Epilogue

Pink Cheeks
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

Asan na ba si Rina? Kanina ko pa siya hinahanap. Hindi din siya nagre-reply sa mga text ko. Ang sabi niya lang bago siya umalis ay bibili lang siya sa Burger King. Halos thirty minutes na ata siya doon. Malapit na dumating si Ate pero wala pa din siya.

 

Nasa NAIA kami ngayon dahil susunduin namin si Ate. December kasi, kaya madaming tao ngayon. Ang daming umuuwi. 

 

"Puntahan mo na kaya?" Sabi ni Kuya sa akin nang makita niyang hindi ako mapakali sa upuan ko, "Babantayan ko upuan niyo."

 

Dahil nga madaming nag-aabang, madami din nag-aagawan sa upuan. Ayos lang naman na tumayo ako, pero si Karina kasi, baka mangalay. 

 

Pumunta ako sa Burger King. Ang dami din palang tao. Pag-pasok ko ay natanaw ko agad ang girlfriend kong nakapila. Pangatlo siya sa linya.

 

It's almost a year since we became official. Ilang months nalang anniversary na namin. 

 

It was May 7 when she asked me to be my girlfriend. 

 

Hinding hindi ko makakalimutan 'yon.

 

"Babe." Tawag ko, agad naman siyang lumingon. "Ako na pipila diyan, upo ka nalang somewhere." Sabi ko at tumabi sa pwesto niya.

 

She shook her head, "It's fine. Wait for Ate Taeyeon nalang."

 

Ngayon lang din makakapag-bakasyon si Ate sa Pilipinas ulit. Hanggang January lang siya, papalagpasin lang ang birthday ko. After ilang years ay makakauwi na ulit si Ate. Nasabi ko na din kay Tita 'yon.

 

Ngayon ko nalang ulit mararanasan ang pasko nang kumpleto kami. 

 

Kasama pa namin ang pamilya ng girlfriend ko.

 

Tita invited us to celebrate Christmas with them. Ang saya lang. Rina's family considers us as their family too.

 

We waited for another thirty minutes bago namin nakita si Ate. Naubos na din namin ang pagkain dahil magtatanghalian na, at gutom na kami.

 

"Gutom na gutom na 'ko! Buhatin mo nga, Key, napaka-bigat." Reklamo ni Ate pagka-salubong namin sa kaniya, agad na nag-liwanag ang mukha niya nang makita niya sa tabi ko ang girlfriend ko. "Karina!" Tawag niya dito at niyakap ito nang mahigpit na akala mo siya ang kapatid.

 

Tumawa lang ang girlfriend ko, "Hi, Ate..." She said, "Kamusta po ang biyahe?"

 

"Nakakaloka! Hilong hilo ako, at gutom na 'ko at the same time," Reklamo nanaman niya, "Hoy, Minjeong. San tayo kakain?" Bati niya sakin nang makita niya ako at niyakap ako sandale, "Ang laki mo na...! Na-miss kita." Nanggigigil na sabi niya at pinisil pa ang pisngi ko.

 

"Aray!" Reklamo ko at tinignan siya nang masama, "Miss you too s-siguro." Umiwas ako ng tingin.

 

Nakita ko ang palihim na ngisi ni Rina. Alam niya kasing 'di kami ganito ni Ate. 

 

Matapos niya akong guluhin ay si Kuya naman ang inasar-asar niya. Si Kuya na ang may bitbit ng handcarry ni Ate at siya na din ang nagtutulak ng maleta nito. Display lang talaga kami dito. Dumating kami sa kotse at nag-presenta na akong mag-maneho, sa shotgun umupo si Karina siyempre. 

 

"San mo gusto kumain, babe?" Tanong ko sa kaniya as she settled sa upuan niya, "What do you want?" I gently asked her as I kissed the back of her hand.

 

Sakto ding pumasok sila Ate at nahuli pa akong hinahalikan ang kamay ni Rina. Agad naman kaming tinukso ni Ate. 

 

"San nga tayo kakain? Hindi ka mabubusog sa landi ha." Natatawang sabi niya.

 

Pareho kaming namula ni Rina. Si Ate kasi! Kung ano anong pinagsasabi. 

 

Si Kuya ang sumagot, "Mag pa-unli ka naman. Yakimix o Sambo Kojin." Pag-paparinig niya, "Habang malapit tayo sa MOA."

 

Kumunot ang noo ko, "May Sambo Kojin ba sa MOA?"

 

"I think sa Southmall ata." Sagot ni Rina, "Doon ba, Kuya?"

 

"Oo. Doon nalang, 'Te." Pag-kumbinsi niya kay Ate.

 

"Ikaw ba, Rina? Saan?"

 

Akala mo talaga kapatid oh.

 

"Kahit saan naman po, Ate." Nahihiyang sabi niya.

 

In the end, nasunod si Kuya. Nasa Southmall kami ngayon at nakapila sa Sambo Kojin. Medyo madami din kasi ang tao dito. Pati sa department store grabe! Next next week kasi ay pasko na, madaming namimili ng mga gifts.

 

Speaking of gifts, may regalo na 'ko sa girlfriend ko. Hehe.

 

First day na first day ng December ay nagpasama ako kay Ryujin bumili.

 

"December 1 palang?! Ang aga aga pa, Jeong." Inis na sabi ng bagong gising na si Ryujin, "Mag-pasama ka sa iba." She said.

 

I sighed, "Bili na...! Bumili ka na din kay Yej." Pag-kumbinsi ko.

 

Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya, "Saan ka ba bibili at bakit kailangang sobrang aga pa?!" Inis na sabi niya, "'Di ba pwedeng after lunch nalang?" 

 

"Hindi." I said, "Sunduin kita ha, alis na 'ko." Sabi ko bago ibaba ang tawag.

 

I texted Rina muna bago ako umalis. Pero kagabi palang ay nag-paalam na ako. Alam ko namang tulog pa siya. Late kasi ang gising niya tuwing walang klase.

 

Kakasimula palang ng ber months ay nag-iisip na agad ako ng regalo para sa kaniya. Sana magustuhan niya...

 

You see, my girlfriend developed a new hobby. Nahilig siya sa mga plants. 

 

Isa na siyang plantita. 

 

Nagsimula kasi 'yon nung binigyan ko siya ng succulent.

 

Hanggang sa dumami na ang mga halaman niya dahil sa sunod-sunod na ang pag-bili niya.

 

Pupunta kami ngayon ni Ryujin para mag-enrol sa class for pottery. 

 

"Siguraduhin mong ililibre mo 'ko ng lunch ha." Bungad ni Ryujin pag-sakay niya sa kotse, "Da't si Heejin nalang sinama mo."

 

I chuckled, "Nasa probinsya si Heej diba."

 

Sumandal siya at pumikit, "Gisingin mo nalang ako pag andiyan na tayo."

 

"Kain pa kayo, Rina. Sayang ang ibabayad natin." Sabi ni Ate nang makita ang mabagal na pag-kain ng girlfriend ko.

 

I rolled my eyes kay Ate, "Wag ka nga mag-madali, 'Te." Saway ko, "Mabagal talaga kumain si Rina." 

 

Rina just chuckled, "Susulitin ko po," Natatawang sabi niya, "You should eat more din, Ate." 

 

Ang totoo niyan ay naka-ilang balik na kami ni Rina, utos kasi nang utos si Ate. Hindi din humihiwalay sa akin si Rina dahil nahihiya siya maiwan kasama si Ate. Tamad na tamad kasi si Ate na tumayo kaya bilang bunso, sa akin inuutos.

 

"Babe, ano gusto mo?" Tanong ko sa nakakapit sa akin na jowa ko, "Mag-rice ka pa ba?" 

 

"No na..." She said habang iniikot ang paningin sa buffet, "Parang gusto ko nalang mag grill ng shrimp." Kinuhaan ko siya ng bagong plate para mag-lagay ng raw shrimp doon at iba pang mga meat.

 

Naka-ilang balik din kami for dessert. Enjoy na enjoy kami sa cake, ice cream, and parfaits. Halos lahat ata ng parfait ay natikman namin ni Karina. She even tried the cherry kasi I dared her to do it. In the end ay hindi pa din niya gusto kasi lasang gamot daw. 

 

Ryujin

 

Ryujin: Jeong, kailan ulit tayo?

 

MJ: Bukas na.

 

Ryujin: Sinundo niyo nga pala si Ate mo noh? Sayang. Gusto ko na ulit pumunta.

 

MJ: Hahaha! Nag-enjoy ka noh?

 

Ryujin: Bwisit ka kasi. Hahaha. Nagtataka na nga si Yej kung bakit palagi tayo umaalis eh.

 

MJ: Si Rina din. Nagtatanong na kung bakit palagi ako nasa QC.

 

Ryujin: Hahaha! 

 

MJ: Bukas na ah. Maaga ulit tayo.

 

Ryujin: Sige.

 

Ryujin: Sama natin si Heej, baka mag-enjoy din.

 

MJ: Sige.

 

Ryujin: Excited na 'ko. Hahaha, gusto ko na gumawa ng mug.

 

MJ: Mug naman? Hahahaha! Baka makumpleto mo na mga plato at baso diyan sa inyo.

 

Ryujin: Ayon nga ang goal ko.

 

Hindi ko na napigilan ang pag-tawa ko sa sinabi ni Ryujin. 

 

Naramdaman ko ang pag-yakap sa akin ng girlfriend ko mula sa likod. 

 

"Who's that?" She whispered as she hugged me tighter.

 

Agad kong pinatay ang phone ko dahil baka mabasa niya ang pinag-usapan namin ni Ryu, "Si Ryujin lang."

 

Umikot ako para mag-harap kami. She scrunched her nose and crossed her arms, "Speaking of Ryu, palagi kayo mag-kasama..." She said, "Sa QC din?"

 

Nagdududa 'to.

 

"Yes, babe." Sagot ko at hinapit siya palapit sa akin, "May inaasikaso lang kami." Nilawakan ko ang ngiti ko para kita ang dimple ko.

 

She scoffed, "You're purposely showing me your dimple, ano?" Mataray na sabi niya, at kinurot ang pisngi ko. "Pasalamat ka cute ka." Gigil na sabi niya before she leaned down and gave me a q

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
einjie_GF
#1
Chapter 15: 💙💙💙
einjie_GF
#2
Benggg,,, start startt
bigboy123
148 streak #3
📖📖👀👀
Wemon_ #4
Chapter 15: awwww:((( it was a good read. thank you for this story author!! ang cute nung story
Wemon_ #5
Chapter 14: mga bading mga bakla
Wemon_ #6
Chapter 11: hngggg naknampusa
Wemon_ #7
Chapter 10: approved naman pala kay mother🤩
Wemon_ #8
Chapter 9: HAHAHAHAHAHAHA andaming sinabi ng mama nya e
Wemon_ #9
Chapter 8: baby😭😭😭 btw epal nyang pinsan ni win
Wemon_ #10
Chapter 7: ang cute cute nila euueueueueueueue i like the song choices huhubells