Doomsday

Ang Diary ni Bakekang

"Ano ba yan prend, ang laki naman pala ng school na'to, pano kaya natin makikita yung classroom naten?" Tanong ko dun sa kasama kong kaibigan, si Marvin. Siya yung bestfriend ko since highschool.

"Ewan ko nga eh. Parang ayoko na tuloy mag-aral. Diko na alam gagawin ko." Sagot niya sabay kalmot sa ulo.

Hindi talaga naman inexpect na ganito mangyayari sa amin sa first day bilang college students. Grabe, sobrang excited ko pa mo dati nung high school pa'ko na magcollege, kaso ngayon parang ayoko na ituloy tong pag-aaral ko. Hahaha joke! Kelangan kong mag-aral para sa mga magulang ko.

"Ay nako, buti pa hanapin na naten yung mga room naten, baka maabsent pa tayo sa first day ng school naten.", dagdag nung isa naming kasama, si Maine. Bestfriend ko din siya.

"Sige, tara na nga.." at dun na kame nagkahiwa-hiwalay.

Pumunta si Maine sa building ng College of Psychology at kameng dalawa naman ni Marvin sa building ng Architecture and Engineering. Oo, art-related ang kinuha naming kurso since hilig namin ang pagguhit. Kaso nga lang sa kasamaang palad, hindi kami magkaklase. Sa section C ako at siya naman ay sa section D. Tinignan ko yung schedule ko sa phone at sa room 109 ang first subject namin.

"Osya marvs, una nako." sabi ko sa kanya sabay kaway ng goodbye.

"Sige, bye!" sabi niya habang nakangiti.

 

Andoon nako sa tapat ng room 109 pero parang ayokong pumasok. Napansin kong may mga tao na dun sa loob ng room pero wala pa naman yung professor. Kaya nagstay muna ako sa labas. Kaso parang nakakahilo sa labas sa dami ng mga dumadaang estudyante sa corridor pero tiniis ko na lang yon. Tapos biglang may apat na babaeng lumapit sa akin.

"Uy, pwedeng magtanong, section C ka din ba?" Tanong saken nung isa sa mga babae.

"Opo" sagot ko habang iniisip na siguro, isa sila sa mga kasection ko.

"O ayan pala eh, una na kame ha. Balikan kana lang namin mamaya." Sabe nung isang babae dun sa isa nyang kasamang babae.

"Osige," sabe nung babaeng may mahabang buhok sabay alis nung mga kasama niya.

"Anong pangalan mo?" Nakangiti ko siyang tinanong. Grabe ang ganda nung buhok niya. Bagay na bagay sa maliit niyang mukha. Tapos medyo matangos din yung ilong niya.

"Ryza, ikaw ba?" Tanong din niya.

"Paula, section C ka din ba?" Pafriendly akong nagtanong ulit.

"Oo," sagot niya sa akin.

"Ayos! Magkaklase pala tayo eh. Tara pasok na tayo sa room." Sabi ko habang nakangiti.

Dun kame sa pinakalikod ng room umupo at saka kami nagtanungan tungkol sa isa't-isa at nagkwentuhan na din. Masaya siyang kausap at parang hindi siya mataray kaya feel ko, magkakasundo kami nito. Haha.

Pero karamihan sa mga tao sa loob ng room ay nanahimik lang at kakaunti lang yung nagdadaldalan. Siguro, nagkakahiyaan pa yung iba.

Sa palagay ko, masaya naman ang magiging buhay college ko. Sana mag enjoy ako. *Wooooh!*

 

 Mga ilang minuto lang ang nakalipas at pumasok na din yung professor namin. Biglang nanahimik sa loob ng room. Medyo marami din yung mga tao sa room kaya yung iba ay hindi na nakaupo at nakatayo na lang sa gilid ng room.

Grabe, tama pala yung sabe ng mama ko about sa school na'to, na agawan sa upuan. Syempre, state university eh. Buti na lang nakaupo ako haha.

Nagstart ng magpakilala yung prof at pinasulat niya yung mga pangalan namin sa index cards na ipinasa sa harap papunta sa kanya. Tapos bigla siyang nagtanong, "Para sa inyo, ano ang architecture?"

Halos in-eye to eye niya kame. Buti na lang di ko siya tinitignan kase ayokong tumitingin sa mata ng mga teacher at baka ako pa yung matawag nakoo, ayoko po.

Wala akong lakas ng loob na magsalita sa harap ng maraming tao. Oo walang hiya ako pagka kasama ko yung mga kaibigan ko pero nahihiya ako pagka nagrerecite sa klase.

At dahil wala siyang alam na pangalan sa amin since first day pa lang and new students kami, nagturo na lang siya ng isa sa mga kaklase namin at saka tumayo yung itinuro niya.

Halos di makasagot yung tinawag niya kaya nagturo siya ng iba. Eh hindi rin nakasagot yung pangalawang tumayo kaya pinaupo na nya lang ito. Ayan, kabado na naman halos at parang walang gustong magvolunteer na sumagot sa tanong niya.

Sa pangatlong pagturo niya, sa wakas. Naibigay na rin yung sagot dun sa tanong niya. 

 Tapos biglang may kumatok sa pintuan sa bandang likod ng room, edi napunta lahat yung atensyon namin don.

Pagkabukas sa pinto, parang biglang lakas ng hangin yung dumampi samen. Ewan koba bakit pero parang iba yung dating ng atmosphere.

"Sir, excuse po, pwede pa po bang pumasok sa klase niyo?" Sabi nung isa sa mga lalaking nasa labas ng room na halos kararating lang siguro.

Wow, kaklase din namen tong mga to? Edi kadami pala namen. Lagpas siguro kameng 60 sa klase nyan. Masaya tooo!

Kung titignan natin, parang magkakabarkada sila kase parang kilala na nila yung isa't-isa pero..ewan. Haha.

"Sure," sabi ng prof namin saka sila sabay-sabay pumasok.

At dahil nga taken na lahat ng seats sa room, tumayo na lang sila dun sa gilid malapit sa amin.

Kaso, bigla akong may napansin sa kanila.

Bat ang liit yata nung isa nilang kasama? Eh halos naman sa kanila, matatangkad.

Perooo, buti pa, wag ko na lang siguro pansinin.

Nagdiscuss na yung prof namin kung ano yung mga ituturo niya sa amin for the whole sem. Todo kinig ako syempre. Kaso parang tinamad na kong makinig after ilang minutes kaya tingin tingin na lang ako sa paligid ko.

Tingin sa harap, sa taas, sa gitna ng room, sa gilid gilid.

Kaso parang may nakita akong gwapo. Teka nga, tignan ko ulit.

Edi tumingin ako sa right side ko, tapos, grabeee ang gwapo naman neto. Side view pa lang, gwapo na! Nakasmile pa mo siya.

Grabe, may crush na ata ako. Hahahaha.

Dapat malaman kona yung pangalan niya para mastalk kona siya sa facebook. Haha.

Grabe, akala ko wala nakong magiging kaklase na gwapo. Kase since 1st year high school ako, wala akong bet sa mga kaklase kong lalaki. Kung di nerdy yung iba sa kanila, yung iba eh beki naman. Kaya nung high school ako, wala akong crush sa mga kaklase ko. 

"Okay, class. Dismissed na kayo. Have a nice day." Nabigla ako nung nadinig ko ang prof namin. Tapos na pala yung klase namin sa kanya. Hahahaha yes! Next subject na!!! Kaso may 1 hour break kame. San kaya kame mag-iistay ni Ryza niyan?

Pero, ano kaya yung pangalan nung crush ko? Sana malaman kona mamaya. 

 

Chapter 1 dooone. May part 2 pa yung doomsday. Abangan niyo po and sana nagustuhan niyo to. ;)

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet