Favorite

#800020 (Burgundy)
Please Subscribe to read the full chapter


 

Halos dalawang oras na mula ng makaalis yung tatlo dito sa unit, pero nanatili lang akong nakahiga sa kama ko at nakatitig sa ceiling.

 

Ewan ko kung nahalata ba ni Ning at ni Giselle na medyo awkward kami ni Karina kanina.

 

Last kasi akong nagising sa aming apat dahil halos hindi ako nakatulog. Parang nakapikit lang ako the whole time pero gising pa rin ang diwa ko.

 

Namulat na lang ako sa malakas na pagyugyog sakin ni Ning para gisingin ako, at almost 11am na pala.

 

Lutang lang ako mula pagbangon ko hanggang sa pagbalik ko dito sa condo after kong ihatid si Ning sa labas ng dorm building. Ni hindi ko maalala kung anong lasa nung tapsilog na kinain namin para sa aming early lunch.

 

Ang tanga lang kasi ng utak ko. Parang naka auto-awkward mode tuwing mapapansin ko si Karina nitong umaga. Konting galaw niya, natatameme ako at di ko alam kung paano ako pipirmi.

 

Paano ko ba sisimulang i-process yung nangyari kagabi?

 

Karina said she likes me. 

 

In-explain din niya yung reasons kung bakit.

 

Hindi ko alam kung paano ko nakayanang mag-isip ng i-rerespond ko nung mga oras na yun. 

 

Okay lang kaya yung mga nasabi ko sa kanya? 

 

Tama ba ang naging reaction ko? 

 

Nagulat lang din talaga ako dahil first time ‘to na may nagkagusto sa akin na babae, at si Karina pa. 

 

I consider her as one of my closest friends, kahit na mabibilang lang sa kamay kung ilan ang mga kaibigan ko. After siguro ni Ning, si Karina na yung next na pinaka-close kong friend ngayon.

 

Nagstart kami as group mates sa immersion. At pagkatapos nun, sunod sunod na yung mga events na nangyari at napagdaanan namin together kaya rin naging mas close talaga kaming dalawa.

 

Being close friends is one thing. Being more than friends, is another. 

 

And to be confessed to, by another girl, is a whole different realm.

 

Ano bang pinagkaiba nun sa mga na-experience ko na lalaki ang nag confess sa akin? Meron nga ba?

 

Ibig sabihin ba ay lesbian si Karina? At kung gusto ko din siya, biual na ba ako?

 

May insights din naman ako sa mga same- relationships. 

 

Sa mga napanood kong anime na may subtle LGBT themes, ilan sa mga natatandaan kong queer couples ay sila Sailor Uranus at Sailor Neptune, yung kuya ni Cardcaptor Sakura at yung jowa niyang gray ang buhok, pati na rin yung mga characters sa Maria-sama ga Miteru na naaabutan ko lagi sa Animax.

 

Nung high school kami may ilan din akong mga schoolmates na lesbian couples. Isa na dito yung dati kong ka-bandang si Yena na bassist namin. Lagi niya pang sinasama yung girlfriend niyang si Yuri kapag may band practice kami dati. 

 

Magaling din kasing kumanta si Yuri, kaya minsan pinapa-second voice namin siya kapag nagrerecord kami ng demos. At di hamak na naging witness ako sa mga couple stuff na ginagawa nila, ginusto ko man o hindi.

 

Kung iisipin, pareho lang naman ang ginagawa nila kung ikukumpara sa mga taong nasa straight relationships. Nagliligawan, nakikipagdate, the same things na nagawa ko na din dati - just with a guy. 

 

So hindi rin naman siguro iba kung…kung gagawin din namin yun ni Karina?

 

Pero wait, ang advanced ko ata masyadong mag isip. Hindi ko pa nga alam ang isasagot ko sa kanya.. 

 

Gusto ko nga din ba si Karina? 

 

Kung magiging logical lang din ako, feeling ko talaga it’s still too early to tell. Hindi ko alam kung dahil ba mas nasanay lang ako sa traditional style ng pagpasok sa isang relationship dahil ito palang ang na-experience ko. 

 

Yun bang may mga stages pa - getting to know each other, ligawan, sagutan, at pagkatapos ay yung commitment na. 

 

Kami siguro ni Karina ay nasa getting to know stage pa lang.

 

Marami na din naman kaming alam tungkol sa isa’t isa. Napag usapan na namin dati yung mga favorites namin nung isang beses na nag share si Ning ng post sa facebook.

 

Pahapyaw lang namin sinagutan ni Karina dahil maaga namin natapos yung programming exercise namin sa AdvProg kaya saglit akong nag login sa facebook habang inaantay namin matapos yung allotted time.

 

Tahimik lang ako na nagbbrowse sa timeline ko nang mapansin ko yung isang mahabang post na shinare ni Ning.

 

Napatigil ako sa pag scroll para basahin yung post niya. Akala ko nagpost ulit siya ng rant dahil may pinaparinggan na naman siyang prof na tambak kung magbigay ng projects. Chain post pala yung shinare niya. 

 

“These are a few of my favorite things. Answer this and share it with 10 friends-” Napatigil ako ng marealize kong medyo malakas pala yung pagbasa ko sa umpisa ng post.

 

Napasilip naman agad yung matangkad kong katabi na occupied sa paglalaro ng Akinator. Mukhang na-fascinate kasi siya dito nung isang beses na pinatry ko sa kanya yung game.

 

“Oooh, what’s that?” Tanong ni Karina.

 

“Pa ek-ek lang ni Ning. Naghahanap siguro ‘to ng jowa sa facebook.”

 

“Grabe ‘to, jowa agad?” mahinang tawa niya. “Baka she just randomly wants to share the things she likes?”

 

I snorted.

 

Kilalang kilala ko si Ning. I’m sure na may pinapatamaan ‘to sa post niya. Madalas kasi ay puro digital art WIPs lang ang inuupload niya sa facebook. Hindi ko na lang din pinag isipan ng masyado dahil bored na din talaga ako.

 

“Should we try and answer it?” Excited na sinabi ni Karina. “The post said we should share it to 10 more friends,”  

 

Ngumiwi naman agad ang mukha ko sa suggestion niya. “Ehh.. Nakakatamad mag type ng sagot!”

 

Napa-pout siya sa sagot ko at nag isip.

 

“Hmm. Eh di, let’s share our answers na lang on the spot. Wag na natin i-type. I just think it’s fun if we try answering these questions! May 10 minutes pa tayo oh..” 

 

Hindi na lang din ako nakatanggi kay Karina dahil parang bored na bored na di

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
yuuyakesora_
Hi mga pre! Short recap chapter lang. Hopefully tuloy-tuloy na ulit yung pagsusulat ko. Thank you nga pala sa 2000+ subs! Thank you din sa mga comments niyo. Lagi kong binabasa kaya mas namomotivate akong magsulat haha :D

Comments

You must be logged in to comment
ryujinie__
720 streak #1
IMY
yujisaurus
#2
Chapter 30: AY WHAT IS THIS HAHAHAH
yujisaurus
#3
Chapter 27: GEABEDKDKDKDKKSHSHS EWAN KO SA INYO
yujisaurus
#4
Chapter 24: WAAAAAIIITTTTT
yujisaurus
#5
Chapter 5: baka sa iba ka interested, char
ryujinie__
720 streak #6
I miss u :(
stillintoyu
210 streak #7
miss u :(
kwonjess13 #8
Chapter 32: ayan na nga nakapagheart to heart talk na ang winning. observant naman si ning and hinintay nya tlagang si winter ang mag open ng topic kahit nga nakakatampo pa na it took winter some time to share. ang funny and at the same time insightful ng thoughts nya and observations nya na may something sa winrina. very comforting talaga ng fic na to and i just know babalik balikan ko pa rin to have a glimpse sa mga soft moments. now sa dilemma ni winter, go girl!
zimzalabiatch
#9
Hi otor 🤗 update na po kayo pls 😭
taexx_ss
#10
Chapter 32: tagal naman ng byahe nila ni ning