Chapter 6

Gray

Hindi ko alam kung bakit nga ako tinabi kay Sehun at kay Kai. Tama, kay Kai. Dahil katabi ni Sehun si Kris kanina at katabi naman ni Kyungsoo kanina si Kristine, si Yoona pinaupo ni Lay kasama si Kyungsoo habang ako pinaupo kasama si Sehun at Kai. May mas hihirap pa ba sa posisyon ko ngayon? Ayokong makita ang pag mumukha ni Kai.

 

"Ikaw si Hyoyeon? Yung sinasabi ni Chanyeol na girlfriend ni Sehun?"

 

Tiningnan naman ako nitong lalaking malapad ang noo. Pero hindi naman nakikita dahil natatakpan ng bangs niya, magaling lang talaga akong umobserba.

 

Pilit ko naman nilalayo ang upuan ko sa upuan ni Kai dahil naka siksik yung upuan niya sa upuan 'ko. Hinihila ko na lang palabas yung upuan para naman hindi ko matamaan itong Sehun na 'to.

 

"Ako si Hyoyeon, pero hindi ko boyfriend si Sehun."

 

Mahinang sagot ko naman doon nga sa lalaki nag tanong. Kabisado ko pangalan nila pero hindi ang mga mukha nila.

 

Naramdaman ko namang naka tingin saakin si Kai, ayokong pansinin. Ayokong maalala niya agad yung ginawa niya. Kailangang pag hirapan ko para maalala niya. Bakit pa kasi nag ka amnesia 'tong loko na 'to?

 

"Leader ako ng grupo, pero parang hindi na rin ako leader dahil hindi naman ako sinusunod ng mga 'yan. Suho, pero kung gusto mo Junmyeon na lang."

 

Ngumiti naman siya ng pag ka laki-laki. Tumango lang naman ako sakaniya. Siya pala yung Suho na sinasabi ni Lay na mayaman. Halata rin naman sa mukha na mayaman siya.

 

"Hyung, si Kris hyung rin naman leader."

 

Sumabat naman yung isang mataas ang cheek bones. Siguro siya yung Chen? Siya lang naman yung may mataas na cheek bones dito.

 

"Talagang leader yun! Sinusunod niyo yun eh!"

 

Hindi na lang pinansin nung lalaki na mataas ang cheek bones si Suho. At humarap naman ito saakin.

 

"Hi Hyoyeon!"

 

Masayahin niyang bati saakin.

 

At dahil nga poker face lang ang mukha 'ko, napangiti naman ako ng kaonti sa pag bati niya. Onti lang.

 

"Napangiti ko siya Tao! Yung pustahan natin ah!"

 

Pustahan? Maski dito, pinag pupustahan ako?

 

Humarap naman yung sinasabi 'kong mataas ang cheek bones doon sa lalaking nakatingin lang saakin. Hindi nag sasalita. Tao ang pangalan niya. Yun yung sabi ni Chen eh. Tumingin naman yung Tao saakin at ngumiti.

 

Agad rin namang nawala ako sa mood dahil sa sinabi ni Chen, bumalik lang naman ang mukha ko sa walang ka emosyon emosyon.

 

Natapos na rin ang pag papakilala nila dahil may mga kadaldalan na sila.

 

"Yang katabi mo si Kai yan. Gusto niyan si Yoona kaya wag kang mag taka kung bakit tinutunaw niya si Yoona ngayon."

 

May bumulong naman sa kaliwa 'ko. Dahil tamad ang bulong, si Sehun lang 'to.

 

Hindi na ako nag abala pang tumingin kay Sehun o kaya ay kay Kai.

 

Kilalang kilala ko naman na si Kai.

 

"Yung kaninang maingay, si Chen hyung iyon. At yung kinausap niya, si Tao."

 

Tao ang pangalan? Parang pang Chinese? Nasabi naman na ni Lay na may apat silang Chinese na myembro.

 

"Chinese?"

 

Mahinang tanong 'ko, pero hindi pa rin ako tumitingin sakaniya. Tinitingnan ko lang naman isa-isa itong onseng lalaki na kasama 'ko. Maliban lang kay Kai at Sehun.

 

"Hmm."

 

Tamad niya pa ring sagot saakin.

 

Pero bago pa ako makasagot may narinig na akong sumigaw.

 

"Oh my God! Chanyeolie! Tingnan mo yung dalawa, the moves!"

 

Tiningnan ko naman kung saan nang galing yung sigaw, kay Baekhyun. Tinuturo pa kaming dalawa.

 

Kilala ko naman na si Chanyeol, kasama naman na namin yan sa room. Nakita ko namang tumayo si Chanyeol at tinitigan kami. Hindi rin nag tagal ngumiti siya at nag bulungan sila nung Baekhyun.

 

Tawa naman silang dalawa ng tawa. Umiling na lang ako sa sinabi ni Baekhyun at mas piniling manahimik na lang.

 

Tiningnan ko naman si Lay, na ngayon ay kausap na si Luhan, nakatingin rin sila saamin kaya't nung nakita ni Lay na nakatingin ako sakaniya ay ngumiti siya saakin. Yung dimples. Si Luhan naman napatingin rin saakin at ngumiti pero umiwas rin agad ng tingin, nailang siguro.

 

"Kung makikita mo yung isang lalaki doon na tahimik, si Xiumin hyung iyon."

 

Tumingin naman ako sa kanan, wala naman akong nakitang tahimik. Si Chanyeol at Baekhyun lang naman yung dalawang nasa gilid. At dahil hindi ko nga tinitingnan si Sehun hindi ko alam na tinuturo niya na pala si Xiumin.

 

May naramdaman naman akong humawak ng ulo ko at iniikot ito papunta sa kaliwa 'ko. Tinabig ko naman iyon at inirapan si Sehun.

 

Nakita ko na yung Xiumin, naka tulala lang naman siya at para bang may iniisip kaso ng makita niyang nakatingin kaming dalawa ni Sehun sakaniya, ngumiti naman siya. Kasing cute ng dimples ni Lay yung cheeks ni Xiumin. Ang cute nila.

 

"Yung kaninang kasama ni Chanyeol hyung, si Baekhyun hyung."

 

Hindi na rin ako nag pakita ng reaksyon dahil kilala ko na si Baekhyun.

 

"Yung katabi ni Kai, syempre hindi ikaw, yung isa, si Kyungsoo hyung. Bahala ka na kung anong gusto mong itawag sakaniya, wala naman 'yang pake."

 

Tiningnan ko naman si Kyungsoo, gusto ko lang rin naman makita si Yoona. Kung kaya niya pa ba. Katabi niya yung crush niya oh. Pero ang nakita 'ko si Kai. Si Kai ang kumakausap kay Yoona at si Kyungsoo naman, halos hindi na kasama sa grupo niya dahil wala na siya sa pwesto niya.

 

Si Yoona naman nakatingin kay Kyungsoo pero pilit pa ring kinakausap ni Kai. Usual of Jongin.

 

Flirt then leave.

 

Tinitigan ko lang naman si Kai. Hindi pa rin nag babago, yung mukha, yung kutis, lahat. Pati buhok niya hindi pa rin nag babago. Siya pala yung sinasabi ni Yoona kanina na maitim, bakit ba hindi ko napansin?

 

Pero kung titingnan si Kai, ang saya saya niya. Palagi naman siyang masaya, lalo na pag sinasaktan niya ako, masaya siya, diba?

 

Pero mukhang mas masaya siya rito kesa sa barkada niya dati.

 

Gusto kong sirain yung kasiyahan na iyon, pero hindi na pwede. Ayokong mag higanti.

 

Hindi ko naman maitatanggi, may nararamdaman pa rin ako sa lalaking 'to kahit ilang beses na akong sinaktan nito. Parang gago.

 

Ilang taon na ba?

 

Almost two years ago?

 

Tama, two years ago, Jongin pa lang siya.

 

*

 

"Sinasabi ko nga sa'yo Yoona, layuan mo si Kai."

 

Nakatambay kami ngayon ni Yoona dito sa ilalim ulit ng puno kung saan kami unang tumamabay. Hinihintay namin si Jessica dahil kasama niya pa si Kris. Dahil sa selos na nakita 'ko kanina, paniguradong basag eardrums nun ni Kris dahil sobrang ingay ni Jessica.

 

Pinalalayo ko si Yoona kay Kai dahil ayokong maranasan ni Yoona yung naranasan 'ko. Dun na lang siya kay Kyungsoo, mas bagay sila.

 

Bumuntong hininga naman 'tong babae sa tabi 'ko.

 

"Bakit ba kasi Hyo? Nag uusap lang naman kami."

 

Pwedeng usap lang iyon para kay Yoona, pero hindi para kay Kai. Kilala ko na yung lalaking 'yon.

 

"Hindi maganda pakiramdam ko sakaniya."

 

Pag sisinungaling 'ko. Ayokong sabihin agad kay Yoona kung ano nga ba yung dahilan. Ayokong sermonan nanaman ako nito ni Yoona. Lalo na't gusto pa siya ni Kai. Ayokong awayin niya si Kai.

 

"Dahil gusto niya ako? Ganon?"

 

Alam naman pala niyang gusto siya eh.

 

"Hindi lang 'yon!"

 

Nagulat naman si Yoona sa pag sigaw 'ko.

 

"Eh ano ba kasi Hyo?"

 

Tiningnan niya naman ako dahil kanina sa harap siya nakatingin, inaantabayanan si Jessica.

 

"Yoona."

 

Umiwas naman na ng tingin si Yoona at maski ako umiwas na rin.

 

"Dahil nanaman ba doon?"

 

"Siya ba ang may kasalanan?"

 

Hindi niya na ako pinag salita. Mahirap kasi pag may detective kang bestfriend, may alam na agad 'tong si Yoona.

 

"Hindi mo pa kailangan malaman ngayon."

 

"Hyo, kung ano man 'yon, wag kang mag higanti."

 

Hinawakan ko naman ang sintido 'ko. Sino ba kasing may sabi na mag hihiganti ako?

 

"Hindi naman ako bobo Hyo. Nag tanong ako ng tungkol sa mga nakaraan mo sa ibang tao."

 

Sabi na nga ba at may alam na ito eh.

 

"Hindi naman ako mag hihiganti. May amnesia na nga yung tao."

 

Dipensa ko naman sa sarili 'ko. Ayokong mag higanti, hindi ako ganon kasamang tao.

 

Nakita ko namang papalapit na si Jessica saamin, bilang prinsesa 'yan, nag lalakad lang siya. Asahan ko pang tumakbo 'yan.

 

"Yun nga Hyo, kaya tama na."

 

"Ipapaalala ko lang kung anong ginawa niya."

 

Ito lang naman kasi talaga ang purpose 'ko.

 

"Hay nako, Hyo."

 

Mahirap kasing masaktan.

 

Hindi na ako nag salita sa sinabi niya at hinintay na lang si Jessica papunta saamin. Wala ka nanamang makikitang ekspresyon sa mukha niya dahil naka simangot lang siya. Hindi ko mawari kung masaya ba siya o malungkot, galit ba o natutuwa.

 

"Hello, peasants."

 

Naka tulala lang kami sakaniya dahil literal na ang bagal niya.

 

Pag dating niya naman ay tinawag niya kaming peasants, nice greeting.

 

"Putek, Sica. Anong peasants?"

 

Wala na rin naman na ako sa mood makipag away pa dahil sa peasants na 'yan kaya si Yoona ang gumawa pero hindi rin naman siya pinansin ni Jessica kaya't ako na ang nag tanong.

 

"Kamusta na kayo ni Kris?"

 

Umupo naman si Jessica sa tapat namin.

 

"Ayun, pinaliwanag niya."

 

Hindi naman siya naka tingin saamin dahil busy siya sa cell phone na hawak niya.

 

"Anong sabi?"

 

Pag iinsist ko pa rin, at dahil siguro naging interesado itong si Jessica sa tanong 'ko, tumingin naman siya saakin.

 

"Yung Kristine daw ang nag plano, nakita niya raw kasi tayong tatlo na papalapit kaya ang sabi niya gawin daw nila iyon. Tapos pumayag naman si Kris, kaya ayun binugbog 'ko."

 

Binugbog? Ayos yun ah. Marunong 'tong si Jessica.

 

"Wala kang alam na may kapatid si Kris?"

 

Singit naman nito ni Yoona. Akala ko hanggang mamaya ay tahimik 'yan dahil nakikinig lang talaga siya pag nag uusap kami ni Jessica. Hindi rin daw siya minsan maka relate.

 

"Alam 'kong may kapatid siya pero ang sabi niya nasa Canada, malay ko bang nandito na pala."

 

Nag kibit balikat naman siya at binalik niya ang cell phone niya sa bag niya.

 

"Dito na raw ba mag aaral 'yon?"

 

Mukhang dito nga dahil ang sabi niya gagawa raw siya ng paraan para maging close kami at ang paraan lang naman ay ang maging mag kasama kami. Dito lang ang maaring lugar para doon.

 

"Hindi ko na natanong eh. Pero nakasuot na ng uniform, baka dito na nga."

 

Hindi rin naman nag tagal matapos niyang mag salita ay tinawag niya ako.

 

"Hyoyeon."

 

"Hmm?"

 

Tamad ko namang sagot sakaniya. Mukhang may hihingiing pabor ito o ano eh.

 

"May gagawin ka ba mamaya?"

 

Sabi na nga ba.

 

"Bakit?"

 

"Alis tayo."

 

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Wala rin naman akong choice kundi sumama dahil kakaladkarin rin niya ako mula bahay kung sasabihin 'kong may gagawin ako. At mas okay na rin na kasama 'ko sila kesa nasa bahay ako, ayoko ng madagdagan pa pagod at mga pasa 'ko.

 

"Hindi niyo 'ko isasama?!"

 

Ang ingay naman nito ni Yoona.

 

"Hindi."

 

Mataray na sagot ni Jessica kay Yoona. Pero dahil hindi naman matitiis ni Jessica 'yan, isasama niya rin 'yang si Yoona.

 

"Bakit?!"

 

Nanlaki naman lalo ang mga mata ni Yoona. Pero kahit na ganon, ang ganda niya parin.

 

"Date namin 'to."

 

"Kakalimutan niyo 'kong dalawa? Ouch."

 

Tinuro niya naman ang dibdib niya at pinukpok ng ilang beses. Kunwari rin ay umiiyak siya dahil naka yuko siya.

 

Ngumiti naman 'tong si Jessica sa babaeng katabi niya. Mag isa lang kasi ako dito sa harap nila. Loner ako.

 

"Gusto mo sumama?"

 

Naka ngiti paring tanong ni Jessica kay Yoona, mukhang pag titripan niya nanaman. Lagi na lang silang nag aaway dalawa.

 

"Syempre!"

 

"Driver ka namin."

 

Napahinto naman sa pag didiwang si Yoona dahil ang akala niya kasama talaga siya.

 

"Putek, wag na lang."

 

Inirapan niya na lang kaming dalawa. Oh yes, kaming dalawa. Pwede 'yun.

 

"Sumama ka na."

 

"Seryoso?! Yes!"

 

Pinaka niya nanaman ang 'so-called-famous-alligator-laugh' niya.

 

*

 

"Ganon na nga. Hahahaha."

 

Tawa nanaman ng tawa itong si Yoona sa tabi ni Jessica, maski dito sa coffee shop na 'to loner ako.

 

Nag kukwento kasi siya tungkol kay Jessica. Nung una niya raw makita si Jessica, natatakot siya. Pero minsan naman daw, parang stupido si Jessica kaya't nakakuha siya ng hampas galing kay Jessica.

 

"Nung una 'kong nakilala 'tong si Jessica, ang taray niyan. Pero nung nakita niya si Kris dahil sinama ko siya dati sa Exo. Nanlata yan Hyo. May makikita kang puso sa mga mata niya sa sobrang inlo-"

 

Pero bago pa matapos ni Yoona yung gusto niyang sabihin galing sa madaldal niyang bunganga, natakpan na agad ito ni Jessica. Makikita mo rin namang namumula na si Jessica. Nahihiya si Jessica, for the first time 'to!

 

Tiningnan naman ni Jessica si Yoona ng masama habang si Yoona pilit na tinatanggal yung kamay ni Jessica sa bunganga niya.

 

"Oo tama Yoona, ano?"

 

"Sica, kaibigan naman natin si Hyo. Hindi yan man lalaglag, diba?"

 

Sagot naman ni Yoona ng pakawalan na siya ni Jessica, makikita mo rin yung bakat ng kamay ni Jessica sa bunganga ni Yoona. Mukhang mahigpit nga.

 

Tiningnan niya naman ako, nag hihintay na sumang ayon ako. Pero dahil ayoko, bakit ako sasang ayon?

 

Sasakyan 'ko lang naman trip ni Yoona, kung trip man niya iyon.

 

"Close ako kay Lay kaya pag iisipan 'ko."

 

Napatingin naman agad saakin si Jessica at bumalik ang nakakamatay niyang tingin. Hindi 'ko aalm kung matatakot ba ako o ano.

 

"Kim Hyoyeon."

 

Natawa naman ako sa titig niya, hindi niya pa rin inaalis ang titig niya saakin kaya't pinag tawanan ko siya. Pero mukhang mali ata ang pag tawa 'ko dahil tumaas ang kilay niya. Things will get serious if Jessica Jung moved her so called precious eyebrows.

 

"Teka Jessica, kadalasan ng titig nantutunaw, bakit yung sa'yo pumapatay?"

 

Napa kunot naman ang noo niya, seryoso na talaga siya.

 

"Alam mo Hyoyeon, kadalasan ng kaibigan, kinakaibigan pero ikaw, papatayin 'ko."

 

Hindi na siya nakakatakot! Nakakatawa na talaga. Itinikom niya naman ang bibig niya at hinigpitan ang pag tikom dito.

 

Kinuha ko naman ang cell phone ko sa bulsa 'ko at binuksan ito. Syempre, kunwari lang. Ayoko pang mamatay sa kamay ni Jessica.

 

"Edi sabihin ko na kay Lay bago mo pa ako mapatay."

 

"Kim Hyoyeon!"

 

Sumigaw naman siya ngayon ng pag katining tining. Sabi ko nga nasa coffee shop kami diba, pero wala kaming inorder. Ayaw raw nilang uminom ng kape, sadyang umuulan lang talaga kaya't hindi kami makalabas.

 

Tinakpan naman ni Yoona ang mukha niya at lumingon naman ako sa paligid 'ko. Yung mga tao, saamin nakatingin at dahil huli naman na, hindi ko na lang rin pinansin. Wala ng dahilan pa para mahiya ako, nakita na nila mukha 'ko.

 

"Sica, wag ka ngang maingay."

 

Agad namang sinaway ni Yoona si Jessica. Pero sa pabulong na paraan, dahil nga nanahimik ang lahat ng tao dahil sa sigaw nitong prinsesang ito.

 

"Joke lang naman Jessica, seryoso nito."

 

Inirapan niya naman ako at yung komento ko sakaniya. Kung pwede man 'yon.

 

"Ikaw nga yung seryoso lagi eh."

 

"Akala ko ba friends na tayo?"

 

"Mukhang hindi na."

 

Tumayo naman ako agad at nag kunwaring aalis. Yung mga tao naman ay binalik na nila ang atensiyon nila sa kung ano nga ba ang kanina nilang ginagawa.

 

"Oh? Sige. Alis na 'ko Yoona, pupuntahan ko pa si Lay."

 

"Hyoyeon, friends na tayo. Wag mo 'kong iwan kasama 'tong babaeng 'to."

 

Siguro pwede ring masira ni Jessica ang unang layer ng pader na binuo 'ko? Great job, Jessica Jung.

 

"Kailangan mo rin pala ako."

 

Bumalik naman ako sa kinauupuan 'ko kanina.

 

"Hmph."

 

"Yung totoo, kayo ba yung matagal ng mag kakilala? Hangin lang ako?"

 

Nakita ko namang gumalaw ang gilid ng mga labi ni Jessica.

 

"Andiyan ka pala?"

 

Malamig nanaman na tingin nito ni Jessica kay Yoona. Specialty niya nga talaga.

 

"Takte Sica, ang cold mo talaga. Hyo help."

 

Tiningnan ko naman yung mukha ni Yoona, at dahil nakita ko ring kinindatan ako ni Jessica, sasabayan 'ko kung anong ginagawa ni Jessica. Tutal kami lang namang dalawa ay may kaya 'non.

 

"Help? Bakit pa?"

 

Nananatili lang ang mukha 'ko sa pag tingin sakaniya. Sinigurado 'kong makikita ni Yoona ang pagiging seryoso ng mukha ko, para dagdag suspense sakaniya.

 

Napa ismid naman siya.

 

"Putek, iniwan na ako ng bestfriend 'ko, binaliwala pa ako ng babaeng nakasama 'ko mula middle school. Masakit."

 

Hinawakan niya nanaman dibdib niya at tinusok-tusok ng daliri niya.

 

At si Jessica bilang Jessica, hindi lang pinansin ang pinag sasasabi ni Yoona at pinag gagagawa niya.

 

Pero may sinabi siyang nakaka agaw ng pansin, lalo na kung ako si Yoona.

 

"Oh yes, masakit Yoona. May nililigawan si Kyungsoo."

 

Napatakip naman ng bunganga si Yoona at makikita mong mangiyak-ngiyak na siya. Gusto niya nga talaga si Kyungsoo.

 

"Kyungsoo? Weh? Oh my God."

 

"Sabi ni Kris."

 

Tinanggal naman ni Yoona ang kamay sa bibig niya at humarap na kay Jessica.

 

"Sino? Susunugin 'ko katawan nun."

 

Nag isip naman saglit si Jessica, inaalala siguro kung sino.

 

Ngayon ko lang rin nabalitaan na may nililigawan pala si Kyungsoo.

 

"Yung Eunji ata na barkada nila Naeun."

 

Eunji? Parang pamilyar ang pangalan na iyon saakin? Jung Eunji ba?

 

"Takte, sino yung mga 'yun?"

 

Naiirita na si Yoona. 

 

"Si Eunji yung maganda na sabi mo magaling kumanta tapos si Naeun yung kinahuhumalingan ng mga lalaki."

 

Naeun? Yung sikat rin? Eunji? Yung Eunji nga ng school ko dati. She's very bubbly though.

 

"Eunji? Yung transferee rin?"

 

Tanong naman ulit nito ni Yoona.

 

"Oo."

 

Lumungkot naman ang mukha nito ni Yoona. Tsk.

 

Kawawa naman, ngayon na nga lang ulit nag kagusto may nililigawan pa.

 

"Totoo yun? Seryoso ka talaga Sica? May nililigawan na si Kyungsoo 'ko?"

 

Lumungkot naman ulit ang mukha niya. Kyungsoo niya?

 

Napa kibit balikat lang naman si Jessica at ibinaling ang tingin niya sa cell phone na kanina niya pang hawak.

 

"Yun yung kwento ni Kris kanina."

 

"Wala na akong pag asa Sica."

 

Hinawakan naman ni Yoona ang balikat ni Jessica at inalog alog ito. Buti at hinayaan lang siya ni Jessica na gawin 'yon?

 

Humarap naman saakin si Yoona at tila bang sawi na sawi siya sa buhay niya. Ganon niya ba talaga kagusto yung Kyungsoo na 'yon?

 

Seryoso, ngayon ko lang kasi talaga nakitang ganyan umasta si Yoona.

 

"Hyo, paano na ako? Ayoko ng mag ka crush."

 

Bago pa man ako makapag salita ay naunahan na ako ni Jessica.

 

"Dun ka na lang kasi kay Kai, liligawan ka raw nun sabi ni Kris."

 

Kai? He shouldn't, she shouldn't. Sasaktan lang siya ni Kai.

 

Iniwas ko naman ang mata ko sakanilang dalawa at tumingin sa bintana.

 

'Satingin mo ba mag kakagusto talaga ako sa'yo? You're damn ugly.'

 

Yes, I'm damn ugly. life.

 

"Ayoko dun. Si Kyungsoo nga gusto 'ko eh. Gusto 'ko cute."

 

Humarap rin naman ulit ako sakanila dahil ayokong tanungin pa nila ako kung ano nga bang iniisip 'ko dahil hindi 'ko alam kung anong isasagot 'ko. Hindi naman ako tanga para sabihing iniisip ko lang naman si Kai.

 

"Si Lu-"

 

Nanatili lang akong nakikinig sakanilang dalawa. Minsan kasi ay wala na rin talaga akong masabi.

 

"Gusto ko ng cute, hindi mukhang babae. Ano yun, pagandahan kami? Ew no."

 

Aw, yung confidence ni Yoona, umaapaw.

 

"Makipag close ka na kaya?"

 

Sabat ko naman. Napatingin naman silang dalawa saakin at si Jessica tumango tango lang saakin. Tama ba sinabi ko?

 

"Paano? Ang tahimik niya."

 

Huminga naman ng malalim si Yoona.

 

"Edi ikaw ang kumausap."

 

Pag bibigaw suhestiyon ko lang naman.

 

"Babae ako Hyo."

 

Eh ano naman kung babae siya? Edi mag Luhan na nga lang talaga siya.

 

"Edi mag Lu-"

 

"Oo na, kakausapin 'ko na. Kesa naman si Luhan."

 

Irap niyang sagot saakin.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kyuhyun12 #1
English ver please
HYOloveRONA
#2
Chapter 1: English ver please~
haruma2911
#3
lol english please~
HyoHun #4
Chapter 24: Kyyaaaahhhh update na eonnie huhuhuhu you're one of my favotite authors!! HyoHun HyoHan fighting!
khyoyeon262 #5
english pleasee
kyuhyun12 #6
Chapter 2: english version please T_T
AmethystStyle
#7
Chapter 18: HYOHANHUN <3. as always, worth it n nman and update. pero I can't with that teacher talaga lol
AmethystStyle
#8
Chapter 17: ayoko na. ayoko na talaga. naiiyak ako girl. huhu. Mahal ni Sehun si Hyo :'( i'm so happy, but I'm literally crying right now. bakit ba ang galing mo. yung plot, yung twists, yung words kung paano mo idescribe yung mga nangyayari. gosh. Fan mo na ako, promise.