Whammy Yoo Sari Sari Store
Winter, Spring, Summer, Pa-fallAN: Triple update tonight! Also, if you think these oneshots are familiar, I recycled these from my other pseudo name here in AFF with a different pairing, I’ve decided to just keep the english fics there and write the tagalog ones here. Sayang kasi. I enjoyed writing this in jiminjeong’s perspective :-) hehe
Matagal nang may crush si Karina, anak ng may-ari ng Whammy Yoo Sari Sari Store, kay Winter, kapitbahay at kaklase niya simula pa nung grade 1. Lagi itong tambay sa tindahan nila kaya madalas niyang nasisilayan at nakakausap. Minsan hirap na hirap na siya...
..sa growing feelings at tanggihan ito kapag madalas mangutang.
Winter: hi rina
Karina: huy winter..
Winter: parang gumaganda ka ata?
Karina: sus bola *kinikilig*
Winter: pwede ba pautang ng limang itlog? bayaran ko next week pramis. gumagawa kasi kami ng pancakes ngayon
Karina: ah sige.. sure. ang sarap mo naman
Winter: ha?
Karina: i mean! ng pancakes, syempre
Winter: ah oo, kulang lang ng itlog. gusto mo ba? dalhan kita maya
Karina: ah eh, hindi ba nakakahiya?
Winter: hindi.. pinautang mo nga ako ng itlog eh
Karina: ganon, edi sure!
Karina: ...wag mo na lang bayaran yung itlog
Winter: weh, totoo ba?
Karina: yup *kinukwenta sa loob loob magkano aabonohan niya*
Winter: thanks rina!!!
Karina: no problem *inabot yung plastic na may laman na itlog* *buntong hininga*
Karina: *bumubulong habang nakakagat labi* hays, cute mo talaga..
Bago ang lahat, kinuha niya ang wallet at kumuha ng 40 pesos. Binayaran niya ang itlog ni Winter kasi malalagot siya sa kanyang mama kung hindi.
Karina: *bumubulong* worth it naman..
--
Nagbabantay na naman ng tindahan si Karina pagkatapos ng klase. Sobrang nabbored na siya kasi meron syang load pero wala naman syang katext. Hindi niya alam ang bagong number ni Winter, nahihiya din naman siya tanungin ito.
Maya maya, parang sinagot naman ang prayers niya, andito na naman si Winter sa tindahan.
Winter: hi rina!!!
Karina: hi winter! *hawi buhok sa tenga*
Winter: rina, paload naman ng 100 pesos
Karina: sure, number mo? *nagrerejoice sa loob loob, makukuha na niya ang number ni winter*
Winter: wait, teka sinulat ko yon eh
Karina: *nagtataka kung bakit di kabisado ni winter ang number pero sige* magkano ulit?
Winter: 100... rina pwede pa lista muna? naiwan ko kasi wallet ko. bayaran ko bukas pramis
Karina: ah.. sure. basta ikaw
Nagulat si Karina sa nasabi niya. Nakita na lang niya ang nakakalokong ngiti ni Winter.
Winter: uy naks lakas ko naman sayo
Karina: baliw joke lang *biglang bawi*
Winter: thanks rina ha?
Karina: sige lang
Winter: cute mo magblush! sige bye!
Para dobleng init naman sa pisngi ang naramdaman ni Karina. Nakangiti pa rin siya nang maluwang habang dumudukot ng isang daan sa loob ng wallet niya. Abono na naman ng utang ni Winter.
Karina: *nakangiti kasi kinikilig* nauubos ipon ko sayo ah.. pero sige.
Naalala niyang nascreenshot niya ng mga sampung beses yung number ni Winter. Tripleng kilig. Finally.
Kinagabihan, kinakabahan at nanginginig ang kamay na nakahawak si Karina sa cellphone niya. Plano niya na itext si Winter.
Karina: ano namang sasabihin ko maryosep..
After 84 years, nasend na rin niya ang text na pinagisipan niya nang matagal.
Karina: hi
Dumaan na ang 30 minutos, wala pa rin reply. Naiinip na siya. Nakaluto at nakagisa na siya. Lumambot na ang baka na pinapakuluan niya, wala pa ring reply. Text niya kaya ulit? Baka sabihin ang desperate. Ayaw niya non.. pero try lang ulit.
Karina: hi!
Comments