- 5 -

Bahaghari (editing)
Please Subscribe to read the full chapter

Medyo madilim pa ngayong naglalakad ako papunta sa school. Maaga kasi kaming pinapunta dahil gusto raw ni Sir Danny na maganda maging impression samin ng ibang schools.

 

Kakarating ko lang at narinig ko naman ang mapang-asar na boses ni Ryujin, "Wow nag-papaimpress. Bakit Sir, may type ka bang teacher dun?" Sabi niya kay Sir.

 

Sabay-sabay naman kaming nag-"uy" kaya agad kaming sinaway ni Sir. Natawa nalang siya dahil sobrang energetic daw namin kahit sobrang aga pa.

 

Sobrang excited ako, last week kasi nagkaroon ako ng realization na baka crush ko si Ate Karina. Keyword, "BAKA". Hindi kami nagkatext masyado nung sembreak dahil umuwi rin siyang province nila pero hindi ko naman nakalimutan na magtext sakanya. 

 

Pinasakay na kami sa minibus na maghahatid samin sa SMHS, dun kasi laging nagaganap yung leadership training dahil malaki yung school and medyo mayaman din kaya walang fee. Kaya swerte talaga kung makakasama ka rito dahil maganda talaga yung preparations lagi and yung activities. Dati di ko pa naaappreciate yung mga ganito pero nung napag-usapan namin ni Ate Karina, grabe pala yung effort nilang SSG dito at yung effort nung mga dati pang leaders.

 

Sa bandang harap ako umupo para mabilis akong makababa dahil excited talaga ako. Si Ningning naman yung tumabi sakin at nasa likod namin si Ryujin at Heejin.

 

"Excited ka talaga makita crush mo noh? Umayaw ka pa nung una ah." Bulong sakin ni Ningning.

 

Nag-init agad mukha ko, wala pa naman akong sinasabihan nung tungkol kay Ate Karina pero mukha kilala na ako nito ni Ningning. 

 

"S-Sinong crush sinasabi mo dyan?" 

 

"Si Ate Karina, duh." Biglang sabat naman ni Ryujin sa likod.

 

"Gago, Minjeong?? Crush mo si Ate Karina? Kaya ka ba sumama?" Napalakas yung pagkasabi ni Heejin kaya nagtinginan samin yung iba naming kasama at pinag-aasar na ako.

 

"Anong nangyayari?" Sabi ni Sir Danny na kakapasok lang ng minibus.

 

"WALA SIR!" Tumayo ako at napalakas yung pagsagot ko. Jusko, ayaw ko naman na pati teacher namin kilala crush ko.

 

"Sinisigawan mo ba ako Ms. Kim?" Nilakihan ako ng mata nito kaya napaupo ako agad.

 

"Mga 30 mins ang byahe natin kaya pwede kayong matulog muna." Tumingin naman ito kay Manong Driver. "Pwede na po tayo umalis."

 

---

"Minjeong, gising na." Napadilat ako agad ng mata at tinignan ang paligid. Nakarating na pala kami.

 

Bumaba ako agad at grabe... Sobrang laki ng SMHS!! Kung malaki yung JPHS, mas malaki pa itong SMHS. Pumasok kami agad sa loob at isa pang grabe! May mga nag-aabang na sa harap na mag-bibigay ng breakfast. Pumunta kami agad para pumila kasi mga gutom na kami. Pancit, tinapay at tubig yung binigay sa amin. Nagpasalamat kami at pumasok na dun sa room kung saan magaganap yung opening program at yung mga seminars. Nakaalphabetically arranged yung mga schools kaya kami yung third to the last. Sa pinakalikod naman yung SMHS pero onti palang sila dun.

 

"Kumain ka na nga lang dyan, Minjeong! Baka mabali leeg mo dyan kakalingon. Wala pa raw si Ms. President." Sabi ni Ryujin na nasa tabi ko na ngayon. Bago ako kumain naalala ko na hindi ko pa pala natetext si Ate Karina kaya nilabas ko agad yung phone ko.

 

Minjeong: Good morning, Ate Karina! Nakarating na po kami. Thanks po sa pa-breakfast niyo hahaha. Kain kana rin po. Wag po magskip, bad yun!!! XD

 

Yumuko na ako at kumain na. Sana naman hindi nila ako asarin kay Ate Karina. Ayaw kong malaman niya na BAKA crush ko siya. Baka biglang hindi na niya ako reply-an or baka i-unfriend ako sa facebook or baka i-block ako or baka--

 

"JI - MIN! JI - MIN! JI - MIN!" Nagulat ako sa biglang sabay-sabay na pagchant ng mga tao sa loob ng room. Nakikichant din 'tong sila Ryujin kaya nakisali nalang ako. Sino ba yung Jimin na yun?

 

"Huy, Ryujin." Busy parin siya sa pagchant.

 

Kinalabit ko siya, "Huy, sino ba yun?" Tanong ko.

 

Tinignan ako nito ng masama. "Hindi mo alam buong pangalan ng crush mo?" 

 

Clueless naman akong napatingin sakanya. Crush? Sinong crush sinasabi nito?

 

Tinuro niya yung taong palapit na nang palapit sa pwesto namin. Hindi ko alam pero parang tumigil yung paligid. Sobrang ganda talaga niya. Nung nakita ko kasi siya nung sa Math Contest nakamake-up siya at nakalugay yung buhok. Ngayon ay nakatali ito at walang bahid ng make-up sa mukha.

 

Naramdaman kong tinaas ni Heejin yung bibig ko. "Konti nalang tutulo na laway mo."

 

Hinampas ko kaagad siya pero chineck ko rin baka nga may tumulo na. Natawa naman sila sa ginawa ko, napasobra yung lakas ng tawa nila kaya napalingon samin si Ate Karina. Kasabay nung paglingon niya ay yung pagyuko ko. Nakita ko namang yumuko rin 'tong mga kaibigan ko.

 

"Gago bakit kayo nakikiyuko?" Bulong ko sakanila.

 

"Eh gago bakit ka ba kasi yumuko?!" 

 

"Tumingin kasi dito si Ate Karina." Sabi ko at unti-unting umupo na sa lapag.

 

Sabay-sabay silang nag-angat ng ulo at kinutusan ako.

 

"Para kang tanga, Minjeong. Nagkakatext naman kayo bakit ka nagtatago?" Tanong ni Ningning sakin.

 

Sa totoo lang hindi ko rin alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko.

 

"Nahihiya lang ako sa mga sinabi ko sakanya." Pagpapalusot ko.

 

Napaupo na ulit ako sa upuan ko nung nagsalita na yung Emcee sa harap. 

 

"Good morning, aspiring leaders!" Sabi nung babaeng Emcee. Mabilis naman naming binalik ang masigla niyang pagbati.

 

Giselle Uchinaga yung pagpapakilala niya, siya naman yung secretary sa buong SSG tsaka taga SMHS din siya. Mukhang close sila ni Ate Karina dahil nakita ko lagi silang mag-katabi at nag-uusap. Pinakilala na niya ngayon yung guest speaker para sa first seminar. Yung topic is "Balancing Your Commitments", since students palang daw kami kailangan daw naming matutong i-balance ang studies namin at commitments sa pagiging leader or mga commitments outside ng school. We should not overpromise and underdeliver sabi nung speaker. 

 

Natapos ang unang seminar and may 15-minute break kami. Tumingin ako sa likod dahil nakita kong pumunta doon si Ate Karina. Kinabahan ako nung nakita kong papunta siya sa kinauupuan namin kaya mabilis akong lumabas ng room at pumunta ng banyo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam kong ang bilis ng tibok ng puso ko. 

 

"Minjeong?" Narinig kong tawag ni Ningning sa labas ng cubicle.

 

"Oh? Teka umiihi ako." Sabi ko sabay nagflush kahit hindi naman talaga ako umihi.

 

"Hinahanap ka sa amin ni Ate Karina. Nagulat ako wala ka na pala sa tabi ko." Hinampas naman ako nito bigla. "Leche ka. Hindi ka man lang nagsabi."

 

"May I go out? Ayan, okay na ba?" Pang-aasar ko.

 

"Pero bakit daw ako hinahanap?" Tanong ko at dumiretso na sa sink para maghugas ng kamay.

 

"Walang sinabi e. Kausap niya si Heejin nung umalis ako para hanapin ka." 

 

Mabilis akong lumingon sakanya nung sinabi niya 'to. "Anong pinag-usapan nila?"

 

"Chismosa ka? Umalis na nga ako nung nagkausap sila diba." Natatawang sabi niya.

 

"Ah. Sige. Tara na balik na tayo."

 

Kumuha muna kami ng pagkain bago kami bumalik at nakita namin nandoon na pala yung susunod na speaker. Pinipilit kong huwag tumingin sa mga lugar kung saan pwede mapunta si Ate Karina. Nakahinga ako ng maluwag nung nakaupo na ako dahil hindi ko pa talaga kayang makausap siya... Pero syempre gusto ko.

 

Ang sumunod na topic ay "Effective Listening Strategies." Bagsak na ako agad sa topic dahil ngayon ay hindi na ako nakinig. Nag-check kasi ako ng phone ko, tinignan ko baka nangungumusta si Mama at gusto ko rin tignan kung nagtext din si Ate Karina. Nakita ko naman na nagreply siya sa text ko kanina kaya binasa ko agad.

 

Ateng Maganda: Hi, Winter! Naunahan mo pa akong president huhuhu. Bumili pa kami ng snacks for later. Hindi nabili ng inutusan ko. Kaya sobrang nagpanic ako sobrang aga pa naman ngayon and I don't know if may bukas na stores na. Sorry dami ko na sinabi. I'm just worried huhuhu. See you soon :))

 

P.S. Nagbreakfast ako kahit nagpapanic hahahahaha!

 

Natawa ako sa P.S. niya, kaya napatingin sakin sila Ning.

 

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Sabi ni Ryujin at pilit na sinisilip cellphone ko.

 

"'Wag mong sabihin na magkatext kayo? Gago ang weird mo kung ganun." Dagdag naman ni Ning.

 

"Makinig na nga lang kayo. May nabasa lang ako!" Pagsasaway ko sakanila.

 

Hindi na naman sila nag-usisa pa at bumalik na ang atensyon sa speaker sa harap. Mga dalawang oras din ang nakalipas at lunch break na ngayon. Pumunta si Ate Karina sa harap para i-announce kung saan kukuhain yung food.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
crossjmj
Just wanna tell you guys na i'm currently working on chapter 7 :D coz i jgh frm work hehe and idk if tulog na kayo so, post ko nalang siguro mga 8am PHT? ((: (if matapos ko) HAHAHAHA vale~!

Comments

You must be logged in to comment
kgsbjh #1
Chapter 14: yung echos ni minjoo mukhang may totoo eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kklavs #2
Chapter 6: si sis umayos ang typings ng si ate ganda ang kausap
taglamig_lang
#3
Chapter 13: Karina sabi mo mmessage mo?
yujinergetic_ #4
Chapter 12: KARTOP 🔛🔝
taglamig_lang
#5
Chapter 12: ay may assurance, shet go winter e discover mo na ng tudo ang iyong self!! please kartop
cleofierayne 14 streak #6
Chapter 12: WHAAHAHAHAHA AYAN KAKASELPON MO YAN! Gagi kinorrect ni Kars na friendly date lang yun hahahahaah grabeng amats talaga yan sayo Win. 😭🤣🤣
Psykotato 13 streak #7
Chapter 11: Owemji kartop nga fkfjdkssjsnsn
Psykotato 13 streak #8
Chapter 9: Dear mga hatdog,
Please lang wag kayo panira sa love story ng mga baby accla namin
kwinterrr_
#9
❤️
Psykotato 13 streak #10
Chapter 7: Lola, what if sumunod ka na kay lolo asap