Journey
ByaheHabang binabaybay namin ang daan papuntang Baguio, hinayaan ko ang sarili kong pumikit at makinig ng kanta sa aking cellphone. Iba kasi talaga kapag nakatingin ka lang sa bintana at pinagmamasdan ang tanawin habang umaandar ang sasakyan. Kasama namin ngayon sila G at Ning. Si G ang nakatokang mag drive. Syempre si ate mo Ning, nandun sa passenger side. Ayaw humiwalay sa jowa eh.
Ako ay nag mumuni-muni ng makaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi. Tinanggal ko ang earphones ko at lumingon sa aking tabi. Doon ko nakita ang isang anghel. Siya ang aking my loves <3. Swerte ko kasi nakilala ko siya and swerte din siya kasi minjeong na to oh! Aangal ka pa ba? hehehhe. Umayos siya ng pwesto at sumandal saakin. Hinayaan ko siya at mas inayos ang pwesto niya para mas mahimbing ang kanyang tulog. Pinagmamasdan ko lang ang maamong niyang mukha na never na nakakasawa. Hindi ko alam kung kakampi ko ba ang tadhana o ano kasi saktong sakto yung pag play ng music sa radyo.
Sandal ka muna sa’kin, malayo pa ang byahe natin
Matulog ka na lang, antukin. Hindi na kita guguluhin
Halatang pagod itong kasama ko. Pano ba naman kasi nakipag laro ng habulan nung nag rest stop kami. Kinuha kasi ni Ningning yung neck pillow niya.
At kung mapagod ka, andito lang ako
Sumandal ka sa mga balikat ko
Isang biyaya ka sa mundong ito
Na iingatan ko ng buong puso ko
Sobrang swerte ko talaga sakanya. She always make sure na I'm okay. She also values quality time so much. Hindi yan papayag na hindi kami sabay kumain or kapag aalis naman atleast daw may update ganun. I remember one time na nakatulog siya ng tanghali, eh tomguts na ako, nauna na ako kumain. Jusko! halos lumuhod ako para patawarin ako. Pero ayun
Comments