Five minutes.

For Good
Please Subscribe to read the full chapter

"TAEYEON!!"

Nagising ako sa lakas ng boses ni mommy.

Tinignan ko ang orasan -- 5:45am.

Ang aga pa kaya! 

Bakit ba laging 30 minutes advanced ang mga nanay?

"Taeyeon.."

Si Daddy.

Mukhang bagong ligo lang pero pang-opisina na rin ang suot niyang damit - white polo shirt at denim jeans.

"Taengoo.."

"Five minutesssss.." Paawa kong sabi sa tatay ko.

"Bangon na, 'nak."

Natawa ako sa kaibahan nila ni mommy.

Yung nanay ko parang tilaok ng manok sa lakas ng boses eh, si daddy parang hinehele ka pa sa lambing ng boses. Opposites attract nga talaga.

Nagtalukbong ako ng kumot at tumagilid ng higa.

"Taengoo.." Umupo si Daddy sa tabi ko. "Gising na."

"Maaga pa, dad." Ungot ko.

"Sige na." Magaan ang paghaplos niya sa likuran ko. "May meeting mommy mo eh. Bumawi ka na lang ng tulog pag-uwi."

Sinilip ko yung katabing kama. "Si Winter?"

Ngumiti siya. "Kanina pa gising, excited eh."

First day nga naman kasi nung bata sa eskwela.

Kagabi nga lang inabot pa kami ng alas-onse bago makatulog kasi sobrang excited niya. Ilang beses namin siniguradong nadala niya lahat ng kailangan --

Crayola.

Mongol.

Bimpo.

Doraemon pencil case na may 2nd floor.

Doraemon notebook na may red at blue ang linya.

Tinanong pa ko kung wala daw ba siyang libro. Eh ang alam ko sa first day binibigay yung requirements pati listahan ng mga libro. Ayaw kasi ni mommy ng special treatment sa mga anak niya kaya hindi siya humihingi in advance ng requirements sa mga katrabaho.

Pagbaba ko sa sala, nakita kong inaayos ni mommy ang uniform ni Winter. Nakaupo siya sa sofa habang si Winter naman ay nakatayo sa harapan niya.

Ang cute lang nung tiyanak.

May ribbon nga pala short-sleeved uniform nila.

Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak nang makita akong nakatayo lang sa baba ng hagdanan.

"Ay, bungal." Humagikgik ako.

"Taeyeon." Pagsuway ni mommy sa akin.

Sinimangutan naman ako ni Winter. "Ikaw parang nana sa puti."

Na.. ano??

Nana?!

Tumawa ng malakas si Daddy sa kusina.

"Minjeong." Pagsuway sa kanya ni mommy, tinikom niya agad ang bibig.

"Anong sabi m -"

"Taeyeon, kumain na." Sumingit si mommy para hindi ko mapatulan ang asungot kong kapatid. "Ang aga-aga."

Eh ang bastos kaya ng anak niya!

Kung alam lang niya kanino nanggaling palayaw niya, baka magsisi siya! Ang ganda ganda ng sinabi ko nung una ko siyang nakita --

'.. mukha siyang snow..'

Tapos ako? Na - wala siyang galang sa nakatatanda!

Dapat talaga 'Gladys' pinangalan namin sa kanya eh! Si Gladys Reyes ng Mara Clara.

"Ma, tinawag niya kong nana!" Sumbong ko kahit narinig din naman ni mommy yun.

Pinagpag ni mommy ang kwelo ng kapatid ko. "Winter, mag-sorry ka sa ate mo. At ikaw, Taeng." Lumingon siya sa akin. "Mag-sorry ka rin."

"Bakit pati ako?"

"Nauna ka mang-asar."

Bumelat pa nga sakin yung asungot!

Edi ginantihan ko!

Tumayo na si mommy at pumagitna sa aming magkapatid, palipat lipat ang tingin.

"Hindi ba talaga kayo magbabati?"

Pinanlisikan ko ng titig si Winter na nakatungo at tinitignan yung black shoes niya.

"Sorry." Paghingi ko ng paunmanhin, sa ilong lang lumabas pero galing naman sa puso yan.

"Sorry din po." Nakanguso niyang sabi.

Tumango-tango si mommy at mukhang kuntento sa pagbati namin magkapatid.

Normal na sa amin 'to eh.

Walang araw na hindi kami nagbangayan ni Winter.

Di ko itatanggi na ako ang nauuna kasi ang sarap niyang pikunin pero wala naman talaga akong balak patulan sana. Napupuno lang ako minsan kasi napakabastos ng bibig! Kung mapaaway man siya sa school, hindi na ako magugulat.

Kinalaunan, nakaalis na rin kami ng bahay.

Ang bilis ko lang maligo at kumain kasi male-late na si mommy.

Masyado pang maaga kaya hindi na lang daw sasabay sila Leng sa amin, tulog pa rin daw kasi si Ning.

Magkakaklase silang tatlo kahit na ba dapat sa susunod na taon pa mag-aaral ang pinakabunso namin. Ayaw daw niya maiwan mag-isa sa bahay kaya sinubukan nila Nanang kung papayagan siyang pumasok na rin. At ayun, nakalusot naman.

Payapa naman na ang byahe namin papuntang school.

Nagpapatugtog lang si Daddy ng lolo songs niya.

Si Mommy pakanta-kanta lang. Minsan lilingon sa amin para ngitian kaming mga anghel niya sa lupa.

At kami ni lucife - sorry - Winter pala, tahimik lang na nakikinig kasi hindi namin alam yung kanta.

Etong kapatid ko may saltik talaga eh.

Ang lakas mang-asar kanina pero kung makasiksik, akala mo may kukuha sa kanya. Nakahawak pa nga sa kamay ko! Okay lang naman pero ang lamig ng kamay niya, basa pa ng pawis. Kinakabahan siguro.

Gusto daw ihatid ni daddy si Winter sa gate kaya nagpark kami malapit sa school.

Nauna akong tumawid, kasunod lang rin sila sa likuran ko.

Binati ko ng good morning si Manong Emil at si Kuya Fel, yung security guard ng school namin. Kumaway sila sa akin at binati din sila mommy.

Nasa may shaded walkway na ako nang mapansin na wala nang nakasunod sa akin.

Pagtanaw ko sa gate, nakaluhod si daddy sa harap ng kapatid ko; inaayos niya yung uniform na sa totoo lang, mahigit isang daang beses na ata inayos ng nanay ko. Kinakabahan din siguro sila para kay Winter.

Pare-parehas lang kami nang inaalala ngayon.

Mapapaaway si Winter dito.

Lumapit ako sa kanila para marinig ang bilin ni daddy.

"Kapag may umaway sayo, ituro mo sa Ate mo mamaya."

Galing mo talaga, dad.

Gusto ba niyang ma-report pamilya namin?

"Baka pagtawanan niya 'ko." Nakangusong sabi nung isa.

"Inaasar ka lang ng Ate mo pero lab ka nun."

Di ko mapigilan mangiti.

Totoo naman.

Kapag may umaway sa kanya, ako ang reresbak kasi ako lang ang pwedeng umaway kay Winter. 

Naunang lumapit sa akin si mommy.

"Taeng, pwede mo ba -"

"Ako na po maghahatid."

Ngumiti si mommy. "Thank you, 'nak. Mauna na ako ha? Male-late na ako. Si Ma'am Soliven ang teacher niya. Yung teacher mo rin dati."

"Sige po."

At umalis na si Mommy.

Pero sino muna si Ma'am Soliven? Nakalimutan ko na eh.

Paglingon ko ulit kela Winter, nakayakap lang ang kapatid ko sa tatay namin, mukhang ayaw pa bumitaw. Kung pwede lang siya ihatid ni daddy sa classroom eh.

Hindi kasi basta-basta nakakapasok ang outsiders sa school namin. Ang binibigyan nga lang ng gatepass eh yung mga magulang o kaya bantay ng mga kindergarten students. Eh dalawa naman kami ni mommy na pwede maghatid kay Winter kaya hindi na kinuhanan si Daddy.

Nakasunod ng tingin si Daddy kay Winter nang naglakad na ito patungo sa akin. Isang tingin lang ng tatay ko sa akin, alam ko na ano bilin eh.

'Yung kapatid mo.'

'Opo, ako pong bahala.'

Inabot ko ang kamay kay Winter para humawak siya habang naglalakad kami.

Wala pang estudyante.

Sobrang aga pa kasi.

Nung wala pa si Winter, madalas kong naso-solo ang school kapag may meeting si mommy sa umaga. Sayang daw kasi sa gas kung pabalik-balik ang byahe ni Daddy, may kalayuan din kasi sa amin itong school. 

"Good morning po," Impit na bati ni Winter kay Ate Loids.

In fairness sa kapatid ko, magalang.

Tuwing may makakasalubong kaming janitor, binabati din niya ng good morning.

Nakarating na rin kami sa classroom ni Winter.

May flowers and butterflies painting sa dingding, apple green ang kulay ng pintuan at bintana.

Eto rin ata classroom ko noon?

Sumilip si Winter sa loob ng silid-aralan.

May blackboard, dalawang electric fan, at napaka-cute na activitiy tables with chairs. May mga nakapaskil din sa dingding na numbers at alphabets.

Wala pang tao, kahit si Ma'am Soliven wala pa.

Malamang. May meeting nga kasi lahat ng teachers.

Napatingin ako sa kapatid ko nang humigpit ang hawak niya sa akin.

"Winter."

Tumingala siya sa akin. Bilog ang mga mata at hanep, parang ruler ang bangs -- one straight line. "Po?"

"Pasok ka na. Pwede ka umupo kahit saan."

Tumango siya.

Mabagal ang paglakad niya patungo sa lamesa na nasa dulo na ng silid. Suot pa rin niya ang backpack pag-upo.

Sinandal ko ang katawan sa gilid ng pintuan at pinagmasdan ang kapatid ko. Panay ang paglibot ng mga mata niya sa kwarto.

Ganto ba itsura ko tuwing ako lang mag-isa sa classroom?

Cute ng kapatid ko eh.

Pumasok ako ng silid.

Tahimik lang na nakatingin sa akin si Winter nang tabihan ko siya.

"Tanggalin mo na backpack mo." Tinulungan ko siyang alisin ito sa magkabilang balikat. "Anong baon mo?"

"Uhm.. pandan cupcake saka zest-o." Halos ibulong na ng kapatid ko yung sagot. Baka mahimatay na lang 'to bigla sa kaba.

"Binigyan ka ni Daddy ng pera?"

May dinukot siya sa bulsa at pinakita ang..

Tenen!

Tatlong piso.

Binigyan daw siya ng tatay namin para kung magutom pa siya, makakabili siya kahit chichirya lang. Mabilis kasi magutom 'to eh.

"Di ka pa aalis?" Tanong ni Winter.

Umiling ako. "Samahan kita hanggang dumating mga kaklase mo."

Hindi na siya sumagot.

Kinakabahan na rin tuloy ako para sa kanya, tahimik siya pero hindi ganitong tahimik! Mas maingay pa yung wall clock kesa sa paghinga niya eh. Di naman siguro aatakihin 'tong kapatid ko sa nyerbyos no?

Maya't maya ay dumating na rin ang ibang studyante.

At lalo pang nagmukhang natatae ang kapatid ko nang may tumabi sa kanya.

"Batiin mo kaya." Bulong ko sa kanya.

"Wag kang maingay!" Bulong niya pabalik na may kasamang laway.

Nagpaalam na rin ako.

Iintayin ko sana dumating sila Ning kaso nahiya na ako sa titig sa amin magkapatid nung mga naghatid. 

Di ganoon kalayo yung building ko sa kanila, magkatapat nga lang eh. Tatawirin ko lang yung quadrangle, highschool department na.

Sumalubong sa akin ang kaibigan ko pagpasok ng classroom.

Napasinghal ako sa hingal.

Bakit ba kami nasa 3rd floor??

"Akala ko maaga ka? Saan ka galing?"

"Good morning din sayo, Sica." Seryoso kong bati. Pulis 'tong kaibigan ko kapag nakikita ako eh. "Hinatid ko si Winter sa classroom nila."

Pak!

Maarte niyang kinumpas para ibuklat ang pulang pamaypay na may naka-embroider na 'Jessica' in cursive.

Parang may kulang sa accessory niya.

Nasaan yung pink panyo from armando carusso -

Ahh, ayun.

Nasa lamesa pala. Panigurado pinaliguan niya yun ng pabango.

"Ang laki na ng kapatid mo!" Umupo siya sa katabing armchair. "Naalala mo ba dati, mangiyak-ngiyak ka sakin kasi gusto mo rin ng kapatid?"

Ka-conscious naman 'to. Bakit naman kasi titig na titig.

At jusko, ang tagal na kaya non!

Di ko naman ipagkakaila.

Matagal ko kasing hiniling kila Mommy 'to.

Yung magkaroon ng kapatid.

Ako lang ang walang kapatid sa barkada namin. Yung mga kaklase ko palaging may sinusundo kapag uwian at may hinahatid sa umaga. Palagi rin silang may mga kwento tungkol sa kapatid nila.

Nakakainggit kaya!

Nung bata ako, mga kalaro ko puros matatanda; kung hindi si mommy, si daddy.

Ang KJ pa kalaro!

Palagi ako pinagsasabihan ni mommy na mag-ingat baka raw: 

Madapa.

Matisod

O masubsob ako.

Ano ba.

Patpatin ako pero mukha ba talaga akong lampa?

Mananakot pa yan na kapag nagkasugat ako, magpepeklat o kaya may lalabas na uod!

Si daddy naman.. ay ewan.

Imbes na makipaglaro ng manika sakin, mas iniintidi niya bahay ng manika niya. Doon nauubos oras namin dalawa hanggang sa tawagin na ako ni mommy para matulog. Paano ako matutuwa, diba?

Hindi naman sa walang oras ang magulang ko, lahat nga ng atensyon nila nasa akin eh. Kaya lang.. ang lungkot na mag-isa lang ako sa bahay, ang tagal din kasi na ako lang ang bata sa amin. Kahit sila Nanang natagalan din bago magkaanak kasi nasa ibang bansa ang asawa niya.

Eh gusto ko rin ng kalaro.

Eh gusto ko rin ng may sinusundo o hinahatid.

Eh sabi ng magulang ko sabihin ko lang kapag may gusto ako, susubukan nila ibigay. Edi sinabi ko.

Gusto ko ng kapatid, ora-orada!

At binigay nga nila..

.. makalipas ang ilan taon.

"-- tapos ngayon, nag-aaral na kapatid mo." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko narinig yung iba niyang sinabi. "Maniwala ka sakin, mabibwiset ka rin kakahatid. Pikon na pikon ako kay Krystal dati."

Sinabit ko yung backpack sa backrest ng upuan.

Teka, bago ko makalimutan.

"Bukas na kaya yung canteen?" Tanong ko habang naghahalungkat ng barya sa bulsa ng bag.

"Siguro. Bakit?"

Hinatak ko na lang siya pababa ng building.

"Huy! Anong bibilhin mo?"

Bbilhan ko lang ng chocnut yung asungot. Hahanapin ko na lang sila sa flag ceremony.

"Libre mo 'ko ha!"

Limang piso lang kaya dala ko!

 

 

 

-----

 

 

 

"Nang, kailangan ba talaga namin umalis?"

Ang bilis ng mga nangyayari.

Sa isang iglap, bumaliktad lahat.

Mag-iisang taon pa lang mula nang mawala sila daddy pero ang dami nang nagbago sa pamumuhay namin ni Winter. Parang nawalan kami ng direksyon sa buhay nang mawala ang gumagabay sa amin. Ilang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa ko.

Gumising.

Magtrabaho.

Umuwi.

Nangangapa pa rin ako kung paano kakausapin ang kapatid ko. Sa aming lahat, siya ang pinakanaapektuhan bilang malapit siya kela mommy. Close din naman ako sa kanila pero kasi.. bata pa lang si Winter.

Ano bang alam ko sa pagpapalaki ng bata?

Hirap nga akong alagaan sarili ko eh, kapatid ko pa kaya?

Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnatan ng pamilya namin, sana hindi na lang ako humiling ng kapatid. Para hindi siya nahihirapan katulad ko.

Minsan nakakalunod kapag iniisip ko kung paano ko ba gagawin lahat. Nahihirapan akong sumabay sa bilis ng mga nangyayari at wala akong matakbuhan, wala akong mapagsabihan. At hindi ko pwedeng ipakita kasi.. nakakahiya mapanghinaan ng loob. Lalo na't may isang batang nakaasa sa akin.

Pano ba 'to?

Walang nagturo sa akin paano ko gagawin 'to.

Pasalamat na lang ako nandiyan sila Nanang ngayon, nakasuporta sa amin.

Tapos..

Pwede bang pause muna?

Gusto ko lang huminga kahit limang minuto lang. Hindi naman ako susuko eh, gusto ko lang.. gusto ko lang huminga saglit. Gusto ko lang makahabol.

"Taeng.."

"Nang, kaya ko naman ho magtrabaho rito."

"Isipin mo ang kapatid mo, 'nak." Hinawakan ni Nanang ang kamay ko at magaan niyang hinaplos ito. "Mas maganda ang kinabukasan ni Minjeong kapag sumama kayo sa tita mo. Nahihila lang namin kayo rito pababa."

Hindi naman nila kami nahahatak pababa.

Baka kami pa nga ni Winter ang humahatak sa kanila.

Ewan ko rin.

Nagkasabay-sabay kasi lahat ng problema ngayon.

Ayaw ata ng mundo sa masayang pamilya kaya kami ang napaglaruan. May napeste ba akong kapre o nuno nung minsan akong umakyat ng bundok kasama ang mga kaklase? Nakalimutan ko ba magtabi-tabi po?

"Alam mong ito ang tama."

Alam ko naman pero..

Nawalan na ng magulang ang kapatid ko, paano ko sasabihin na mahihiwalay siya sa isa pa niyang pamilya?

 

 

 

-----

 

 

 

"Ate, pwede ako sumama?"

"Di pa pwede, Minjeong. Hindi ka papapasukin."

Humaba ang nguso ng kapatid ko at tumango lamang.

Kahit gusto ko siyang isama, wala pa siya sa legal age eh. Napakataas naman kasi dito, 21 bago ka payagan makapagparty-party!

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang lumipat kami dito sa US.

Sabi nga nila, time flies fast.

Habang lumalaki si Minjeong, mas naging klaro sa akin kung sino ang kamukha niya --

Ako.

Pakaswerteng bata.

May mga pagkakataon na kapag kausap ko siya, pakiramdam ko si daddy ang kausap ko. Minsan naman parang si mommy ang kaharap ko. Hindi ko alam kung dahil ba nami-miss ko ang mga magulang namin pero yun talaga nakikita ko eh.

It's hard to miss her similarities with them.

The way she talks, the way she reasons with me.

Kahit nga pagiging slowpoke niya, nakikita ko si daddy! At kapag nagsasagutan kami, pakiramdam ko sinasagot ko nanay ko.

Nakakatawa lang.

Kaya ko siguro sila nami-miss, dahil sa kanya.

I can't say our lives have been better since we moved, but it did help.. somehow. 

"Wag kang lalabas basta ha? Pasama ka kay Auntie or itext mo ko kung saan ka pupunta." Sunod-sunod kong bilin sa kanya.

"Saan ako pupunta?"

"Baka maisipan mo lang lumabas."

"Okay.." At bumalik na siya sa kwarto namin na bagsak ang magkabilang balikat.

Kung pwede lang siya isama eh.

Hindi ko rin alam anong pumasok sa akin at naisipan ko pumunta sa mga ganitong event sa bars. Inaya lang ako ng isang beses nung katrabaho ko tapos.. ewan ko na. Nag-enjoy ako sa totoo lang.

Lately kasi napapaisip ako sa buhay ko.

College grad nga ako.. hindi naman lisensyado. May trabaho pero.. hindi kuntento.

Ewan ko rin.

I want something more for myself.

Para akong nakukulangan na hindi ko maintindihan. Parang may gusto akong gawin para may marating sa buhay pero hindi ko alam kung ano. Ang pinaka-weird pa, gusto kong may mangyari overnight, instant result pero wala naman akong ginagawa.

Ugh.

I don't want to wait tables for the rest of my life, that I'm sure.

And I still don't know if I'm doing everything right.

But whenever I'm up there? It doesn't matter.

It might be just singing for other people pero para sakin.. that's my five minutes. 

No responsibilities, no worries. Just me.

I love my sister but I need my 5 minutes to keep going. Limang minuto lang naman hinihingi ko, di naman selfish 'to, diba?

"You're Taeyeon?"

'Stranger danger! Stranger danger!'

Parang sumigaw sa utak ko si Minjeong. Ano ba yan.

Tumabi sa akin ang isang lalake.

Di hamak na mas matanda sa akin ng ilang taon. Naka-white t-shirt at may nakapatong na tweed coat.

Medyo out of place si ser kung tutuusin.

Ang ayos ng porma niya kumpara sa amin na casual ang suot. Parang galing pa siyang meeting at naisipan lang niya dumaan dito para maki-cr or makiinom ng tubig, ganyan. Wala sa plano niya ang makihalubilo.

Umorder siya ng isang bote ng beer.

"I'm Mr. Lee." He offered his hand na tinitigan ko lamang.

I smiled timidly.

"You were amazing."

Jusmio.

Hindi po ako naghahanap ng sugar daddy!

Di kita type, ser!

At kung anu-ano pang compliments ang sinabi niya sa akin. 

Ganda daw ng technique ko, ang galing ko daw mag-control ng boses, nag-voice lessons daw ba ako. At mukhang nag-enjoy daw ako habang kumakanta. Siguro highest level of compliment na sinabi niya is --

'My daughters will love you once they hear you sing.'

Medyo nakakatouch kasi not only he complimented me, dama ko yung pagmamahal niya sa mga anak niya. Weakness ko talaga kapag usapang pamilya eh.

Pero.. kahit ganoon man..

Ayaw kong maging kabet!

Gagawin pa kong beautiful stepmother!

No, thank you!

Hindi ako uuwi sa kapatid ko na at ibabalita na magiging tita na siya!

Etong si kuya bartender, kanina ko pa tinititigan para tulungan akong mapaalis si ser. Medyo manhid siya tonight kasi hindi niya magets.

Para san pa na linggo-linggo akong nandito!

Paano ba mag-bounce sa ganitong sitwasyon?

"I own a record company, by the way.." Humampas ako ng lingon sa kanya sa gulat. Natawa siya. "Here's my card." Tinitigan ko lang ang calling card na hawak niya. When I didn't take it, he placed it near my hand, careful not to touch me sa takot na baka sumigaw ako dito.

"Give me a call if you want to talk.." He looked at the bottle I was holding. ".. best when you're sober. I'll be around town until Friday."

And just like that, he left. His bottle of beer was untouched.

I picked up the card, and true enough.. ARC Records.

By the time I turned para habulin sana siya, he's gone.

What just happened?

 

 

 

-----

 

 

 

"I feel like I'm failing as a sister."

I sighed.

Friday night.

And Friday night means.. date night.

Pero heto ako, nagmumukmok sa gilid ng kama.

Tiffany paused the movie and scooted closer. She wrapped her arm around my waist, leaning her head against my shoulder. I placed my arm over hers.

"Five minutes. Go." Magaan niyang tinapik ang tiyan ko as cue.

Tumingin ako sa kanya.

Ngayon nagsisisi na ako.

We haven't seen each other for a month because of our schedules. She was preparing for a play at ako naman, may road shows scheduled in 2 weeks. Matagal ulit bago kami magkita kaya ginawan talaga namin ng paraan na magkita today.

Miss na miss ko siya pero eto, problema ko pa topic namin when we should enjoy our short time together.

Napipikon pa rin kasi ako.

Medyo nagkasagutan kami ni Minjeong bago siya umalis.

"I'm sorry.." Nahihiya kong sabi. "We can talk next time."

She gently turned my head towards her. "Hey.. it's okay."

Hay, buhay.

Over the course of time, nag-evolve yung definition ng five minutes ko. Dati gusto ko lang huminga pero ngayon, gusto kong magsabi ng masasamang words.

Sana joke pero hindi.

Years have passed and the greatest decision I've ever made was calling Sir Lee.

Yung -180 life degree namin ni Minjeong, naging +180 in a snap.

I bought a house for us when we finally decided to move here to New York. Yung dating 5 minute rest ko, career ko na. We're financially stable, finally. We met lots of people, may nag-stay and mayroon naman na dumaan lang.

One of the people that stayed?

That would be her.. Tiffany.

She is my confidant, my best friend, and my rest. My all-in-one five minutes. She's someone I rely on everythi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
hermitinthemaking
Sorry late ng 1 hr :( lola niyo tinamaan ng flu. anywayzz...... hope you enjoy this one! tamang laro laro muna tayo. THANK YOU ULIT AND MERRY CHRISTMAS, EVERYONE!!!

ps. inom kayo vitamins and maraming water. flu seazon is here

Comments

You must be logged in to comment
Sakunako08 #1
Tor, ae1 naaaa
kmtyn309
#2
balik ka na pi pls :(
longgadog #3
hi…
kmtyn309
#4
Chapter 59: tor, miss u po.
Azikiel #5
Chapter 59: Wala na kasunod po? Sure na? huhuhu
M_1412 #6
Chapter 59: WHAHAHHAHA MAY PA SUSPENSE ANG HALLOWEEN
Grabe ka na giselle, halata kayo teh WHAHAHAHAHHA
Isa ka pa kars, down bad na down bad
Miss ko na sila agad huhuhuhuhu
M_1412 #7
Chapter 58: Huhu I love them so much, na attach na talaga ako. Ako na ata yung may sepanx
M_1412 #8
Chapter 56: Grabe ang saya lang nung outing nila huhu, want q rin magkaron ng ganong outing with friends and future bebe. Super kulit ni W WHAHHSHAHAHAH, sige te i overthink mo bakit nakasalawal ka lang
Sakunako08 #9
Tor, done na valentine’s 😭
jigujellyyy #10
miss u