boyfriend si Talia. Sinabi niya lang yun para hindi kana mag-alala.. Sa tingin mo ba may makakapagmoved kaagad ng ganun ganun na lang. Kapag nalaman nilang ang taong minamahal nila ay mahal yung bestfriend niya? Manhid kaba talaga Lyra?" Tanong ni Joshua sa kanya tapos binitawan na ni Joshua yung kamay niya..

"Wala talagang boyfriend si Talia? Hindi niya boyfriend si Andrew?" Gulat na sabi ni Lyra.

"Oo.. Wala talagang Mr. Boyfriend. Ginawa niya yun para sayo Lyra.." Sabi ni Joshua.

"Pero.. Pano magagawa sakin yun ni Talia?" Naguguluhan na talaga ako.. 

"Simple lang. Pinapangalagaan niya ang inyong pagkakaibigan. Hayaan mo, kapag niligawan ko siya at sinagot niya ko. Susubukan ko siyang mahalin, katulad ng pagmamahal kong binigay sayo, at hinding hindi ko siya lolokohin. Para sayo gagawin ko yun, gagawin ko yun para lang sumaya ka. At sana masabi mo na kay Blake na mahal mo siya. Goodluck hah." Sabi ni Joshua at nauna ng lumakad kay Lyra.

 

Pero bigla ulit itong huminto at humarap kay Lyra.. 

 

"Wag kang mag-alala, ibabaon ko na sa limot ang pagmamahal ko sayo. At ibabaling ko na lang lahat ng nararamdaman ko kay Talia. At hanggang kaybigan lang naman ang turing mo sakin. Diba? Kaya Let's be friends from now on.. Tara?" Sabi ni Joshua at lumapit ulit kay Lyra at hinawakan ang kamay nito at naglakad na sila papauwi..  

 

At nanahimik lang si Lyra habang naglalakad sila papauwi ni Joshua.. Iniisip niya parin kung totoo ba talaga yung sinasabi ni Joshua sa kanya.. 

At nakarating na sila sa bahay ni Lyra. 

 

"Nga pala. Happy Valentines. Ako yung nagbigay ng Rose. Sana nagustuhan mo.. Ahmm, Bye. At kalimutan mo na yung dating Joshua. Pero sana wag mong kalimutan na MAGKAIBIGAN parin tayo at lagi lang akong andiyan para makinig sayo. Ahmm. Babye.." Sabi ni Joshua tapos tumalikod na.. 

 

Pero pagkatalikod niya bagulat siya kasi may humila ng kamay niya at si Lyra yon. Naisip narin kasi ni Lyra na basagin na yung pananahimik niya kanina.. Tapos nung humarap si Joshua niyakap niya kaagad.. 

 

"Ehh?" Nagulat si Joshua sa pagyakap ni Lyra sa kanya.. At pansin niya rin na umiiyak ito.

"Alam mo, Ikaw lagi yung may dahilan kung bakit minsan nakakatulog ako ng umiiyak. Ikaw talaga... Lagi mo na lang pinapagulo yung takbo ng ulo ko.. Pero alam mo, ikaw yung kaybigan ko na hindi ko makakalimutan dahil. Kahit minsan lagi mong pinapagulo yung utak ko, pero ikaw parin ang may dahilan kung bakit ako sumasaya at napapangiti. Hindi kita maintindihan Joshua..  Basta ang alam ko ikaw yung taong hindi ko makakalimutan kahit mamatay ako.. Salamat. Sana mahalin mo si Talia hah. Higit sa pagmamahal mo sakin. Alam kong masakit din sayo yun, pero tinanggap mo parin. Salamat kasi nakilala kita Joshua. Sana maging masaya kayo ni Talia. Alam mo Joshua minahal din kita... Bilang isang Kaybigan pero kahit kaybigan lang yun. Importante ka sakin. Kaya sana wag kang magsisi na mamahalin mo si Talia. Dahil alam kong mahal na mahal ka nun.. Swear. Thank you talaga. Happy Valentines din. Thanks sa Rose at itatago ko yun." Sabi ni Lyra habang umiiyak sa dibdib ni Joshua at niyakap narin siya ni Joshua... 

 

Kinabukasan... Lunch Break. Sa may school garden. 

 

"Im really sorry talaga Lyra. Im sorry... Sorry talaga. Sorry. Please? Hindi na mauulit. Please? Please naman ohh..? Please, hindi na talaga. Sorry talaga.." Sabi ni Talia kay Lyra.. 

"Ano ba?! Sabing wala lang yun sakin. Atsaka naiintindihan ko naman yung reason mo ehh. Kaya wag ka ng mag-sorry ng mag-sorry. Sus! Diba bestfriend kita.. Kaya tumigil ka na diyan. Atsaka nga pala. May surprise ako sayo. Wait lang hah." Tapos tinawag niya si Joshua..

"Ehh? Anong ginagawa ni Joshua dito??" Tanong ni Talia.. Bakit siya andito? Siya yung surprise? Hala! Pero.. Ano ba yun?? 

"Basta! Joshua lapit kah.." Sabi ni Lyra kay Joshua at lumapit naman si Joshua.. 

"Ahm, may gustong sabihin si Joshua. Kaya, iwan ko muna kayo!" Nakangiting sabi ni Lyra tapos umalis na siya kaagad..

 

Silang dalawa na lang ang natira.. 

 

"Ahm, Talia?" - Joshua.

"Ano yun? Anong sasabihin mo?" - Talia. OMG! Ano ba yung sasabihin nya? 

"Talia, mahal mo parin ba ko?" - Joshua.

"Hah?! Ano? Mahal pa ba kita? Ahmm.. Bat mo naman natanong?" Gulat na tanong ni Talia kay Joshua. Ano daw?? 

"Sagutin mo na lang.. Mahal mo pa ba ko?" - Joshua

"Ahmm.. O-Oo. Ayan ah. Umamin na ko." - Talia. 

"Pwede bang manligaw?" Tanong ni Joshua kay Talia habang nakatitig ito sa mga mata nito..

"Hah?? Tama ba yung narinig ko? Wait! Kung joke lang toh. Itigil mo nah! Hindi ako nakikipaglokohan sayo Joshua." Sabi ni Talia.

"Mukha ba kong nakikipaglokohan? Seryoso ako Talia. Gusto kitang mahalin.." Sabi ni Joshua tapos kinuha niya yung kamay ni Talia.

"D-diba? Ang gusto mo ay si Lyra. Tapos ngayon, gusto mo kung mahalin?" Ano ba talagang nangyayari.. 

"Binaon ko na sa limot yung pagmamahal ko kay Lyra. At ngayon, susubukan kitang mahalin. Wag kang mag-alala. Hindi kita sasaktan, mamahalin kita. Yan ang pangako ko kay Lyra. Pero wag mo ring isipin na mamahalin lang kita dahil kay Lyra. Hindi, Desisyon ko to na subukan kang mahalin." Nakangiting sabi ni Joshua..

"Ehh?" Nananaginip ba ko? Hindi diba??

"Ano na? Pwede na ba kong manligaw?" Tanong ulit ni Joshua.

"Ahm, kaylangan pa ba nun? Kahit wag kana ngang manligaw ehh.. Matagal na talaga kitang hinihintay na mahalin ako. Kaya hindi na kaylangan pang manligaw, dahil noon pa man. Ikaw talaga yung tinitibok ng puso ko Joshua. Ikaw lang.. Kaya sana mahalin mo rin ako katulad ng sinabi mo. Dahil, hindi mo pagsisisihan na mamahalin mo ko." Sabi ni Talia. Tapos bigla siyang niyakap ni Joshua. 

"Promise. I will love you Talia..." Sabi ni Joshua

"Matagal na kitang mahal Joshua.." Sabi naman ni Talia.. 

 

                       (  Patugtugin niyo po yung kantang "I Think Im Falling by MYMP" )

 

Habang sobrang sweet sila Talia at Joshua. Kumakain naman si Lyra at nagiisip.. 

 

*sigh* Sana maging masaya yung dalawa. Alam ko talagang para sila sa isa't-isa.. Love nga naman sobrang Gulo! Pero kapag nagmahal ka na.. Lahat mararamdaman mo.. Andiyan na yung Kikiligin ka, Sumasaya ka, Ngumingiti ka, IIyak ka, Masasaktan ka, Magseselos ka, Magkakasakitan kayo ng feelings, Magkakatampuhan pero in the end Mahal niyo parin ang isa't-isa kahit minsan nauuwi na to sa hiwalayan pero para sakin kapag narealize niyong dalawa na mahal niyo talaga ang isat-isa. Gagawa at gagawa parin kayo ng paraan para magkabalikan. Yan ang pananaw ko sa Love.. Dahil, Love is not Perfect...Wait! Ang drama nah hah! Feb. na ilang buwan na lang at iiwan ko na tong School na to at yung mga memories na nabuo dito. At yung taong lagi kong sinusubaybayan. Magtatapat na talaga ako! Kahit ireject niya ko. Basta ang alam ko, nagtapat ako.. Iniisip ni Lyra habang kumakain ng Choco Tops.. 

"Ahm, Pwedeng maki upo." Sabi nung lalaki..

"A-ah, Sigeh." Ohmigoshii!! S-si Blake!! Ayiieee!! Pagkakataon nga naman.. *Thumbs Up!"

"Bat ikaw lang. Nasan si Talia?" - Blake.

"May pinaguusapan sila ni Joshua. Hahaha. " - Lyra.

"Lyra. Ang lapit na ng Graduation natin noh! Hay!! Ang bilis ng oras." 

"Oo nga eh.. Ahm. Alam mo? Ahhmm.. Wag na nga lang.. Hhaha." Bat hindi ko masabi.. Kainis! Basta sa Graduation na lang!! 

"Ano yun? Sabihin mo na?" Nakangiting sabi ni Blake.

"Wala yun. Sa tamang panahon na lang. Ahm, may nagugustuhan ka ba dito?" Tanong ni Lyra. 

"Oo naman. Balak ko ng ngang magtapat kaso, nahihiya pa ko. Pero siguro darating din ang panahon na masasabi ko rin sa kanya. Sana nga may pagtingin din siya sakn eh.. Ikaw? May gusto karin ba dito sa School?" Sabay tingin kay Lyra. Tapos biglang ngumiti. Medyo nagblush naman si Lyra.

"Oo.. Matagal ko na siyang gusto. Matagal ko na siyang tinitingnan sa malayo, iniisip bago matulog.. Basta! Mahal ko na nga ata siya ehh." Medyo nagblublush na sabi ni Lyra at hindi makatingin kay Blake.. 

 

Tapos biglang hinarap ni Blake yung mukha ni Lyra sa kanya.. At nagulat naman si Lyra.

 

"Bakit?" Ohmihgoshiiii! Ang bilis na tibok ng puso ko.. 

"Alam mo Lyra.. May.. May ano.. May. Ahm.., May chocolate yung mukha mo.. Para kang bata." Tapos tinanggal ni Blake yung chocolate sa mukha ni Lyra.. 

"Ahm, Salamat.. " Pinapakilig niya ba ko?? Kung pinapakilig niya nga ako.. Tagupay siya!! Grabe! tatalon na at yung puso ko!! 

"Ang swerte naman nung taong tinutukoy mo. Sana gusto karin niya no. Para hindi naman masayang yung pagmamahal mo sa kanya.. Sabihin mo na habang may oras pa. Alam mo na gragraduate kana.." Sabi ni Blake tapos tumayo na siya.. "Sige, una na ko. Hahanapin ko pa si Aetine eh.. Ipapakilala niya daw yung girlfriend niya sakin. Si Anne ba yun. Oo si Anne yun.!" Nakangiting sabi ni Blake kay Lyra. 

"Sinong Aetine? Siya ba yung lalaking tinitilian ng mga kababaihan dito sa School. Diba 3rd year palang yun? Ang cute kamu nun. Ang swerte naman nung Anne na yun.." Sabi ni Lyra..

"Oo nga daw ehh.. Last month ata siya sinagot nun.. Sige, Una na ko!" 

"Sige byeee..." Tapos pinanuod niyang maglakad si Blake. Kung alam mo lang na ikaw talaga yung lalaking yun. Magugustuhan mo rin kaya ako? Mas swerte nga yung tinutukoy mong taong gusto mo ehh.. Sana ako yung taong tinutukoy niya.. 

 

After Ilang Month.. Graduation Day, At katatapos lang ng graduation.. 

 

"Ahmm, matagal na kung may gusto sayo.. Ngayon lang ako nagkalakas ng Loob para masabi sayo na Mahal kita. Can you be my girlfriend?" Sabi ni Blake tapos may binigay siyang rose.. 

"Ahmm, Yes.. Matagal narin kitang gusto. Akala ko nga hindi mo ko mapapansin ehh. Mahal na mahal din kita Blake." Sabi ni Bea tapos niyakap niya si Blake at ganun din naman ito.. 

"Nasan kaya si Blake? Alam ko dito siya nagpunta ehh.. Pe----." Nagulat siya sa nakita niya.. At sobrang nasaktan siya.. Halos hindi matanggap ni Lyra ang kanyang nakita.. At napaupo na lang siya at hindi nya na mapigilang umiyak. Dahil para sa kanya, sobrang sakit.. Tagus-tagusan nga ehh.. Yung halos.. Huminto na sa pagtibok yung puso niya.. "Bakit ganto?? Bakit? Blake your such an Idiot.."  Bakit? Hindi mo man lang ako hinintay na magatapat sayo. Na sabihin sayong Mahal kita na ikaw talaga yung taong tinutukoy ko. Alam mo umasa rin ako, na ako yung taong tinutukoy mo. Sobrang sakit! Sobrang sobrang sakit! Ang dami kong inipong lakas ng loob para masabi ko sayo na mahal kita at nakahanda na ko sa rejection ko. Handa na kong tanggapin ang kung anong nararamdaman mo sakin. Handa na talaga ako. Pero ang makita kong magkayakap kayo ng taong mahal mo yung taong tinutukoy mo. Hindi ako handa.. Hindi talaga! Bat ba ang sakit.. Hindi ko kaya!! Ayoko na!! Mahal kita Blake.. Mahal na mahal.. Nasabi niya yan habang umiiyak sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.. At hindi niya na kinaya kaya tumakbo siya. Hindi niya alam kung saan siya papunta basta takbo lang siya ng takbo hanggang sa may maaninag siyang  ilaw at isang malakas na busina.. 

 

*Buuoogggssshhhhh* Isang pangyayari ang nagpagulat sa lahat ng estudyante at lalong-lalo na kay Talia, Joshua at Blake.. 

 

"Lyra!! Lyra!! Lyra!!! Lyra are you okay?!"

"Lyra okey ka lang!!"

"Lyra, gumising ka!"

"Lyra Lyra!! Lyra anak gumising ka! Wag mo kong iwan..!"

"Lyra! Lyra wag mo kaming iwan.. Lyra! Please??"

"Lyra! Lyra!!"

 

(Paki play mo yung kanta sa gilid--->)

 

After 1 week.. Ito rin ang araw na ililibing si Lyra, at lahat ay nagluluksa sa nangyari.. 

 

"Joshua, bat kaylangan pang mangyari to kay Lyra.. Hindi ko kayang tanggapin na patay na yung bestfriend ko.. Hindi. Joshua bakit?" Umiiyak na sabi ni Talia kay Joshua.

"Ako rin naman inaasahan tong mangyari.. Hindi ko rin toh inaasahan.. Bakit kaylangan niya pang mawala?? " Sabi rin ni Joshua.

 

Samantalang si Blake.. 

 

Lyra bakit mo kami iniwan?? Hindi ko panga naipapakilala sayo yung taong mahal ko tapos bigla ka na lang nagpaalam.. Bakit?? Kahit sa maikling panahon ng pagiging magkaybigan natin.. Importante ka parin.. Para sakin.. Iniisip ni Blake habang nakaupo sa may gilid.. 

 

After 11 months.. 

 

"Alam mo ba Blake kung sino yung taong mahal ni Lyra??" Tanong ni Joshua sa kanya.. 

"Hindi.." 

"Ikaw.. Hindi niya ba nasabi sayo. Ang alam ko nasabi niya sayo ehh. Sabi niya pa nga magtatapat daw siya sayo pagkatapos ng Graduation natin. At yung araw din na.. Kalimutan na natin." Sabi ni Joshua.

"Anong sabi mo? Ako? Ako yung taong mahal ni Lyra?"

"Oo. Matagal ka na niyang gusto. Nagseselos nga ako sayo nun ehh.. Pero kinalimutan ko  na yung feelings ko na yun.. ohh, bat parang nanahimik ka??" 

"Ahmm,, Wala." Sabi ni Blake.. 

 

Sa Apartment ni Blake.. Nagflaflashback sa utak ni Blake lahat.. 

 

"Lyra. Ang lapit na ng Graduation natin noh! Hay!! Ang bilis ng oras."  - Ako

"Oo nga eh.. Ahm. Alam mo? Ahhmm.. Wag na nga lang.. Hhaha."  - Lyra

"Ano yun? Sabihin mo na?"  - Ako

"Wala yun. Sa tamang panahon na lang. Ahm, may nagugustuhan ka ba dito?"  - Lyra

"Oo naman. Balak ko ng ngang magtapat kaso, nahihiya pa ko. Pero siguro darating din ang panahon na masasabi ko rin sa kanya. Sana nga may pagtingin din siya sakn eh.. Ikaw? May gusto karin ba dito sa School?"  - Ako

"Oo.. Matagal ko na siyang gusto. Matagal ko na siyang tinitingnan sa malayo, iniisip bago matulog.. Basta! Mahal ko na nga ata siya ehh."  - Lyra

"Ang swerte naman nung taong tinutukoy mo. Sana gusto karin niya no. Para hindi naman masayang yung pagmamahal mo sa kanya.. Sabihin mo na habang may oras pa. Alam mo na gragraduate kana..Sige, una na ko. Hahanapin ko pa si Aetine eh.. Ipapakilala niya daw yung girlfriend niya sakin. Si Anne ba yun. Oo si Anne yun.!" - Ako

"Bat ang tanga ko, bat ngayon ko lang narealize na ako pala yung taong tinutukoy niya. At balak niya na palang magtapat sakin pagkatapos ng graduation. Bat ngayon ko lang yun narealize. Bakit ngayon lang?! Ang tanga mo Blake!! Ang manhid ko! Kung narealize ko siguro kaagad yon..... Di Sana namatay si Lyra. Hindi sana siya nawala... Hindi rin sana nawala yung taong nagmamahal sakin ng palihim. Yung taong, yung taong mahal ako ng sobra, Yung mga ngiting inalay niya para sakin at ang mga luhang pumatak dahil sakin. At yung taong nasaktan ko. Yung taong di ko manlang narealize na mahal ako.. Pero anong ginawa ko?? Sinaktan ko siya.. at Binalewala.. Ang tanga ko! Sana ako na lang yung namatay!! Sana ako na lang!! Lyra Im Sorry! Im Sorry.. Im Really Really Sorry. For Being an Idiot and numb." Lumuluhang sinasabi ni Blake ang mga salitang yan habang unti-unting napapaupo..  

Dahil hindi matanggap ni Blake na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Lyra. Naisip niya narin na wakasan ang kanyang buhay. Dahil hindi niya na kayang mabuhay pa kung ang taong minahal siya ng lubos ay nasaktan niya ng labis at binalewala lang.. At sa kabilang buhay na lang silang dalawa muling nagkita at kinalimutan ang lahat ng masasakit na nangyayari..

 

 

 

 Love is not Perfect.

Because,

Love is just Love, it can never be explained...

 

 

The End.

( Love is not Perfect )

 

 

 

----------**

A.N.E.N :

Ang sad ng Ending no?

Sana naiyak kayo kahit konte.

Yun po talaga yung plano ko, ang mapaiyak kayo..

Kaso, baka hindi naman kayo naiyak ehh..

Huhuhuhu T_T

 

Pls. Comment & Vote po sa mga may gusto..

At kung trip niyo po RL niyo na po..

Thankssss.. XD

 

++ Abangan ang Next na One_Shot >>

----------**

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
DarkyMih
Just Enjoy! :D

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet